ANOTHER afternoon at Riverhills High. Nasa loob ng school living room ang Troops, nakaupo habang tinatanong nila si Jefferson tungkol sa pasa niya sa mukha. Kanina pa nila ito kinakausap tungkol dito, ngunit parating niyang tinatanggi sa kaniyang mga kaibigan ang tunay na dahilan.
“Ano ba kasi talagang nangyari sa mukha mo, huh, Jeff? Sumagot ka nga!” naiinis na sabi ni Kristine, at saka umirap.
“Sabihin mo, bro, sino gumawa niyan sa ‘yo?” tanong ni Jake. “Ipapakilala ko lang ‘tong kamao ko sa kaniya.” aniya sabay ipinakita ang kaniyang kamao.
“Jake, tumigil ka nga!” saway ni Vanessa. “Hindi makatutulong sa atin kung paiiralin natin ang galit.”
“Sa ‘yo pa talaga nanggaling ang salitang ‘yan, huh, babe?” sarkastikong tugon ni Jake.
“So, ano ang gusto mong palabasin, huh, babe?” sarkastikong sagot din ni Vanessa.
“Guys!” biglang nagsalita si Jefferson sabay tayo sa gitna. “Stop it, okay?”
Tumahimik at nag-ayos nang upo ang lahat.
“Maniniwala ba kayo ‘pag sinabi kong –”
“Just tell us already. My god, Jeff!” nagpipigil na sabi ni Kristine. Gusto na niyang sapakin si Jefferson dahil naiinip na siya, kanina pa. Kung wala lang sana siyang pasa sa mukha, siguro kanina pa niya ito nasapak at nasabunutan ng buhok.
“My dad and I have a fight last night,” nakayukong sabi ni Jefferson. “He hit me on my face with his right fist because . . .”
“My god, Jeff.” Hindi makapaniwalang sambit ni Kristine sabay napahawak sa kamay ni Vanessa. “Totoo ba talagang kayang gawin iyon ni tito? I mean, he was a good person and maybe, a good father too. I can’t believe it.”
“I tried to sneak into his office. Pero, nahuli niya ako. And that’s how I got this.” sabi niya, at saka napahawak sa kaniyang pasa sa mukha.
“I can’t believe na nagawa ‘yan ni Chief Copper. He knows about the law and everything about it, then, that?” komento ni Vanessa, at saka itinuro ang pasa ni Jefferson sa mukha gamit ang kaniyang kaliwang palad.
“I didn’t ask any of you to believe me. Sinagot ko lang mga tanong n’yo!” nagtaas ng boses si Jefferson at tumalikod palabas ng school living room. Pero bago pa man siya makalabas ay tinawag siya ni Vanessa, at lumingon naman siya.
“Pupunta ako ng Police Department, baka gusto mo sumama?” wika ni Vanessa. Sa tono ng kaniyang pananalita ay para itong nanakot.
Nakaramdam nang pintig ng kaba si Jefferson. “Don’t you dare talk to my father about what I’ve said to all of you. Don’t make things more complicated between my father and I. Pero kung gusto n’yong pati ang daddy ko mawala sa akin . . . then fine. Tell him. Hindi lang ako ang mawawalan,” aniya, at tuluyan nang lumabas.
Tumayo at lumapit si Jake kay Vanessa. “What was that all about, Nessa?”
“He’s lying to us.” Vanessa’s voice was flat and she seems certain of what she’s saying against their friend.
Napatayo na rin si Kristine at lumapit kay Vanessa. “Is there something wrong, bhie?” nag-aalalang sambit nito. “Paano mo nasabi na nagsisinungaling siya sa atin?”
“Pumunta siya kagabi sa party, pero hindi siya nakapagpalit ng damit. Ibig sabihin no’n, hindi siya umuwi sa kanila.”
“Hindi ko pa rin ma-gets, bhie.”
“‘Yong pasa sa mukha niya, nakuha na niya ‘yon bago pa sila nakauwi ng bahay nila. Nakita kong may mali sa mukha niya kagabi sa party, pero hindi ko matukoy ang pamamaga nito marahil sa pulang ilaw na nagmumula sa disco lights.”
“Wala sa amin ang nakapansin kagabi. Sigurado ka ba, bhie?”
“One hundred percent. Para makasigurado tayo . . .”
“Babe,” wika ni Jake at saka lumingon naman si Vanessa. “Don’t. Narinig mo naman ang sinabi niya kanina, ‘di ba?” aniya, at napahawak sa braso ni Vanessa.
“I’ll try, pero pupunta pa rin ako sa Chief’s office. Magtatanong lang ako tungkol sa kaso nina Reymark at Kevin. Baka may information na si Chief Copper.”
“Sasamahan na kita, bhie.”
“H’wag na, bhie. May practice ka pa, ‘di ba?”
“Sigurado ka?”
“Yes, I’m sure. And . . . babe, I’m sorry about a while ago. Do your best for your logo defense. Call me and update me after.” paalam ni Vanessa, at saka hinalikan sa pisngi si Jake.
Nang makaalis na si Vanessa, kinausap ni Kristine si Jake. “May napapansin ka bang kakaiba sa kaniya?”
“Hindi ko alam, Tine. Baka marami lang talaga siyang iniisip sa ngayon. I can’t blame her attitude or the way she acts right now. Babalik din ang dating babae na minahal ko. For now, we need to be right on her side. Hindi lang para suportahan siya, kundi ang siguraduhing hindi siya maliligaw ng landas.”
“Tama ka. Anyway, sasamahan na kita sa Defense Room,” sabi ni Kristine, at saka kinuha ang kaniyang bag at kay Jake mula sa sofa.
“Thanks, Tine.” wika ni Jake nang inabot ni Kristine ang kaniyang bag.
“Now, let’s go. Baka late ka na sa defense mo. Anong oras na ba?” Nagmamadaling naglalakad si Kristine palabas ng Living Room.
At sumunod naman agad si Jake. “Three o’clock na. s**t!” napamura na lang siya nang napagtantong malapit na pala siyang ma-late. “Late na ako.” Agad silang kumaripas nang takbo patungo sa second floor.
NAKAUPO SA swivel chair habang nakatingin sa suspect board si Chief Copper. Nakatitig ang kaniyang dalawang mata sa isa sa mga nakapaskil na pangalan doon. Reymark Lapeña. Naalala ni Chief Copper ang araw na nagkausap sila ni Reymark sa coffee shop. Tinanong niya ito tungkol sa koneksyon niya kay Jason. Pagkatapos no’n ay namatay ito.
Kasunod naman ay si Kevin Topaz. Nagkausap sila sa school clinic at pagkatapos, na aksidente naman ito. “Teka lang, ano palang nangyari sa kaniya, kung bakit nadala siya sa school clinic ng araw na ‘yon?” Tanong ni Chief Copper sa kaniyang sarili. “Imposibleng nagkataon lang ang lahat.”
Nawala ang mga katanungan sa isip ni Chief Copper nang biglang may kumatok sa nakabukas niyang pintuan, na agad naman niyang tiningnan kung sino.
“Excuse me, chief. May bisita po kayo,” wika ni Clinton.
“Sige, papasukin mo.”
Kasabay nang pag-alis ni Clinton ang pagpasok ni Vanessa.
“O, ikaw pala ‘yan, Nessa. Maupo ka. Anong kailangan mo’t naparito ka?”
“Good afternoon, chief. Naparito po ako para kumustahin ang kaso ni Reymark at pati na rin kay Kevin, kung paano nangyari ang aksidente,” tugon ni Vanessa sabay upo.
Huminga ng malalim si Chief Copper. “Hanggang ngayon, wala pa ring led sa kung sino ang pumatay kay Reymark.” dismaya nitong sabi.
Hindi alam ni Vanessa kung paano ikalma ang sarili ng dahil sa kaniyang narinig at natuklasan. “Hindi po nagpakamatay si Reymark?” gulat niyang sabi. Nanlaki ang kaniyang mga mata at tumaas ang kaniyang boses.
Sa puntong iyon, napagtanto ni Chief Copper na nadulas ang kaniyang dila. Wala ring silbi kung magsisinungaling pa siya. Matalinong bata si Vanessa kaya hindi niya ito mauuto at karapat-dapat din niyang malaman ang totoo, kahit labag ito sa batas at kalooban ng pamilya ng mga Lapeña. May tiwala naman siya rito.
“Tama nga ang iyong narinig, hindi nagpakamatay si Reymark. Pinatay siya ng hindi pa kilalang suspect. Kung sino man ang gumawa no’n sa kaniya, siguradong baliw at demonyo siya.
“Tama nga ang aming hinala. Imposibleng magagawa ni Reymark ang bagay na ‘yon. Ang pagkitil ng buhay ay nakasulat sa ten commandments. Kaya imposibleng kaya niyang gawin iyon sa kaniyang sarili.”
“Anong ibig mong sabihin, Nessa? Sino pa ang naghihinala maliban sa ‘yo?”
“Si Kevin po. Dalawa po kaming patagong nag-iimbestiga sa crime scene, nagbabasakaling may mahanap kaming sagot.”
“Ano? Alam ba ninyo na delikado ang ginagawa n’yo?”
“Opo. Gusto lang naman namin makatulong sa imbestigasyon.”
“Pero kahit na, magiging dagdag lang kayo sa problema kung sakaling may mangyari sa inyong masama–” Natigilan si Chief Copper nang napagtanto niyang may nangyari na ngang masama kay Kevin. “Sino pa ang nakakaalam sa ginagawa ninyong imbestigasyon?” mausisa niyang tanong.
Nagtataka na si Vanessa sa biglaang pagbabago ng kalagayan ni Chief Copper. Naging mas mausisa ito bigla. Pero ipinagwalang-bahala na lang niya ito, at sinagot ang tanong. “S-Sina Jefferson, Jake, at Kristine po. Kami lang po magbabarkada. May nabanggit po kayo kanina . . . ‘yong kanila. Sino po pa ‘yong tinutukoy n’yo?”
“Kasali rin si Jefferson?” Gano’n na lang ang gulat ni Chief Copper nang malaman niyang kasali pala ang kaniyang anak tungkol dito. It all makes sense to him. Ang pagpasok ni Jefferson sa kaniyang office sa bahay, pagpipimilit nitong makapasok, at mga mausisa nitong tanong sa kaniya. Lahat ng iyon ay dahil sa nag-iimbestiga rin sila sa nangyari. “Pareho ang autopsy na lumabas nina Reymark at Jason. Kaya–”
“Opo. So, ibig pong sabihin ay parehong tao lang ang pumatay sa kanila?”
Tumango lang si Chief Copper, at nag-isip ng posibleng suspect sa mga pangalang nabanggit ni Vanessa. May kutob siya na isa sa kanila ang pumatay o mata at boses ng killer. Sa tuwing maiisip niya ang pangalan ng sariling anak ay hindi kaya ng kaniyang konsensya. “Hindi killer ang anak ko. Maaaring may koneksyon siya sa tunay na suspect, pero hindi magagawang pumatay ng anak ko.” Pinipilit niyang maniwala sa gustong isipin ng kaniyang isipan tungkol sa kaniyang anak. “May gusto ka pa bang malaman, Nessa?”
“Last na po. Paano nangyari ang aksidente na sinasakyang ambulansya ni Kevin?”
Hindi nagdalawang-isip si Chief Copper at sinagot niya ng diretso si Vanessa, “May pumutol ng mga cable wires ng sasakyan kaya nawalan nang kontrol ang driver.” tugon niya, at saka tumayo. “Kung wala ka nang itatanong pa, ipapahatid na kita kay Clinton sa inyo.”
Mabilis na nakatayo si Vanessa upang pigilan si Chief Copper bago pa nito tawagin si Clinton. “Wait lang po. May sasabihin pa po ako sa inyo. Importanteng-importante lang po talaga. Tungkol ito kay Jefferson.”
Kinabahan bigla si Chief Copper at napatitig sa mga mata ni Vanessa, nangungusap ang mga mata ng bawat isa. Ano kaya ang kanilang iniisip? Ito na ba ang sagot sa lahat ng mga katanungan nila?
Agad na isinara ni Chief Copper ang pinto at pagkatapos, bumalik siya sa kaniyang upuan at halos hindi makapaghintay sa sasabihin ni Vanessa tungkol sa kaniyang anak. “Anong tungkol kay Jefferson?”
Dahan-dahan na bumalik ng kaniyang upuan si Vanessa. “May napansin po ba kayong kakaiba sa mukha ni Jefferson no’ng inihatid n’yo po siya sa school?”
Nag-isip muna si Chief Copper bago siya sumagot, “Makapal na ang kaniyang eyebags? Dahil sa kaka-online games na niya ‘yon, eh. Maliban do’n . . . wala na akong napansing kakaiba. Bakit, ano bang problema?”
“Hindi n’yo po ba nakita ‘yong ano sa mukha ni Jeff?” Nahihirapang magsabi si Vanessa, marahil ay sinusubukan niya munang malaman kung alam ba ni Chief Copper ang tungkol sa pasa ni Jefferson sa mukha.
“Ang alin ba? Wala naman akong nakitang kakaiba sa kaniyang mukha kanina – Ay, hindi nga pala kami nagkita kanina ni Jefferson. I was working late last night. Kaya hindi na kami nagkita kinaumagahan. Paggising ko, wala na siya.”
“Ah, gano’n po ba? Sige po. Aalis na po ako, chief.” tugon ni Vanessa, saka tumayo.
“Gano’n na ‘yon? Sabihin mo nga sa akin, Nessa. Anong nangyari kay Jefferson?”
“Wala po. Akala ko kasi . . . alam n’yong may pasa siya sa mukha.”
“Ano? Bakit may pasa siya? Anong nangyari?” Kinabahan si Chief Copper. Iniisip niyang baka dahilan ito ng killer, na ang anak niya ang sunod na target nang killer.
“Kumalma lang po kayo, chief.” mahinang sabi ni Vanessa sabay inilahad ang dalawang kamay sa harap ng kaniyang dibdib. “Nagkaroon ng pasa sa mukha si Jeff, dahil po sa training niya sa basketball. Kaya wala po kayong dapat ikabahala.”
Nakahinga ng malalim si Chief Copper nang marinig niya ang sinabi ni Vanessa. “Salamat naman kung gano’n.”
“Ang magkaroon ng pasa si Jefferson po?”
Natawa ng marahan si Chief Copper. “Hindi. Akala ko kasi kung anong masamang nangyari kay Jefferson. Hindi ko kakayanin na may masamang mangyari sa anak ko. Siya na lang ang mayro’n ako ngayon. Oh, sige na. Baka gabihin ka pa sa pag-uwi.” Tumungo siya sa pintuan at binuksan ito.
“Thank you, chief.” nakangiting sabi ni Vanessa, at saka lumabas ng silid.
“Bakit mo ba ako tinatawag na chief? Uncle, na lang.”
“Nasanay na rin po kasi ako.” Marahang ngumiti si Vanessa.
“Basta, uncle, na lang sa susunod.” At pagkatapos, tinawag ni Chief Copper si Clinton upang ipahatid si Vanessa sa pag-uwi.
“Yes, chief?” Agad na dumating si Clinton sa harap nila.
“Ihatid mo nga si Vanessa sa bahay nila. Siguraduhin mong ayos siya sa kaniyang pag-uwi.”
Tiningnan ni Clinton si Vanessa ng may kakaibang tingin sa mga mata. “Oo naman, chief. Makakaasa po kayo.” tugon niya na may halong ngiti sa kaniyang mga labi.
“Naku, chief, este uncle . . . Kaya ko po naman umuwing mag-isa, eh.”
“Shh, sige na, Vanessa. Ayos lang kay Clinton.” At sinenyasan ni Chief Copper si Clinton na, siya na ang bahala kay Vanessa. At saka niya isinara ang pinto ng kaniyang opisina.
Ayaw man ni Vanessa sumama kay Clinton dahil sa baka makita sila ni Jake, at baka ano na naman ang iisipin nito kapag nakita niyang may kasama na naman siyang ibang lalaki. Subalit wala siyang magagawa dahil utos ni Chief Copper, at nagmamagandang-loob lang naman ito. Nakahihiya naman sa kaniya kung tatanggi pa siya.
Kaya, padabog siyang sumunod kay Clinton papunta sa labas ng Police Department Bulding.