AN: Here na ang pov ni Duke at bahala na kayong humusga salamat pala ng marami sa mga patuloy na suporta niyo. Inspirasyon ko kayong lahat!
-------------------------------------------------------------------------
DUKE P.O.V
Kakagising ko lang dahil sa nag-alarm na ang cellphone ko, napuyat ako kagabi at pagod na rin dahil sa pamamasyal namin ni, Geraldine. Tumunog naman ang messenger ko at kinuha ko ito.
Geraldine Alfonso
Hi,Hon? Good morning! Love you so much! ❤❤❤
Typing...
Napangiti lang ako dahil sa message ni Geraldine, nagreply naman ako agad at nagpaalam na maliligo muna ako.
Matapos kong maligo at magbihis kinuha ko ang susi ko at ang cellphone ko, nakita ko pa na may message si Geraldine.
Geraldine Alfonso
Hon, don't forget the annulment. Kailangan mapiramahan na agad 'yan ni Lia. Samahan mo ako sa dadaluhan ko na party ng isang malapit na kaibigan ko.
Typing...
Matapos kong mabasa ang message niya habang naglalakad, naalala ko na naman 'yung inabot ko ang envelope 'kay Lia. Pati 'yung umuwi na siya ng hating gabi na lasing na, kahit paano nag-aalala rin ako sa kaniya dahil babae siya.
Patuloy akong naglalakad ng madaanan ko ang kuwarto kung saan doon natutulog si, Lia. Napansin ko na medyo nakabukas ang pinto kaya nasilip ko siya habang nakatalikod at mukhang may kausap.
"Ok, sige. Sasama ako mamaya, message na lang kita."
Narinig ko na sagot nito sa kausap, umalis na ako sa pinto at nagpatuloy sa pagbaba. Habang na sa biyahe ako at seryosong nagmamaneho, naisip ko ang itsura ni Lia habang umiiyak sa harap ko. Naaawa ako para sa kaniya dahil naghahangad siya sa akin ng wala naman kasiguraduhan, ito na lang ang sulosyon upang hindi na siya masaktan ang mag-hiwalay na kami.
--------
Napapapikit ako matapos ang mahabang oras ng trabaho, natambakan kasi ako ng mga paper works at mga sandamakmak na pipirmahan ko. Sinipat ko ang oras alas otso na ng gabi at marami ng message si Geraldine sa akin.
Nag-reply ako na on the way na at susundoin ko na siya. Hindi naman nagtagal at nakarating na ako sa condo na tinitirahan niya, napakaganda nito sa red dress na damit na hanggang tuhod. May split ang gilid kaya naman lumitaw ang makinis na hita nito.
"Napakaganda naman ng, hon ko." humahangang salita ko nang alalayan ko na siyang sumakay sa kotse ko.
"Maganda talaga ako at sa'yo lang ang ganda na 'to!" masayang sagot naman nito.
-------
Habang busy kami sa patingin-tingin sa kasiyahan at mga taong mga nag-uusap may lumapit sa amin.
"Geraldine, mabuti at nakarating ka at kasama mo pa ang mapapangasawa mo." bati ng lalaki na may kasamang babae.
Pero natigilan ako dahil parang kilala ko ang babae na kasama nitong lalaki at hindi ko lang malaman kung saan ko siya nakita. Napansin ko rin sa itsura ng babae ang pagkabigla pagkakita sa akin.
"Oh, my gosh? Aireen nandito ka pala?" hindi makapaniwalang salita ni Geraldine.
"Magkakilala kayo ni, Aireen?" Tanong naman ng lalaki.
"Yes, Roy! Kilalang-kilala ko siya tama, Aireen?" Nakangiting sagot naman ni Geraldine.
Nakipagkilala ako dito sa lalaki na nag-invite sa amin, uupo na sana kami ulit ng marinig ko ang pamilyar na boses.
"Mads! Roy! Pasensya na late na ako nakarating." malakas na salita ng babae na kararating lang.
Natahimik ang lahat at nakita ko ang pagkalukot ng mukha ni Aireen pagkakita 'kay Lia. Hindi ko rin inaasahan na makikita ko siya dito, ngayon naalala ko na ang babae na kasama ni, Roy.
"P-pasensya na naka-istorbo pala ako sa pag-uusap niyo." mahinang bigkas ni Lia.
"Bakit nandito ang babae na 'yan, nakakasira ng gabi." mahinang salita ni Geraldine.
Tinapik ko lang ang balikat niya upang kumalma.
"Ayos lang 'yan, Lia. Nag-uumpisa pa lang ang party at oo nga pala, may requeast kami sa'yo dahil nabanggit nitong kaibigan mo na magaling ka raw kumanta. Huwag kang tatangi," nakangiting baling ni Roy kay Lia.
Napatingin naman ako 'kay Lia na biglang yumuko nang magtama ang mata namin.
"Maupo na tayo, hon." aya ni Geraldine.
"Enjoy the night Geraldine and Duke." masayang paalam ni Roy at umalis na ito kasama sila Lia.
Habang nakaupo kami hindi mawaglit sa isipan ko ang kakaiba na ayos ni, Lia. Bumagay kasi sa kaniya ang bagsak na dress na puti na hanggang paa nito. Nakataas ang buhok nito at may hikaw na mahaba na kulay silver, ang mata niya na ang gandang tingnan gano'n rin ang labi niya hindi sobrang pula.
"Hon, are you ok?"
Napukaw naman ako sa malalim na pag-isip dahil nakasimangot na ang mukha ni Geraldine. Hinalikan ko na lang siya sa noo upang mawala ang pagkakasimangot niya.
"Hon, uwi na lang tayo. Nawalan na ako ng ganang mag-stay dito," mahinag sambit nito na may paglalambing.
"Later na lang, hon. Kakarating lang natin nakakahiya naman kung aalis tayo." sagot ko lang dahil ang totoo inaabangan ko na kumanta si Lia.
Nakita ko naman ang pagsimangot nito, hinayaan ko na lang dahil baka mamaya mawala na rin ang inis na nararamdaman niya.
"You, want drink?" Tanong ko sa kaniya upang malibang na siya.
Tumango ito at tumayo na ako pero bago ako kumuha ng maiinom, nagpunta na muna ako sa restroom. Paglabas ko biglang umingay ang paligid at lahat sila nandoon sa harapan nakatingin. Bumaling ang paningin ko doon at nakita ko si Lia na nakaupo sa gitna at may mic sa tapat niya.
"Ladies and gentlemen, narito ang kaibigan ng aking anak upang magbigay nang isang magandang awitin. Palakpakan mo natin sitya,"
Salitang ng emcee at nagpalakpakan ang lahat, saglit na napahinto ako sa pagtayo at tutok na tutok ang mata ko 'kay Lia.
Nagsimula tumugtog ang musika at alam ko agad ang kanta na 'yon dahil lagi kong naririnig sa mga empleyado ko kapag nadadaan ako sa hallway.
Mula nang aking masilayan
Tinataglay mong kagwapuhan
'Di na maawat ang pusong sayo ay magmahal
Pakiramdam ko parang sa akin ang kanta na 'yon lalo na at nakita ko na parang may hinahanap ang mata niya. At sa totoo lang unang bigkas palang ng words ang ganda na nagtunog ng boses niya, napansin ko na tahimik ang lahat at mga nakangiti silang nakatingin 'kay Lia.
Laman ka ng puso't isipan 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan...
Umugong ang malakas na hiyawan dahil sa siguro 'ay humanga sa kaniyang boses at lahat sila, sumabay sa choros ng kanta.
Bakit pa ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba...
Ayaw ng paawat nang aking damdamin tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita..
Maghihintay pa rin at aasa..
Nagtama ang mata namin sa huling lyrics ng kantan at hindi na nawala ang tingin sa akin ni Lia. Kaya lahat napalingon sa tinitingnan nito, kaya pasimply na tumalikod ako.
Masaya ka ba pag siya ang kasama
'Di mo na ba ako naaalala
Mukha mo ay bakit 'di ko malimot-limot pa
Laman ka ng puso't isipan
'Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan...
Bakit pa ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba...
Ayaw ng paawat nang aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan...
Lalong naghiyawan ang lahat ng tumaas na ang boses ni Lia at lahat sila pumalakpak. Naramdaman ko ang damdamin niya sa pagkanta at hindi naman ako bato upang hindi malaman na para sa akin ang kanta na 'yon.
Nagbalik na ako sa lamesa namin nawala doon si Geraldine hinanap siya ng mata ko, nakita ko naman siya nandoon sa bartender. Nawala na rin si Lia sa stage, tahimik na iniinom ko ang alak na kinuha ko habang naghihintay sa pagbalik ni Geraldine.
Napatayo na lang ako bigla ng makarinig ako ng ingay mula sa likod, naglakad ako papunta doon dahil sa dami ng mga tao ang nandoon.
"Simpleng malandi ka talaga! Dinaan mo pa sa pagkanta, para lang ma-impress mo siya!?"
Napabilis ang lakad ko ng marinig ko ang boses ni Geraldine, sumiksik ako sa mga tao. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa, si Geraldine na nanginginig sa galit at si Lia na basa ang mukha at ang damit nito.
Natutok naman ang mata ko 'kay Lia nang makita ko na may lalaking nagpupunas sa mukha niya. Hindi ko na alam kung bakit, pero hinawakan ko si Lia sa braso at hinatak palabas ng party.
Pagkarating namin sa parking area napasandal ako sa kotse ko at napapikit.
"D-Duke, bakit ako ang kinuha mo?" nagtatakang tanong ni Lia.
"I don't know." sagot ko lang dahil hindi ko rin talaga alam ang isasagot ko.
"Puwede ka naman bumalik, ayos lang ako. Uuwi na lang ako mag-isa," maya'y sagot nito.
Hindi ako sumagot at hinayaan ko na lumakad na siya, pero napansin ko na paika-ika siya ng lakad. Wala na palang suot na sandals ang isa niyang paa, nakita ko na may galos ito at marumi. Siguro sa paghatak ko sa kaniya kanina.
"Sumakay ka na, uuwi na tayo." seryosong salit ko lang at binuksan ko ang tabi ng driver seat.
Bakas sa mukha ni Lia ang pagkalito at pagtataka, ngunit hindi ko na ito pinansin. Tahimik na kami sa biyahe at nagpapakiramdaman lang.
Pagdating sa bahay diniretso ko ang kotse ko sa parking lot, nakababa na ako at lalakad na sana ako ng makita ko na hirap na hirap si Lia makalabas ng kotse.
"S-sige na, mauna ka na sa loob. Ako ng bahala sa sarili ko," sambit nito na nakayuko.
"Masakit ba?" maya'y tanong ko. Lumapit ako at hinawakan ang isa niyang paa, sinipat-sipat ko ito na puno ng dumi.
"H-Huwag na, Duke."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya hinatak ko siya at inalalayan na tumayo upang makalakad. Hinayaan ko na lang ang pagtanggi niya at pinasok ko na siya sa loob ng bahay.
"Sa kusina na lang muna ako, Duke iinom lang ako ng tubig at kakain na rin." wika nito.
Dinala ko naman siya kitchen at dahan-dahan na inupo sa upuan, ngunit na out balance ako at halos masubsob ang mukha ko 'kay Lia.
Titig na titig ako sa mukha niya at hindi ko alam pero nang malanghap ko ang mabangong hininga niya napapikit ako at lumapit ng husto ang mukha ko sa kaniya.