Alas-sais na ako ng hapon nang lumabas ako ng opisina ni Lester. Pinabalik pa kasi niya ako sa opisina niya dahil kailangan kong kunin ang kontrata na kailangan bukas. Maaga kasi kaming bukas at hindi kami dadaan ng kumpanya. Habang naghihintay ako ng taxi ay may humintong puting kotse sa harap ko. Hindi ko sana ito papansin kung hindi ko nakilala ang sasakyan. Sumimangot ako nang makita ko ang impostor ko na bumaba ng sasakyan. Lumapit siya sa akin at nameywang. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ngayon ka pa lang uuwi, masyado ka naman nagpapakitang gilas sa trabaho mo?" "So, ano naman ngayon?" "Madam, ang itawag mo sa akin dahil kayang-kaya kitang tanggalin sa trabaho anumang oras." Tumawa ako. "Malakas ang loob mo dahil asawa ka ng boss ko." "Kung ako sa iyo maging mabai