CHIEF Copper went early to the hacienda, owned by the Thornhill family. Mag-isa lang siya na pumunta rito at tungkol sa autopsy ni Jason ang pinunta niya. Sa pagkakaalam niya, tanging ang pamilyang Thornhill at siya lang ang may hawak ng autopsy result ni Jason, at kanina pa siya nakatayo sa labas ng pintuan.
Inaayos ni Chief Copper ang kaniyang sarili upang sakali na pagbuksan siya ng pintuan. Hindi rin niya pinalagpas na amuyin ang sariling hininga. Ang posibleng pagkakataon na makapasok at makausap ang pinakamayamang pamilya sa bayan na ito ay isang pribilehiyo para sa isang katulad niya.
“Magandang araw, señor!” bumungad sa harap ni Chief Copper ang isang lalaki na nakasuot ng suit, shirt at tie. Nang biglang nagbukas ang double door.
Tumikhim muna si Chief Copper bago siya nagsalita.
“Magandang araw. Nandi–”
“They are expecting you, Chief Copper.” Hindi pinatapos ng butler si Chief Copper at binuksan ng malapad ang pintuan. He pointed in the direction where the Thornhill family is waiting.
Sinundan ni Chief Copper ang direksyong itinuro ng butler, pero hindi niya alam kung saan liliko. Kaya napatayo siya sa gitna ng dalawang direksyon, kanan o kaliwa.
“This way. Follow me, señor.”
Sabay silang naglakad, pero nasa unahan ni Chief Copper ang butler hanggang sa makarating sila sa isang puting pintuan. Binuksan ito ng butler at pumasok. Sa loob ng kwarto ay may isang mesa na gawa sa salamin ang ibabaw at apat na puting sopa na nakapalibot dito. Sa gilid ay may isang furnace. This room is a foyer.
Nandito si Alice at Fred Thornhill. Nakaupo sa magkabilang sopa habang kaharap ang isa’t-isa. Sinenyasan ni Alice ang butler na iwanan sila at agad naman itong lumabas sabay sarado ng pinto.
“Good morning, Mrs. and Mr. Thornhill.” tinanggal ni Chief Copper ang kaniyang Chief hat.
“Good morning, Chief.” sagot ni Mr. Fred.
“Nandito po ako dahil, the autopsy says–”
“We know . . . Chief.” agad na sabi ni Alice.
“Ang sabi n’yo po, nag-suicide si Jason.” wika ni Chief, habang nakatayo pa rin sa harap ng pinto.
“Akala namin, pero paano naman ito nangyari sa anak namin?” mangiyak-ngiyak na sabi ni Alice.
“Ano pong nasa isip n’yo, Mr. Fred?” tanong ni Chief, dahil kanina pa niya napapansin parang malalim ang iniisip nito.
“Pinag-usapan namin ni Alice kanina na . . . baka pineke nila ang autopsy result ng anak ko.”
“Pero bakit naman po nila ito gagawin?”
“Para sirain ang pamilya at pangalan namin!” wika ni Alice, habang pinupunasan ang mga luha niya at pagkatapos tumingin ng diretso kay Chief Copper.
“Sino naman ang nasa isip n’yo na gagawa nito sa inyo? I mean, sobrang laki ng naitulong ninyo sa bayan na ito at sobrang nagmamalasakit kayo sa mga mamayan dito. Sino naman ang gagawa ng ganito sa pamilyo ninyo?” wika ni Chief Copper, at lumapit sa mag-asawa.
“We have no idea, Chief. That’s why we’re asking for your help.” kitang-kita ni Chief sa mga mata ng mag-asawa ang pagiging inosente. Hindi niya rin kayang isipin na magagawa ito ng sariling magulang ni Jason sa kaniya. But no one is innocent when it comes to the investigation, everyone is guilty and especially in Jason’s case.
“Ano pong klase ng tulong ang maaari kong maibigay?”
Nagtinginan sina Mrs. at Mr. Thornhill. ‘Di rin nagtagal at agad na ibinalik ang tingin kay Chief Copper. Nalilito si Chief Copper kung bakit bigla siyang nakaramdam ng hindi maganda. Duda? Bumilis ang t***k ng kaniyang puso, pero hindi niya ito pinahalata sa mag-asawa.
“We want you to . . .” wika ni Alice, at may inabot na isang maitim na bag. Mayroon itong dalawang letra na nakadikit sa harap ng bag. Letrang A at T. Pinatong niya ito sa ibabaw ng mesa.
Sa isip ni Chief Copper, kung hindi siya nagkakamali, naglalaman ito ng limpak-limpak na salapi. Mas lalo tuloy bumilis ang t***k ng kaniyang puso.
“Keep this information, just for the three of us.” sabay bukas ng zipper ng bag.
Chief Copper could not understand what is happening. Kung bakit gusto ng mag-asawa na itago ang tunay na nangyari sa anak nila. Sila ba ang pumatay sa anak nila? Huminga siya ng malalim. Sinusubukan niyang iproseso ang lahat ng narinig niya.
“But before you can say anything. Hindi kami ang pumatay sa anak namin.” paglilinaw ni Alice.
“P-Pero, hindi ko lang po maintindihan. Bakit gusto n’yong itago ang tungkol sa tunay na nangyari kay Jason?” naguguluhan na tanong ni Chief Copper. “At bakit n’yo ako babayaran para manahimik, kung puwede n’yo naman akong kausapin nang matiwasay?” dagdag pa niya.
“I hope you can understand, Chief.” wika ni Fred, sabay tayo. Lumapit siya kay Chief Copper at ipinatong ang kaniyang kanang kamay sa kaliwang balikat nito. “Ayaw namin magkaroon nang gulo sa bayan na ito ng dahil lang sa anak namin.”
“Per–”
“But still, gusto namin na malaman kung sino ang gumawa nito sa anak namin. Don’t think that we give you this money for free,” wika ni Alice, sabay tayo. “That is, you will work for us. Lahat ng impormasyon na makakalap mo tungkol sa kaso ng anak namin ay diretso mong iuulat sa amin. Sa amin lamang.” madiin nitong sabi.
Ngayon, naiintindihan na ni Chief Copper kung bakit ayaw nilang malaman ang tungkol sa tunay na nangyari kay Jason. Ayaw nilang masindak ang mga tao sa bayan ng Riverhills. But in the back of his mind, there’s something wrong here. He can feel it, deep inside him. I just need to find out.