"Good morning, Honey, my love, so sweet." Pinugpog ko pa siya ng halik habang yakap ko siya. Nakatapos na akong magluto ng almusal kaya ko siya pinuntahan sa kuwarto para gisingin at kumain ng almusal. Niyakap niya rin ako. "Good morning," bulong niya sa akin. "Honey, wake up, kumain na tayo ng almusal maaga tayong pupunta sa kumpanya para maaga rin tayong pumunta ng Mall para bumili ng mga kailangan natin para sa contest." Dalawang araw na lang kasi mula ngayon ay magsisimula na ang contest kaya dapat ngayon araw ay makabili na kami ng mga gamit. "I'm still sleepy,"bulong niya. "Sinabi ko naman kasi sa iyo na hindi muna tayo magtalik. Ayaw mo naman kaya tuloy puyat ka." "Hindi ko kayang tiisin dahil vitamins ko na iyon tuwing gabi." "Hays! Ang libog mo talaga." "Sa iyo lang naman