AN: Uulitin ko po maraming-maraming salamat sa lahat ng mga sumusuporta sa story na ito. Dahil sa inyo kaya ako ginaganahan na magsulat. Maraming typos at kung anu-ano pa 'yan, dahil mabilisan.
========================================
LIA P.O.V
Kahit hindi talaga ako umiinom pinilit ko upang walang masabi ang asawa ko. Halos masuka na ako na sa pangalawang abot niya ng alak sa akin.
"Isa pa, para naman masaya ang honeymoon natin." nakakalokong salita ni Duke.
Hindi ko na lang pinansi kasi talagang nahihilo na ako, lalo na kapag nalalanghap ko ang amoy ng alak. Nakasandal na ako sa upuan dahil talagang pumipikit na ang mata ko, pero biglang napamulat ang mata ko nang maramdaman ko na dakmain ni Duke ang magkabilaan na dibdib ko.
"D-Duke!" napalakas na sambit ko.
Hindi niya ako pinansin dahil sinibasib niya ako ng halik, yung mapangparusa na halik. Nasasaktan ako dahil nakakagat na niya ang labi ko, pero hinayaan ko lang dahil ayoko na magalit siya.
Kahit nakapikit ang mata ako nararamdaman ko kung paano karahas ang ginagawa ni Duke sa katawan ko. Sinira nito ang puting bistida na ko na ginamit sa kasal kaya napabangon ako, pero muli niya akong pinahiga sa sopa.
"D-Duke, ta-tama na." bigkas ko dahil kinagat-kagat niya ang tuktok ng dibdib ko.
Hinawi niya lang kamay ko at pakiramdam ko ni-rape ako dahil sa pang-aangkin na ginawa niya. Nag-uumpisa nang pumatak ang luha ko nang mahubad na nito ang ibabang kasuotan ko.
"Ito naman ang gusto mo, kaya ibibigay ko sa'yo." nakangising salita ni Duke.
Nagulat na lang ako sa biglang pagpasok niya sa loob ko dahil sobrang sakit, pakiramdam ko hinihiwa ang buong kalamnan ko sa sobrang kirot. Naramdaman ko na huminto siya, pero muli siyang nagpatuloy at binilisan ng husto ang paggalaw sa ibabaw ko.
Tagaktak ang luha habang hinahayaan na angkinin ni Duke ang buong pagkakababae ko, oo wala naman nangyari sa amin noong time na nalasing siya dahil bigla siyang bumagsak sa ibabaw ko kaya hindi natuloy.
------
Isang taon ang lumipas
Isang taon na kaming nagsasama ni Duke sa iisang bubong, ngunit hindi pa kami nagkakaanak dahil 'yung huling pagtatalik lang namin no'ng kasal kami ang huli. Simula noon hindi na ulit iyon nangyari.
Maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ng asawa ko, kahit binablaewala lang niya ako hindi ko 'yon pinansin dahil naniniwala ako na mamahalin rin niya ako.
Habang dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, nakarinig ako ng munting bulungan at pinong tawanan. Hinanap ko kung saan 'yon, hanggang sa makarating ako sa kitchen. Halos manlumo ako nang makita ko na may nakakandong 'kay Duke at walang iba kung hindi si, Geraldine.
Wala silang ginawa kung hindi ang maghalikan, habang tanging suot lang ni Geralidine ang polo ng asawa ko. Wala namang pang-itaas ang asawa ko, pinigilan ko ang luha ko na huwag bumagsak at muli akong umakyat sa kuwarto ko.
Relax, Lia. Kaya mo yan, sabi mo nga diba magtitiis ka at hindi mo susukuan ang asawa mo.
Matapos kong ayusin ang sarili ko muli akong bumaba na parang walang nakita, naabutan ko pa sa may kusina si Geraldine.
"Ako na ang gagawa niyan." malumanay na sambit ko dahil nagluluto siya nang pagkain.
"Paano kung ayoko?" Nakataas ang kilay na sagot ni, Geraldine.
"Asawa niya ako, kaya ako dapat ang gumagawa niyan." sagot ko lang pero tumawa lang siya nang nakakaloko
"What? Alam mo, hindi ko alam na ganyan ka talaga ka-ambisyosa, Lia." mapang-uyam na sagot nito.
Pero hindi ko 'yon pinansin kahit tinamaan ako sa sinabi niya.
"Bakit, hindi ka na lang lumabas at magpakasaya. Hayaan mo kaming maging masaya ng, ASAWA MO!" salitang muli niya na pinakadiinan pa ang huling sinabi.
"Ayoko ng gulo, puwede ba?" sagot ko na lang at inagaw ko ang sandok sa kamay niya. At hindi sinasadyang natalsikan siya ng mantika.
"Aray!" Hiyaw na niya.
Nataranta naman ako dahil namula ang kamay ni Geraldine at hindi ko malaman ang gagawin ko.
"Ano'ng nangyayari?"
Parehong napalingon kami sa malakas na boses, nanlaki ang mata ko nang makita ako ang masamang tingin nang mama ni, Duke.
"Oh, my gosh! Tita pinaso niya ako." maarte na wika ni, Geraldine.
Napailing naman ako dahil hindi ko 'yun ginawa.
"My god, Lia. Ano ba ang pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yan sa kaibigan mo?" malakas na salita ng mama ni, Duke.
Napayuko na lang ako kahit gusto ko ng magpaliwanag, hanggang sa dumating si Duke at dali-daling lumapit 'kay, Geraldine.
Pakiramdam ko dinudurog ang puso ko dahil sa galit na tingin sa akin ni Duke, gusto kong magsalita ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik upang hindi na lumala ang gulo.
Tumalikod ako nang akayin ni Duke si Geraldine palabas ng kitchen, naiwan kami ng mama niya.
"Lia, alam kung hindi mo gusto na nandito ang kaibigan mo. Pero sana maunawaan mo naman na hindi gano'n kadali, lalo pa at alam mo na sila talaga ang nagmamahalan."
Mayamaya'y salita ng biyenan ko, hindi ako sumagot kahit gustong-gusto ng bumuka ng bibig ko.
"At isa pa, kasalanan mo 'yan. Kung hindi dahil sa kalandian mo, hindi manyayari ito. Sana si Geraldine ang manugang ko, hindi nga kita kilala baka mamaya pera lang ang habol mo sa anak ko. At kung yan lang ang gusto mo, name your price at ibibigay ko kahit milyon pa 'yan."
Pakiramdam ko nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi niya, hindi ko namalayan na nabitawan ko na ang sandok. Nanginginig ang kalamnan at hinarap ko ang mama ni, Duke.
"Lahat ng kayaman niyo, kaya mo ibigay?" Mapang-asar na sagot ko.
Aambahan na sana niya ako ng sampal pero biglang pumasok si Duke at mabilis na nagpunta sa niluluto ko. Nasunog na pala hindi ko na namalayan.
"Wala sa sarili mo ang asawa mo, anak. Bakit hindi ka kumuha ng katulong niyo, dahil baka mamaya magulat ka na lang nasusunog na ang bahay niyo." nakangiting salita ng biyenan ko.
"No, Tita. No need na, dahil willing akong mag-silbi sa anak niyo." matamis na pagkakasabi ni Geraldine.
Nagsusumigaw ang puso ko na hindi maaari, pero bakit hindi ko magawa? Paano kung maagaw sa akin ni Geraldine ang asawa ko?
"Ok, sige anak aalis na ako. Bumisita lang naman ako rito, iha bahala ka na sa anak ko." paalam ng mama ni Duke at hinalikan si Geraldine.
Nakangisi naman sa akin ang kaibigan ko habang nakakapit sa braso ni, Duke.
"Hon, maliligo lang ako sandali." Paalma ni Duke at hinalikan sa pisngi si Geraldine.
Muling kumirot ang puso ko dahil sa nakita ko na eksena na 'yon.
"Masaya ba ang maging, Mrs. Salvador?" Nakangiting tanong salita ni Geraldine.
"Puwede ko kayong kasahun dahil legal na mag-asawa kami ni, Duke." matapang na sagot ko.
"Really, Lia? Ganyan kakapal talaga ang mukha mo at nagawa mo pang manakot sa akin? Bakit sino ba ang may dahilan kung bakit ito nangyari, huh?" galit na sagot nito.
Hindi ako nakaimik dahil tama naman siya, ano ba talaga ang laban ko dito? Dahil una palang talo na ako dahil sa kalasanan na ginawa ko.
"Alam mo ba na hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang pang-aahas mo sa mapapangasawa ko? Malandi ka kasi! Maladi ka!" singhal nito sa pagmumukha ko.
Halos tumabingi ang mukha ko nang sampalin ako ng malakas ni Geraldine. Gustong umangat ng kanang kamay ko para gumanti, pero hindi ko magawa.
"Wala kang masabi diba? Kasi kasalanan mo, mabuti nakakatulog ka pa? At tandaan mo, asawa ka lang niya sa papel at hindi ka niya mahal. Ako ang mahal niya, darating ang oras na mababwi ko siya sa'yo!"
Pakiramdam ko nablangko na ang isipan ko, at ang palad ko kusang tumiklop na dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi naman ako papayag na agawin mo pa siya sa akin, na sa akin na siya dahil sa pagkakamali ko. Pero kaya kong itama ang pagkakamali na 'yon, hindi ko hahayaan na makuha mo siya sa akin, Geraldine.
Nagsusumigaw sa isip ko, hanggang sa tawagin na siya ni, Duke. Nanghihina na napaupo ako sa upuan at sinundan na lang ang maarte na lakad ng kaibigan ko.
-----------