Chapter 20: Poor Kevin

2016 Words
THERE were two students arguing as loud as the school bell behind the school building. A couple of hours before Vanessa and Jake received the call from Kristine. Pumunta silang dalawa sa likod ng school building upang mag-usap, habang sina Kristine at Jefferson naman ay dumiretso sa school clinic.             “What’s wrong with you?” Nanggigil si Vanessa. Her eyes are sharp and face muscles seems in deep tense.             Marahang napangisi si Jake. “What’s wrong with me?” At tinalikuran niya si Vanessa. “Are you serious? What’s. Wrong. With. Me?” ulit niyang sabi. Marahan at madiin.             “Oo, tinatanong kita kung anong problema mo? Bakit ka ba nagkakaganiyan, huh?”             “Ikaw, anong problema mo?” Mataas din ang boses ni Jake sabay turo kay Vanessa sa mukha.             “Ikaw ang problema ko, Jake!” malakas na sabi ni Vanessa sabay turo pabalik kay Jake. “Why are you acting like a monster? Like I’m just nobody in your eyes. Natatakot na ako sa pinapakita mong ugali these past few days. I can’t imagine myself being with you for the rest of my life, kung ganiyan ka pala deep inside yourself.”             Sa sandaling iyon ay natigilan si Jake. Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili. Malalim ang kaniyang bawat paghinga. Vanessa got a point that change his mind, wanting to calm down. He realized that making a fight between himself and his girlfriend would not make their problem get fix.             “Look, I’m so sorry.” Lumapit si Jake. “I didn’t mean to hurt you by those words.” aniya, at saka hinawakan ang magkabilang balikat ni Vanessa.             “Tell me, what’s going on?” kalmadong tanong ni Vanessa.             Napayuko si Jake sabay buntong hininga. “I saw you . . .” Ibinalik niya ang tingin kay Vanessa. “With him, at the coffee shop.”             “Sino?”             “With Kevin,” nahihiyang tugon ni Jake.             Agad na napangisi si Vanessa hanggang sa hindi niya nakayanang pigilan – napatawa siya. “So, you’re saying na nagseselos ka? Am I right?” Marahang pa rin siyang natatawa.             “No. I mean, yes? And I hate it, okay? I love you, Vanessa Gocela. I trust you, but my mind just got messed up and I lost control of myself.”             “I know, Mr. Pocholo Jake Procorato,” seksing pagkasasabi ni Vanessa. “Bakit hindi mo sinabi agad? Nahihiya ka bang malaman ko na nagseselos ka pala?”             “No, I’m not. Gusto ko naman talagang sabihin sa ‘yo agad pero, naunahan ako ng pride ko.”             “Mas mahalaga pala ang pride mo kaysa sa akin, huh?” pang-aasar ni Vanessa.             “Kunti,” natawa si Jake saglit at agad din na bumalik sa seryoso niyang mukha. “Hindi mo sinabi pabalik.” Kunwaring nagtatampo siya. Nakasimangot.             “I love you, too, PJ.”             Pagkatapos ay dumampi ang kanilang mga labi sa isa't isa. Ano pa ba ang mas tatamis sa dalawang taong nagmamahalam? Kunting away lang, pagkatapos ay magbabati rin agad. It’s like making a fight is just a part of having a romantic relationship, to spice things up. Gross.             Naputol ang kanilang romantikong sandali ng biglang tumunog ang telepono ni Vanessa.             “W-Wait, babe!” Pagputol ni Vanessa mula sa kanilang halikan.             Tiningnan ni Vanessa kung sino ang tumatawag. Kristine May Calling from Messenger . . . “Si Kristine,” sinagot naman niya ito agad. “Bhie?” paunang sabi ni Vanessa.             Sa sandaling iyon ay hindi lang ang paghahalikan nila ang nabasag, pati na rin ang mga glandula ng luha ni Vanessa pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Kristine mula sa kabilang linya.             “Anong nangyari, babe?” tanong ni Jake sabay salo niya kay Vanessa mula sa panghihina nito dahilan upang muntikan na siyang matumba sa lupa.             Umiyak ng malakas si Vanessa sa braso ni Jake at hinayaan lamang niya ito. Hinintay niya munang mailabas ni Vanessa kung ano man ang nararamdaman nito bago niya tinanong ulit.             “S-Si Kevin, babe.”             “Bakit, anong nangyari sa kaniya?” Natataranta na rin si Jake.             “Na . . . n-naaksidente ang sinasakyan nilang ambulansya.” Patuloy pa rin sa pag-iyak si Vanessa.             Nang marinig ni Jake ang sinabi ni Vanessa ay nag-presenta siyang puntahan nila si Kevin sa ospital na sinang-ayunan naman ni Vanessa. Kahit galit siya dahil sa selos mula sa lalaking iyon, nawala ang pakiramdam na ‘yon sa sandaling nalaman niyang may nangyaring masama sa kaklase nila. Gusto niya mang saktan ito, pero hindi niya kailan man hiniling na may mangyaring masama sa kaniya.             Agad silang tumungo sa parking lot para sumakay sa motorsiklo ni Jake, at agad niya itong pinatakbo ng mabilis hanggang sa nakaabot sila sa Riverhills Hospital. Pagdating nila sa ospital ay sinalubong sila ni Kristine sa lobby at nagsama sila sa labas ng operating room, kasama sina Jefferson at Chief Copper.             “Bakit nasa operating room si Kevin? Malubha ba talaga ang kalagayan niya?” tanong ni Vanessa habang hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha.             Tumango lang si Kristine at saka niyakap si Vanessa. Magkatabing nakaupo sina Jefferson at Jake sa gilid, nakatingin sa dalawa. Nauna nang umalis si Chief Copper upang suriin ang sanhi ng aksidente. Hindi na niya hinantay pa ang resulta ng operasyon ni Kevin dahil may trabaho pa siyang dapat gawin. Kailangan niya pang suriin ang sanhi ng aksidente.             Tahimik na lumapit si Chief Copper kay Jefferson sa kinauupuan nito. “Jeff, ikaw na muna bahala sa mga kaibigan mo. Watch them and don’t let your eyes off of their sight. Okay?”             Napatayo si Jefferson. “Bakit, dad? Aalis po ba kayo? Saan kayo pupunta?” “Kailangan ko munang bumalik sa accident area, to check kung ano ang nangyari o sanhi ng aksidente.”             “Okay, dad. Mag-ingat po kayo.”             “Tawagan mo agad ako kapag tapos na ang operasyon. Balitaan mo ako kung anong resulta. Sige, alis na ako.” Huling salitang sinabi ni Chief Copper bago niya nilisan ang ospital.             “Saan pupunta ang daddy mo, Jeff?” tanong ni Jake.             “Babalikan niya raw muna ang accident area kung saan naganap ang nangyari kay Jake at ng kaniyang sinasakyan na ambulansya.”             Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik sila sa pagkakaupo, at nakatingin lang sa orasan na nakadikit sa ibabaw ng pintuan ng operating room.       WHILE waiting for the operation to end, hoping for its success, Chief Copper is interrogating those witness around the accident area. Bago pa siya dumating ay naroon na ang kaniyang kasamang pulis na si Clinton, sinusuri ang aksidente.             Nilapitan ni Chief Copper si Clinton. “Clint?” tawag niya rito.             Lumingon si Clinton. “Chief!” tugon niya, at saka nakipagkamayan.             “Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Chief Copper.             Napangiti ng hilaw si Clinton. Hinihintay niyang bawiin ni Chief Copper ang salitang sinabi nito dahil inaakala niya ay nagbibiro lamang ito. “Hindi n’yo po ba nabasa ang email ng provincial police department?” tanong niya.             Nag-isip muna ni Chief Copper kung ano ang sinasabi ni Clinton. Parang wala naman siyang nabasa ayon sa ekspresyon ng kaniyang mukha.             “Sa tingin ko po, parang hindi pa nga. Sasabihin ko na lang sa––”             “Mamaya na lang, Clint, magtrabaho na muna tayo rito.” Pagputol ni Chief Copper sa sasabihin ni Clinton, at saka naglakad patungo sa mga taong nakapaligid sa lugar ng aksidente. “Sabihin mo sa akin kung ano ang nakalap mong impormasyon mula sa aksidente.” aniya.             Sinabayan naman ni Clinton sa paglalakad si Chief Copper. “I have already checked the vehicle and found out that the brake cable was cut.”             Napatigil sa paglalakad si Chief Copper at sinalubong niya ang mga mata ni Clinton. “Do you think before the accident happened, it was already cut or was it broken perhaps due to the accident happened?”             “Sa tingin ko, chief, kailangan mong ikaw mismo ang makakita.”             “I’m asking you, and you should answer me directly.” Puno ng authority ang boses ni Chief Copper, na siyang dahilan nang paglunok ni Clinton ng laway.             “I’m sorry, chief. Sa tingin ko po ay pinutol ito bago pa nakaalis ang ambulansya.”             Nakumbinsi naman ni Clinton si Chief Copper, kaya nilapitan nila ang ambulansyang nakataob at basag-basag ang mga salamin nito.             “Pinutol ang mga ito,” wika ni Chief Copper.             “I know, chief. Maaaring malaking pinsala ang itinamo ng sasakyan na ito mula sa labas nitong hitsura, pero imposible namang maputol ang mga cables nito sa loob, eh, nakaselyo ng mabuti ang mga lagayan ng cables upang siguraduhin na ligtas ang mga ito mula sa ano mang aksidente.”             Tahimik lang si Chief Copper habang nakatingin sa mga cables. Napaisip tuloy si Clinton kung ano kayang iniisip nito.             “Chief, ano pong iniisip n’yo?” Hindi niya napigilan ang sarili na maging mausisa.             “Iniisip ko kung sino at bakit niya ito ginawa.”             “At posibleng may alam si Kevin tungkol sa nangyari kay Reymark o Jason, ‘di po ba? Kaya tinangka ng kung sino man ang may gawa nito, ang patayin si Kevin para hindi ito makapagsabi sa awtoridad.”             Nagkasalubong sila ng tingin. Pareho sila nang iniisip, ngunit nagtataka si Chief Copper kung paano nalaman ni Clinton ang tungkol dito at saan niya nakalap ang mga impormasyong ito.             “Paano mo nalaman ang tungkol sa mga bagay na ito?” Direktang tanong ni Chief Copper kay Clinton. Ngunit hindi makikita sa mukha ni Clinton ang pangamba na may kasalanan siya o tinatagong sekreto na nalalaman. “I’m a quiet observant, chief. During my intern sa Chief office, working with you was a total fun. Kaya nga ako narito dahil ako lang ang nakapasa sa aming tatlo.”             “Uh, kaya pala. Well, I don’t have any doubt about your passion working with any case . . . with me.”             “It’s an honor to work with you, chief.”             Nakumpirma nga nilang hindi aksidente ang nangyari. Pero dadalhin pa rin nila ang sasakyan sa isang Auto Repair Shop, upang isailalim sa karagdagang pag-iimbestiga, at upang makasiguradong tama nga ang kanilang impormasyon.   After several hours, a surgeon came out from the operating theater. Sinalubong siya ng Troops upang kausapin at tanungin tungkol sa resulta nang operasyon, at sa kalagayan ngayon ni Kevin.             “Kumusta po ang kalagayan ng kaibigan namin?” diretsong tanong ni Vanessa.             Nagtanggal ng takip sa mukha ang doktor. “Kevin is now fine.” aniya, pero ayon sa kaniyang pagkakasabi ay parang hindi ito mabuti.             Niyakap ni Vanessa si Kristine.          “May problema po ba, dok?” tanong ni Kristine, habang nakasandal ang ulo ni Vanessa sa kaniyang balikat at nakapatong naman ang mga kamay nina Jefferson at Jake sa balikat ni Vanessa at Kristine. Napabuntong ng malalim ang paghininga ng doktor. “He’s fine but, he went into a coma right now . . . and we don’t know when he will wake up.” Tila binuhusan sila ng malamig na tubig. Hindi sila makapagsalita. Prinoproseso pa ng kanilang mga utak ang narinig, maliban na lang kay Jefferson. “Ano pong nangyari, bakit siya na coma?” tanong niya. “We performed Exploratory Laparotomy Surgery––” “W-Wait, doc! Language please.” “We opened up his belly area or abdomen, to find the cause of problems such as belly pain or bleeding to test what could not diagnose. We also need to use it because his abdominal injury needs emergency medical care.” Ang magandang ngiti nina Vanessa at Kristine ay napalitan ng sirang ngiti kasabay ang pagpatak ng kanilang mga luha at paninikip ng puso. “I’m so sorry. Maiwan ko na kayo.” “Thank you po, doc.” wika ni Jake. Pagkatapos ay umalis na ang doktor.               All that happened was super hard to inhale and to process everything. They seem to be playing hide-and-seek as they cover up looking for who did it all. No clue, no suspect, just nothing.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD