WHEN darkness successfully snatches away the light. Nasa loob ng kaniyang kwarto si Vanessa, nakaupo sa sariling kama habang nakatingin sa hangin. Ang tahimik na paligid ay naging musika ng kaniyang mga tainga. The news that she had have heard from Principal Leather’s mouth, it cannot take off out of her ears and mind. She keeps thinking about it and what she has to do.
Ngunit, nabasag ito nang biglang tumunog ang kaniyang telepono at agad naman niya itong sinagot.
“Hello, babe?” boses ng lalaki mula sa kabilang linya.
“Hey, babe?” walang kabuhay-buhay na sagot ni Vanessa.
“Are you still thinking about it?”
“Oo naman, ‘no! I can’t deny the fact that –”
“That you’re scared about the position?”
“Well, of course. At hindi lang basta dahil do’n . . . Leticia Thornhill against me?” tumaas ang boses ni Vanessa. She rolled her eyes at tumayo sa harap ng kaniyang nakabukas na bintana.
“At ano naman ang problema, kung si Leticia Thornhill . . .” madiin na pagkasasabi ni Jake. “Ang makakalaban mo?”
“Are you serious? Never pa natalo ang mga Thornhill sa lahat ng elections and any competitions sa Riverhills’ High!”
“You mean Jason, Jason Blake Thornhill?”
“I mean, she and her brother got some connections and brains. They’re smarter than me . . . at halos sakop nila ang buong estudyante sa school. Anong laban ko ro’n? Magmumukha lang akong katatawanan sa harap ni Leticia at ng buong paaralan.”
“Halos lang, hindi buong school. Ibig sabihin no’n may chance ka pang manalo, I mean, mananalo ka naman talaga. I trust you and besides, anong silbi namin? You got us, your boyfriend and best friends. We can make a good fight against her. Okay? We can do it.”
Napasinghap si Vanessa ng malalim.
“Babe, I can hear you. Hey, relax. Jason is gone. Nandito naman kami para suportahan ka. So, don’t stress yourself. Tomorrow is gonna be a long day.”
“Thank you, babe.” She feels relief, hearing her boyfriend’s voice and some motivational words from him. “And by the way, bakit hindi ka nagpapakita sa akin, huh? Saan ka pala ngayon? Umalis ka ba ng bahay n’yo?”
Vanessa and Jake are neighbors since they were kids. Nasa kabilang kalye lang ang bahay nila at magkaharap lang din.
“I’m at my study table. Tinatapos ko lang itong logo,” tugon ni Jake habang hawak-hawak ng kaniyang kaliwang kamay ang telepono at ang kanang kamay ay nakahawak sa mouse.
“Ah, okay. I love you, babe.”
Hindi agad nakasagot si Jake. Subalit tumayo siya at pumunta sa harap ng kaniyang bintana para magpakita kay Vanessa. “You see me now?”
“Nope.”
Sabay at pareho silang napatawa ng marahan.
“I love you, too, babe.”
They both smiled, even though they are not sure that they can see the smile etched on their faces.
ACROSS the quiet roadway of Bitterlake Road. Narito ang nakatayong kagalang-galang na bahay ni Sheriff Neil Copper. Sa loob ng kaniyang office room, nakatayo siya habang kaharap ang ginawang crazy wall. Nakagawa siya nito ng dahil sa ibinigay ni Leticia na talaarawan ni Jason.
He spends all his afternoon and nighttime by just reading Jason’s diary. Pinag-aralan at sinuri niya ito ng mabuti upang matukoy ang posibleng dahilan na humantong sa pagkamatay ni Jason.
In his crazy wall, also known as suspect board, dahil mga pangalan lamang ang mayroon siya mula sa talaarawan ni Jason at wala siyang mga larawan nila, kaya pangalan na lang muna ang kaniyang isinulat at idinikit sa board. Nakasulat din dito ang mga posibleng naging ambag sa pagkamatay ni Jason.
Crazy Wall/Suspect Board . . .
Reymark Lapeña – place on the upper right corner of the board.
Information: Jason’s crush . . .
Kevin Topaz – place below next to Reymark.
Information: Jason’s crush . . .
Alice and Fred Thornhill – place on the bottom corner of the board.
Information: They don’t like Jason for being . . .
Ang bawat pangalan ay may pulang sinulid na nakakonekta lahat sa larawan ni Jason. Lahat ay posibleng suspect sa pagkamatay nito. Lahat ay may posibleng motibo upang wakasan ang buhay na mayro’n ang binata rati.
Napaisip si Chief Copper habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa suspect board, kung ano kaya ang malalim na dahilan upang gawin ng binata ang bagay na sobrang pinagtataka niya, kung bakit pinili nitong wakasan ang buhay na mayro’n siya. His family could buy him whatever he needs and want in this world. He could win every quiz bee, top 1 in class, and surely has a handsome face. But just like everyone says about him, masama ang ugali.
Pero hindi ibig sabihin no’n ay puwede nang saktan ng sino man ang tulad niya. Walang sino man ang nakalalamang sa batas. Iyon ay kung tama nga ang hinala ni Chief Copper tungkol sa pagkamatay ng binata. Iniisip niya kasing hindi ito nagpakamatay, maaaring pinagmukha lamang ng sino man ang pumatay sa kaniya, upang hindi agad malaman ng mga pulis o ni Chief Copper ang tunay na nangyari, o ‘di kaya’y upang mapatagal ang imbestigasyon, at makahanap ng paraan upang tumakas o linisin ng tunay na nangyari.
Gayunpaman ay walang balak na gawin si Chief Copper sa mga pangalang nabanggit sa talaarawan ni Jason habang wala pa siyang hawak na matibay na ebidensiya upang ipagpatuloy ang pag-iimbestiga.
Nabasag ang matahimik na silid nang biglang tumunog ang telepono ni Chief Copper at agad naman niya itong sinagot.
“Is this Chief Copper?” boses ng lalaki mula sa telepono.
“Speaking. May balita na ba sa autopsy?” tugon ni Chief Copper habang nakapamewang.
“Yes, chief. Katatapos ko lang i-print ang autopsy result. You can make a stop by tomorrow morning, and I will handle it over to you.” sagot ng lalaki sa kabilang linya habang may naririnig na ingay ng printing machine si Chief Copper.
“I will. And one thing, doc . . . ‘Wag mong ibigay kahit kanino at ipagbigay alam tungkol sa impormasyon na iyan, maliban sa akin. Okay?”
“Oo naman, chief.”
“Thank you, doc. See you tomorrow morning.” At ibinaba ni Chief Copper ang telepono. Pagkatapos, ibinalik niya ang tingin sa suspect board.
Kung tama man ang hinala ni Chief Copper; sino kaya sa kanila ang pumatay kay Jason? O, baka wala sa kanila ang gumawa nito. Sino kaya?
THEIR night was quite stressful and yet, they will face another rainy-stressful day in school. Vanessa has her supportive troops, and they are willing to join her in her fight. Nagsama-sama silang lahat sa living room ng paaralan habang wala pang klase.
Magkatabing nakaupo sina Vanessa at Jake, habang kaharap nito ang laptop na nakapatong sa mesa, sa gitna, abala sa ginagawang logo design. Sina Kristine at Jefferson naman ay magkatabing nakaupo sa kabilang upuan, kaharap ang dalawa.
May mga estudyante naman sa paligid nila na nakaupo rin sa ibang upuan, abala sa kanilang sariling ginagawa. Ang iba ay nagbabasa ng libro. Ang iba naman ay nakikipag-usap lang sa mga kaibigan nila. At ang iba ay naglalaro ng chess board.
“So,” masiglang boses ni Kristine. “Nakapagdesisyon ka na ba, bhie?”
“Uhm –”
“Bakit nagdadalawang-isip ka na tanggapin ang hamon ni Principal Leather sa ‘yo, Van? It’s just an empty chair that is looking for another person to sit on it. Hindi mo naman ito ikapapahamak, ‘di ba? Bakit ka natatakot?” sabi ni Jefferson. Hindi tuloy nakapagsalita si Vanessa dahil sa biglaang pagsagot nito.
“Tanga ka ba, Jeff?” naiinis na sabi ni Kristine. Naibaling ang kanilang atensyon kay Jefferson dahil sa sinabi nito. “Hindi siya takot sa position.” madiin na pagkasasabi niya.
“Eh, bakit nga ayaw niyang tumakbo?”
Sina Jefferson at Kristine na tuloy ang nagtatalo, samantalang iniisip pa rin ng kaibigan nila kung ano ang gagawin.
“Guys, stop!” mahinang pag-awat ni Vanessa sa dalawa.
Tumigil naman ang dalawa nang marinig nila si Vanessa. Umayos sila ng upo at humarap sa kaibigan. Sa kalagitnaan nang pag-uusap nila habang naghihintay sa sasabihin ni Vanessa, biglang dumating si Leticia at tumayo sa gitna nila.
“Hi, boys! Hi, Kristine!” masiglang pagbati ni Leticia, na tila’y walang nangyari sa kapatid niya. Parang hindi siya namatayan sa kaniyang bagong kinikilos.
Naalis ang atensyon ni Jake sa kaniyang laptop at nalipat sa babaeng nakatayo sa gitna nila. Nginitian lang nila siya at hinintay kung ano ang gusto niyang sabihin.
“Hello, Leticia!” tugon ni Kristine na may kasamang napipilitan na ngiti, pero hindi niya ito pinahalata.
“Well, half of your outfit looks fabulous!” wika ni Leticia pagkatapos niyang tignan mula paa hanggang ulo si Kristine.
They were no longer surprised. Leticia has always this bitchy attitude since they were at elementary. Hindi pa rin nagbabago.
“From what I’d have heard; you don’t want to run for president?” Ibinaling ni Leticia ang tingin mula paa hanggang ulo kay Vanessa na para bang sinusukat niya ang pagkatao nito.
“It was, pero bigla akong napaisip nang makita kita rito . . .” tugon ni Vanessa sabay tayo. “Ano na lang ang mangyayari sa mga estudyante? I mean, sa Riverhills’ High, kung ikaw ang mananalo? Gagawin mong gang place itong school?” Sinagot din nang tingin ni Vanessa si Leticia mula mata pababa hanggang paa at ibinalik ang tingin mula paa hanggang sa mga mata nito.
Hindi inaasahan ng mga kaibigan at kasintahan ni Vanessa na maririnig ang mga salitang iyon mula sa kaniyang sariling mga bibig. Napa-woah na lang sila sa hangin, at halos mapatalon si Jefferson dahil sa bilib niya kay Vanessa.
Leticia can no longer generate a word to say. Pati rin siya ay hindi makapaniwala na sasabihin ito ni Vanessa sa kaniya. Kaya wala siyang natirang pagpipilian, kung ‘di ang umalis at lumabas sa kwartong hindi niya dapat pinasukan.
“That was dope, Van!” malakas na pagkasasabi ni Jefferson at nakipag-high five siya kay Vanessa, marahil sa sobrang saya.
“Jeff!” suway ni Kristine. “Kumalma ka nga!”
Halos lahat kasi nang atensyon ng mga estudyante sa loob ng living room ay nasa kanila na yata. Bumalik sa pagkauupo si Vanessa.
“Akala ko ba natatakot ka?” kantyaw ni Jake sa kaniyang nobya.
Vanessa grabs Jake’s neck with her left hand and gently stroking it, while her right hand grips his left cheek. Dahan-dahan nilang nilalapit ang kanilang mga mukha sa isa’t isa at hindi rin nagtagal ay nagsidampian ang kanilang mga natural na pulang labi.
“Troops, please show some respect!” kunwaring nasusuka na wika ni Kristine.
“So, hindi pala takot si Vanessa sa position . . . She was scared because of that b***h?” Tila sobrang bilib ni Jefferson sa kaniyang sarili nang napagtanto niya ang dahilan kung bakit nagdadalawang-isip si Vanessa kanina.
Vanessa and Jake both gives a chuckle. Could be these two love birds defeat what’s ahead of them? And that’s includes their friendships.
So, Vanessa decided to sign up the papers and ready to dive into battle. Nagpaalam muna siya sa kaniyang mga kaibigan na pupuntahan lang niya si Principal Leather para ipagbigay alam ang kaniyang desisyon.
Pagdating ni Vanessa sa Principal’s Office, agad siyang pumasok pagkatapos niyang kumatok ng tatlong beses.
Bumati siya pagkalapit niya sa mesa. “Good morning, Principal Leather.” Ngunit hindi agad lumingon si Principal Leather dahil sa abala ito sa kaniyang ginagawa sa harap ng monitor.
He took a glimpse and stops what he was doing when he found out that it is Vanessa. “Oh, Miss Gocela! What a pleasant morning? Please sit down. Nakapagdesisyon ka na ba?”
“Thank you po,” nahihiyang sabi ni Vanessa. “Yes, po. That is why I came here to let you know na nakapagdesisyon na po ako.”
“And? What’s your decision?”
“May sign pen po ba kayo?” wika ni Vanessa na may kasamang ngiti sa kaniyang mga labi.
Tila mahahabang salita ang lumabas sa bibig ni Principal Leather nang sabihin niyang, “So, ibig sabihin . . . You are running for the position?”
“Yes, po, sir. I am running for the position as SSG President.”
Agad na binuksan ni Principal Leather ang isang cabinet mula sa kaniyang likuran habang nakaupo pa rin sa kaniyang swivel chair at humarap pabalik kay Vanessa na may dalang brown folder.
Binuksan niya ito at ibinigay kay Vanessa. “Here’s the form and . . .” sabi ni Principal Leather sabay kuha sa kaniyang sign pen. “The sign pen.”
“Thank you, sir.”
Ngumiti si Principal Leather. “Tama ang iyong naging desisyon, Miss Gocela.”