"Ate, sigurado ka ba diyan sa plano mo?" tanong ni Shanaie sa akin. Habang kausap ko siya sa kabilang linya.
Papunta ako sa kumpanya ni Lester para kausapin siya. Gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko sa asawa niya kahit ayokong gawin ay hihingi ako ng tawad sa asawa niya para lang maging commercial model ko lang siya. Bukod kasi sa mapapalapit ako kay Lester, sigurado naman dadami ang customer ko dahil sa asawa ni Lester.
"Yes, sigurado na ako sa plano. Gagawin ko ang lahat para mapalapit ako kay Lester, kaya nga ako pupunta sa kumpanya niya para kausapin siya. Kung iyon lang ang paraan para bumalik ang dating pakikitungo niya sa akin ay gagawin ko."
"Alam mo kung ako sa iyo, akitin mo na lang siya."
"Tsk! Kahit akitin ko siya hindi pa rin siya magiging akin dahil marami siyang mga anak na siguradong babalikan niya."
"Magpaplastik surgery ka na lang at mukha ng asawa niya ang gagawin mo para magkaroon ka ng chance na makasama."
Ang totoo, matagal ko ng plano na gawin iyon. Hindi iyon mahirap gawin para sa akin. Ngunit sinusubukan ko pa rin na gumawa ng ibang plano. Hindi ko rin naman gustong maging kamukha ng asawa niya dahil habang buhay ko na itong dadalhin kapag pinabago ko ang mukha ko.
"Isa na yan sa mga plano ko kung walang mangyayari sa mga pang-aakit ko sa kanya 'yan ang huling gagawin ko."
"Tama 'yan ginagawa mo. Subukan mo muna ang ibang paraan bago mo gawin ang pinaka-magandang solusyon mo."
"Yes, anyway, tatawag na lang ako sa iyo mamaya dahil nandito na ako sa kumpanya ni Lester.
"I see, good luck!"
"Thank you."
Ngunit bago pa ako makapasok sa loob ng kumpanya ay hinarang ako ng security guard. Hindi nila ako pinapasok sa loob bagkus ay tinawagan nila ang sekretarya ni Lester.
"Sorry, Ma'am, wala po kayong appointment kay Sir. Lester kaya hindi kayo puwedeng pumasok."
Nagsalubong ang kilay ko sa inis. "Bakit hindi ako puwedeng pumasok, kaibigan naman ako ng boss n'yo?"
"Sorry, Ma'am, iyon ang order sa akin."
"Puwede ko bang kausapin ang sekretarya niya?"
Tumango naman ang security guard at binigay sa akin ang telepono para kausapin ang sekretarya ni Lester.
"Sorry. Ma'am, pinuntahan ko si Sir. Lester pero ang sabi niya makikipag-usap lang siya kung may appointment sa kanya. Marami kasi siyang ginagawa."
"It's okay, anong araw ba siya available?"
"Next week na po ulit siya available."
"Okay, puwede ba akong magpa-appointment sa kanya ng monday?"
"Sige, Ma'am, ilalagay mo kayo sa monday."
"Okay, thank you." Pagkatapos ko siyang makausap ay bumalik na ako sa clinic ko.
Nanggigigil ako matapos kong basahin ang huling text sa akin ni Lester. Mahigit isang oras na akong naghihintay sa reply niya. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply. Kahit sa text ay naging mailap siya sa akin kaya mas lalo akong naiinis.
"Excuse me, Dra. Suarez."
Binaling ko ang tingin sa sekretarya ko. Nasa loob kasi ako ng opisina ko sa clinic ko. Napilitan akong ngumiti sa kanya. Ayokong ipakita sa mga empleyado ko ang dark side ko dahil ayaw kong pumangit ang tingin nila sa akin. Sa panahon kasi ngayon kailangan mong maging mabait sa ibang tao para makilala ka rin ng iba. Katulad na lang noong isang araw. Nag-viral ang post ng isang empleyado ko dahil binigyan ko siya ng cake at spaghetti sa birthday niya. Dahil sa labis na tuwa niya ay nakapag-post siya sa social media account niya tungkol sa pasasalamat niya sa akin. Maraming netizen ang natuwa sa kanya. Mas lalo tuloy nakilala ang clinic ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Yes?"
