Chapter 18: The Beginning

2007 Words
MONDAY, PRESENT CALM as water on the river, untouched and clear. Nakatingin lang sa labas ng bintana si Vanessa, minamasdan ang maaliwalas na kalangitan. Wala siyang pakialam sa mga ingay mula sa kaniyang paligid. Gusto lang niya munang mapag-isa sa ngayon, lalo na’t palapit na ang araw ng examination nila.             May limang lalaking kakapasok lang sa loob ng silid-aralan. “Kawawa naman si Kevin,” wika ng isa sa mga lalaki.             Nabulabog ang kalmadong tubig nang marining ni Vanessa ang sinabi ng lalaki.             Lumingon siya at tumayo. “Anong sinabi mo, Alistair?” Hinarang niya ang mga lalaki. “Anong nangyari kay Kevin?”             Nagulat naman ang mga lalaki sa biglaang pagharap ni Vanessa sa kanila.             “Nasaan siya? Nakausap n’yo ba siya” Bakit hindi siya pumasok sa first period?” Nagmistulang machine gun si Vanessa sa bilis at dami nang kaniyang mga tanong.             “Tinulungan namin siyang dalhin sa clinic–,” tugon ni Alistair.             “And it looks like, he’s in big trouble, Van,” sabat ni Angelo.             “What do you mean, he’s in big trouble?”             “Sa tingin ko, ang mga R.S. ang may gawa no’n sa kaniya,” sagot ni Angelo.             “Gelo!” saway ni Alistair. “Anong pinagsasabi mo? R.S. don’t exist . . . for a long time.”             Nauna nang umupo ang tatlo nilang kasama.             “Anong R.S? Puwede bang ‘wag n’yo kong gawing blind dito!” naguguluhang sambit ni Vanessa.             Nagtinginan sa mga mata sina Alistair at Angelo.             “R.S. means, Riverhills’ Squad,” sagot ni Alistair. “At matagal ng wala ang R.S.”             “At nagbalik na sila,” sabat ni Angelo. Sa tono ng kaniyang pananalita ay parang nanakot ito.             Hindi makapaniwala si Vanessa na nagawa niyang makinig sa isang kuwento ng alamat ng paaralan nila. Umalis siya at iniwan ang dalawa ng walang sinabi. Ngunit bago pa man niya marating ang pintuan ay muling nagsalita si Angelo.             “Vanessa!” Tumigil si Vanessa sa paglalakad. “Think of it as a fair warning. Don’t step the red line,” wika ni Angelo.             Vanessa is unaware that she was facing one of the Riverhills’ Squad Member. Wala sa isip niya ang sinabi ni Angelo. Ano naman ang alam niya sa pinagsasabi nito, eh, alamat lang naman ang tungkol sa squad na iyon. At kung totoo nga ang tungkol sa kanila, eh, ‘di, kailangan mag-ingat ni Vanessa sa kaniyang mga desisyon gagawin, ‘yon ay kung malalaman niya ang tungkol sa grupong ito.     WHILE Vanessa is on her way to the school clinic. Her friends, troops were already there with Kevin. Kristine, Jefferson, and the one who’s in very jealous – Jake.             “Anong nangyari sa ‘yo, Kev?” tanong ni Kristine. Nakaupo siya sa isang upuan malapit sa kanang tagiliran ni Kevin.             “I was being bullied . . .”             “Sinong gumawa nito sa ‘yo?” mabilis na tugon ni Kristine.             “Kristine, stop asking him,” saway ni Jefferson. “Hayaan muna natin siyang makapagpahinga.”             Nasa isang sulok lang si Jake, kanina pa hindi nagsasalita na tila malalim ang iniisip nito. “Cut this bullshit!” Biglang nagsalita si Jake at lumapit sa paahan ni Kevin. “Stop this patient and visitor scenario. Sabihin mo sa akin–”             “Jake, tigilan mo nga ‘yan!” saway ni Kristine.             “Jeff!” senyas ni Jake kay Jefferson.             Nakuha naman ni Jefferson ang gustong ipahiwatig ni Jake. Tumayo si Jefferson at lumapit sa kinaroroonan ni Kristine.             “Let’s go,” wika ni Jefferson sabay abot ng ganiyang kanang kamay.             “Ano? Hindi ako aalis!” Pagtanggi ni Kristine.             “Sige na, Tine. Mag-uusap lang sila. Hindi naman papatayin ni Jake si Kevin ng dahil lang sa selos.”             Tumayo si Kristine. “Fine.”             “Selos?” walang ideyang sabi ni Kevin. “Kanino siya nagseselos?”             Nang naiwan na lang sa loob ng clinic sina Kevin at Jake. Hindi pinatagal ni Jake at tinanong niya agad ng diretso si Kevin. “Anong mayro’n sa inyo ni Vanessa?” Bawat salitang lumabas sa bibig ni Jake ay may laman ng galit at tinding selos. Diretsahan kung diretsahan.             “Anong ibig mong sabihin?” Walang ideya si Kevin sa lahat nang pinagsasabi ni Jake.             “H’wag ka nang magmaang-maangan d’yan! Nakita ko kayong dalawa sa coffee shop!”             Napangisi si Kevin. “I wonder, kung ano kaya ang iisipin at sasabihin ni Vanessa kapag nalaman niyang . . . wala kang tiwala sa kaniya.” Sa sandaling iyon, natigilan si Jake. Napagtanto niya kung ano ang ginagawa niya ngayon. Napaatras siya ng dalawang beses at dahan-dahan na tumalikod. “Wala kaming ginagawang masama. We just want to give justice for our old friend, our classmate. At tungkol sa nakita mo, nag-uusap lang kami no’n kung paano na–” “You should rest.”             Lumabas ng kwarto si Jake dahil hindi niya kinaya ang hiyang bumabalot sa buong katawan niya. Hiyang-hiya siya naging asal niya. Iniisip niya kung tama ba o mali ang ginawa niya. Mali ba ang magselos?             “Nasaan si Kevin?” Bumungad sa harap nina Jefferson, Kristine, at Jake si Vanessa.             “Nasa loob, bhie,” sagot ni Kristine.             Papasok na sana si Vanessa nang biglang dumating si Principal Leather.             “From now on, no one is allowed to enter that door!” wika ni Principal Leather sabay turo sa pintuan ng school clinic.             “Pero, sir, bakit po? Kailangan niya ng kaibigan o classmate lang man para samahan siya, nang sa gano’n ay hindi niya gaano maramdaman ang sakit.” Rason na naisip ni Vanessa.             “Mr. Kevin Topaz will receive a suspension for trespassing the school . . .  at night hours.”             “Ano? Hindi magaga–”             “Miss President!” malakas na pagkasasabi ni Principal Leather. “Please, bring your classmates back to your room.” At ngumiti siya.             Walang magawa si Vanessa kundi ang sundin si Principal Leather. Bago pa man sila umalis ay nag-iwan ng dalawang patak ng luha si Vanessa. Paalis na ang Troops nang makasalubong nila si Chief Copper, subalit hindi nila ito pinansin maliban kay Jefferson. “Dad, what are you doing here? Hindi pa tapos ang klase namin.” Tumigil si Jefferson at gayundin ang mga kaibigan niya. “Tuloy pa rin ang invetisgation, kaya nandito ako at sabay na tayo pauwi mamaya,” sagot ni Chief Copper. “Sige na, pumasok na kayo.” Umalis naman sila agad. “Hi, Chief.” Pagbati ni Principal Leather nang nakangiti. “Hello, Principal Leather.” “I received your call and he’s all yours. Iiwanan ko muna kayo para makapag-usap. Nasa office lang ako.” “Thank you, Principal Leather.” Pagkaalis ni Principal Leather ay agad na pumasok sa loob ng school clinic si Chief Copper. Bakas sa mga kilay ni Kevin ang pagtataka kung ano ang ginagawa ni Chief Copper sa loob kwartong ito. “Chief Copper?” Tinanggal ni Chief Copper ang kaniyang sombrero at ipinatong sa mesang katabi ng kama ni Kevin. “Parang nasobrahan ka yata sa paglalaro ng soccer, huh?” biro ni Chief Cooper. “By the way, you must be thinking, asking yourself why I am here. Pero h’wag kang mabahala, may mga katanungan lang ako para sa ‘yo. And I’m hoping that you will cooperate willingly.” At saka umupo sa upuan. Tumango lang si Kevin. “Okay. Good. First question, anong mayro’n sa inyo ni Jason?” Nagulat si Kevin sa tanong ni Chief Copper, ngunit hindi niya ito pinahalata. Hindi niya iyon inaasahan. “Um, nakahihiya pong sabihin, eh.” Ngumisi siya ng nahihiyang ngiti. “Wala na si Jason, kaya h’wag ka nang mahiya at saka, walang maitutulong ang hiya mo sa pagkamatay niya. Listen, I need you to tell me anything you know about what happened before Jason’s death and maybe, maybe it will lead to your best friend’s death, too.” Nang marinig ni Kevin na binanggit ang tungkol sa pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan, nabuhayan siya at handa na siyang magsalita ulit. “Okay, chief. Jason and I are friends, pero nalaman ko no’ng December na may tinatagong pagtingin pala siya sa akin.” “Paano mo nalaman?” “He confessed. Akala ko, biro niya lang ‘yon kasi we were watching Call Me by Your Name. Isang boy’s love movie.” “At anong nangyari pagkatapos no’n?” “Sinabi ko sa kaniya na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay. Then, simula no’n hindi na niya ako pinansin at kinausap lang man hanggang sa nalaman ko na lang na patay na siya.” Hindi mapigilan ni Kevin na lumabas ang mga luha mula sa kaniyang namamaga at pasa sa mata. “May alam ka bang ibang rason kung bakit nagawang magpakamatay ni Jason?” Pinunasan ni Kevin ang mga luha sa kaniyang mukha at sa mga mata niya. Umiling-iling si Kevin. “I don’t have any idea, chief. I mean, I can’t think of any reason kung bakit niya nagawa iyon. Sobrang yaman niya, matalino, achiever, at talented. Nasa kaniya na ang lahat, bakit niya nagawang magpakamatay? But I can’t blame you, chief, kung kasali ako sa mga suspect mo.” “Pero hindi ko naman sinabi sa ‘yo na suspect ka. Humihingi lang ako ng statement mula sa mga kaklase niya.” “I’m not bobo, chief.” “You’re right. May nakapagsabi kasi tungkol sa dati n’yong connection sa isa’t isa, kaya hindi ko naman puwede na palagpasin ang isang bagay na maaaring maging isang sagot sa pagkawala ng isang buhay.” “Wait, alam ko na!” Nanlaki ang mga mata ni Kevin at bakas sa kaniyang mga labi ang saya. “Hindi mo ito ginagawa to solve Jason’s suicide case. Alam kong alam mo na hindi nagpakamatay si Jason, kaya ka nandito marahil para sa ‘yo ay lahat ng naging malapit sa buhay ni Jason ay suspect.” It is supposed to be just an hypothesis. Napangiti ni Kevin si Chief Copper dahil sa pagkamangha nito. “Because in reality, no offend, hindi naman kasi binibigyan ng mga pulis nang pansin katulad n’yo po ang mga ganitong kaso. Maybe it’s just so obvious for me. Pero sa iba? Hindi ko alam.” Sobrang ipinagmamalaki ni Kevin ang kaniyang sarili. He just found out something. “Hindi ako magsisinungaling sa iyo.Oo, totoo nga ang mga sinasabi mo pero hindi ko ipinagmamalaki ang bagay na ‘yon. Kung ano man ang nasa isip mo, you better keep it to yourself. And don’t let it out. Baka maging sanhi lang ‘yan ng pahamak para sa sarili mo at ibang taong nakapaligid sa ‘yo.” “So, anong plano mo ngayon, chief?” “Hey, hindi ibig sabihin na natuklasan mo ang totoo ay may karapatan ka nang malaman ang lahat ng plano ko.” “I’m sorry, chief.” “By the way, your parents are not coming here to get you.” Tumayo si Chief Copper at kinuha ang sombrero niya. “I know,” supladong tugon ni Kevin. “Ano pa po ba ang bago? Kahit siguro mabalitaan nilang patay na ako, hindi pa rin sila pupunta. O, hinihintay lang nila na mamatay ako.” “Stop saying that, kid. Ililipat kita sa ospital.” Isinuot ni Chief Copper ang kaniyang sombrero. “Pupuntahan ko lang si Principal Leather para kausapin siya upang humingi ng permiso. At susubukan ko ulit kausapin ang mga magulang mo.” Nagpakawala ng malalim na hininga si Kevin at humiga ng maayos. “Good luck to that, chief.” Lumabas ng kwarto si Chief Copper.   It could really be the beginning of solving the mystery. Subalit maaari ring ito ang tatapos sa buhay ng karamihan sa mga nais lutasin ang misteryong bumabalot sa buong paaralan ng Riverhills. Sino kaya ang susunod na biktima ng killer? Sino sa kanila ang mamamatay? Handa na ba sila sa paparating na kamatayan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD