Mahigpit na yakap na may kasamang halik sa leeg ang nagpagising sa akin. "Honey, wake up," bulong ni Lester sa akin. Gusto kong idilat ang mga mata ko ngunit sa ramdam ko ang pagod ko dahil sa magdamagang trabaho namin ni Lester. Masyado naman kasing super effort si Lester para humingi ng sorry sa akin halos ayaw na akong pakawalan. Pakiramdam ko talaga wala ng katas na lalabas sa 'kin dahil sinagad na niya. "Honey, wake up, may maaga tayong meeting ngayon kay Mr. Basquesia." Parang gusto ko na tuloy mag-back out sa sinabi kong gusto kong humawak ng kumpanya dahil para din akong empleyado na kailangan pumasok ng maaga sa kumpanya lalo na kapag may ganitong importanteng bisita na makikipag-meeting. Niyakap ko siya. "Give me ten minutes.' He sighed. "Okay, I'll wait for you." Muli kong