Chapter 31: New Students

1809 Words
HEAVY RAIN Malakas na ulan ang gumising sa umaga ng mga Thornhills at ang pamilyang Smith sa loob ng malaking bahay. Halos sabay lang silang bumangon at lumabas ng kanilang mga kuwarto nang marinig ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubong.             Pumunta si Mrs. Smith sa kuwarto ng kaniyang bunsong anak na si Chasley upang gisingin ito. Ngunit pagbukas niya ng pinto, nakita niya ang kaniyang anak na gising na.             “Ley, what are you doing?”             “Oh, mom! Good morning,” masiglang bati ni Chasley sa kaniyang ina. “I’m doing push ups.”             “I can see that.” Lumapit si Mrs. Carol patungo sa kama ni Chasley habang nasa harap niya ang anak. “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. What I’m trying to say is, bakit hindi ka pa naliligo? It’s your first day in Riverhills High. Aren’t you excited?”             Tumigil si Chasley at saka matuwid na tumayo. Inabot niya ang puting twalya na nakapatong sa upuang malapit sa kaniyang kama at ginamit itong pamunas sa tumutulo niyang pawis. “I am excited but, can I come in school tomo–”             “No, you’re not.” Hindi pagsang-ayon ni Mrs. Carol sa anak niya. “It’s all right to be nervous, okay? It’s just school you know. I’m sure you can pretty handle it.” Habang hinahaplos nito ang kanang mukha ng kaniyang anak.             “But–”             “Shh, stop this nonsense. Now, maligo ka na at maghahanda na rin ako. Okay?”             “Okay, mom.”       SA bahay ng mga Procorato, habang kumakain si Jake ay biglang pumasok sa kusina ang kaniyang ama. Nakahanda na ito sa pag-alis papunta sa kaniyang trabaho. Tumungo lamang ito sa kusina upang magpaalam sa kaniyang asawa na ngayo’y nagluluto ng ulam.             “Aalis na ako, hon,” wika ni Julius, at saka hinalikan sa pisngi ang kaniyang asawa.             “Mag-iingat ka.”             Tumango lang si Julius at sa kaniyang pagtalikod ay nakasalubong niya nang tingin ang anak.             Napangisi si Julius. “Kumusta naman ang girlfriend mo? ‘Di ba, sabi ko sa ‘yo, may tinatago ring kadiliman ‘yang nobya mo. Mabuti na lang at–”             “Mabuting ano?” Tumigil si Jake sa pagkain at matalas na tiningnan ang ama. “Anong mabuti ro’n? Mabuti at nakulong si Vanessa? Kahit hindi pa naman napapatunayan na totoo ang paratang sa kaniya.” Naghihimagsik ang tingin nito kasabay ang bawat salita na lumalabas sa kaniyang bibig.             “Mabuti na lang at sinabihan kita ng maaga . . . Dahil kung hindi, siguradong nasama ka–”             “Sana nga nasama na lang ako.”             “Jake!” Nagulat si Rose sa nakikitang asal ng kaniyang anak. “H’wag mong pagsalitaan ng ganiyang ang ama mo.”             “Anong nagawa ni Vanessa sa ‘yo, pa, at bakit ayaw na ayaw mo sa kaniya?”             Hindi makasagot si Julius at bahagyang napayuko na lamang, dahil hindi niya puwedeng sabihin ang rason kung bakit niya iyon nasabi.             “Hindi mo ba nakikita at nauunawaan, Jake? Ginagawa lamang namin ng papa mo, kung ano ang alam namin na makabubuti sa ‘yo.”             “Kaya n’yo ako sinasaktan ngayon? Gano’n ba? Sa tingin n’yo ito ang nakabubuti para sa akin?”             “J-Jake,” aktong lalapitan ni Rose ang anak subalit napatigil siya ng agad itong humakbang palabas sa kusina nila.             “Pabayaan muna natin siya. Mauunawaan din niya ang lahat ng ginagawa natin para sa kaniya. Para sa kinabukasan niya.” wika ni Julius habang hinahaplos niya ang likuran ni Rose.             Mabilis na umalis si Jake sakay sa kaniyang motor.       ANOTHER day in Riverhills High with two new students are about to change the school. We’re not sure about that. Tanging ingay ng may takong na sapatos na suot ni Mrs. Carol ang umalingawngaw sa hallway papasok ng principal office, kasama ang kaniyang mga anak na sina Chester at Chasley. Nasa loob na kasi ng kani-kanilang silid-aralan ang lahat ng estudyante. “Good morning, Mrs. Smith. Please take your sit.” A calming voice of Principal Leather welcomed them.             “Thank you, Principal Leather.”             “Oh, you can just call me, Leather, Mrs. Smith.”             “In that case, call me, Carol, then.”             Sabay silang marahang napangisi.             “Sila na ba ang mga anak mo, Carol?”             “Oh, yes. This is Chester, my first-born, and . . . this is Chasley.”             Pekeng ngumiti ang dalawang binata.             “They are both . . . handsome, am I right, Carol?”             “Of course, sa’n pa ba nagmana?” nakangiting sagot ni Mrs. Carol.             “Syempre sa ‘yo. Kanino pa ba? I guess . . . we’re okay now.” Tumayo si Principal Leather. “You can leave them here. Ako na bahalang magdadala sa kanila sa classroom nila.”             “Yeah. Thank you, Leather.” Tumayo na rin si Mrs. Carol at kasunod naman na tumayo ang dalawa niyang anak.             Lumabas silang lahat mula sa Principal’s Office. Bago umalis si Mrs. Carol, nag-iwan muna siya ng salita para sa kaniyang mga anak.             “After class, you both go home straight. Okay?”             “Okay, mom.” sagot ni Chasley, habang tumango lang si Chester.             Binigyan ng tig-iisang halik sa pisngi ni Mrs. Carol ang kaniyang mga anak. “Aalis na ako. Enjoy your first day.”             “Okay, boys, let’s go?” wika ni Principal Leather.             Naunang naglakad si Principal Leather patungo sa silid-aralan na papasukan nina Chester at Chasley. Pagkarating nila sa tapat ng isang pintuan, Room 6, kumatok muna si Principal Leather bago siya tuluyang pumasok kasama ang dalawang binata.             “Good morning, Principal Leather!” sabay na bati ng mga estudyante.             “Good morning, Principal Leather.” bati ni Mrs. Santos.             “Good morning, everyone. I am here to introduce to all of you, your new classmates but, hahayaan ko sila na mismo ang magpakilala sa kanilang sarili.”             Sinenyasan ni Principal Leather ang dalawang binata upang umpisahan na nila ang pagpapakilala.             Pumwesto sa gitna si Chasley. “Hi everyone! My name is Chasley Thornhill-Smith. We’re from Baxter High and . . . I guess we’re here in this school now.” Masiglang pinakilala nito ang sarili.             Pagkatapos ay kasunod na nagpakilala si Chester. “I’m Chester Thornhill-Smith. Chasley and I are brothers and . . . we’re from Baxter High.”             “Okay, thank you, boys! Now, I want everyone to be gentle for them. Don’t scare these two handsome. Are we clear?”             “Yes, Principal Leather!”             “Okay, Smiths, please take your sit. Thank you, Principal Leather. Ako na po bahala sa kanila.”             Naunang naupo si Chasley habang naghahanap ng upuan si Chester. Sinuri ng mabuti ni Chester kung may bakante pa bang upuan, ngunit wala siyang ibang makita kundi ang bakanteng upuan na nasa harap.             “Mr. Smith,” napalingon si Chester sa tawag ni Mrs. Santos. “You can sit here in front.” Agad naman na tinungo ni Chester ang upuan na tinutukoy ng kanilang guro.             “Pero, ma’am–” pag-angal na sambit ni Kristine.             “Ano ‘yon, Miss Camarino?”             “Dito po nakaupo si Vanessa . . .”             “And?” walang emosyon na sagot ng kanilang guro. Hindi makasagot si Kristine. “Miss Gocela is not here, so . . . Mr. Smith, please take the sit.”             Chester can see the sadness that cage in Kristine’s eyes. So, he wants to refuse to take the sit. “Ma’am, it’s okay for me to find an extra chair outside and bring it here inside. I will be just gone for a few seconds.”             “I said take your sit!” malakas na pagkakasabi ng guro.             Marahang nagulantang ang lahat sa biglang pagtaas ng boses ni Mrs. Santos. Walang magawa si Chester kundi ang sundin ang sinabi ng guro at umupo sa upuang pagmamay-ari ni Vanessa.             “It doesn’t mean that your new in this school, ay may karapatan na kayo to act like we’re some sort of a friend. I am the one who’s in charge in this room, and all of you are under me. So, whatever I say, you will all follow it. Understood?”             “Yes, ma’am.” A quick respond from her students. “Now, let’s begin. Open your book on page 69.”       AFTER their morning class, Kristine, Jefferson, and Pocholo decided to sit in two chairs centered by a table made of cement, under a Talisay tree. Magkatabi sina Jefferson at Pocholo sa iisang upuan, habang mag-isang nakaupo sa kabilang upuan naman si Kristine.             “Hindi ako makapaniwala sa naging asal ni Mrs. Santos kanina,” malungkot na sabi ni Kristine habang ikinukubli ang sarili sa suot nitong itim na hoodie. “Favorite niyang estudyante si Vanessa tapos . . . bigla na lang gano’n?”             “Sa palagay ko, gano’n talaga ang mga tao. Bigla na lang mag-iiba kapag naging masama o may masamang ginawa ang isang tao. Iiwanan na lang nila bigla sa ere kapag wala ng silbi sa kanila.”             “Nagpaparinig ka ba, Jeff?” biglang nagsalita si Jake sabay hinablot ang damit ni Jefferson gamit ang kaniyang dalawang kamay.             Nagulat sina Jefferson at Kristine sa biglaang ginawa ni Jake. “Jake, anong ginagawa mo?” tanong ni Kristine, habang nakahawak sa kanang braso ni Jake.             “Anong pinagsasabi mo, Jake?” Nakahawak si Jefferson sa mga kamay ni Jake na nakahablot sa damit niya.             “Kung magpaparinig kayo, mas mabuting sabihin n’yo sa akin ng paharap!” tila wala sa sarili nang sabihin ito ni Jake.             “Jake, ano ka ba? Kumalma ka nga! Hindi naman gano’n ang ibig sabihin ni Jeff.” Sinusubukan pa rin ni Kristine na pakalmahin ang kaibigan.             Halos lahat ng estudyante sa paligid nila ay nakatuon na ang atensyon sa kanila.             “Jake, bitawan mo na si Jeff. Tigilan mo na nga ‘to. Nakatingin na lahat ng estudyante sa atin.”             Nilingon-lingon ni Jake ang kanilang paligid at nakumpirma niyang nakatingin nga ang halos lahat ng estudyante sa kanila. Dahan-dahan niyang binitawan ang damit ni Jefferson habang nakayuko lang.             “Jake, naiintindihan naman namin kung ano man ang nararamdaman mo ngayon. Puwede mo naman sabihin sa amin kung ano man n’yan. Kaibigan mo kami at . . . Hindi natin pababayaan ang bawa’t isa. Malalampasan natin ‘to. Kaya kumalma ka na.”             “Bro, hindi kita masisisi sa ginawa mo, hindi ko rin inisip na . . . gano’n pala ang epekto no’n sa ‘yo.”             “I-I’m so sorry sa nagawa ko . . .” Tumayo si Jake sabay bitbit ng kaniyang pack bag. Wala sa sarili itong umalis ng hindi man lang lumingon.             Parehong nag-aalalang nakatingin sina Jefferson at Kristine sa kaibigan nilang mabilis na naglalakad patungo sa main building.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD