CHAPTER NINE "Psh! Kunwari ka pa. Patay na patay ka din naman pala sa'kin" aniya habang nakatingala't hawak ang sariling batok. Idiniretso niya ang tingin sa'kin at ngumisi. Bwisit! Tinalikuran ko siya at nag simulang mag lakad palayo. "Sandali lang, girlfriend ko!" tawag niya. Lumingon ako sa kanya ng kunutan ang aking noo. Anong girlfriend? Hindi niya ba gets kung bakit sinabi ko iyon? Kung hindi niya na-gets pwes ang slow niya! "Manahimik ka kung gusto mo pang huminga't masikatan ng araw!" inis kong sabi. Inalis ko ang tingin sa kanya at nag simula ulit mag lakad nang mapa-singhap ako sa gulat nung pumwesto siya sa tabi ko at akbayan ako. Nilingon ko siya pero sa pag lingon ko ay ikinagulat ko ang bigla niyang pag lapit ng mukha sa mukha ko. Siniko ko siya subalit hindi ito nag pati