CHAPTER 6

1403 Words
AN: Natutuwa lang po ako sa mga patuloy na nag-aabang ng aking update, dahil sa inyo ay ginaganahan ako'ng magsulat. bukas pa sana 'to kaso may nag-aabang talaga ----------------------------------------------------------------------- LIA P.O.V Hinatid ako ni Aireen kahit pa ayokong pangumuwi, dahil gusto ko pag-uwi ko matutulog na lang ako dahil ayoko ng maalala pa ang sakit na naramdama ko. "Lia, ok lang ba? Pasensya ka na kasi alam ko naman hindi ka sana'y uminom." salita ni Aireen. "S-sige na, A-Aireen... Umuwi ka na kasi papasok na ako sa loob." sagot ko lang at pilit na kinukontrol ang boses ko. "Siya, sige. Good night, matulog ka na agad message kita mamaya." paalam ni Aireen at sumakay na ito sa kotse ng manliligaw niya. Sumenyas naman ako sa mga guard na isara na ang gate, halos hindi ko na gaano makita ang daan dahil nahihilo na ako talaga. Pero pilit kong inaayos ang lakad ko upang makarating ako sa pinto, pagbukas ko ng pinto nakita ko agad si Duke na galing sa kitchen. Tiningnan niya ako pero hindi ko siya pinansin, akala ko tatanungin niya ako kung saan ako galing pero balewala lang itong umakyat sa itaaas. Naiiyak na nagpunta ako sa sopa upang doon na lamang matulog dahil pakiramdam ko hindi ko na kayang umakyat pa. -------- Naalipungatan ako at biglang napatayo dahil nakaramdam ako na kailangan kong gumamit ng cr. Napansin ko na umaga na dahil medyo maliwanag na sa labas. Matapos ko mag-cr nagpunta ako sa kitchen upang magtimpla ng kape, pero nakita ko si Duke at napansin ko ang envelope sa table. Tahimik na naglakad ako at kumuha ng tasa at dahan-dahan ang pagkilos ko, nakikiramdam ako sa kaniya dahil hindi niya manlang ako sinulyapan. "Basahin mo 'yan at pirmahan mo na lang, kukunin ko na lang ulit sa'yo." Napakunot naman ang noo ko nang tingnan ko ang inaabot nitong envelope. Ayoko man kuhanin dahil pakiramdam ko kinakabahan ako sa mababasa ko kung ano man ang na sa loob. "Sa-sandali, Duke. Para saan ba 'to?" Kinakabahan na tanong ko at lumakas ang t***k ng puso ko. Hindi siya sumagot sa akin dahil busy siya sa hawak niyang cellphone, naisip ko na baka si Geraldine ang kausap niya. Ayaw ko man tingnan pero ginawa ko, nilaksan ko ang loob ko. Sinilip ko sa loob at kahit hindi ko pa lubos na nakikita ng buo ang papel sa loob, alam ko na. Annulment letter "D-Duke, kailangan ba talagang gawin natin 'to?" Naiiyak na tanong ko pero pilit na pinipigilan ko na huwag bumagsak ang mga luha ko. "Kailangan ko pa ba na sagutin 'yan, Lia?" nakaangat ang kilay na sagot ni, Duke. "P-pero.." salita ko. "Hindi ka naman masaya, tama? At gano'n rin naman ako. Isang taon na tayong nagsasama at hindi naman kita nabuntis, wala ng dahilan para patagalin pa natin 'to." seryosong salita ni Duke. "A-ayoko, mahal kita, Duke." mahinang sambit ko habang nag-uumpisan ng tumulo ang luha ko sa envelope na hawak ko. "Pinahihirapan mo lang sarili mo, noong una kitang nakita. Tingin ko sa'yo matalino ka, pero dito sa ginagawa mo hindi mo ginagamit ang utak mo. Hanggang kailan ko ba ipapaunawa sa'yo na hindi kita maaaring mahalin? Gusto mo ba na mas lalong masaktan?" Malakas na salita ni Duke sa akin na mas lalong bumuhos ang luha ko, naramdaman ko na ang pagtaas baba  ng balikat ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. "H-handa ako'ng m-masaktan, Duke. Nandito ka na sa akin at gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako." sagot ko na sa garalgal na tono. "Puwede ba, Lia. Pakawala na natin ang isa't isa, wala akong pananagutan sa'yo. Hindi ako worth it sa pagmamahal binibigay mo, dahil may sarili akong kaligayahan." salita pang muli ni Duke at tumalikod na ito, nagsimula ng maglakad. "Para sa akin, worth it ka." mahinang sambit ko. Nakita ko na huminto siya at naiiling na naglakad na palabas ng kitchen. Yumuko ako sa lamesa at dito nag-iiyak nang husto. Dahil kanina ko pinipigilan ang sobrang emosyon. Kahit masakit ang mga sinabi niya sa akin, ayos lang. Sinabi ko naman, Duke. Hangga't mahal kita dito ako sa'yo at hindi ko pipirmahan ang annul ment na 'to. -------- Maghapon akong ulit nagmukmok sa loob ng kuwarto at nag-iisip ng mga dapat kong gawin. Hanggang sa may kumakatok sa pinto, nagulat ako dahil wala naman akong inaasahan na bisita. At isa pa hindi naman siguro si Duke ang kumakatok. Dahan-dahan ako'ng bumaba ng kama at lumapit sa pintuan, nagulat naman ako dahil ang papa pala ni Duke. Nahihiyang napayuko ako dahil sa itsura ko dahil maga ang mata ko sa kakaiyak. "Bumaba ka at hihintayin kita," salita lang nito at tumalikod na. Napapaisip na nagpunta ako sa banyo upang maghilamos, nagpulbos rin ako upang matakpan kahit paano ang maga kong mata. Pagbaba ko naiilang na lumapit ako sa biyenan ko dahil ngayon lang ulit kami nagkaharap. "Kamusta naman kayo? Hindi pa ata kayo nagkakaanak?" Tanong agad nito pagkaupo ko sa kabilang upuan na katapat niya. Hindi naman ako agad makasagot dahil sa hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo o maglilihim na lang. "A-ah, ok naman po." sagot ko na medyo kinakabahan dahil sa istrikto na mukha nito. "Hindi na ako magtatanong pa dahil alam ko naman kung ano ang totoo, pero ito lang gusto kong itanong kaya ako nagpunta rito." wika nito at seryosong nakatingin sa akin. "Ha? A-ano po 'yun?" Nagtataka na tanong ko. "Gaano mo kakilala si Geraldine?" Tanong nito at tuwid na tumingin sa akin. Natigilan naman ako sa tanong ng biyenan ko at ang tagal bago ako nakasagot. "Kilalang-kilala po kasi magkababata ho kami," kaswal na sagot ko. Natahimik naman ito parang may malalim na iniisip. "Bakit niyo nga ho pala naitanong?" Lakas loob na tanong ko. "Ang sabi ni Geraldine tatlong taon na kayong hindi nagkita simula ng umalis siya sa lugar niyo, tama ba?" muling tanong nito. Napatango na lang ako at naguguluhan talaga ako kung bakit naitanong niya ito. Marahil gusto niya lang malaman ang iba pang impormasyon sa sana'y magiging manugang niya. "Bueno, ako'y aalis na. Huwag na huwag mong bibitawan ang asawa mo at gawin mo ang lahat para mahalin ka niya, at isa pa bigyan mo ako ng apo." salita pa nito at tumayo na. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ng biyenan ko, hatid tanaw ko na lang siya hanggang sa makalabas na ito. Napaupo na napapangiti ako sa tuwa dahil sa sinabi ng papa ni, Duke. Ibig sabihin ako ang gusto niya para sa anak niya? Isip ko habang nangingiti sa upuan. "Hoy! Babae! Ano'ng sinabi sa'yo ng matanda na 'yon?" Nagulat naman ako at napatayo dahil sa biglang pasok ni, Geraldine. Nakapameywang ito sa harap ko. "Bakit nandito ka? Saka bakit ginaganyan mo lang ang papa ni, Duke?" Hindi makapaniwala na salita ko sa kaniya. "I don't care! Sagutin mo ang tinatanong ko, baka akala mo porke dinalaw ka ng papa ni, Duke 'ay buto na siya sa'yo. Huwag ka ngang mangarap ng gising, Lia!" mapang-asar na salit nito. "Sandali, ano ba ang problema mo? At isa pa alam mo, Geraldine parang hindi na kita kilala dahil sa pinapakita mo na ugali." naiiling na turan ko sa kaniya at naglakad na ako upang balewalain siya. Nagulat ako ng hatakin nito ang braso ko pabalik sa harap niya. "Huwag mo ako'ng bastusin, Lia! Kinakausap pa kita!" sigaw nito at duro nito sa mukha ko. Tinabig ko naman ang daliri niya na kinagulat niya. "Huwag mo ako'ng dinuduro, Geraldine. Kaibigan lang kita kaya wala kang karapatana!" mariin na sagot ko. "Ang kapal mo talaga noh? Saan mo ba nakukuha yang kakapalan ng mukha mo, Lia? Halata naman na ikaw lang ang nasasaktan sa kagagahan na ginawa mo!" nakangising salita nito. Hindi na ako sumagot dahil ayoko ng humaba pa dahil magkakasakitan lang kaming dalawa. Muli akong naglakad at nilagpasan siya. "Huwag na huwag mong aakitin si Duke ko Lia. Dahil ako ang makakalaban mo at isa pa nga pala, nabasa mo na ang envelope na binigay sa'yo ni, Duke? Pakipiramahan na lang ah?" natatawang salita pa ni Geraldine. Napakuyom naman ako sa kamao ko at mabilis na naglakad paakyat sa kuwarto. Manigas ka Geraldine hindi ko 'yon pipirmahan, ngayon pa nakita ko kung ano ang tunay mo na ugali. Gagawin ko ang lahat para makalimutan ka ni, Duke at ipapakita ko sa kaniya na hindi ka karapat-dapat sa kaniya. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD