WHY is every day in Riverhills had always a problem? Isang tanong na walang sino man ang may sagot. Nakatayo’t may hawak-hawak na papel ang lahat ng mga estudyante sa harap ng kani-kanilang mga locker. Halos hindi makadaan ang ibang mag-aaral na papasok pa lamang sa kanilang mga silid-aralan dahil nakaharang sila sa daan.
Biglang dumating si Principal Leather. “What is happening here?” sigaw niya, at hinablot ang hawak na papel ng isa sa mga estudyante.
“God! This school is the worst.” Kinusot niya ang hawak na papel pagkatapos niyang mabasa ang nakasulat dito at itinapon sa basurahan. “Okay, everyone! Go to your classrooms right now!”
Kung si Principal Leather ay nastre-stress sa mga nangyayari, kabaliktaran naman ito sa saya na naramdaman ni Leticia na hindi tutumbas sa saya ng mga kasamahan niya.
“Good job everyone.” wika ni Leticia habang papasok ng kanilang silid.
Nakaupo habang magkaharap sina Jake, Jefferson, Vanessa, at Kristine. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga nangyayari sa loob ng paaralan, habang wala pa ang guro nila.
“Sino na naman kaya ang may pakana nito?” naiinis na sabi ni Kristine.
“At ano naman ang mapapala nila sa pagkalat ng diary ni Jason?” sambit ni Jake.
Tahimik lang si Jefferson na nakikinig sa mga paghuhumyaw ng kaniyang mga kaibigan habang nakatingin sa kaniya si Vanessa. Kinakabahan tuloy ito. Baka nagdududa na sa kaniya si Vanessa. Hindi rin ito malabo marahil ay matalino ang kaniyang kaibigan.
“Anong iniisip mo, Van?” wika ni Jefferson, bilang pag-alis sa tensyon na nararamdaman.
Agad na iniwas ni Vanessa ang tingin at ibinaling kay Kristine na ngayo’y katabi niya lang ng upuan. “Iniisip ko lang kung sino ang nasa likod nang pagkalat ng diary ni Jason. Lately, halos nakalimutan na natin ang nangyari sa kaniya pero may nagbalik no’n ngayon. Ang ibig lang niyang iparating, kung sino man siya, gusto niyang sabihin na hindi pa tapos ang pamamalagi ni Jason sa Riverhills High.”
“‘Yon na ‘yon? Gano’n lang ang reason niya doing behind all of this? What a pathetic brain he has?” naiinis na sabi ni Kristine.
“So, ano ang gusto mong gawin natin?” tugon ni Jefferson.
“Anong gagawin?” saway ni Kristine. “Wala tayong gagawin. Ang dami na nga nating problema, tapos parating na ang examination natin. Habang si Kevin ay walang malay.” aniya at marahan na napayuko.
Ipinatong ni Vanessa ang kanang kamay niya sa likod ni Kristine at marahang hinaplos ang likod ng kaibigan.
“Tama si Tine,” pagsang-ayon ni Jake. “Ang dapat natin problemahin ngayon ay ang examination at kung paano natin matutulungan si Vanessa na maibalik ang kapayapaan sa paaralang ito. Palapit na ang intramurals at hindi puwedeng may gulo habang dapat nagsasaya tayo.”
“Bhie, are you sure na kaya mo pang maging president?” nag-aalalang tanong ni Kristine.
“Oo naman, bhie. Kakayanin ko at saka nanriyan naman kayo para suportahan ako, ‘di ba?” nakangiting tugon ni Vanessa.
“Syempre naman, bhie.”
Wala silang ideya na nasa harap lang pala nila ang may hawak ng buong kasagutan sa lahat ng problema’t katanungan na naglalaro sa kanilang isipan. The villain is among us.
Ano kaya ang rason kung bakit napabilang sa grupo ng Riverhills Squad si Jefferson? Kung ano man ang kaniyang rason, sana makakayang tanggapin ng kaniyang mga kaibigan pagdating ng panahon.
Biglang dumating ang kanilang guro at tumayo ng diretso sa harapan nila habang may dala itong libro, at stick. “Good morning, class. Please go back to your chairs and sit down properly.”
AFTER class, may malakas na enerhiya ang nagtulak kay Vanessa para sugurin si Ashly sa loob ng shower room. May unfinished business pa pala silang dapat tapusin. Noong nangyari sa coffee shop.
“Nasaan si Ashly?” Walang emosyon na makikita sa mukha ni Vanessa nang tanungin niya ang isa sa mga kasamahan ni Ashly sa dance group.
“Nando’n sa pinakuling shower room.” tugon nito sabay turo.
Nilagpasan lang ni Vanessa ang babae pagkatapos marinig ang sagot nito. Nanggigil na talaga si Vanessa. Dala na rin siguro ng stress dahil sa lahat ng nangyayari, lalo na sa mga dati niyang kaibigan. Wala siyang pakialam kung ano man ang mayro’n siya sa paaralang ito. She’s tired of it. She’s tired of holding her anger and what she wanted to do. She’s tired of doing nothing. Feeling useless and just letting go the bad things happened around under her watch.
Hindi nagdalawang-isip na itulak ni Vanessa ang pintuan ng pinakahuling shower room na siyang itinuro ng babae kanina, kung saan naliligo si Ashly.
“Hey, what the f*ck?” galit na sabi ni Ashly, habang nababalot ng sabon ang kaniyang buong katawan.
Pumasok sa loob ng shower room si Vanessa at buong puwersa na itinulak sa pader si Ashly kahit nababasa na siya ng tubig mula sa shower.
“Vanessa, anong ginagawa mo? Ano ‘to?” Nanlaki ang mga mata ni Ashly dahil sa ginawa ni Vanessa sa kaniya. She wasn’t expecting about it. At hindi rin siya makapaniwala na gagawin ito ng isang SSG President sa kapwa nito mag-aaral.
“Iisang ulit ko lang ‘to itatanong sa ‘yo. Kung hindi mo ako sasagutin ng diretso . . . babasagin ko ‘tong ulo mo!” The way Vanessa said it, it feels like she’s not bluffing. Ashly could feel it inside her bones.
Walang kamalay-malay si Vanessa sa kung ano ang kaniyang kinikilos ngayon. Basta ang alam niya lang ay kailangan niyang may makuha kahit kaunting impormasyon na makatutulong at makapagbibigay sagot sa dami ng katanungan sa kaniyang isipan.
Tumango lang si Ashly sabay lumunok ng laway.
“Sino ang nagbayad sa ‘yo at ng iba pa para iboto ako? Sino?” Galit pa rin ang boses ni Vanessa.
“S-Si R-Reymark!” nanginginig na sagot ni Ashly. Kahit takot ay nagawa niya pa rin na sumagot. Iniisip niya kung bakit nagkakaganito si Vanessa. Eh, sa pagkakakilala niya rito ay sobrang bait at halos hindi nga makabasag pinggan dahil sa taglay nitong tahimik, at hindi kailan man nasangkot sa anong gulo.
Hindi makapaniwala si Vanessa sa naging sagot ni Ashly. Iniisip niyang pinaglalaruan lang siya nito. Kaya halos lahat na yata ng dugo niya sa katawan ay tumaas patungo sa kaniyang ulo. “Gusto mo ba talagang basagin ko ‘tong ulo mo, huh?” Hinila ng malakas ni Vanessa ang basang buhok ni Ashly.
Nag-uumpisa nang tumulo ang mga luha ni Ashly, ngunit hindi ito napapansin ni Vanessa marahil sa tubig na dumadaloy sa kanilang mga mukha at kahit na mapansin man niya ito ay wala siyang pakialam.
“N-Nagsasabi ako ng totoo. Si Reymark ang nagbigay sa amin ng pera para iboto ka. Kahit na tanungin mo pa ang ibang estudyante rito.” Lumakas ang pag-iyak ni Ashly na siyang dahilan para lapitan siya ng iba pang mga kasamahan niya sa loob ng shower room.
Nang makita ng ibang mag-aaral ang ginawa ni Vanessa kay Ashly ay hindi rin sila makapaniwala. Nakalikha sila ng ingay. Pinag-uusapan nila ang nangyayari habang ang iba naman ay kumuha at naglabas ng camera upang i-record sina Vanessa at Ashly. Subalit bago pa man nila mailabas ang kanilang mga telepono . . .
Nang mahimasmasan si Vanessa sa kaniyang ginawa kay Ashly ay agad niya itong nabitawan at bumagsak sa puting laryo. Mabilis na hinawi ni Vanessa ang mga babaeng nakaharang sa daan at patakbong lumabas ng shower room. What have I done?
PINUNTAHAN ni Vanessa si Jake sa library kung saan sila huli nagkita. Habang mabilis siyang naglalakad ay hindi niya maiwasang magkasalubong ang mga tingin ng bawat mag-aaral. Diretso lang ang kaniyang lakad hangang sa hindi niya namalayan na papalapit na pala sa kaniya si Jake.
Nagulat si Vanessa nang biglang lumitaw sa kaniyang harapan si Jake. “Babe?” aniya, at napahawak sa sariling dibdib.
“Babe, what’s wrong? Anong nangyari sa ‘yo?” nagtatakang tanong ni Jake at napahawak sa magkabilang braso ni Vanessa.
“Please bring me home.” Diretso niyang tugon, at tila wala sa sarili.
Hindi na sumagot si Jake at agad na hinawakan ang kaliwang kamay ni Vanessa, at diretsong lumabas ng school building papunta sa parking lot.