"Daddy!" tawag ni Levie sa akin. Lumapit ako sa kanya. "Why?" "Are you not going with us?" Na-miss ka na kasi namin." Bumuntong-hininga ako. "Ayaw n'yo naman umuwi sa mansyon." "Ayoko po namin umuwi kasi laging galit sa amin si Mommy. Hindi na kami mahal ni Mommy." Tumulo ang luha ni Levie. Hinawakan ko ang balikat niya. "May sekreto akong sasabihin sa iyo anak." Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi. "Ano po yun, Dad?" "She's not your real Mommy." Kumunot ang noo niya. "Paano po iyon?" Alam kong maiintindihan ni Levie ang ibig kong sabihin dahil matalino ang anak ko. "Ibang tao ang nasa mukha ng Mommy mo." "Parang sa movie Daddy?" Tumango ako. "Yes, 'wag mong sasabihin sa iba. Ang gusto ko lang ay sabihin mo sa mga kapatid mo na mahal kayo ng Mommy mo." "Nasaan si Mommy? Na-mi