THE COFFEE shop of Mama Fee is happy to serve twenty-four seven. Umulan man o umaraw, laging nakabukas ang pinto para sa lahat ng tao sa Riverhills at kahit hindi taga rito. Lalong-lalo na sa mga estudyanteng lumiban sa klase o may kaganapan sa paaralan. An escape place for a lone soul, kung baga.
“Good afternoon, Mama Fee!” Malapad na ngiti ang bumungad sa harap ni Mama Fee nang pumasok ang isang babae na may mahabang itim na buhok at dumiretso sa pinakahuling booth.
“Not feeling well, dear? Or escape from school?” sagot ni Mama Fee.
Pero walang tugon na narinig si Mama Fee mula rito at tanging ingay lang ng pinto ang umalingawngaw sa loob. Pagkatapos timplahin ni Mama Fee ang kape para kay Leticia, inihatid niya ito at inilapag sa mesa na may kasamang potato fries.
“Narinig ko kasi kanina sa mga estudyante na pumunta rito, na may symposium raw sa school n’yo ngayon. Sigurado naman ako na importante ang presensya mo roon dahil dumaan din ako ng high school, kahit naging business owner ako ng sariling coffee shop.”
Huminga ng malalim bago sumagot si Leticia. “Gusto ko po muna mapag-isa, Mama Fee.” mahina nitong sabi.
“Okay, dear. No problem. Just call me whenever you need something, okay?” Nag-iwan ng ngiti si Mama Fee bago umalis.
Paalis na sana siya ng bigla niyang naalala ang nangyari sa kapatid ni Leticia, “And oh, dear, I’ve almost forgot . . . I am so sorry for what happened kay Jason. Sobrang bait pa naman ng batang iyon kahit may pagka – alam mo na.” Nakangiting-hilaw na lang si Mama Fee ng mapagtanto niyang sobrang kulit niya na pala. “Sorry, dear. Iwan na muna kita.”
“Thank you, Mama Fee.”
Mama Fee smiled as a response. Right after she left the booth, Chief Copper entered the coffee shop. Nakita niya si Leticia at sa hindi inaasahang pagkatataon, nagtugma ang kanilang mga mata. Naglakad agad siya sa puwesto ni Leticia habang hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa dalaga.
“Puwede ba tayong mag-usap?” wika ni Chief Copper nang marating niya ang booth ni Leticia.
“I have already told you that I don’t want to talk about him,” supladang tugon ni Leticia sabay iwas ng tingin.
“I guess you will,” umupo si Chief Copper sa kabilang upuan kaharap si Leticia. “Dahil pag-umayaw ka . . . isang tawag ko lang sa mga magulang mo at sasabihin ko sa kanila na hindi ka uma–”
“Okay, okay! What do you want?” matulis na tingin ang ibinato ni Leticia sa kaharap niyang pulis.
Napangiti si Chief Copper dahil sa wakas, baka sakaling makakuha siya ng impormasyon.
Hindi siya nagdalawang-isip na patagalin pa ang usapan at direktang nagtanong. “Noong araw na namatay si Jason, nasaan ang mga magulang mo at ikaw?”
Ayaw man sagutin ng dalaga ay wala siyang maggagawa kun’di ang sagutin ang mga tanong ng makulit na pulis. “Nasa kabilang bayan ang mga magulang ko noong araw na nangyari ang pagkamatay ni Jason . . .”
“Saang bayan?”
“Do I really need to specify that?” Pagtataray ni Leticia.
Ibinaling ng dalaga ang mga mata sa labas ng bintana. Tanging basang parking lot, kahit walang tubig ang lugar, ang makikita sa tanawin mula sa puwesto nila.
“Oo. Sagutin mo na lang agad ang tanong ko kung gusto mo akong mawala sa paningin mo,” seryosong sabi ni Chief Copper. “Saang bayan pumunta ang mga magulang mo noong araw na namatay ang kapatid mo?”
Ibinalik ni Leticia ang tingin sa mga mata ng pulis, inis at nanggigil ang makikita sa mga mata ng dalaga. Kahit anong pagtataray at inis man ang kaniyang iparamdam at ipakita, wala pa rin itong silbi sa pulis na ginagawa ang kaniyang trabaho.
“Sa Bayan ng Riverside.”
“At ikaw? Saan ka nang araw na iyon?”
Lumunok muna ng laway si Leticia bago nagpatuloy sa pagsasalita. Chief Copper can feel the tension she feels right now. Ayon sa kaniyang obserbasyon sa kilos at paraan nang pagsasalita ng dalaga. What is she hiding? Isang tanong na naka-pin on top sa isipan ng pulis.
“I was at my friend’s house that day . . . and when I got home, I went looked for Jason. Then, I saw . . . him, J-Jason,” Leticia can’t hold her tears from falling from her swollen eyes. After everything what happened to her only brother, sino ba naman ang hindi maiiyak kung paulit-ulit na pinapaalala sa ‘yo ang nangyari sa isang taong mahalag sa ‘yo.
“I-I’m sorry,” Chief Copper said, and handed the box of tissue from above of the table. “I just want to bring justice for your brother.” He added.
“But why it feels like you are disrespecting my brother’s death?” Tinanggap ni Leticia ang tissue na inabot ni Chief Copper, at pinunasan niya ang kaniyang mga mata’t mukha.
“I’m sorry, Miss Thornhill. Hindi ko balak na bastusin ang pagkamatay ng iyong kapatid at gano’n ang iyong pagkaiintindi sa ginagawa ko para sa kapatid at pamilya mo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko at isa pa, kaklase ng anak ko si Jason. At nasa parehong bayan lang ang lupang tinatahak natin.”
“Alam ba ni mommy at daddy na ginagawa mo ito? Or they’ve asked you to do it?”
“Hindi na kailangan na malaman ng mga magulang mo kung ano ang ginagawa ko. Trabaho ko ang maghanap ng kasagutan sa mga nangyayaring kahina-hinala sa bayan natin. At kahit na kausapin nila ako para rito, alam ng lahat na hindi na kailangan dahil nga trabaho ko ang pagsilbihan ang bayan na ito.”
“And because of that,” may inilabas na bagay si Leticia mula sa itim niyang flap bag at inabot niya ito kay Chief Copper.
“Ano ‘to?” Walang ideyang sabi ng pulis.
“Jason’s diary. Sa tingin ko, may kinalalaman ang mga taong nabanggit niya sa notebook na ‘yan. I hope it can help you to find out the cause of my brother’s death.”
“Did your parents told you about–” nagdadalawang-isip na wika ni Chief Copper.
“About what?”
“Wala. Never mind. Thank you for this, Miss Thornhill. I should leave now.” tugon ng pulis at saka tumayo mula sa pagkakaupo.
Meanwhile, after the symposium. Naglalakad palabas ng school building sina Vanessa, Jake, Kristine, at Jefferson, kasabay ang ibang mga estudyante sa hallway, nang biglang tumunog ang school public announcement system.
“Vanessa Gocela and Leti– please proceed to the principal office immediately!”
Napahinto ang lahat ng estudyante sa hallway, habang nagkatitigan ang magkaiibigan. It was sounds liked a horror thing.
“Anong ginawa mo, bhie?” wika ni Kristine, nag-aalala nitong boses.
“Wala. Wala akong ginawa, ‘no. Mauna na kayo sa labas, susunod ako,” tugon ni Vanessa, at nagmamadaling iniwan ang kaniyang mga kaibigan sa hallway papunta sa Principal’s Office.
When Vanessa entered the Principal’s Office, only Principal Leather is present inside the four cornered brown painted room.
“Good afternoon, Principal Leather!” bati ni Vanessa pagkapasok niya.
“Hello, Miss Gocela! Please take your seat.” An excited voice of Principal Leather welcomed her.
“Thank you, sir,” mahinang tugon ni Vanessa sabay upo sa upuang nasa kaliwa na nakapuwesto sa harap ng mesa ni Principal Leather.
Vanessa can feel her knees shaking and she don’t like this kind of feeling.
“You must be wondering why I have asked you here. Ipinatawag kita rito dahil . . . napag-usapan namin ng mga guro na, you and Leticia Thornhill will be running as our SSG Presidents’ candidates.”
Vanessa can’t believe what she just heard and how should she react into it. Dapat ba siyang maging masaya o mabahala.
“I appreciate your decision and by considering me as one of the candidates for the position, sir, pero sir – mawalang galang na po, sa palagay ko . . . dapat n’yo munang isaalang-alang ang pagdinig sa aking pasya tungkol dito bago kayo magdesisyon? ‘Di ba po?” tugon ni Vanessa.
“Oh, I didn’t expect that coming. I guess you’re right, Miss Gocela. But think about the good reputation you may gain from it. I can give you recommendation to any universities you want for college. Bibigyan kita ng isang gabi para pag-isipan ito. Meet me tomorrow morning, if you have made up your mind.” wika ni Principal Leather, at sandaling ngumiti.
Vanessa knows that Principal Leather was sincere for saying about it, ni kahit kailan o bihira lang nila itong makitang ngumiti. Kinukurot tuloy siya ng konsensya niya dahil dito, dahil sa kaniyang sinabi kanina. Hindi naman sa ayaw niyang sumali at tumakbo bilang presidente. Ang suliranin na makakalaban niya si Leticia Thornhill ay isang bangungot.
Simula pa lamang noong Grade 7 sila, si Jason na ang presidente ng kanilang silid-aralan. Naging officer din ng SSG, hanggang sa nag-Grade 8 sila, nanatiling nasa posisyon pa rin siya. Umabot ng Grade 9, at naging vice-president ng SSG habang presidente pa rin siya ng classroom nila, hanggang sa huling hininga nito. Bago pa man siya pumanaw ay naging SSG President siya. Kaya no’ng namatay siya, naging bakante ang posisyon na iyon at ngayon ay naghahanap ulit ang paaralan ng bagong papalit para sa iniwang obligasyon ni Jason.