TWO NIGHTS AGO, SATURDAY
THE night that Kevin entered the school alone without permission – trespassing Riverhills High School was kind a brave thing to be done, due to in desperate times.
Buo na ang kaniyang isipan, nakaplano na ang lahat ng kaniyang gagawin ngayong gabi. Wala na siyang balak na umatras pa. Sa una pa lang, ang pag-iisip tungkol sa paglutas ng kaso ng kaibigan nila, si Reymark, ay alam na nila na kailangan nilang humantong sa mga mapanganib na bagay. Katulad na lang ngayon.
Walang ilaw sa loob ng school building, at kung magagawa niyang makapasok sa loob ay paniguradong magiging matagumpay siya sa kaniyang plano. Pero bago ang lahat, kailangan niya munang malampasan ang dalawang security guard na nagbabantay sa front door. Nanatili lamang siyang nakatago sa dilim, sa likod ng puno ng Mahogany, upang hindi siya makita ng mga ito.
“Magbubukas ang Riverhills High sa Lunes. Ibig sabihin ay nakahanda na pala ang mga security guard nila, starting today. This could be hard and . . . exciting.” Salitang galing sa isipan ni Kevin. Tila nakaramdam siya ng excitement sa kaniyang isipan at puso. Mas may gana na tuloy siyang gawin ang balak niya.
Hindi siya puwedeng dumaan sa front door, kaya kailangan niyang dumaan sa back door. Ayon sa kaniyang kaalaman, walang gaanong dumadaan sa back door dahil ginagamit lamang ito kung may Very Important Person (VIP) o mahahalagang bisita na dumadalaw sa paaralan nila.
Pagdating niya sa likod ng gusali, pawisan siya ngunit hindi niya ito binigyang pansin. Mas nakatuon lang ang kaniyang isipan sa nais niyang tuparin ngayong gabi. Sumilip muna siya bago nagpatuloy, tiningnan niya kung may nagbabantay ba. Ngumiti ang kaniyang isipan nang makitang walang nagbabantay rito. Hindi na niya pinatagal pa at dumiretso na siya sa pintuan.
Tulad ng inaasahan niya, may kandado nga ito. Kaya nagdala siya ng key duplicate na binigay ni Vanessa sa kaniya. Bilang isang SSG President, may access siya sa lahat ng susi ng paaralan, mayroon man o walang permiso.
Tila napasukan ng hangin ang utak ni Kevin nang pinihit niya ang doorknob, hindi ito nakakandado. Nakapagtataka man ay inisip ni Kevin na ito ay isang kalamangan sa kaniya upang makapasok ng walang problema.
Pumasok siya sa loob at dumiretso sa silid kung saan nangyari ang krimen – Room 6. He’s hoping that he can find something, a sign, symbol, or it could be anything that would help him find a clue to answer their case problem. Naghanap siya ng mabuti sa ilalim ng mga upuan hanggang sa may nakita siyang isang bagay mula sa ikapang-apat na upuan, mula sa harap patungo sa likod.
Tumayo siya upang puntahan ito. Bawat segundo ay pakiramdam niya na malapit na siya sa kaniyang tagumpay. Gamit ang ilaw mula sa kaniyang telepono, bahagya siyang umupo, at napag-alaman niyang isa pala itong butones.
“Kaninong butones ito?” tanong niya sa kaniyang sarili. Maaaring pagmamay-ari ito ng isa sa mga estudyante rito, pero pinapanatili niya ito at inilagay sa kaniyang bulsa.
Ang hindi alam ni Kevin ay may security guard pala sa loob ng building na nagmamasid lang sa paligid, nagbabantay. Wala na siyang iba pang nahanap, kaya napagdesisyonan niya na umalis na rito. Sobrang nalungkot siya marahil ay wala siyang nahanap na clue, na siyang magbibigay kasagutan sa problema niya at ni Vanessa.
Iniisip niya ang isinugal ni Vanessa para sa planong ito, subalit wala siyang nakuha o nakita na bagay. “I failed,” he said it to himself.
Nang paalis na siya ay nakita niyang may ilaw ng flashlight papaliko sa kinaroroonan niya. Kaya agad siyang nagtago pabalik sa loob ng silid malapit sa pintuan.
Umupo siya upang hindi gaanong mahalata. Hindi siya gumalaw at pinagsisikapan niyang hindi makagawa ng ingay. Mukha siyang galing naligo dahil sa basa ng pawis. Sobrang bilis nang pintig ng puso niya. Mas lalo pa itong bumilis ng nasa likod na niya ang security guard habang iniilawan ang loob ng silid. Nang wala itong nakita o napansing kakaiba sa loob nito ay nagpatuloy siya sa paglalakad paalis.
Gumaan ang pakiramdam ni Kevin. Nang nakahinga na siya ng maluwag, agad siyang tumayo at mabilis na naglakad paalis, patungo sa back door. Nakikita na niya ang pintuan, unti-unti ng gumagaan ang kaniyang loob.
Bilang na lang ang mga hakbang ni Kevin at mararating na niya ang pintuan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, may isang mabigat na kamay ang dumapo sa kaliwang balikat niya, rason upang mapahinto siya bigla. Tumaas ang lahat ng dugo niya sa buong katawan. Tila masisira na ang kaniyang puso sa bilis nitong pagtibok.
“Anong ginagawa mo rito, bata?” Kasing laki ng katawan ang boses ng security guard nang makaharap niya ito.
“Um, m-may k-kinuha lang po a-akong g-gamit,” nauutal nitong sagot.
Kinapa ng security guard ang buong katawan ni Kevin at napagtanto niyang wala itong kinuha o natagpuang bagay na dala.
“Sige, umuwi ka na!” At pinakawalan siya ng security guard.
Mabilis na naglakad paalis, palabas ng building si Kevin nang hindi lumilingon.
“Mga bata talaga.” bulong ng security guard sa sarili.
MONDAY, Present
Chief Copper returned from Principal Leathers’ office to asked him for a permission. He wanted to transfer Kevin on a hospital, where he could be taken care of, as what his parents told him. Pagkatapos ay pinuntahan niya agad si Kevin sa clinic para makapaghanda na.
“Ililipat ka na sa ospital, kaya ihanda mo na ang iyong sarili at dadating na ang ambulansya anytime.” wika ni Chief Copper.
“How about my parents? Alam na ba nila na dadalhin ako sa ospital?”
“Oo.”
“At ano pong sabi nila?”
“Hindi raw sila agad makakauwi rito sa bayan, pero uuwi rin sila sa madaling panahon. At saka, sila ang may gusto na ilipat ka sa ospital. Sinabihan nila ako habang kausap ko sila kanina sa telepono.”
Napabuntong hininga si Kevin.
“Hey, buddy. It’s okay.” Lumapit si Chief Copper kay Kevin. “Things will get better and so are you.” At tinapik niya ito sa balikat.
Ngumiti si Kevin. “Thanks, chief.”
Mula sa loob ng school clinic, rinig na rinig nila ang ingay ng ambulansya galing sa labas ng building. Kaya tinulungan ni Chief Copper si Kevin na kuhanin ang bag nito at hinintay na dumating ang school nurse kasama ang mga nurse na nakasakay sa ambulansya.
Ilang minuto lang ang lumipas at nandito na nga sila. Naunang lumabas ng kuwarto si Chief Copper at sumunod namang lumabas si Kevin na nakahiga sa wheeled stretcher o gurney habang tinutulak siya ng dalawang lalaki na nurse.
“Dad, saan nila dadalhin si Kevin?” Biglang dumating mula sa likuran ni Chief Copper si Jefferson kasama si Kristine.
“Syempre sa ospital! Para kang tanga, Jeff!” pilosopong sambit ni Kristine.
Marahang natawa si Chief Copper. Nahiya naman si Kristine sa naging asal niya sa harap ng ama ni Jefferson.
“Humingi ako ng permiso kay Principal Leather na ilipat sa ospital si Kevin dahil hindi makapupunta o makakauwi ang mga magulang niya. Nasa Thailand pa kasi ang mga magulang niya.” Paliwanag ni Chief Copper, at saka lumingon. “Nasaan sina Vanessa at PJ?”
“Ah, pabayaan na muna natin sila, uncle. May lover’s quarrel pa po sila,” tatawang sabi ni Kristine.
“Gano’n ba? Sige, tara na.”
“Saan po tayo?”
“Iuuwi ko na kayo.” Nauna nang naglakad si Chief Copper palabas, at saka naman sumunod sina Kristine at Jefferson.
Naglakad sila palabas ng gusali. Paglabas nila ay wala na ang ambulansya.
“Ang bilis naman nilang nakaalis,” sabi ni Chief Copper, at saka nilingon-lingon muna ang paligid upang suriin kung nakaalis na nga ba talaga sila. Nang masigurado niyang wala na nga sila, dumiretso sila sa sasakyan niya na nakaparke lang malapit sa school building.
Habang nasa daan sila pauwi, biglang tumunog ang telepono ni Chief Copper. Kinuha niya ito mula sa kaniyang bulsa at agad na sinagot. “Hello. This is Chief Copper. What’s your emergency?”
Biglang pinihit ni Chief Copper ang preno, dahilan upang muntik na silang mauntog. Mabuti na lang at naka-seat belt silang lahat.
“Dad, what happened?” gulat na tanong ni Jefferson.
Hindi agad nakasagot si Chief Copper. Tila nagulat ito sa sinabi nang kausap niya mula sa kabilang linya.
“Uncle?” nag-aalalang wika ni Kristine.
Lumingon si Chief Copper kina Kristine at Jefferson.
“Dad, what is it?”
“They had an accident.” Blangko ang mukha ni Chief Copper at tila hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig.
“Anong aksidente, uncle?”
“Naaksidente ang sinasakyang ambulansya ni Kevin.” nanggigil na pagkakasabi ni Chief Copper, at sinapak niya ang manibela.
“Oh, my gosh!” Napahawak sa sariling bibig si Kristine.
Napakamot sa kaniyang ulo si Jefferson. “Ano pang hinihintay natin? Puntahan na natin si Kevin, dad!”
Agad na bumalik sa katinuan si Chief Copper, at pinihit ang manibela paliko, pabalik sa daan nila patungo sa kinaroroonan ng aksidente. Habang papunta na sila, hindi maaalis sa kanilang mga mukha ang pag-aalala para kay Kevin.
Pagdating nila sa lugar kung saan naaksidente ang sinasakyang ambulansya ni Kevin, wala na siya rito. Ang sabi ng mga tao sa paligid ay dinala na raw ito sa ospital, lahat nang nakaligtas sa aksidente.
Wala silang pinalampas na minuto at agad na bumalik sa sasakyan. Pinaandar ito at pinatakbo patungo sa pinakamalapit na ospital ng Riverhills. Ang Riverhills Hospital. Pagdating nila rito ay agad silang dumiretso sa front desk.
“Hi. May naka-confine ba ritong, Kevin?” diretsahang tanong ni Chief Copper.
“Ano po ang full name, chie–”
“Kevin Topaz!” sambit ni Kristine.
“Nasa emergency room po, chief. Naghahanda na po sila para dalhin siya sa operating room.”sagot ng nurse.
Patakbong umalis sila mula sa front desk patungo sa emergency room. Pagdating nila, naabutan nilang papasok na sa operating room ang doktor. Subalit hindi na nila ito pinigilan dahil nakasalalay ang buhay ng bawat segundong nasasayang ‘pag pinigilan pa nila ito upang kausapin.
Naghintay sila sa labas ng operating room, dahil wala naman silang ibang magagawa kundi ang kumalma at maghintay na lang sa magiging resulta nang operasyon. Gustuhin man nilang pumasok upang makita ang kaklase ay hindi nila magawa.
They are just hoping that the operation will get well enough to make Kevin alive. They can’t afford to lose another life, not now, not again, and hoping no more death.
“We should call, Vanessa.” Jefferson said, facing Kristine. While they are all standing uncomfortably.
Pero tila wala sa sarili si Kristine. Hindi niya narinig ang sinabi ni Jefferson sa kaniya. Kaya napilitan ang kaibigan na ulitin ang kaniyang sinabi. “Tine,” sabay hinawakan ang magkabilang balikat nito. “Tawagan mo si Vanessa. She deserves to be here with him.” He’s talking about Kevin.
Nakatingala habang nakatingin si Kristine sa mga mata ni Jefferson. Nang makabalik siya sa kaniyang sarili ay agad niyang kinuha ang sariling telepono at tinawagan si Vanessa.
“Bhie, nasaan kayo?”
“Bhie, ‘wag kang mabibigla, huh?” naiiyak na sabi ni Kristine.
“Huh? Bakit naman ako mabibigla?” walang ideyang sagot ni Vanessa.
“Nasa ospital kami ngayon. Pumunta ka na rito . . . at dito ko na lang sasabihin sa ‘yo ang lahat ng nangyari.”
“Okay, bhie. But can you just wait for us in a minute?”
“No! Kevin had an accident earlier while he’s on his way to the hospital. Kaya kailangan mo nang pumunta rito! Ngayon na.”
Walang narinig na sagot si Kristine pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Alam na niya kung bakit, kaya ibinaba na lang niya ang kaniyang telepono, at agad na niyakap si Jefferson.
“Shh, magiging ayos din ang lahat, Tine.” Pinipilit na patahanin ni Jefferson ang kaibigan, habang banayad niyang hinahaplos ang likuran nito.