=☆=☆=【Ryan's POV】=☆=☆=
=Highland Valley=
It's so odd. Ngayon lang ako naka encounter ng karakter na parang may sariling isip. And paano niya nabigyan ng pangalan ang sarili niya?
"S-Sorry. I'm Ryan, Ryan Hawke Daneston." pagpapakilala ko sa kaniya. Wait, is she crying? I've never seen a character that cries. Paano nangyaring ang karakter na ito ay mayroong pakiramdam na kagaya ng mga ordinaryong tao? Lumingon-lingon muli ang babae at lalo itong umiyak. "A-Are you okay?" pagtatanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako at umiling bago tumakbo papalayo.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan na lang ang babae. "Wait, Selena!" Pagtawag ko sa kaniya habang tinatakbo niya ang abalang daan ng shadow bazaar.
Kailangan ko siyang maabutan bago pa siya tuluyang makapasok duon. Huling minuto na lang ay maglalaho na ng parang bula ang shadow bazaar at ang lahat ng papasok o matitirang mga tao sa lugar na iyun ay kasamang maglalaho nito.
Buti na lang at nahablot ko ang kamay niya bago pa ito makapasok. "Bitawan mo ako." ani niya habang nagwawala sa aking pagkakahawak sa kaniya,
"Just watch." wika ko naman sa kaniya habang patuloy kong hawak ang kaniyang kamay.
Makaraan lang ang ilang segundo ay tuluyan ng naglaho ang shadow bazaar at ang paligid ay tuluyan ng nagdilim. Natigil siya sa pagkakaiyak at napaatras ng bahagya. Pinanuod ko lang ang reaksyon niya. Pinag-aaralan ko ang mga emosyon at aksyon na kaniyang pinapakita. She's showing a lot of emotions right now. Nakikita ko ang mga emosyon ng Gulat, takot, lungkot. Pero mayroon akong nadarama na ikinalungkot ng puso ko. I can sense her grieve. Habang inaaral ko siya ay bigla ako nitong niyakap at ang parte ng aking pang-itaas ay unti-unting nababasa. Ang kaniyang kalungkutan ay tila ba nadarama ko rin. What the hell is going on? Bakit parang nalulungkot din ako?
"Ryan! What's going on?" hingal na pagtatanong sa akin ni Chad.
Napatingin siya sa nakayakap sa akin na si Selena at napangisi ito, "Kaya ka naman pala laging natatalo. Ang pagyakap agad ang itinuturo mo sa karakter mo." wika niya sabay hawak sa balakang ni Selena, "I also need a hug baby girl," hambog na pagkakasabi ni Chad.
Hinampas ng malakas ni Selena ang kamay nito. "Don't you dare ever touch me again." galit na wika ni Selena kay Chad.
Nagulat ito at napatingin kay Ryan. "Sino ka para bastusin ang isang prinsipe ng Kauffman Castle?" galit na sinabi ni Chad kay Selena sabay bunot ng kaniyang espada. Nakita ko ang galit sa mukha ni Chad. Buti ay nasalo ng kamay ko ang espadang papalapit sa leeg ni Selena. Namutla ang mukha niya sa takot na kaniyang naramdaman. Ang katawan nito ay nanginginig at tila ba ay nanlalambot ang mga tuhod. Ang mga luha niya ay muling tumulo ngunit walang tunog ng pag-iyak ang maririnig. Nagpakawala lang ito ng ilang pag-hikbi.
"Bitawan mo Ryan!" inis na wika sa akin ni Chad. Sa sobrang pagtuon ko sa naging reaksyon ni Selena, hindi ko na napansin na nakahawak pa rin ako sa blade ng espada ng aking kaibigan. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang dugo ko sa sahig at pati na rin sa aking kilikili.
Binitiwan ko ito at muling napatingin kay Selena, "Are you okay?" pagtatanong ko sa kaniya at ipinagsawalang bahala ang sakit ng hiwa sa aking palad.
"Para saan yun Ryan? Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa karakter mo?" hindi ko pinansin ang mga salitang binibitiwan ni Chad at patuloy pa rin ako sa pagkakatitig sa mukha ni Selena. "Whatever, dude! See you tomorrow!" tinapik-tapik nito ang balikat ko bago tuluyang naglakad papalayo sa amin.
Naramdaman ko na mawawalan siya ng malay kaya napahawak ako sa kaniyang baywang at kagaya nga ng pakiramdam ko na mangyayari sa kaniya, hinimatay siya makaraan ang ilang segundo.
Binuhat ko siya at dinala sa aking kwarto. Nang maihiga ko siya sa kama ay duon na ako muling napaisip. Paano ko nalaman na hihimatayin siya bago pa ito nangyari? May kapangyarihan na ba akong makaramdam ng nararamdaman ng ibang tao?
Habang binabantayan ko siya ay bigla siyang nagising. Ewan ko kung bakit ako nataranta. "Hey! How are you feeling?" pagtaatanong ko sa kaniya,
Umupo siya at hinawakan ang ulo niya, "W-Where am I?" pagtatanong niya ng hindi dumudilat at tila pinapakiramdaman ang kaniyang ulo,
"Daneston Castle, in my room." sagot ko naman sa kaniya habang iminumuwestra ang aking kamay. Nakita ko nanaman ang hiwa sa aking palad. Hindi ko pa pala ito nalilinis. Tinalian ko nga lang pala ito ng isang makapal na tela.
"Patingin nga!" hinablot ni Selena ang aking duguang kamay at pinagmasdan. Tinanggal niya ang pagkakatali ng makapal na tela sa aking kamay at bumungad sa kaniya ang malalim na hiwa nito. Lumingon-lingon ito sa apat na sulok ng kwarto at ng makita niya ang nakasabit na medical kit, tumayo siya upang kuhain.
"Masakit ba?" pagtatanong niya sa akin ng dumampi ang telang malambot na pinatakan niya ng gamot sa aking sugat,
Umiling ako kahit na alam kong nagsisinungaling ako sa aking sarili. Syempre masakit pero hindi ko ipapahalata. Hindi ko nga alam kung kalaban siya o kakampi. Baka mamaya ay hindi pala talaga siya ang karakter ko at ipinalit lang siya.
Nang matapos niyang gamutin ang aking sugat ay binalutan na niya ulit ito ng isang malinis na tela. Pinunasan niya rin ang mga natuyong dugo na tumulo sa aking katawan.
"Bakit ang dami mong alam kahit kakagawa lang sayo?"
"Ano ba kasi yang sinasabi mo? Anong kagagawa lang sa akin? Paanong karakter lang ako? Nasa nobela ba ako?" Ang dami niyang katanungan na gustong malaman at ganoon din ako.
"Ikaw ba talaga ang karakter ko? Saan ka galing?" pagtatanong ko sa kaniya?
"Ikaw? Saan ka ba galing? Ano bang lugar 'to?" balik na pagtatanong niya naman sa akin,
"Wait lang! Parang nakakahalata na ako. Yung mga tanong ko binabalik mo lang sa akin." wika ko sa kaniya,
"Okay! So, I am not your character. I am a real person from Montalvon City." sagot niya naman sa akin. Montalvon City? I've never heard of that place.
"Okay? Hindi ko alam kung saan yang sinasabi mo but okay. Now answer my next question. Bakit ang dami mong kaalaman?" muli kong pagtatanong sa kaniya.
"Syempre matalino ako e. Kahit na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, lagi naman akong top dati." pagyayabang nito sa akin. "Oh, nasagot ko na yung mga tanong mo, yung akin naman ang sagutin mo." wika niya, "Sino ka ba talaga at anong lugar 'to?" pagtatanong niya sa akin,
"I'm Ryan Hawke Daneston from Highland Valley." sagot ko sa kaniya. "Nagtataka lang ako kasi kung hindi ikaw ang karakter ko, bakit nasa kwarto kita?"
"How would I know that? Basta nagising lang ako dito." sagot niya sa akin.
Katulad ko ay makikita mo sa kaniya na naguguluhan din siya sa mga nangyayari. Tumayo ito sa pagkakaupo sa kama at naglakad-lakad sa harap ko. Para bang ang lalim ng iniisip niya. At one point ay pinaulit-ulit niyang hinampas ng mahina ang kaniyang ulo.
Napatingin ako sa kulot niyang buhok at mata niyang hugis almond. Duon ay naalala ko ang sinulat ko sa mahiwagang papel.
Long curly hair, eyes shaped like an almond at..... Agad akong tumayo sa tabi niya na naging dahilan ng paghinto niya sa pabalik-balik na paglalakad. At height na hindi lalagpas sa akin. I'm 6'1ft and if I'm not mistaken she's around 5'9 ft.
"Ikaw nga ang karakter ko," hindi ko sinasadyang mag tunog excited,
"Eto nanaman tayo e,"
"Hidi ko alam kung paano ko mapapaliwanag sayo pero sure ako na ikaw ang binigay sa akin ng wizard na karakter." ani ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo at tinignan niya ako simula sa aking paanan pataas sa aking mukha. Napatayo lang ako sa isang gilid at tinitignan lang siya.
"Kung ayaw mong maniwala, edi huwag. Basta ay ite-train kita sa ayaw at sa gusto mo," ani ko sa kaniya sabay labas ng kwarto.