Chapter 30: Thornhill

2030 Words
EARLY in the morning, Mr. Fred Thornhill and his sister Mrs. Carol Smith have gone to the coffee plantation to watch their farmers harvesting the crops for the month. Habang nakasakay sila sa kanilang roofless truck, hindi maipagkakaila ni Mrs. Carol kung gaano siya nasisiyahan sa ganda ng tanawin at sariwang hangin mula sa paligid nito. She has this feeling of sa-wakas-at-nakauwi-na-rin-ako.             “It’s been a long time since I got here. I missed this place so much,” sabi ni Mrs. Carol sabay singhap ng hangin.             “This place missed you more than you do,” tugon ni Mr. Fred habang nakatuon ang tingin sa daan.             “So, kumusta naman ang takbo ng farm, simula noong umalis ako?” Ibinaling ni Mrs. Carol ang tingin sa kapatid.             Tumingin sandali si Mr. Fred sa kapatid at agad din ibinalik ang tingin sa daan. “Ayos lang. Hindi naman naapektuhan ang takbo ng farm. Actually, tumaas pa nga ang sales at production rate ng sakahan.”             “Oh, come on, Fred. We both know how much you need me in the farm, and you think that I don’t know what was happening here? Pinatili ko ang aking ugnayan sa maliit na bayang ito. Kaya ‘wag kang magsisinungaling sa akin.”             “So, bakit ka umalis in the first place? Bakit hindi ka pumunta sa libing ng pamangkin mo?”             “About that . . . I, uh . . . I–”             “Magandang umaga po, Sir Fred.” bati ng mga magsasaka.             Huminto ang truck at naunang bumaba si Mr. Fred at tinungo ang kabilang pintuan upang pagbuksan ang kapatid.             “Good morning. Kumusta ang ani, Julius?”             “Ayos lang naman po. Mga bandang tanghali, matatapos na po kami rito.” masayang tugon ni Julius.             It is quite obvious that Julius chose the path he doesn’t like from the first time he knew about the business going on behind those plants. Pinili niyang manatili sa Thornhill’s Coffee Farm. Hindi lang malaking sahod ang makukuha niya, kundi ang respecto at tiwala na matatanggap niya mula sa posisyong mayro’n siya ngayon. Para sa kaniyang pamilya at para sa kaniyang sarili. “By the way, this is Mrs. Carol Smith, my sister.” “Magandang umaga po, Ma’am Carol Smith.” bati ng mga magsasaka. “Oh, no, just call me, Carol.” nakangiting sagot ni Mrs. Carol. “Call her, Ma’am Carol.” Iginigiit ni Mr. Fred. “Okay po.” Pagsang-ayon ng lahat at saka bahagyang yumuko. “Sige na, balik lahat sa trabaho!” sigaw ni Julius sa mga kasamahang magsasaka. The authority he holds, feels good to him.       SA loob ng malaking bahay, habang nasa hapagkainan sina Chester at Chasley, nagtataka si Chasley kung nasaan ang kaniyang ina. Kaya napatanong siya kay Robert.             “Robert, do you know where’s my mom?”             “Maaga po silang umalis kasama si Mr. Fred, sir.”             “Oh, where did they go?”             “Sa farm po, sir.”             “Okay. Thanks, Robert. And by the way, stop calling me, sir. You can call me, Ley. Okay?”             “Okay po.”             “Say it, Ley.”             “Okay po, Ley.”             Ngumiti lang si Chasley at bumalik sa pagkain, habang naiinip naman ang kuya niya.             “What a softy creature.” bulong ni Chester sa sarili.             “Did you say something?”             Hindi sinagot ni Chester ang kapatid at tumayo paalis sa hapagkainan.             “Hey, where are you going?”             “Somewhere away from you.”             “Hey, wait for me! I wanna come!” Agad na tumayo si Chasley at sinundan ang kapatid palabas ng bahay.             “Sir, you’re not allowed to go outside of the hacienda!” Robert forbids them to go. “I mean, Ley.” He lowered his voice.             “Chester, wait!” madiing sigaw ni Chasley.             