CHAPTER 23: LET-THE-PARTY-BEGIN

2088 Words
LOOKING in eternal while wrapped in a blanket as Vanessa sat in their living room with Jake. Wala ang mga magulang ni Vanessa kaya malaya silang magkasama sa loob ng bahay. Sinusubukan pa rin ni Vanessa na iproseso ang lahat ng nangyari at ginawa niya kay Ashly. Kinuwento niya kay Jake ang tungkol sa nangyari sa loob ng shower room, at kahit ang sariling kasintahan ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi rin siya makapaniwala sa ginawa ng kaniyang kasintahan.             “Stop thinking about it, babe.” banayad na wika ni Jake. “Just tell me when you’re ready. Sigurado akong stress at pressure lang ang dahilan kung bakit mo ‘yon nagawa.”             “Hindi ko talaga alam kung paano ko nagawa ang bagay na ‘yon. I was just thinking about Reymark and Kevin. Mga kaibigan ko rin sila rati and –”             “Shh, magpahinga ka muna,” saway ni Jake, at saka ipinahiga niya si Vanessa sa kaniyang mga hita. “Paggising mo, kikitain natin ang Troops sa coffee shop at pag-usapan ang nangyari. You’re in a mess, babe. Kailangan natin linisin ito bago pa kumalat . . . bago pa dumating ang balita kay Principal Leather.” aniya habang marahang hinahaplos ang buhok ni Vanessa.             “Do you think alam na ni Principal Leather ang tungkol sa nangyari?”             “Nope. Kasi kung alam na niya, malamang kanina pa ‘yon tumawag sa ‘yo at pinapapunta ka na sa office niya.” Tama si Jake. Kung si Vanessa nga ang sinisi niya sa nangyari noong gabing natagpuang patay si Reymark, ito pa kayang ginawa niya kay Ashly.             “I guess you’re right. Thank you, babe, for being here with me.”             “You don’t have to mention it, okay. Nandito lang ako anytime, babe.” Yumuko si Jake upang halikan ang kasintahan habang sinalubong naman ito ni Vanessa.     SA LIKOD ng school building kung saan binugbog ni Angelo si Kevin, nagtipon-tipon ang mga Riverhills Squad para mag-usap.             “Para saan nga ulit ‘yong ginawa naming pagkalat sa sekreto ng kapatid mo, huh, Leticia?” ginigiit na sabi ni Angelo. “At saka anong napala mo?”             “Dinudumihan mo lang ang pangalan ng namayapa mong kapatid,” sabat ni Jefferson. “Pangalan at ng pamilya mo ang nakasalalay sa ipinagawa mo sa kanila.”             This time, nagkaisa sina Angelo at Jefferson.             “He’s dead. Ano naman ngayon? Ang importante alam na nila kung sino at ano talaga ang kapatid ko.” nakangising sagot ni Leticia habang nakaupo sa gitnang-sulok.             “Bakla at attitude mong kapatid? ‘Yon ba ang gusto mong patunayan sa mga estudyante rito sa Riverhills?” wika ni Jefferson.             “You’ll see,” walang pakialam na sagot ni Leticia. “But first of all, we must start eliminating those traitors from the group.” Tumayo siya at malanding naglakad patungo sa kinaroroonan ni Jefferson.             Sa puntong ito, buhay na buhay ang puso’t isipan ni Jefferosn. Kinakabahan siya sa posibleng gawin ng mga kasamahan niya sa kaniya. Kung tatakbo man siya ngayon upang tumakas ay hindi ito magiging magandang solusyon. Hindi matatapos ang problema niya. Maraming madadamay pag ginawa niya ang bagay na ‘to.             “Hawakan n’yo siya!” Utos ni Leticia sa dalawang lalaki na nasa likod ni Jefferson.             Alam ni Jefferson na mangyayari ang bagay na ‘to. Hindi niya lang alam kung kailan at saan, pero para sa kaniya, ito na yata ang araw na ‘yon.             Tumayo at lumapit si Angelo kay Leticia. “Ano ‘to, Ticia?” nagtatakang tanong nito.             Lumingon si Leticia. “Hindi ka na ba marunong makinig ngayon, huh, Gelo? Akala ko ba matalino ka?” sa tono ng kaniyang pananalita – tila nakalalamang ito. Of course, she has the right to put anyone under her palm. She’s the leader of the squad.             “Are you sure about this? Baka anong gawin ni P.L. sa atin ‘pag nalaman niya ang tungkol dito.”             “Kio?” naiinis na tawag ni Leticia.             Mula sa masulok na bahagi ng mga sirang upuan na nakasalansan, lumabas si Kio at lumapit sa kinaroroonan nina Angelo at Leticia. Nanlaki ang mga mata ni Jefferson nang makita niya si Kio. Hindi siya makapaniwala na myembro rin pala ito ng Riverhills Squad. Sa tagal niya sa samahan ay ngayon lang niya nalaman ang tungkol dito.             “Anong ginagawa ni Kio rito? Bakit wala akong alam na kasali na pala siya sa squad, huh?” tanong ni Jefferson habang sinusubukan niyang kumawala. Subalit, tila nagmistulang bingi ang lahat sa sinabi ni Jefferson.             “Bakit mo siya pinapunta rito? ‘Di ba, sabi ni PL, hindi siya puwedeng maglantad sa kahit sino sa atin. Lalong-lalo na sa kan–” Halos matanggal ang mga salamin na suot ni Angelo dahil sa gigil na nararamdaman sa kaniyang kaloob-looban.             Walang ano-ano’y biglang dumampi ng malakas ang kanang kamay ni Leticia sa mukha ni Angelo. “Can you please lower your voice?” naiirita nitong sabi. “Baka nakakalimutan mo kung sino ang kinakausap mo!”             Napahawak si Angelo sa kaniyang namumulang mukha na may bakas pa ng kamay ni Leticia. “I-I’m sorry.” nakayuko nitong sabi.             “Good.” At ibinalik ni Leticia ang tingin kay Jefferson. “Now, Kio, sabihin mo sa amin kung ano ang sinabi mo sa akin.”             Humarap si Kio kay Jefferson.     DALAWANG ORAS na naghihintay sa coffee shop sina Jake, Vanessa, at Kristine, ngunit hindi pa rin dumadating si Jefferson. Nag-aalala na sila marahil ay hindi ugali ni Jefferson na hindi mag-reply sa mga messages nila.             “Nasaan na kaya ‘yon?” sabi ni Kristine habang nakadungaw sa labas ng bintana.             “Wala na tayong oras, babe.” nalulungkot na sabi ni Vanessa. Pasado alas kwatro na ng hapon at malapit ng dumilim. Kailangan na niyang gumawa ng hakbang bago pa sumapit ang araw bukas ng umaga.             Sa dalawang oras na paghihintay, ikinuwento na ni Vanessa ang tungkol sa nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Ashly sa loob ng shower room.             “Ay, bhie, sabihin mo na lang sa amin kung ano ang plano mo. Sabihan na lang natin si Jeff, pag dumating na ‘yon.”             Tiningnan ni Vanessa si Jake at tumango lamang ito.             “Sinabi ko na kay Jake ang tungkol sa plano ko at sumang-ayon naman siya. Gusto ko sana mag-host ng party dito sa coffee shop . . . tonight.”             “So, ibig mong sabihin . . . ikaw ang magbabayad ng lahat ng gastusin para sa party na ‘yan?”             Tumango si Vanessa. “Yes, at saka hindi naman problema ang pera. May savings naman ako from tutoring and baon ko araw-araw.”             “Okay?” pinahabang sabi ni Kristine. “But it’s no sense. Paano mo malilinis ang pangalan mo at tungkol sa nangyari by having this party you think?”             “Naisip ko na rin ang tungkol diyan. Makikita mo mamaya.” Nagniningning ang mga mata ni Vanessa. Naniniwala siyang magtatagumpay ang plano niya.             Cli-nick ni Jake ang enter sa laptop niya at sa hawak niya rin na telepono. “Invitation sent!” nakangiting sabi nito. “Let the party begin.”     PAGSAPIT NG gabi, sunod-sunod na nagsidatingan ang mga mag-aaral mula sa Riverhills High School. Lahat ay may iba’t ibang fashion taste. Puno na sa loob ng coffee shop, kaya ang iba ay nasa labas na lang habang nakaupo at ang iba naman ay nakatayo.             Si Jake ang nagsilbing disc jockey, habang si Kristine na man ay abala sa pagbabantay kung may mga uninvited guest sa party. Si Vanessa naman ay naghahanda para sa palabas na gagawin niya mamaya.             As the night deepens, the music sounds louder. Dance monkey is already played, music by Janet Hill. Mabuti at pumayag si Mama Fee para sa gabing ito.             “Hindi pa rin ba dumadating si Jeff, bhie?” tanong ni Vanessa.             “Wala pa rin, bhie. Pero . . . kailangan na natin umpisahan ang palabas bago dumating ang daddy ni Jeff.” suhestiyon ni Kristine.             “Sige, bhie.”             Pumunta sa gitna si Kristine at pumatong sa counter table. Jake lowered the music volume level.             “Good evening, Riverhills High!” sigaw ni Kristine, na siyang umagaw sa atensyon ng buong madla. “Tonight, you can watch a free live performance, exclusively at Mama Fee’s coffee shop with the Riverhills High Ophidian.”             The crowd cheers for them, shouting and whistling while others clap their hands.             “Hit it!” sigaw ni Kristine sabay turo kay Jake, at saka tinanggal ang suot na itim na coat.             Pagkatugtog ng musika, sabay-sabay na nagsilabasan ang mga dancers ng Riverhills high, ang Ophidians, suot-suot ang kanilang uniporme. Maroon sleeveless tops, yellow border lines, with the iconic letter ‘R’ in the middle of it and milk colored turtleneck underneath. They look so sexy in their maroon and yellow down-straight parallel pattern–skirt.             Sumayaw sila na para bang wala ng bukas. They always blow out wherever their body and feet take them. Everyone gathered around while holding their drinks. Pagkatapos nang sayaw, pumwesto agad sa gitna si Vanessa.             “Good evening, Riverhills high!” Vanessa raised her non-alcoholic glass of drink. “Most of you already know about what happened sa shower room kanina–”             “That was so d*mn hot, Nessa!” sigaw ng isang lalaki mula sa madla.             Marahang natawa ang lahat at pati na rin si Vanessa.             “I’m hosting this party to make things clear. I’ve heard that someone paid most all of you to vote me during the election. Gusto kong sabihin na . . .” Nahinto sa pagsasalita si Vanessa nang makita niyang pumasok si Jefferson. Kahit hindi niya gaano nakikita ang skin tone ni Jefferson, alam niyang may mali sa mukha nito.             “Tumakbo ako bilang SSG President ng Rivherhills high upang pagsilbihan kayo, kahit sa huling taon na pamamalagi ko rito. Binayaran o hindi, papatunayan ko sa inyo na karapat-dapat ako sa posisyong ito. And I am expecting all your support– ‘till the end.” “‘Till the end!” sigaw ni Kristine, kasabay ang pagtaas ng kaniyang inumin. “‘Till the end!” sigaw ng lahat, kasabay din nilang itinaas ang kanilang mga inumin. Ilang sandali lang ay narinig nila ang malakas na tunog ng patrol car. F*ck! Nandito na si Chief Copper. Sa loob-looban ng halos–sa utak ng mga mag-aaral. Pumasok si Chief Copper sa loob ng coffee shop na suot-suot pa rin ang kaniyang uniporme na natatabunan ng kayumangging coat. “What’s your order, Chief?” pabirong tanong ng isang mag-aaral, at saka tumawa ang karamihan. Hindi nagpatinag si Chief Copper at nilagpasan lang niya ito. Diretso siyang naglakad sa kinaroroonan ni Vanessa na ngayo’y dahan-dahan na bumaba mula sa counter table. “I believe this is your idea, Vanessa?” wika ni Chief Copper. Huminga ng malalim si Vanessa. “Yes, chief. Don’t you worry po, it’s non-alcoholic.” kumpiyansang pahabol niyang sabi. “I know. Mama Fee won’t allow you nor selling alcoholic drinks sa coffee shop niya.” “So, ano po ang problema? Bakit kayo narito?” “May tumawag at nagreklamo dahil sa ingay n’yo rito.” Lumapit si Jefferson. “Dad, can we just go home?” wika nito sabay hinawakan ang braso ng kaniyang ama. Nakatingin ang lahat ng tao sa loob ng coffee shop, nababagot na dahil sa eksena. “Papalagpasin ko ang gabing ito pero . . . hinaan n’yo ng kunti ang tugtog. Okay?” “Okay po, chief.” nakangiting tugon ni Vanessa. “Ikaw . . .” nakatinging sabi ni Chief Copper kay Jefferson. “Sasama ka sa akin.” Tumalikod ito at diretsong lumabas ng coffee shop. “See you all tomorrow.” sabi ni Jefferson nina Kristine at Vanessa bago ito lumabas. Paglabas nila ng coffee shop. Agad na hinarap ni Jefferson ang kaniyang ama. “What was that dad? You’re so unbelievable. Ilang beses n’yo po ba akong ipapahiya sa harap ng maraming tao? Lalong-lalo na sa mga mag-aaral ng school ko?” Chief Copper can’t understand why his son is acting so childish. “Jefferson, hindi ka na bata. Bakit ganiyan ka pa mag-isip? At saka, ‘wag na ‘wag mo akong pagtaasan ng boses. Baka nakakalimutan mong ako ang daddy mo.” “This is stupid. Let’s just go home.” walang ganang sabi ni Jefferson, at pumasok ng sasakyan. Sumunod naman si Chief Copper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD