DAY after day in a week of all students being courted by Vanessa and Leticia, who are both running for the SSG President position. Leticia was just sitting on a table with her friends outside of the school building, but more likely her disciples, handling posters of her saying; “Vote for Miss Thornhill!” While Vanessa and her friends were also outside, standing from the opposite side handling posters of her, too.
Gumagawa talaga sila ng magandang laban. It’s challenging for both of them. Sino kaya ang magwawagi sa laban na ito? Sino kaya ang uupo sa posisyon?
Lumapit ang isa sa mga kaibigan ni Leticia sa kinatatayuan nina Vanessa at ng kaniyang mga kaibigan. “Akala n’yo talaga mananalo kayo sa laban na ito? Hindi n’yo ba kilala kung sino ang kaagaw n’yo sa posisyon?” mataray nitong sabi.
Kumulo ang dugo ni Kristine dahil sa sinabi ng babaeng lumapit sa kanila mula sa kampon ni Leticia. Hinarap niya ito pagkatapos niyang ibigay kay Jefferson ang mga kopya ng posters. “Hoy, Ashly! Baka nakalilimutan mong sino ang kaharap mo ngayon? Classmates tayo, girl. Syempre kilala namin kung sino ka at ‘yong pinapanigan mo. Can’t you just use your brain for once? Hindi puro sayaw lang alam mo. ‘Apakan kita diyan, e!”
“Ashly, that’s enough. Pumasok na tayo.” saway ni Jay Ann, at saka tiningnan niya ang kaniyang relo. “Ten minutes na lang at mag-uumpisa na ang klase.”
“Tama na ‘yan, bhie. ‘Wag mo na patulan.” mahinang sabi ni Vanessa kay Kristine sabay hinawakan ang kaliwang kamay nito.
Hindi nagsalita si Leticia sa nangyari o nagbigay man lang ng paumanhin sa naging asal ng kaniyang kaibigan, subalit nag-iwan lamang siya ng I-don’t-care na tingin at umalis papasok ng school building sa pamamagitan ng main door.
“Are you all right, babe?” Jake asked with a concerned looks in his eyes.
“I’m fine. Thanks, babe, and you, too, bhie. Sana matapos na ito, para makapagpahinga na ulit ako. These past few days were really stressing my days and nighttimes.” Nagpakawala nang malalim na paghinga Si Vanessa.
At pinagmasdan lang nila sila na maunang makapasok sa loob .
A WEEK ago, as the hand of justice crawling in the town, the Riverhills’ High students were gathered inside the school’s gymnasium for an important announcement. Principal Leather and most all of the faculty stuff were also being called to be there.
Nakatayo sa entablado sina Vanessa at Leticia habang kaharap ang iba pang mga estudyante. Kinakabahan man si Vanessa ay hindi niya ito pinapahalata sa harap ng karamihan lalo na sa kaniyang mga kaibigan at boyfriend na todo suporta sa kaniya, habang hindi makikita sa mukha ni Leticia ang kahit kaigting ng kaba sa kaniyang mukha at kinikilos.
“We are unprepared of the sudden death of our smart and responsible SSG President, Jason Blake Thornhill . . .” wika ni Principal Leather habang nakatayo sa lectern. “But we must still continue our journey without him. Kaya nandito tayong lahat para pumili ng isang tao na karapat-dapat pumalit kay Jason sa posisyon na kaniyang iniwan sa atin. Someone has to act as Student Government President before the month of our school intramurals!” nakahihikayat pakinggan ang bawat salitang kaniyang binibigkas.
May hawak-hawak na isang puting sobre ang sekretarya ni Principal Leather at lumapit siya upang iabot ito. Nang matanggap ni Principal Leather ang sobre ay agad niya itong binuksan at kinuha ang nakapaloob nito. Isang papel na naglalaman ng resulta sa ginawang botohan.
Kahit ayaw ni Vanessa na tumakbo bilang SSG President sa simula pa lamang, kinakabahan man ay umaasa pa rin siya na sana siya ang mananalo kahit papaano sa laban na ‘to. Habang walang emosyon ang mukha ni Leticia na naghihintay na ma-ianunsyo ang resulta.
“Ang babanggitin ko na pangalan ay ang nanalo sa botohan at ang magiging Student Government President ng Riverhills’ High!”
“Leticia!” sigaw ng mga taga-suporta ni Leticia.
“Vanessa!” sigaw ng mga taga-suporta ni Vanessa, at ng troops.
Napuno nang sigawan ang buong sulok ng gymnasium. Pinagsisigawan nila ang pangalan na gusto nilang manalo.
“Please quiet down, students!” suway ni Principal Leather, at tumahimik naman ang lahat. “Our new elected Student Government President is . . .” Mas nagmumukhang kinakabahan ang mga kaibigan ni Vanessa kaysa sa kaniya. “Vanessa Gocela!”
Halos mabasag ang mga salamin ng gymnasium dahil sa lakas nang hiyawan at nagtatalon sa saya ang mga kaibigan ni Vanessa, habang siya naman ay nagsariling yakap nang marinig ang kaniyang pangalan.
“Miss Vanessa Gocela is our newly elected President of Supreme Student Government of Riverhills’ High. Let’s congratulate her by giving her a round of applause!”
While the students and teachers are clapping their hands for Vanessa, Principal Leather invited her to step on the lectern to say something for everyone.
“Thank you, Principal Leather.” Hinawakan ni Vanessa ang mikropono at humarap sa lahat ng students na nasa ibaba ng entablado. Huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa kaniyang sasabihin. “Gusto kong magpasalamat sa lahat nang naniwala at nagtiwala sa akin na kaya kong tumayo bilang Student Government President ng Riverhills’ High School. I may not be as good as Jason, but I will make my own definition of best. At sa mga hindi naniwala sa akin, papatunayan ko sa inyo na karapat-dapat ako sa posisyong ito. Thank you!” Tinapos niya ang kanyang maikling pagsasalita nang nakangiti.
At muling nagpalakpakan ang mga mag-aaral.
Now, the Riverhills’ High have their newly elected Student Government President. Some were happy in the process of moving on and some of them are not, most especially, Leticia.
Palabas na sana ng gymnasium si Leticia nang lapitan siya ni Reymark kung kaya ay napahinto sila pareho.
“Can we talk?” nababahalang sabi ni Reymark.
“What do you want to talk about?”
“You called me, remember? Pero hindi ka nagpakita sa akin pagkatapos kong iwan si Chief Copper ng mag-isa dahil nga tumawag ka. You were stopping me from talking about my past with Jason.”
“So, what exactly you want to hear from me?”
“Everything . . .”
Napasinghap si Leticia kasabay ang pag-ikot ng kaniyang mga mata. “Okay.” walang gana niyang sabi.
Since it’s noon break, pumunta sila sa Mama Fee’s Coffee Shop para ro’n na lang mag-usap. Sa loob ng coffee shop, nandito halos lahat ng kaklase nila. Pero walang oras sina Leticia at Reymark para pansinin ang mga ito marahil ay abala sila sa isa’t isa.
“Before I say something about stopping you from giving any information to Chief Copper, ano ang mga nasabi mo sa kaniya?” sabi ni Leticia.
“Wala akong sinabi kay –” wika ni Reymark, at agad niyang hininaan ang kaniyang boses nang napagtanto niyang napalakas pala ang kaniyang boses. “Chief Copper,” at mahina na ang kaniyang boses. “Tungkol sa atin. At bakit ka ba natatakot na sabihin ko ang tungkol sa atin? Ikinakahiya mo ba ako, Ticia?”
“Sagutin mo ang tanong ko. Ano ang sinabi mo kay Chief Copper tungkol sa inyo ni Jason?” naiiritang sabi ni Leticia.
“Sinabi ko lang na may crush sa akin si Jason before. ‘Yon lang ang nasabi ko sa kaniya dahil nga bigla kang tumawag.”
“Are you sure? Siguraduhin mong iyon lang sinabi mo sa kaniya –”
“And I’d have told him that Jason wanted to kill me after I told him na gusto ko lang na maging magkaibigan kami, after he kissed me that day.”
“If you dare tell that chief about our relationship . . . he will suspect you or us, about killing my brother. He might investigate us!” sobrang seryoso ni Leticia nang sabihin niya ito.
“Wait, I thought Jason’s death was a suicide? Bakit naman tayo paghihinalahan ni Chief Copper kung hindi naman tayo ang pumatay sa kaniya. And besides, it was just a suicide case, and anong koneksyon natin sa nangyari. It was all Jason’s decision, and we did nothing wrong to contribute about what happened. He made it to himself. Okay?”
Natigilan si Leticia sabay nanlaki ang kaniyang mga mata. She slipped.
“It was. What I mean is, baka tayo ang lumabas na rason kung bakit siya nagpakamatay.” sagot ni Leticia.
“But what about us?” Hinawakan ni Reymark ang mga kamay ni Leticia. “Hanggang kailan pa ba tayo magtatago?”
Inalis agad ni Leticia ang mga kamay mula sa ibabaw ng mesa at ibinaba ito.
“Hangga’t kaya mong itago. I don’t want to talk about it. Mas dapat kong isipin ngayon ay ang kung paano ko sasabihin sa parents ko tungkol sa result ng election.” Pag-iba ni Leticia sa paksa.
“Okay. I get it and . . .” Tumayo si Reymark. “I should leave. Walang silbi naman pala itong pag-uusap natin. I thought everything would be change, simula nang mawala si Jason. I guess I was wrong!”
“Hey, wait.” Tumayo agad si Leticia upang pigilan si Reymark. “I thought we are in this together. Bakit mo ako iiwan ngayon? I need you more that anyone else right now. Please.”
“Hindi ko alam, Ticia. Akala ko rin na magkasama tayo sa relasyong ito, but why it feels like you’re just using me about everything. Siguro tama nga ang mga magulang ko tungkol sa pamilya mo, na wala kayong paninindigan sa mga salitang pinapangako n’yo.”
“How dare you? You don’t know me that well, Rey!” madiin na pagkakasabi ni Leticia. Naging matalim ang kaniyang mga tingin na tila gustong saksakin si Reymark.
“That’s the point. Hindi pa nga kita lubos na nakilala kasi, you never let me get in inside of your life. And why can’t you do that?”
“Because I don’t want you to get hurt.”
“But you’ve already done it.” He leaved the coffee shop because realized that the girl she loved is not yet ready for commitment.
Isang lalaking nabasag ang puso sa buwan ng mga puso.
While the other man with a badge, standing inside, facing his suspect board. May isinulat siya sa isang puting papel na may hugis na parehaba. Leticia Thornhill – Chief Copper’s new suspect on Jason’s death. Pagkatapos, idinikit niya ito sa board.
Chief Copper’s only son accidentally stepped in inside his office. Hindi makapaniwala si Jefferson sa kaniyang nakikita. Hindi siya agad napansin ng kaniyang ama dahil tahimik lamang itong humahakbang papasok.
Bakit may mga pangalan ng classmate ko sa suspect board ni daddy? Tanong ni Jefferson sa kaniyang isipan.
“Anong ibig sabihin n’yan, dad?”
Nagulat si Chief Copper nang biglang nagsalita si Jefferson mula sa kaniyang likuran, at agad naman siyang lumingon upang kausapin ang anak.
“Jeff, bakit ka nandito? ‘Di ba sinabi ko sa ‘yo na hindi ka puwede pumasok sa office ko?” sigaw ni Chief Copper, at naglakad palapit sa anak niyang nakatayo sa may pintuan.
“Dad, bakit nakasulat at nakadikit ang mga pangalan ng mga kaklase ko sa suspect board mo? Ano bang nagawa nila upang pag-imbestigahan mo sila? Tell me, dad! I’m your son.” Pagpipimilit ni Jefferson sa kaniyang ama.
“There’s nothing you need to know about it or them. That’s right, you’re my son, and I’m doing this protect you and your classmates.”
“Protect them? By making them as your suspect to what?” Napaisip si Jefferson habang sinasabi niya ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig. “Of killing Jason? What the hell, dad?” Napahakbang siya patalikod habang tila pinunasan niya ang kaniyang sariling mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay at muling ding humarap. “Paano magagawa ng mga estudyanteng katulad ko ang pumatay ng isang kaklase namin? Explain that to me, dad!”
“Jefferson!” ma-awtoridad at malakas na pagkakasabi ni Chief Copper. “Get out of my office and mind your own business. Do your homework or I will put you grounded for a week. How is that sounds like, huh?”
“You can’t do that to me, dad. I just want to know –” Hindi pa rin nagpapaawat si Jefferson.
Hindi na sinagot ni Chief Copper ang tanong ng kaniyang anak at tinulak niya palabas ang sariling anak, at sinara ang pinto ng opisina niya.
Napagtanto niya na kailangan niyang malutas ang kasong ito, bago pa man kumalat ang tunay na nangyari kay Jason sa bayan na ito. Habang hindi pa nadadakip ang tunay na pumatay, at malaman kung ano nga ba talaga ang motibo nang pagpatay sa kawawang binata, hindi magiging ligtas ang buhay ng lahat ng tao sa Riverhills.