LETICIA is stamping her arms and legs at the same time while lying on her bed. Sa kaniyang paggising ay sinalubong siya ng kaniyang ina ng isang balita na siguradong ika-iinis niya.
“Your father’s sister is coming home today. Kasama ang mga cousins mo. So, bumangon ka na diyan, and prepare yourself.”
Hindi ikinatuwa ni Leticia ang sinabi ng kaniyang ina. Dahilan upang hindi siya gumalaw, at planong bumalik pa sana sa pagtulog.
“Get up, Leticia! Don’t be ridiculous, you, useless child! Baka nakalilimutan mong may atraso ka pa sa akin. Bumangon ka na diyan bago ko pa makalimutang anak kita.” galit na sabi ni Mrs. Alice, at saka lumabas ng kuwarto sabay hampas ng pinto.
Bumangon at umupo sa kama si Leticia habang nakatingin sa pintuan. Naalala lang niya kung gaano ka siya ka walang kwenta sa pamamahay na ito. Akala niya magbabago ang lahat simula no’ng nawala ang kapatid niya, pero hindi pala. Mas nararamdaman niyang nagiging pabigat lang siya sa buhay ng kaniyang mga magulang.
But she chose to ignore it. Bumangon siya at diretsong pumasok sa kaniyang walking closet. Pumili siya ng swimsuit na susuotin.
“Which one is . . .” She let her left-hand touches all the choices she has. “This one.”
Dinala niya sa harap ng malaki at mahaba na salamin ang napiling swimsuit, at agad na hinubad ang suot na pantulog na damit. Pagkatapos ay agad din niyang isinuot ang charcoal swimsuit. Hinayaan lang niya ang damit na hinubad sa sahig. Bago siya lumabas ng kuwarto ay dinampot ng kaniyang kanang kamay ang isang itim na shades mula sa side table.
Pababa siya ng hagdan habang nasa hapagkainan ang kaniyang mga magulang. Nabaling ang atensyon ng mga ito nang marinig ang ingay ng bawat paghakbang niya. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka kung ano na naman ang palabas ng matino nilang anak.
“What are you wearing, Leticia?” mataas ang boses ng kaniyang ina.
Nagsalita si Mr. Fred nang nagpatuloy lang sa paglalakad si Leticia. “Leticia?”
“What do you think I’m wearing mother?” Binigyan ng sarkastikong ngiti ni Leticia ang kaniyang ina.
Mas tumaas ang dugo ni Mrs. Alice dahil sa sagot ng kaniyang anak. “‘Yan ba ang susuotin mo sa hapagkainan, huh?”
“Come and sit now, Leticia.” Mr. Fred calmly said.
“Sino ang may sabi na kakain ako? Ang init kaya ng paligid. Gusto ng katawan ko na magpalamig muna. You guys should join me, too.” Umalis sa harap ng hapagkainan si Leticia. “Enjoy your breakfast!” aniya habang palabas ng bahay.
“Fred, do something.”
“What? Your daughter is smart. Alam na niya kung ano ang ginagawa at inaasal niya.”
“She’s not my daughter!”
“Alice . . . You shut your mouth off, or I will–”
Hindi nagpatinag si Mrs. Alice kahit na naririnig nito ang ingay na nagmumula sa kaluskos ng mga kubyertos. “Or what?” matapang na tugon nito.
“I’m done.” Pinunasan ni Mr. Fred ang labi niya at tumayo.
Magsasalita pa sana si Mrs. Alice nang narinig nila ang ingay ng doorbell. Nakita nila pareho ang paglakad ni Robert papunta sa may pintuan upang buksan ito.
Nandito na sila. Parehong nasa isip nina Mr. at Mrs. Thornhill.
Ilang segundong paghihintay nila na makapasok ang inaasahang mga bisita, lumitaw mula sa pagitan ng makapal na pader papasok sa dining room ang dalawang may maaamong mga mukha habang dala nila ang kanilang sariling maleta.
“Uncle Fred!” sobrang sayang sabi ni Chasley.
Iniwan nito ang kaniyang maleta kung saan siya nakatayo no’ng nakita niya si Mr. Fred.
“Chasley?”
Niyakap ni Chasley si Mr. Fred ng sobrang higpit, sakto upang marahang mapaungol ito marahil ay busog at katatapos lang din nitong kumain.
“I missed you so much, Uncle Fred!” wika ni Chasley habang nakayakap pa rin.
Lumapit si Chester sa kinatatayuan ng dalawa at hinintay na pakawalan ni Chasley si Mr. Fred.
“You’ve grown up so quickly, Ley.”
Humagikgik si Chasley. “Hindi naman po siguro, Uncle Fred. You just haven’t seen us in a long time.” wika nito, at kumawala mula sa pagkakayakap.
Nabaling ang tingin ni Mr. Fred sa binatang nakatayo sa likod ni Chasley, habang sina Mrs. Alice naman at Chasley ay nagyakapan.
“I’ve missed you so much, Aunt Alice.”
“I’m glad that you’re here, your brother and your mom.” wika ni Mrs. Alice.
“Chester, come here, you, child.” wika ni Mr. Fred habang nakabuka ng pasulong ang mga braso nito, naghihintay na yakapin siya ni Chester.
Lumapit si Chester ng hindi nagsasalita at niyakap si Mr. Fred ng tahimik. Pagkatapos ay umawala sila pareho mula sa pagkakayakap.
“Where is your mother?” Mr. Fred asked while his hands are on Chester’s shoulders.
“She’s just following us.”
“Miss me, brother?” nakangiting sabi ni Mrs. Carol Smith, pagpasok niya sa dining room habang kasunod niya si Robert na dala-dala ang mga bag nila.
“Robert, please bring their bags to their rooms.” Utos ni Mr. Fred.
Tumango naman si Robert, at agad naman na sinunod ang utos ng kaniyang amo.
Lumapit si Mrs. Smith sa kinaroroonan ni Mr. Fred habang nakatingin ito sa kung paano siya maglakad na parang model sa isang fashion show, kasama pa ang suot nitong fur coat.
“Did you miss me, Freddie?” wika ni Mrs. Carol, at hinalikan sa pisngi si Mr. Fred.
“No. Since the day you left us and our family business.”
“Oh, that was a very long time, Freddie. Now that I am here, you can enjoy my accompany. We have lots of things to catch up. Don’t you think?”
“Child,” wika ni Mr. Fred. Tinutukoy niya si Chester. “You can go and check out your rooms. And take your brother with you.”
Walang sinagot na salita si Chester, at agad na tinungo ang kaniyang maleta. “Ley, come with me.”
“Nah, I’ll go later.”
Hindi na pinilit ni Chester ang kapatid at tinungo ang hagdan papunta sa itaas.
“Aunt Alice, nasaan po si Leticia?”
“Oh, that useless cousin of yours . . . Nasa swimming pool.” Mrs. Alice answered, and she rolled her eyes.
Paalis na sana si Chasley ng muling nagsalita si Mrs. Alice. “And be careful!”
“From what, po?”
“Not what, it’s who. Be careful with your cousin. She’s dangerous.”
“Alice!” galit na wika ni Mr. Fred.
“Go on, baby.” wika ni Mrs. Carol.
Padabog na umalis si Mrs. Alice na may matalim na tingin sa kaniyang mga mata.
“I can see what’s wrong and what’s going on in here.”
“Shut up, Carol. I’m glad you’re here.”
Niyakap ni Mr. Fred ang kapatid at sinagot naman ito ni Mrs. Carol nang yakap.
“I miss you, Freddie.”
A cold breeze greeted Chasley as he came out of the backyard with a curved smile on his face when he saw his cousin, leaning her head on the upper corner of the swimming pool, wearing her black shade.
“Please leave me alone, dad.” walang atubiling sabi ni Leticia.
Napangisi si Chasley nang marinig ang sinabi ng pinsan niya. Nilapitan niya ito na punong-puno ng kagalakan sa kaniyang puso. Bahagyang lumuhod si Chasley. “Miss me, sweet coffee?” bulong nito.
Nasubsub sa tubig si Leticia marahil sa gulat ng biglaang pagsulpot ng boses ni Chasley. Nang makaahon si Leticia, bakas sa mukha nito ang tinding pagkainis.
“Who are you?”
“Hey, relax! It’s me. You don’t remember me na?” Marahang napahakbang palayo sa sulok ng swimming pool si Chasley. “Chasley. You’re cousin? The one who played with you when we were young?”
“C-Chasley?”
“Yes, remember me already?”
Umahon mula sa tubig si Leticia at diretsong tinungo ang kaniyang tuwalya mula sa tabing mesa. Pagkatapos tinakpan niya ang kaniyang katawan habang naglalakad paalis, nilagpasan niya lang ang pinsan niya na sobrang nagagalak na makita siya at makayakap man lang.
“Ticia? Are you mad because of what I did?” Sinundan ni Chasley si Leticia.
Ngunit hindi siya sinagot ni Leticia at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.
“Hey, kahit hello cousin lang man sana?” Sa pagkakataong ito ay hinawakan na ni Chasley ang kaliwang kamay ni Leticia upang pahintuin mula sa paglalakad.
“What do you want?” naiiritang sabi ni Leticia.
Hindi maitatago sa mukha ng binata ang pagkabigo at pagkagulat sa pinapakitang asal ng kaniyang nami-miss na pinsan.
“Oh, I’m sorry for asking you the wrong question.” Buong katawang hinarap ni Leticia si Chasley. Isang hakbang palapit sa binata. “What are you doing here?”
“I t-thought you would be h-happy when we see each other.” Nanginginig ang boses ni Chasley.
“Is that so? Well, I think it’s pretty obvious that I am not.”
“W-Why? What happened? It’s still me you know.”
“You remained you, and I’m not like you.” Bago tumalikod si Leticia ay nag-iwan siya ng matalas na tingin sa pinsan niya. “And stay out of my sight, weirdo.” At tuluyan na nga itong umalis papasok ng bahay.
Naiwan na nakatulala sa hangin kung saan nakatayo si Leticia kanina, ang pinsan niya. Hindi niya maiwasang mapatanong kung saan at kung alin sa ginawa niya ang ikinagalit ng kaniyang pinsan.
Pagpasok ni Leticia sa loob habang patungo ito sa hagdan ay naagaw ang atensyon nina Mr. Fred at Mrs. Carol sa kaniya.
“Leticia?” Mrs. Carol said in amazement. Napahinto naman si Leticia at nilingon sila. “Ang laki mo na.”
But Leticia didn’t give a damn. Hindi nga man lang ngumiti ng kahit kunti. Binawi niya ang tingin at tinahak ang hagdan paitaas.
“Leticia! Come back here!” galit na sabi ni Mr. Fred.
Pero hindi nagpatinag si Leticia. Diretso lang ito at mas binilisan pa nito ang paglalakad.
“I said come back here!”
“Shh, calm down, Freddie.” Marahang hinagod ni Mrs. Carol ang likuran ng kapatid.
“I’m so sorry about that. Ang daming gulo rito sa bahay.”
“I can see how things change, at hindi lang pala bagay ang nagbago, pati na rin pala ang mga tao rito. You lose control of your household, Freddie. I think you need some help from your sister.”
“I don’t need your help to solve my family.”
“I can see the problem and I know exactly how to put these things back in order.” Klaro sa mga mata ni Mrs. Carol na nakatitiyak siya sa kaniyang naiisip na plano.
“I know you do, but I doubt you can fix any of those.”
“Finally, inamin mo rin na kailangan mo ako rito.” nakangiting sabi ni Mrs. Carol.
“But you’re few weeks late. There’s a lot of problems we need to fix.”
“For beginners, but it’s me, your sister, Freddie. I’m sure alam na alam mo kung paano ako mag-isip at kumilos. Anong uunahin natin?”
“We will talk about it later. But right now, I need you to take a rest. Go on.”
Huminto sa paghaplos si Mrs. Carol at humakbang patungo sa hagdan.
“I am truly glad you are here.” pahabol na sabi ni Mr. Fred.
Sinagot lang siya ni Mrs. Carol ng malapad na ngiti at binalik ang tingin sa hagdan. Ngunit sa isipan niya, “Don’t you worry, my little brother. Big sis is home. I will take good care of this family, and everything that you have.” And she smiled evilly.
Another chaos is approaching in Riverhills. . .