At dahil do’n, napatigil si Chester sa kaniyang kinatatayuan. Kilala niya kasi kung paano magsalita ang kaniyang kapatid at alam niyang seryoso na ito.             Humarap si Chester. “At bakit naman bawal kaming lumabas?” Bakas sa kaniyang mukha ang pagkainis.             “May nangyayaring masama kasi sa bayan ngayon at –” Pababa ng hagdan si Leticia nang hindi namamalayan ng tatlong lalaki. “And if you don’t want to die . . . Come with me.” Nabaling ang tingin ng tatlo sa kaniya. “B-But, Miss Leticia . . .” “Shut up, Robert. I’m not Jason. I’m not as weak as he was. They are coming with me.” Umalis si Leticia palabas ng dining room. “Sasama ba kayo o hindi?” pahabol niyang sabi habang patuloy lang sa paglalakad. Isang malapad na ngiti ang kumurba sa mukha ni Chasley. He feels so proud to her cousin. What a badass! Patakbong sinundan ni Chasley si Leticia. “Kuya Ches! Are you coming or not? Come on. Let’s go!” Tinapik ni Chasley ang kapatid ng madaanan niya ito palabas. Wala ng nagawa si Chester, kundi ang sumama na lang sa kanila upang makalabas sa mansion. He can’t live his brother alone, that’s why he’s coming too.       MAMA FEE’S COFFEE SHOP DITO dinala ni Leticia ang mga pinsan niya. Bukod sa masarap at suki na siya ng coffee shop na ito, wala ng lugar na katulad pa nito sa bayan ng Riverhills. There’s no other choice left on the table. “What is this place? It looks cheap.” sabi ni Chester pagpasok nila sa loob ng coffee shop. “Shut up, kuya. It’s aesthetic, okay? Gosh, if you can’t appreciate the beauty of this place, you better get out.” saway ni Chasley sa kapatid niya. “You know, Ches . . . Your brother’s right. I’m sure alam mo naman kung paano lumabas. ‘di ba?” Nagpipigil lang talaga si Leticia. Kung alam lang nito kung gaano kagustong manapak ng pinsan niya. Lalabas na sana si Chester ng biglang may pumasok. Tatlong lalaki na kasing edad lang niya. Nagkatinginan lang sila bago nagpatuloy. “Hey, Ticia! What’s up? Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka pala rito ngayon.” bibong-bibo na bati ni Kio. “Akala ba namin hindi ka makakapunta ngayon kasi . . .” Hindi natapos ni Angelo ang kaniyang sasabihin nang napansin niya ang binatang nakangiti habang palapit ito kay Leticia. “There was a change of plan . . . Something came up.” sagot ni Leticia. “We can see why,” tugon ni Angelo habang nakatingin pa rin kay Chasley. “Hi!” masiglang wika ni Chasley. “I am Chasley Smith. Ticia’s cousin. You can just call me, Ley.” He places his right hand for a handshake. Lahat sila napatingin sa kamay ni Chasley. Nang napansin ni Chasley na nakatingin ang lahat sa kaniyang kamay, nakaramdam siya ng hiya. Kaya marahan niya itong ibinaba, subalit bago pa man nito maibaba ang kamay, ay bigla itong kinuha ni Angelo upang ituloy ang pakikipagkamayan. “I’m Angelo. You can just call me anything you want.” Says the smart devil. Agad din na bumalik ang ngiti sa labi ni Chasley. “Gusto ko ‘tong pinsan mo, Ticia, huh.” wika ni Angelo sabay akbay kay Chasley, at dinala niya ito sa pinakadulong booth habang nakasunod naman sina Kio at Alistair. “Hey, Chester! Are you sure, you really don’t want to come with us?” Nagpaiwan si Leticia marahil ay hindi niya puwedeng iwan ang isa niya pang pinsan. “No, thanks.” Binuksan ni Chester ang pinto upang lumabas ng coffee shop. “O, mas gusto mong mamatay sa labas?” Natigilan si Chester. “It’s your choice.” Umalis si Leticia papunta sa cashier para um-order ng makakain nila. Walang magawa si Chester kung hindi ang manatili sa loob kasama ang pinsan niya. Dahil sa hindi pa naman niya kabisado ang lugar at pati na rin ang mga taong nakatira sa bayan na ito, lalo na’t hindi rin siya sigurado sa sinasabi ng pinsan niya tungkol sa may pumapatay sa bayan na ito. Aside all of that, palabas lang niya ang lumabas. Kunwari, aalis siya para sumunod ang kapatid. But it seems he was wrong. Kaya bumalik siya at tinulungan si Leticia na dalhin ang order nila. “Oh, bakit nandito ka pa? Scared?” Leticia teasingly said while holding the red platter. “I’m not. It’s just . . . I can’t trust you and your friends there. Ikaw na nga ang nagsabi, delikado sa labas. I can’t make myself so sure that any of your friends or it might be you, who’s killing those victims,” tugon ni Chester sabay kuha sa isang red platter. “So, I’m staying here.” Saka umalis patungo sa booth nila.       IN a secret way-in to the farm from the main road, 1221 Bitter Road. Nakatayo habang naghihintay ang magkapatid na Thornhill na sina Mr. Freddie Thornhill at Mrs. Carol Thornhill-Smith, sa kanilang mga buyers.             “Isang oras na silang late, Freddie. They are likely ditching us!” Hindi mapakali si Mrs. Carol sa kaniyang kinatatayuan.             “Calm down, Carol,” kalmadong sagot ni Mr. Fred. “Nasanay na kami sa ganito. It is not the first time na nangyari ang ganitong sitwasyon during the day of exchange gift.”             “Kaya pala . . .” Mrs. Smith rolled her eyes.             “Kaya pala ano?”             “Kaya pala ang bagal nang takbo ng pera mo. And that is why I have the feeling na sobrang dami kong aayusin sa pagbabalik ko rito.”             “I didn’t ask you to come back here. At saka hindi ko sinabi sa ‘yo or even asked about helping me. There’s nothing left for you here, except us, as family.”             “You don’t have to say it, Freddie. The Thornhill and I are connected. I know when and why I need to come back. I know exactly how badly you want me here; you just can’t say it because you are such a proud man . . . Since we were just a kid.”             “Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin.”             “See? You’re words are betraying you, just like what you are doing to yourself right now.”             Ipinagwalang-bahala na lang ni Mr. Fred ang lahat nang pinagsasabi ng kapatid at tinawag ang kaniyang front liner. “Julius!” Naiinis niyang boses.             “Ano po ‘yon, sir?”             “Are you sure na darating sila ngayon?”             “Opo, sigurado po ako, sir.”             Biglang tumunog ang telepono na hawak ni Julius at agad niya itong sinagot. “Ano ‘yon?”             “Nandito na po sila.” sagot ng nasa kabilang linya.             “Okay. Suriin n’yo muna kung sila na ba talaga ang mga ‘yan.”             Habang nakikinig lang sa tabi sina Mr. Fred at Mrs. Carol.             “Confirm po. Sila na nga.”             Bahagyang inalis ni Julius ang telepono sa kaniyang bibig. “Sir, confirm po. Nanr’yan na sila sa labas ng main gate.”             “Good. Papasukin n’yo na sila.”             “Okay po, sir.”             Ibinalik ni Julius ang telepono sa kaniyang tainga. “Papasukin n’yo na sila.”             “See? Everything is going to be fine. We have this full under-control.” nakangiting sabi ni Mr. Fred sa kapatid.             “I see. But it won’t change my mind from doing my plan.”             “Okay. You can do it later. After this operation, we can discuss about it.”             Lumapit si Julius sa mga kasamahan niyang magsasaka at may sinabi siya. “Ihanda n’yo na ang mga crate at paparating na sila rito.” At agad naman na kumilos ang mga ito. Ang mga magsasaka na ito ay hindi pinilit ni Mr. Fred para magtrabaho sa kaniya kahit illegal ang ginagawa nila. Bakit? Kasi naiintindihan nila mismo kung ano nga ba talaga ang ginagawa nila rito. Oo, nagtatanim, nag-aalaga, at nagbebenta sila ng isang klase ng pananim na bawal o labag sa batas, ngunit para sa kanila ito ay nakatutulong sa pang-araw-araw na buhay nila.   “Don’t let desperate situations make you do desperate things.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD