CHAPTER TEN "Lyan, ano nga pala yung tungkol kanina? May kinalaman ka ba do'n? Isa pa, anong ensayo ang sinasabi ni Warren? Hindi ko nagawang makapag tanong sayo kasi natulog ka" sunud-sunod na tanong ni Jennifer. Nandito kami ngayon sa Canteen. Sumama akong kumain sa kanila ni Rachel. "Basta" tinatamad akong mag explain. "Kahit kailan talaga ay napaka sarap mong kausap. Ano nga yung sinasabing ensayo ni Warren? Dali na sagutin mo na. Nakaka-curious kaya!" I rolled my eyes and sighed at the same time, "Sumali ako sa gang nila" "S-Sumali ka sa kanila?" paninigurado ni Rachel. Ibinaba ko ang hawak na iniinom at tinignan silang dalawa na bakas ang pagkagulat sa ekspresyong ipinapakita. I give them a look as if I'm only looking at a blank wall. "Hindi nga?" naniniguradong tanong din ni J