PAGKATAPOS ng klase ay dumiretso agad sina Vanessa at Jake sa bahay ng lalaki. On the fluffy bed with crumpled sea bedsheet, there are these two love birds using their extra time and energy on teenager’s adventure.
“I can’t believe I’ve won,” Vanessa said with happiness in her voice, at hinalikan niya nang malagkit si Jake sa labi habang nakahiga.
“You deserve it, babe. Plus, you have me, your handsome lucky charm.” Umayos nang upo si Jake habang nakatingin sa mga mata ni Vanessa.
“Of course, you are.” Naghalikan ulit sila. “Anong oras nga uuwi ang parents mo?”
“Eight thirty PM,” sagot ni Jake, at kinuha ni Vanessa ang telepono niya para tingnan kung anong oras na.
“s**t, twenty minutes na lang at dadating na ang parents mo!” Agad na bumangon si Vanessa. Dinampot niya ang kaniyang mga damit mula sa sahig at mabilis na sinuot ito.
Pagkatapos magdamit ni Vanessa ay lumapit siya kay Jake nang bumalik ito sa pagkakahiga. She kissed her boyfriend before leaving. “See you at school tomorrow, babe.”
Saktong nakarating ng bahay si Vanessa nang dumating ang mga magulang ni Jake. Kitang-kita nila ang bawat isa mula sa bintana ni Jake at sa pintuan ng bahay ni Vanessa. Nakapinta sa kanilang mga mukha ang saya at pagmamahal sa isa’t isa.
Pagkalipas ng isang gabi, maagang papasok ng school si Vanessa marahil ay tumawag sa kaniya si Principal Leather ng maaga. Kailangan niya raw na pumunta ng school bago ang kaniyang first class subject. Ang sabi na rason ay may meeting daw sila tungkol sa parating na Hearts’ Day Celebration.
“Mom, aalis na po ako,” paalam ni Vanessa sa mommy niya habang abala sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit sa loob ng kaniyang gray na Tote bag.
Lumabas muna ng kusina si Mrs. Shina Gocela upang suriin ang anak kung handa na ba itong pumasok ng paaralan. “Is everything all right na ba?”
“Yes, mom. Aalis na po kami ni daddy.” Hinalikan ni Vanessa sa mukha ang kaniyang ina at sinuot ang kaniyang bag.
“Okay. You’re father was already outside na. He’s waiting for you in his car. Sige na. Baka mahuli si daddy mo sa work.”
“Oh, okay, mom! Goodbye!” Nagmamadaling lumabas ng bahay si Vanessa, habang naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Mrs. Gocela.
Pagdating ni Vanessa sa school, agad siyang dumiretso sa Principal’s Office upang kitain ang principal nila. Subalit pagpasok niya rito ay wala na si Principal Leather. Lumabas din siya agad para magtanong sa mga estudyanteng nag-uusap sa hallway.
“Excuse me, miss. Good morning.” mahinhin na sabi ni Vanessa sa babaeng kulot ang buhok, nakatayo sa harap ng kaniyang locker habang may kausap na babae sa mula gilid nito.
Lumingon ang babae at nagsalita, “Uy, Miss Pres! Good morning din po. Ano pong kailangan n’yo?” masiglang sabi nito.
“Magtatanong lang sana ako, nakita mo ba si Principal Leather o alam mo ba kung nasaan siya?”
“Yes, Miss Pres. Nakita ko siyang papunta kanina sa back door ng building pero parang pabalik na po yata siya – Oh, ayon na po si Principal Leather.” sabi ng babae sabay turo sa kinaroroonan ni Principal Leather kasama ang kaniyang mga matang nakatingin sa likuran ni Vanessa.
“Thank you, huh?” Ngumiti bago tumalikod si Vanessa at sinalubong niya si Principal Leather.
“Miss Gocela! Good thing you’re here na,” sabi ni Principal Leather habang naglalakad sila. “Sabay na tayong pumunta sa Faculty Room. I’ll get my things first. Wait for me here outside.”
“Okay, sir.”
At saka pumasok sa kaniyang office si Principal Leather. Pagbalik niya ay dala-dala na niya ang kaniyang mga gamit na kakailanganin para sa meeting.
“Let’s go?”
Sabay na silang umalis patungo sa Faculty Room.
IN the hot afternoon at Mama Fee’s Coffee Shop, the troops are comfortably sitting on their sits with milkshakes on their table, except Jefferson is nowhere to be find. Pagkatapos ng kanilang klase ay agad na dumiretso sila rito para magpalamig muna bago umuwi sa kani-kanilang mga bahay.
“Did Jeff send you a text message, bhie?” Vanessa asked.
“Hindi bhie, eh. Pero nag-sent ako ng text message sa kaniya kanina pa, to inform him that we’re here already at Mama Fee’s.” Kristine replied. “Let’s just talk na lang muna while waiting sa stupid na iyon.” She rolled her eyes. “By the way, congrats, bhie! Alam ko talaga na mananalo ka.” masaya nitong sabi.
Tumawa si Vanessa. “Speaking of that, hindi ko alam kung paano ako nanalo. It was like a . . .” Inisip niya kung ano ang term ng salita na kaniyang sasabihin. “Miracle out of nowhere!” Napakunot-noo siya.
“What do you mean, ‘hindi mo alam?’” naguguluhang sabi ni Kristine.
“Yeah, how? I mean, I’ve already told you that you deserve it, ‘di ba, babe? Majority of the Riverhills’ High students obviously wanted you to be as their SSG President and that counts us, too.” sabi ni Jake.
“‘Yan nga ang problema, nakapagtataka lang kasi . . . Come to think of this . . .” Inilapit ni Vanessa ang sarili sa mesa. “Leticia has her dog lace on each student in Riverhills’ High that she uses to call them as her loyal friends and plus, Jason’s genius pet-pawn – the Thornies.”
“So, you mean . . .” Jake is having a hint in his mind, but he doesn’t know what to say exactly.
“What I mean to say is . . . mayroon siyang sapat na bilang ng mga estudyante upang bumoto para sa kaniya at manalo.” Vanessa stated her point.
Napaisip tuloy sina Jake at Kristine. May point si Vanessa. Ngayon, nakatulala silang tatlo sa hangin na tila may hinihintay na isang langaw na dadapo sa mga milkshakes nila bilang isang sagot sa katanungan sa kanilang isipan.
Habang nag-iisip sila, biglang bumukas ang pintuan ng coffee shop at pumasok ang isang pigura ng lalaking nakasuot ng Riverhills’ High varsity jacket. Leather sleeves colored with maroon and the iconic letter ‘R’ on it.
“Troops, you can’t believe what I’d have just found out!” nakatayong sabi ni Jefferson sa harap ng mga kaibigan niya.
“Jeff, saan ka ba galing?” sabi ni Kristine, at lumipat ng puwesto papasok sa gilid malapit sa salaming bintana.
“And take off your jacket. Nababasa ka na ng pawis mo,” dagdag na sabi ni Vanessa.
“Troops! Puwede bang makinig muna kayo sa akin?” malakas at madiin na sabi ni Jefferson. Dahilan upang mapatingin ang lahat ng tao sa loob ng coffee shop.
“Bro, relax. Okay?” Sinusubukan ni Jake na pakalmahin ang kaibigan. “Just take off your jacket and drink this first.” sabay tulak ng milkshake niya.
Jefferson took his friends words. Hinubad niya ang kaniyang jacket at kitang-kita sa kaniyang suot na damit panloob ang bakat niyang kalamnan sa bisig, tiyan, at dibdib. Ang init niya pagmasdan, mas lalo pa itong uminit dahil dumagdag pa ang kaniyang pawisan na leeg at mga kamay.
And when he finally got himself together, they let him talk. Pero bago pa man makapagsalita si Jefferson ay may dumaan na mga estudyante mula sa Riverhill’s High. Tila ayaw yata siyang pagsalitain ng tadhana.
“He paid us to vote for Vanessa . . .” Sabay-sabay na tumawa ang mga ito.
At narinig ni Vanessa ang pinag-uusapan ng mga ito. Kung kaya ay naging dahilan upang mapatayo si Vanessa at tinawag niya ang mga ito. “Excuse me?”
Lumingon ang mga ito. “Yes, pres?” sagot ng isa sa apat na magkakasama.
Vanessa isn’t used to hear other people calling her pres, pero baka kailangan na niyang masanay na tawagin siya ng mga ito. “Tama ba ‘yong narinig ko, Ashly? Sino nagbayad sa inyo para iboto ako?” Vanessa almost burst into flames in anger.
“I don’t know what you are talking about!” Pagmamaangan ni Ashly. “Come on, girls! Bye pres.” At umalis sila palabas ng coffee shop.
Vanessa can’t believe what she just heard and how those girls treat her without fear. Maybe, she was expecting everyone to respect her because she is now the SSG President, a part of it.
“Can you believe what just happened? Guys? Hindi n’yo ba rinig ang sinabi nila? Bakit wala kayong reaksyon?”
“Maybe, you’re just overthinking things, babe. Stop it.” Nag-aalalang wika ni Jake, at hinalikan sa noo si Vanessa. “Okay?”
Tumango lang si Vanessa at ibinalik ang tingin sa kaibigan nilang si Jefferson na kanina pa hindi mapakali sa kinauupuan niya.
“I’m sorry, Jeff. Please . . . Anong sabi mo kanina?” sabi ni Vanessa sabay inilahad ang kaniyang kamay, senyales upang magpatuloy sa sasabihin nito.
“Okay. So last night, I accidentally stepped on inside my father’s office. At nakita ko ang crazy board ni daddy –”
“Wait, what do you mean crazy board?” naguguluhang sabat ni Kristine.
“It’s a suspect board,” tugon ni Jake. “Then what happened next, Jeff?”
At nagpatuloy si Jefferson. “I saw our classmate’s names on it and . . . Thornhill’s last name.” Lumunok muna siya ng laway niya.
“At anong mayro’n, bakit nasa isang suspect board ang mga pangalan ng classmates natin?” sabi ni Vanessa.
“My father dragged me out from his office. Pero kinaumagahan, nang makaalis na si daddy para sa duty niya. I sneaked into his office again –”
“But how? I mean was his office does not have any locks?” sabi ni Jake.
“Oh, shut up, Jake!” sabay na saway nina Kristine at Vanessa dahil bigla kasing sumabat si Jake.
“And found out that . . .” Tumigil si Jefferson, that gives them the vibe of thrills. “Jason’s death was not a suicide.” mahina niyang idiniin ang mga salitang sinabi.
No stroke of emotion was painted on their faces when they have heard what just Jefferson said to them. Bakit nila itinago ang katotohanan sa buong bayan? Tanong ng lahat sa kanilang isapan.
“So, ibig sabihin ay, ang mga kaklase natin ang suspect sa pagpatay kay Jason? Pero bakit kasali ang sarili niyang magulang? Bakit suspect din sila?” naguguluhang sabi ni Kristine.
“Hindi ko rin alam. But we better stay out of it, at mag-ingat na rin sa paligid natin. There’s a killer on the loose.” sagot ni Jefferson.
“Eh, bakit mo pa sinabi sa amin ang tungkol dito kung ayaw mo pala kami madamay? So, anong gusto mong gawin natin? Hayaan na lang na mabaliw tayo sa kakaisip kung sino ang killer sa loob ng classroom natin?” naiinis at pinapawisan na sabi ni Kristine.
“Kumalma ka, bhie. Inumin mo muna ‘yang milkshake mo.”
“Kristine’s right, but we are not in a position to make an action. Hayaan na lang natin na ang daddy ni Jeff ang lumutas ng kaso.” sabi ni Jake.
“Pero bakit hindi pinaalam ni Chief Copper sa buong tao rito, sa atin, at sa bayan ang tunay na nangyari kay Jason? Bakit parang tinatago niya ito?” sabi ni Vanessa.
“Maybe, my father was thinking that there might be panic in the whole town when they found out what truly happened about Jason’s death. Moreover, this is the first time this has happened in the entire history of our town.”
“And maybe, alam ni Mayor ang tunay na nangyari. At sinabi ni Mayor sa daddy mo na ‘wag itong ipagkalat para sa ikabubuti ng lahat.” Pagbabahagi ng ideya ni Kristine.
“But that’s a lame reason for mayor to do it, right? Paano magiging ligtas ang mga tao kung wala tayong kaalam-alam sa tunay na nangyari. Hindi rin natin alam kung ano nga ang dahilan nang killler sa pagpatay niya kay Jason.” sabi ni Jake.
“Maybe, that’s why. Hindi ipinaalam ni Chief Copper sa taong bayan dahil wala pa siyang sapat na impormasyon kung bakit pinatay nang killer si Jason.” sabi ni Vanessa.
“Whatever my father’s reason, we must stay vigilant and ‘wag na nating pag-usapan ang nangyari o nalaman natin sa lugar na maraming taong maaaring nakikinig at nakamasid sa atin. Baka tayo ang maging next target nang killer kapag nalaman niyang may alam tayo maliban kay daddy.”
“Oh, shut up, Jeff! Don’t say that. Hindi mo ba nakikita na sobrang stress na ako rito? Paano na ang late night gala ko?” naiinis na sabi ni Kristine.
“Jeff’s right. Let’s refrain ourselves from getting out at night. Hanggang hindi pa nahuhuli ang killer, hindi magiging ligtas sa lahat ang gumala sa gabi ng mag-isa.” Pagsang-ayon ni Vanessa kay Jefferson.
Another mystery was once expose and must be untangle. Pero walang sino man ang nagsabi na dapat ang mismong magkakaibigan ang lulutas sa misteryong ito.
Are they going to put their lives on risk? Or stay away from exposing themselves from death?