AFTER class, all students are having their noon break time. May isang grupo na nagsama-sama habang nakaupo sa dalawang upuan na pinagigitnaan ng isang mesa na gawa sa semento, sa ilalim ng isang puno ng Talisay.
“Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari. Paano niya nagawang magpakamatay?” wika ni Vanessa, at napahimas siya sa kaniyang maputing braso. “I mean, anong nag-udyok sa kaniya para gawin ang bagay na ‘yon?” dagdag pa niya.
“Pati nga ako nagulat nang marinig ko ang balita sa radyo habang nagbabantay kay lolo.” sabi ni Jake sabay sara ng bahagya ng laptop niya.
“Troops!” pabulong na sabi ni Kristine habang nakatingin sa likuran nina Jake at Vanessa.
Biglang dumating si Leticia at kasa-kasama niya ang nag-iisang kaibigan niya, si Jay Ann.
“Nag-i-enjoy ba kayong pag-usapan ang kapatid ko?” nakataas ang boses ni Leticia, habang nakatingin ng sobrang tulis sa magkakaibigan. “Nagpapahinga na si Jason, kaya puwede bang pagpahingahin na rin ninyo siya?!”
Halos nakatingin na lahat ng mga estudyante sa kanila mula sa paligid. Nakaguhit sa kanilang mga mukha ang pagtataka, mga usisero.
They just chose not to talk. Naiintindihan naman nila ang nararamdaman ni Leticia. Pinabayaan na lang nila itong magalit at kung ano pa ang gusto nitong sabihin.
“Leticia,” sinusubukang pakalmahin ni Jay Ann si Leticia. “Let’s go?”
“Please, stop talking about my brother.” naging malumanay ang boses ni Leticia. Nagtila anghel ito bigla.
Tumango naman ang iba, samantala nagsalita si Vanessa. “Pasensya ka na, Leticia, huh. Condolence.”
When Leticia and Jay Ann left, Jefferson said goodbye because he still had a basketball tryout to attend. Naiwan sina Jake, Vanessa, at Kristine sa mesa.
“Wait, what?” nagulat si Kristine sa sinabi ni Jefferson. “Babalik siya sa pagba-basketball?”
“Alam mo naman, ‘di ba? Gusto niya talagang maging varsity at saka . . . kung hindi dahil kay Jason . . .” hindi na tinapos ni Vanessa ang sasabihin dahil kakasabi lang ni Leticia na ‘wag nang pag-usapan si Jason. Alam naman ni Kristine kung ano ang ibig sabihin ni Vanessa.
Napasinghap na lang si Kristine, habang abala naman si Jake sa paggawa ng logo sa laptop niya.
“Ay, oo nga pala, bhie. Wala na si Jason, babalik ka na rin ba sa school choir?” tanong ni Kristine kay Vanessa.
“Susubukan ko, bhie. Kung tatanggapin nila ako ulit.” malamlam na sagot ni Vanessa.
ONE year ago, myembro sa iisang choir sina Vanessa at Jason. Isang araw, may isang bagay na nangyari sa pagitan ng dalawa. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan tungkol sa performance ng bawat-isa. Bilang may kapangyarihan at may magandang reputasyon sa paaralan ng Riverhills, ginamit niya ito para kalabanin at ipabagsak si Vanessa. Nang malaman ito ng mga kaibigan ni Vanessa, sinugod nila si Jason. Kaya nadamay sina Kristine, Jefferson, at Pocholo. Pinalabas ni Jason na sila ang may kasalanan at ni-report niya ito kay Principal Leather. Kaya tinanggal ni Principal Leather ang mga ito sa organisasyong kinabibilangan nila.
THE SUN is up, a good time to work. Nasa loob ng opisina si Chief Copper habang nakaupo sa kaniyang mesa na gawa sa kahoy. Nakapatong sa kaniyang kamay ang kaniyang baba. Nag-iisip habang nakatingin sa suspect chart.
“Good afternoon, Chief!” biglang pumasok si police deputy Chief Clinton.
Napalingon si Chief Copper upang tingnan si Clinton.
“Kanina pa po ako kumakatok, pero hindi n’yo po ako narinig. Abala po ‘ata kayo sa kasong iyan. Kaya pumasok na lang ako.” wika ni Clinton.
“Ah, bakit, anong kailangan mo?” Tumayo ng matuwid si Chief Copper.
“Dumating na po ang autopsy sa katawan ni Jason.” sagot ni Clinton sabay abot ng brown envelope.
“Sige, maraming salamat. Makakaalis ka na.”
Pagka-alis ni Clinton, binuksan agad ni Chief Copper ang envelope at kinuha ang laman nito. Umupo siya sa kaniyang office chair at binasa ang nakasulat sa hawak-hawak na papel.
Riverhills’ Funeral Home
Autopsy Report
Name: Jason Blake Thornhill
Napaupo ng tuwid si Chief dahil sa kaniyang nabasa. He was expecting something from the autopsy result – Jason’s case. Hindi niya akalain na tama at mas malala pa sa inaakala niya.
THE TOWN of Riverhills is far from the city. Pero hindi maipagkakaila na sobrang lago at ganda ng bayan na ito. May sariling pasyalan na halos naging pangalawang bahay na ng mga estudyante at pati na rin ang mga taga rito sa bayan. Ang Coffee Shop.
“Kamusta ang tryout mo, Jeff?” tanong ni Vanessa. “Tigilan mo nga muna ‘yan!” saway niya kay Jake, sabay sara sa laptop nito.
Nang natapos ang klase nila, agad na dumiretso sila sa coffee shop para tumambay muna.
“Good news!” mataas na boses nang pagkakasabi ni Jefferson. Sobrang lapad ng kaniyang ngiti. “Makakabalik na ‘ko sa basketball!”
“Dahil ba sa wala na si Jason?” mahinang sabi ni Kristine. Baka kasi may makarinig sa kanila. Magkatabi lang sila ni Jefferson, habang nasa kabilang upuan sa harap nila nakaupo si Vanessa at Jake.
Natahimik ang lahat, naghihintay kung sino ang maunang magsasalita.
“Nakapag-order na ba kayo?” pagbasag ni Vanessa sa katahimikan.
At saktong bumungad sa kanilang gilid ang isang matandang babae na nakasuot ng maitim na epron na nasa edad limampung taong gulang.
“Anong order n’yo, troops?” tanong ng matanda, habang may hawak na maliit na papel at bolpen.
Natawa silang apat dahil sa sinabi ng matanda. Sa tagal na nilang tumatambay dito sa coffee shop, kilalang-kilala na sila ng matanda. Kahit tawag ng grupo nila ay alam na nito.
“Gano’n pa rin, mama Fee.” sabay nilang sagot.
A few minutes ago, Mama Fee returned with four ice coffees and a plate of fries inside the black food tray. Pagkatapos, umalis din agad ito marahil marami pang kostumer na naghihintay sa kaniya.
“Sa tingin n’yo troops, ano kayang rason ni Jason at nagawa niya ang bagay na ‘yon?” wika ni Kristine, saka kumagat ng fries.
Humigop ng ice coffee si Vanessa. “I’m not sure, bhie, pero hindi ako naniniwala na nagpakamatay siya. Imagine, kilala natin si Jason for how many years. From elementary to high school, siya ‘yong tipo ng tao na hindi agad susuko sa buhay. Sa talino niya, imposibleng wala siyang kayang lampasan na pagsubok sa buhay.”
“Hindi natin alam, baka may kinikimkim pala siyang hinanakit o ano man nasa loob niya at siya lang ang nakakaalam no’n.” sambit ni Jefferson.
“May point si Jeff.” Kumuha ng fries si Jake at kinain ito.
“Kahit gano’n si Jason, naging parte pa rin siya ng buhay natin.” Ipinatong ni Vanessa ang coffee niya at kumuha ng fries.
“At sinira niya rin ang buhay natin.” Kristine rolled her eyes and drank her coffee.
Napasinghal ang lahat at sabay na kumuha ng fries.
“Ang magagawa na lang natin ngayon ay ayusin ang nasira niya.” positibong wika ni Vanessa.
Ngumiti ang lahat. “For the new beginning!” Itinaas ni Kristine ang kaniyang hawak na ice coffee.
“For the new beginning!” sabay na wika nina Jefferson, Jake, at Vanessa.