AN: Hi sa lahat! pov mo na ito lagi ni Lia. Hayaan ko muna kayong manghula sa damdamin ni Duke.
----------------------------------------------------------------------------
LIA P.O.V
Hapon na at wala pa rin ang asawa ko, magkasabay silang umalis ni Geraldine. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta dahi linggo naman ngayon at wala siyang trabaho.
Ayoko man isipin na maghapon silang magkasama 'yun talaga ang sumisik-sik sa isapan ko. Naiiyak ako kapag naiisip ko na magkasama sila kahit na alam ko naman na simula noon pa lang wala na ako'ng karapatan 'kay Duke. Ang tanging karapatan ko na lang sa kaniya 'ay ligal na asawa niya ako kahit na anong mangyari.
"Ma'am, may bisita po kayo."
Napatayo naman ako bigla dahil nakita kong kasama ng manong guard si Aireen. Bigla akong napapunas ng luha ko dahil nakatingin sa akin si Aireen.
"A-Aireen, ikaw pala. Bakit hindi ka nag-message na pupunta ka pala?" salita ko at pa-simpy na tumingin ako sa ibang direksyon.
"Ayos ka lang ba, Mad's?"
Natigilan naman ako sa pag-aayos ng pillow sa sopa nang magsalita si Aireen.
"Ha? O-Oo naman, ayos lang ako. Akala ko galit ka sa akin kasi hindi ka nagpunta ng kasal namin ni, Duke." sagot ko lang.
"Oo, pero naunawaan naman kita bandang huli. At nandito ako bilang bestfriend mo na kapag kailangan mo ng makakausap sabihin mo lang." nakangiting salita nito.
Ngumiti mo na ako sa kaniya. "Halika maupo muna tayo dito, alam mo ako nga ang nahihiya dahil sa ginawa ko at kaibigan pa natin." salita ko at pinigilan ko na huwag pumatak ang luha ko.
"Mads, alam ko na hindi maganda pagsasam niyo, Duke. Dahil... Minsan ko nang nakita si Geraldine at Duke na magkasama." malungkot na kuwento ni Aireen.
Natahimik na lang ako dahil nakita na pala ni Aireen. At isa pa kilala ako ni Aireen kapag may dinadala ako, dahil mababa lang talaga ang luha ko.
"Mahal mo ba talaga siya?" Maya'y tanong nito sa akin.
Tumango ako at naramdaman ko na ang pag-init ng dalawang sulok ng mata ko.
"Ok, lang yan. Sige umiyak ka, mahirap 'yung pinigilan mo 'yan dahil masakit 'yan sa dibdib."
Mas lalong nagbagsakan ang mga luha ko nang yakapin ako ni, Aireen. Dahil pakiramdam ko nagkaroon ako ng karamay.
"A-ayoko siyang sukuan, Aireen. Hangga't m-mahal ko siya dito lang ako sa kaniya." nauutal na sambit ko dahil sa nagsisikip ang dibdib ko dahil sa pag-iyak.
"Ok, naiintindihan kita. Ganito, tutulungan kita pero ipangako mo sa akin na hindi mo sasagarin ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto. Dahil ako ang masasaktan para sa'yo bilang kaibigan mo."
Mahabang salita ni Aireen at naunawaan ko naman ang ibig niyang sabihin. Pagkaalis niya naiwan na akong muli dito sa napakalaking bahay na tanging kami lang ni Duke ang nandito.
--------
Nakatulog na ako sa sopa habang bukas ang t.v at paggising ko wala pa rin si Duke. Alas dose na ng madaling araw, lumamig na ng husto ang pagkain na niluto ko.
Napagpasyahan ko na ipasok na lang sa ref ang mga pagkain, matapos ko mailagay ang lahat narinig ko ang ugong ng kotse, at natuwa ako dahil kilala ko ang tunog na 'yon.
Nagmamadali na nagpunta ako sa harap ng pinto upang salubungin siya, ngunit pagbukas ng pinto. Nalanghap ko agad ang amoy ng alak 'kay Duke.
"Nariyan ka na pala, ayo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"Bakit gising ka pa? Umalis ka sa daraanan ko," mahinang salita niya.
Pero hindi ako umalis tiningnan ko lang siya, nagulat na lang ako nang hawiin niya ako kaya napaatras ang mga paa ko.
"D-Duke, h-huwag mo naman na ako saktan. Isang taon mo na akong ginaganito, kulang pa ba? Tao rin ako at nasasakta sa ginagawa mo." naiiyak na lakas loob ko na salita, pero nginisahan lang ako nito at dahan-dahan na lumapit sa akin.
"Bakit, Lia. Naisip mo ba 'yan noong gumawa ka ng kalokohan mo? Naisip mo ba ang mararamdaman ko at mararamdaman nang kaibigam mo, ha!?" sigaw nito sa mukha ko.
Mabilis na nag-uunahan na pumatak ang luha ko dahil pakiramdam ko sinampal ako ng paulit-ulit ng katotohanan na ako ang may gawa.
Naramdaman ko na lang ang pagbangga ni Duke sa balikat ko at nilagpasan na ako.
"Ano ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako, Duke. Sabihin mo at gagawin ko." salita ko pa kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang ayaw tumigil.
Huminto naman sa paglalakad si Duke at inayos ang suot nito na jacket at narinig ko ang paghugot niya ng hininga.
"Kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin... Please lang, kalimutan mo na."
Pakiramdam ko hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa sinabi ni, Duke. At muli na naman umagos ang luha sa pisngi ko, umakyat na si Duke at nagtungo sa guest room.
Ganon lang 'yon? Kalimutan ko ang damdamin ko para sa'yo, Duke? Sana kung gano'n lang 'yun kadali sana noon ko pa ginawa. Pero hindi, dahil gano'n kita minahal.
---------
Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak, hindi na ako kumain nandito lang ako maghapon sa kuwarto namin mag-asawa.
Habang tulala ako at kung anu-ano ang naiisip ko, narinig ko ang cellphone ko may nagmessage sa messenger ko. Dahan-dahan na kinuha ko ito at tiningnan kung sino.
Aireen Cruz
Mads! Kamusta? Ano ginagawa mo ngayon?
Typing...
Nag-isip pa ako kung sasagutin ko ito, hanggang sa nagmessage siya ulit.
Aireen Cruz
Gusto mo ba sumama sa amin? Niyaya ako nang manliligaw ko sa bar, at ang iba pa niyang kaibigan. Pero kung hindi ka naman puwede ayos lang.
Typing...
Pagkabasa ko bigla akong napaisip at napapunas ng luha ko.
Lia Silis
Sige, Mads sama ako. Magkita na lang tayo mamaya, ano'ng oras ba?
Typing...
Balak kong magpakasaya ngayon at kalimutan ang sakit na nararamdaman ko.
Aireen Cruz
Talaga, Mads? Well, tama naman 'yan huwag mo hayaan na magmuk-mok ka lang diyan. At oo nga, pala bakit hindi ka magpaganda? Akitin mo si Duke. alam mo, maganda ka kaya hindi ka lang nag-aayos.
Typing...
Bigla ako napaisip sa sinabi ni Aireen, at naisip ko bakit hindi ko kaya gawin? Total nandito na ako at gusto ko na mahalin rin ako ni, Duke.
Matapos ang usapan namin tiningnan ko ang oras, maaga pa dahil 10:00pm raw kami magkita. Lalabas muna ako at pupunta sa mall upang mamili nang damit. May karapatan naman ako sa pera nang asawa ko.
Hindi na ako nagpakita 'kay Duke nandito lang ako sa loob ng kuwarto matapos kong mamili ng mga damit. Nakaramdam ako kahit paano dahil lahat ng binili ko hindi ko talaga sinusuot. Nakikita ko lang ito sa mga sinusuot nang mga mayayaman at sexy na babae, katulad ng mga model at mga elegante na babae. Pumili rin ako ng damit na magagamit ko sa pagpunta ng bar.
Habang na sa harap ako ng salamin hindi ako makapaniwala ng isuot ko ang isang fitted na dress. Kulay itim ito na malambot, bumakat ang makurba ko na bewang at balakang. Pinarisan ko ito ng isang 4inches na sandals na kulay silver na may halong black. Nagmukha akong sosyal na attend sa isang party ng mga mayayaman.
------
Maingay at maraming tao lahat sila mga nagsisigawan sa saya. Napapangiti ako na nagugulat lalo na sa malalakas na beat ng tugtog, ito ang unang beses na nakapasok ako sa ganito at dahil 'yon kay, Aireen.
"Lia, ayos ka lang ba?" Siko na tanong ni Aireen.
"O-Oo naman, alam mo naman first time ko 'to kaya mukha akong tagabundok na ngayon lang naka-experience nito." natatawang sagot ko at ininom ko ang ladies drink na inorder nila.
Tumango-tango lang si Aireen at binaling niya na muli ang atensyon niya sa kasama niya. Lima kaming nandito sa lamesa, pero kami lang ni Aireen ang magkakilala. Lumibot naman ang mata ko nang mapansin ko ang isang grupo ng mga lalaki na nagkakatuwaan bukod sa isa na seryoso lang habang hawak ang baso na may alak na laman.
"Lia, baka gusto mo kumanta? Puwede ka kumanta diyan, ilabas mo dito ang nararamdaman mo. Malay mo madiskubre ka pa," natatawang salita ni Aireen.
"Ano ka ba, alam mo naman na mahiyain ako. Siguro kapag nalasing ako magagawa ko 'yan, kaso hindi naman ako magpapakalasing." sagot ko lang at muling lumibot ang mga mata ko sa paligid.
Biglang nagtama ang mata namin nitong lalaki na napansin ko kanina at bigla akong nailang. Muli kong tinuun ang atensyon ko sa mga kasama ko.
"Hey, Lia. Right?"
Napalingon naman ako manliligaw ni Aireen at may inaabot sa akin na isang shot glass na may laman na hindi ko alam, pero siguro alak 'yun. Pero napansin ko na parang may puti yung labi ng shot glass. At may kalamansi rin siya hawak sa isang kamay niya.
"Alak ba yan? Teka baka malasing ako, saka ano ba 'yang puti sa ibabaw?" Inosenteng tanong ko.
"Mads, puwede mo itry kahit one time lang ok naman siya huwag lang sobra na." turan naman ni Aireen.
"Come on, Lia. Tiquila 'yan, at yung na sa ibabaw asin naman. After mo inumin magpiga ka ng kalamansi sa dila mo, gano'n lang. Kahit isang shot lang." nakangiting pangungulit nitong Si Roy.
Napipilitan na inabot ko ang shot glass at 'yun kalahati na kalamansi, inamoy ko pa hindi naman masama ang amoy.
"Wait lang, kailangan isang hugot mo na diyan bago mo 'yan inumin." salita naman ng isang babae.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. At lahat sila nag-cheer sa akin about sa hugot ko.
"Ok, sandali lang." nakangiting sagot ko. Huminga mo na ako ng malalim bago nagsalita.
"Go, Lia!" sigaw pa ni Aireen.
"Ang pagmamahal ko sa'yo parang isang papel, maluma man ito. Papel pa rin siya." sambit ko at mabilisan na nilagok na ito.
Nagsigawan naman sila ako naman naramdaman ko ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko. Grabe ang init, pero ang sarap noong sinisip ko 'yung kalamansi. Hanggang sa ang isa 'ya nasundan pa ng ilan na shot.
-----------