CHAPTER 52

1691 Words

"Nandito na ang mag-asawang laging late sa usapan," ani Dina. Magkahawak pa ang kamay namin na lumapit sa kanila. Nasa may terrace kami ng malaking mansyon nila Mathew. Kompleto ang barkada at kasama nila ang mga partner nila. Kagabi pa lang sa group chat namin ay maiingay na sila dahil sa importanteng pag-uusapan namin ngayon. Hindi namin sila pinansin sa halip ay umupo kami sa malambot at mahabang sofa. "Humabol kasi sa amin ang bunso naming anak kaya hindi kami agad nakarating," alibi ko. Naglagay pa ako ng orange juice sa baso saka ininom ko iyon. "Sus! Lumang style na 'yan lagi naman kayong late na dumating." Umirap pa sa akin si Dina. "Sorry if we are late," sagot ni Lester. "Mabuti pa si Lester marunong mag-sorry si Veronica, nagsinungaling pa," ani Dina. Inirapan ko siya. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD