Chapter 21: Act of Vengeance

1981 Words
TUESDAY morning, Riverhills High School was used to be a peaceful zone for all student, parents, and everyone in the town. Subalit hindi na maibabalik ang dating hitsura nito sa loob ng mga puso ng bawat isa. Sinira ito ng hindi kilalang demonyo. Ang dating mapayapang bayan ay nabalot na ngayon ng misteryo at pangamba na baka kahit anong oras ay maaaring mawalan sila ng anak.             Kahit sino man ang tumapak sa loob ng paaralan ay hindi na lubos nila makilala ang kaluluha ng paaralang ito, sapagkat nilason na ng kaluluhang naiwan sa loob ng paaralan at pati na rin sa puso ng mga mag-aaral dito. Sino ang gugustuhing pumasok sa isang silid na may nakaraan ng isang estudyanteng hinihinalang nagpakamatay sa loob nito?             Maaaring hindi sila makapagpokus mula sa pakikinig sa kanilang guro marahil ay sinakop ng nararamdamang takot at pangamba na baka sapitin din nila ang sinapit ni Reymark. Pero kahit gano’n, kailangan nilang magpatuloy at maging matatag para sa kanilang sarili, para sa pamilya at para sa mga kaibigan. Dahil maaaring nasa paligid lang nila ang demonyo sa buong pagkakataon.             “Anong sabi ng daddy mo tungkol sa aksidente, Jeff?” tanong ni Vanessa habang nakaupo sa kongkretong upuan.             Pinili nilang umupo sa pinakadulo na sulok ng silid, malapit sa bintana, upang pag-usapan ang tungkol sa mga bagay-bagay at para walang makarinig sa kanila.             “Alam n’yo naman na hindi gaano nagkukwento si daddy sa akin, ‘di ba?”             “Speaking of hindi nagkukwento, hindi man lang nagsabi ang pamilya ni Leticia tungkol sa libing ni Jason at balita ko, walang sino man sa bayan na ito ang nakapunta sa libing ni Jason.” sambit ni Kristine.             “It’s their choice, at kahit na aanyayahan nila ako . . . hindi ako pupunta. Si Jason ang rason kung bakit may puwang sa pagitan sa amin ni daddy!” malakas na pagkasasabi ni Jefferson.             “Hindi rin natin alam kung nailibing na nga talaga nila si Jason,” dugtong ni Jake sa usapan nilang magkakaibigan. Narinig ni Leticia ang sinabi ni Jefferson kaya marahan itong tumayo, habang sinusubukang pigilan at pakalmahin siya ni Jay Ann. Subalit hindi nagpatinag si Leticia. Lumapit ito sa kinaroroonan ni Jefferson at ng mga kaibigan niya. Tumayo si Leticia sa harap ni Jefferson na punong-puno ng galit. “And why would we do that? ‘Di ba, ayaw n’yo kay Jason at sa akin? Kaya ‘wag kayong umasta na may pakialam kayo sa nararamdaman namin at kung ano ang gusto’t ayaw namin!” aniya, at saka lumapit pa. “You only show concern when the person is gone, kahit ang totoo ay wala naman talaga kayong pakialam sa kaniya o sa akin.” Tumalikod si Leticia at naglakad pabalik sa kaniyang upuan, habang iniwan niya na walang imik si Jefferson. Nagkatitigan ang mga magkakaibigan ng dahil sa biglang pangyayari at sa sinabi ni Leticia sa harap nila. Ang katotohanan na sinabi ng tao ay totoo lahat at may punto. Kaya wala silang masasabing salita laban sa kaniya. Sa pagkakataong iyon, mas mabuting pabayaan na lang nila siya at manahimik na lang. “Ikaw kasi, Jeff. Ang lakas ng boses mo.” Tinapunan ni Kristine ng masamang tingin si Jefferson. “Wow, bakit ako? Eh, ikaw nga ang nag-umpisang magtanong tungkol sa libing ng kapatid niya. Then you’re blaming me for your careless mouth?” “Troops, tama na ‘yan. Let’s focus na lang muna sa parating na examination natin. Dadalaw ba kayo sa ospital after class?” Vanessa said. “Siguro, bhie. I’m not sure. Ikaw ba?”             “Depende kung sasamahan ako nitong isa, alam n’yo na, baka magselos na naman.”             “Anong pinagsasabi mo d’yan, babe? Bakit naman ako magseselos do’n? Mas ano naman ako kaysa sa kaniya, ‘no.” sabi ni Jake sabay inayos niya ang kaniyang suot na uniporme.             “Mas ano? Anong ano ka kaysa sa kaniya?” natatawang sabi ni Vanessa. “Talaga lang, huh? So, sasamahan mo ako mamaya?” pagpapa-cute niyang sabi.             “Depende,” kunwaring ayaw ni Jake.             “Tigilan n’yo ‘yan, kung ayaw n’yong itapon ko itong hawak kong libro sa mukha ninyong dalawa.” naiinis na sabi ni Jefferson.             Nagtatawanan lang sila, habang naiinis na nakikinig si Leticia sa pinag-uusapan nila.       AFTER MORNING CLASS IT is easy for others to move on from everything about what happened to this town . . . to this school. Lahat sila ay may iba’t ibang rason at pananaw tungkol sa nangyari. Hindi rin naman nila obligasyon ang isipin at pasanin ang lahat ng nangyari. Life must go on. Sino ba si Reymark at Jason para sa buhay nila, eh, mag-aaral lang sila ng Riverhills. People just come and go.             Sadyang ganito talaga ang takbo ng buhay. May mga nagpapatuloy sa takbo ng buhay, habang may mga naiiwan naman. Hindi masasabi ng isang tao ang tunay na iniisip ng kanilang kapwa-tao, sapagkat may maraming paraan upang pagtakpan ang tunay nilang intensyon at iniisip.             May mga kaibigan tayo na pinili natin upang maging bahagi ng ating buhay at mayroon din sa kanila ay napilitan lamang. Katulad na lang ni Leticia na ngayo’y kaharap niya ang kaniyang kinikilalang mga kaibigan.             “Bakit mo kami ipinatawag, Ticia?” tanong ni Angelo, habang may dala-dalang mga libro.             “Akala nila tapos na ang nangyari sa kapatid ko, akala nila magiging ayos na ang lahat dahil wala na siya.” Palakad-lakad na nagsasalita si Leticia. “Dahil sa nangyari kay Reymark, natakpan nito ang tunay na bida. Kaya, I want every each of you to print a copy of this . . .” at saka inabot ang diary ni Jason.             “Para saan ‘to, Leticia? Anong binabalak mo?” nababahalang tugon ni Angelo.             “I want this school, everyone, to remember about my brother. I want them to know how my brother suffered from the pain they gave to him.”             “What if –” biglang may sumingit mula sa pintuan.             “Shut up, Jeff!” galit na saway ni Leticia.             Naglakad papasok si Jefferson sa kinaroroonan ng mga kasamahan niya.             “Akala ko tatalikuran mo na ang Squad?”             “‘Yan ba ang sabi ni Angelo?” kalmadong tugon ni Jefferson, at saka tinapunan ng masamang tingin si Angelo.             “It doesn’t matter anyway. Gawin n’yo na lang ang sinabi ko.”             “Anong gagawin namin sa mga printed copies?” tanong ni Angelo.             “Ikalat n’yo sa buong school. Make sure na mayroong copy ang bawat isa. Maliwanag?”             Tumango lang sila.             “Maaari na kayong umalis,” pagtapos ni Leticia sa sandaling pagpupulong nila, at ibinaling ang atensyon kay Jefferson. “Ano nga palang ginagawa mo rito?”             “Bakit? Kung hindi ako dumating, siguro, ako na naman ang next target n’yo.”             “Gustong-gusto ko na ‘yon gawin, pero pasalamat ka’t hindi ako ang masusunod sa bagay pagdating sa ‘yo.”             He smirked. “Talaga lang.”   Ginawa nila ang pinagawa ni Leticia. They printed Jason’s diary and placed it in each locker, after class. They manage to place it unnoticed by the security guard. Pagkatapos nila itong gawin ay nagtipon-tipon sila sa coffee shop. Ayaw sanang sumama ni Jefferson dahil baka makita siya ng kaniyang mga kaibigan – ang Troops, subalit wala siyang magawa marahil ay may naka-kadena sa kaniyang leeg.             Kahit na siya ang alas ng Riverhills Squad, hindi ibig sabihin no’n ay kaya na niyang gawin lahat ng gusto niya, kahit labag sa kagustuhan ng samahan. Mas katulad nito, ginagamit lamang siya para sa kapakanan ng samahan. Isang alas na baraha, na handang itapon kung kinakailangan sa matinding sitwasyon, at alam ni Jefferson ang bagay na ‘yon.       AFTER class, napansin ni Vanessa na walang kahit na anino ni Jefferson ang nakasunod sa kanila palabas ng school building. Tumayo muna siya sa harap ng building.             “Bhie, may hinihintay ka?” wika ni Kristine.             “Oo, bhie. Bakit wala si Jeff? Alam mo ba kung saan siya nagpunta? Hindi ko kasi siya napansin the whole last period natin.”             “Hindi ko alam, bhie, pero baka alam ni Jake.”             Tinawag ni Vanessa si Jake, “Babe!” At agad naman siyang lumapit. “Bakit, babe?”             “Nagpaalam ba si Jeff sa ‘yo, kung saan siya pupunta?”             “Oo. Ang akala ko sinabihan na niya kayo.”             Nagtinginan sina Vanessa at Kristine. “Saan daw nagpunta ang loko, Jake?” tanong ni Kristine.             “May practice pa raw siya. Siguro nasa gynasium sila nagsasanay ngayon.”             “Tara, mauna na lang tayo sa coffee shop. Ete-text ko na lang siya mamaya pagdating natin sa roon.” wika ni Kristine.             Tumango lang sina Jake at Vanessa.             “Okay. Kukunin ko lang ang motor ko.”             “Samahan na kita, babe.”             “Bhie, rito ka lang. Samahan mo ako.” Nag-pout pa ng lips si Kristine.             “Sige, babe. Samahan mo na lang si Tine. I can handle it alone naman. Kukunin ko lang ang motor.” At saka umalis si Jake.       PAGDATING nila sa coffee shop. Pagpasok nila ay nagkasalubong ang mga mata nina Vanessa at Jefferson. Halos mataranta si Jefferson nang makita niya ang kaniyang mga kaibigan pagpasok sa loob, ngunit hindi niya pinahalata. Tatayo na sana siya pero hindi niya itinuloy dahil magmumukha siyang isang takot na daga ‘pag ginawa niya ito. Inisip niya rin kung ano ang magiging resulta at reaksyon ng Squad niya.             Kaya hinintay niyang lumapit ang mga kaibigan niya para siya ay sunduin at makahanap ng paraan para makaalis sa kinauupuan niya. Hindi nga siya nagkakamali at nakita niyang kinausap ni Vanessa sina Jake, at Kristine.             Ilang sandali lang ay naglakad papalapit ang mga kaibigan niya sa kinaroroonan niya. Nasa pinakadulo sila ng booth sa loob ng coffee shop.             “Jeff?” pagtatakang sabi ni Vanessa.             Tumayo bigla si Jefferson. “Nandito na pala mga kaibigan ko!” masiglang nitong sabi.             Nabasag ang masayang usapang ng Riverhills Squad. Napatingin sina Angelo at Leticia sa nakatayong magbabarkada sa gilid nila. Kitang-kita sa mga mata nila ang pagka-ayaw sa isa’t isa.             “Salamat,” dugtong sabi ni Jefferson. “Salamat sa pag-invite sa akin kasama kayo.” At saka siya umalis kasama ang Troops.             Umupo sila malapit sa pintuan ng coffee shop.             “Ano ‘yon, Jeff?” mausisa at nagtatakang tanong ni Vanessa. “Bakita mo sila kasama?”             “Uh, ano kasi –”             “Akala ko ba nasa gymnasium ka dahil may practice kayo ng varsity?” Madiing nakatutok ang mga mata ni Kristine.             “Hey, puwede bang hayaan n’yo munang magpaliwanag ang tao?” sambit ni Jake sabay akbay kay Jefferson. “Bakit nga kasama mo sila, bro?” aniya.             “Hindi natuloy ang practice namin kasi may lagnat si coach. Since, hindi ko kayo naabutan sa labas, dumiretso na lang ako rito sa coffee shop dahil alam kong pupunta naman talaga kayo rito. Pero habang naghihintay ako sa inyo, nakita ko sina Angelo at Leticia, they invited me to join them. Wala akong choice, at para naman makahingi ng sorry kay Leticia tungkol sa nangyari kahapon.” sagot ni Jefferson. “Makabawi lang man sa bunganga mo.” He pointed his lips on Kristine.             Ngumiti lang sina Kristine at Vanessa.             “See? He’s innocent. Kayo talaga. Kumain na lang tayo.” Pagkatapos ay biglang tinawag ni Jake si Mama Fee para senyasan at ipaalam sa kaniya na nandito sila sa coffee shop. Hindi na kailangan pang lumapit ni Mama Fee para alamin ang order ng Troops, dahil alam na alam na nito ang kadalasan nilang order.             “Give me a minute, young lads!” sigaw ni Mama Fee mula sa counter.             “No problem po!” sumigaw rin pabalik si Jake.   Sana alam din ni Mama Fee kung sino ang pumatay kay Jason at Reymark, para matapos na ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD