Kuyom ang kamao ko at nanginginig ang panga ko dahil sa matinding galit sa impostor ko. Kung hindi lang masamang pumatay ginawa ko na. Hindi ko matanggap na may ibang babae na tumikim ng nine inches ni Lester. Sa tuwing iniisip ko iyon umaakyat ang dugo ko sa galit. "Hayop siyang malandi siya!" "Uminom ka muna ng tubig." Sabay abot sa akin ni Dina ng tubig. Agad ko naman ininom ang malamig na tubig. "Thank you." Umalis na si Lester at ang impostor ko. Kasama ko ang mga kaibigan ko sa sala ng mansyon nila Mathew. "Kung hindi lang kami mahahalatang kinakampihan ka baka hinayaan ka namin na bugbugin ang impostor mo. Nakakainis ang lakas ng loob na gumawa ng eksena rito," nakataas pa ang kilay ni Dina. "Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito." "Huwag kang mag-alala may tao na tutulong sa