"Ma'am, may customer po na naghahanap sa inyo."
Nagsalubong ang kilay ko. "Do I have an appointment today?" I asked.
Umiling siya. "E-Eh, Dra, naging kliyente n'yo na po siya. Pumunta po siya para magreklamo sa inyo."
"Sige, lalabas na ako, pakisabi 'wag gumawa ng eksena."
Tumango siya. "Noted po." Pumihit ito patalikod sa kanya saka umalis ng opisina niya. Nang hindi ko na siya matanaw ay umirap. "Sino naman kaya ang customer ko na nagrereklamo?"
Lumabas ako ng opisina ko at nakita ko ang isang babae na may kasamang lalaki. Marahil abogado ang kasama nito dahil suit nitong damit.
"Good afternoon."
Tumayo naman ang babae at lumapit sa akin. "Dra. Suarez, magpa-file ako ng case against you."
"What happened?" tanong ko kahit alam ko na ang dahilan. Napansin ko kasing tinatakpan niya ang ilong niya.
Inalis niya ng nakatakip ang ilong niya. "Look at my noise."
"Anong nangyari dyan, bakit naging ganyan ang itsura mo?"
Tinaas ang babae ang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Hindi maayos ang nilagay mo sa akin. I will file a case to you, hindi ko palalampasin ang bagay na ito."
"Okay, hihintayin ko na lang ang isasampa mo na kaso sa akin. Is there anything you want to say?"
Nanggigil ito sa galit sa akin habang nakatingin. "Damn it!" Pumihit ito patalikod sa akin at saka umalis.
Umiling ako habang nakatanaw sa customer ko. Hindi na bago sa akin ang ganitong problema. Kahit anong gawin nila hindi nila kayang pabagsakin ang negosyo ko.
"Dra. Umalis na po ba 'yung babae?" tanong sa akin ng sekretarya ko.
Tumango ako. "Mabuti na lang at hindi nagwala ang babae na iyon."
"Naku, Dra. Lahat po ng pumasok kaninang customer ay sinabihan niya na huwag ng magtiwala sa clinic natin dahil masisira lang daw ang katawan nila."
Ngumiti ako. "Hayaan mo siya kung anong gusto niya. Hindi naman kayang pabagsakin ang kumpanya ng isang customer." Sabay talikod ko at bumalik sa opisina ko. Mamaya kasi ay may customer ako na i-surgery.
Pinaghandaan ko ang araw ng lunes. Ito kasi ang araw na nagpa-appointment ako kay Lester para makita at makausap ko siya. Gusto ko kasi siyang laging nakikita. Naglagay ako ng makeup upang mas lalong lumantad ang ganda ko. Sinadya ko rin na magsuot ng damit na may mahabang hati sa gitna upang makita niya ang cleavage ko.
Ngumiti ako habang nakatingin sa salamin. "You're so beautiful. Siguradong mapapansin ka ni Lester." Pagkatapos kong pagmasdan ang sarili ko sa salamin ay sumakay na ako sa kotse ko.
Ako ang pumili ng restaurant na pupuntahan namin. Sinadya kong hindi kami mag-usap sa loob ng kumpanya niya para malaya kong magagawa ang gusto ko.
He's here.
Natanaw ko na kasi siya na papalapit sa akin. Kung gaano ka-sexy ang suot kong damit. Masyadong formal naman ang suot ni Lester. Nakasuot ito ng puting polo sa ilalim at sa ibabaw naman ay amerikana.
Ngumiti ako sa kanya nang lumapit siya. "Dra. Suarez, kanina ka pa rito?" tanong niya.
Tumango at matamis na ngumiti. "Excited kasi akong makita ka." Prangkang sagot ko.
Walang reaksyon si Lester sa sinabi ko bagkus ay umupo ito kaya umupo na rin ako."
"What food do you want?" tanong niya.
"Um-order na ako ng pagkain natin dalawa." Tinawag ko ang waiter para inigay ang order kong mga pagkain.
"What's the reason you want to talk to me? "
"Mr. Del Mondragon, I would like to apologize for my behavior towards your wife. She is the right one to be the model of my company. She is perfect for my company."
"I'm glad to hear that, but she no longer wants to be the commercial model of your company, and I can no longer force her to do that thing."
I clenched my fist in anger. "Nakakalungkot naman kung hindi siya papayag." Sinadya kong yumuko para mas lalong makita ni Lester ang dibdib ko at lihim akong nagbunyi nang makita ko siyang tumingin sa dibdib ko.
Konting landi pa, makukuha rin kita.
"Wala ka na bang ibang sasabihin?"
Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko at pagkatapos upang magmukhang kaakit-akit. Hindi naman ako nabigo dahili lumunok si Lester pagkatapos ay bigla siyang uminom ng juice.
"Puwede mo ba na kausapin ang asawa mo para sa akin?"
Kung alam lang ni Lester na kanina ko pa siya gustong siilin ng halik. Kanina ko pa siya niroromansa sa isip ko. Kahit pormal ang suot niyang damit. Halata pa rin sa kanya ang magiging matikas at malakas pa rin ang charm niya sa akin. Siya pa rin ang lalaki na gustong-gusto ko simula noong college kami.
Umiling siya. "I don't do that, ayokong mag-isip ng masama ang asawa ko. Kung wala ka ng ibang sasabihin, siguro kailangan ko ng umalis. May ibang meetings pa ako ngayon." Tatayo sana si Letser ngunit pinigilan ko siya.
Nagsalubong ang kilay kilay niya. "Why?"
Sinipat ko ang relong pambisig ko. "Wala pa naman isang oras tayong nag-uusap. May kalahating oras pa ako para tapusin ang meeting natin."
Bumuntong-hininga siya. "Okay." Pinagpatuloy ni Lester ang kinakain niya at hindi na ito muling nagsalita. Hanggang sa mga natitirang oras naman ay sinadya kong akitin siya ngunit napapansin kong hindi na siya tumitingin sa akin.
"Mr. Del Mondragon, I have a question for you." Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya. Gusto ko kasing ng satisfaction na manggagaling kay Lester.
Tumingin siya sa akin. "Yes?"
"Do I look beautiful today?"
Saglit niya akong pinasadahan ng tingin saka ito tumango."Yes, maganda ka ngayon, actually maganda ka naman hindi lang ngayon."
Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko.
Kung maganda ako, bakit hindi angkinin?
"Thank you, ang akala ko kasi ako na ang pinaka-pangit dahil hanggang ngayon hindi mo pa ako pa rin ako nagustuhan I mean bakit walang nagkakagusto sa akin?"
"Hindi mo kailangan hanapin ang lalaki para sa iyo dahil kusa siyang lalapit sa iyo."
At ikaw ang lalaki na gusto kong lumapit sa akin.
Matamis akong ngumiti. "Thank you." Sumubo ako ng pagkain at sinadya kong dumikit ito sa labi ko para mapansin ni Lester.
"May dumi ka sa labi."
Hindi ko agad pinunasan ng tissue ang labi ko. Hinintay ko siya na punasan ang labi ko, ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay hindi na ito pinansin ni Lester kaya napilitan akong punasan ang dumi sa labi ko.
"Mr. Delmondragon, thank you for your precious time," sabi niya.
"You're welcome." Tumalikod siya at lumabas ng restaurant..
Nagtagumpay ako sa plano ko makausap si Lester kahit naging pormal ang kanyang pakikipag-usap sa akin. Nagawa ko pa rin malaman na kaya kong kunin ang atensyon niya kapag inaakit ko siya.
Hays! Hindi na ako makapaghintay na hindi makuha si Lester.
Buong maghapon akong hindi nakapagtrabaho dahil iniisip ko ang naging pag-uusap namin dalawa ni Lester. "I think she likes me.".
"Sino naman ang lalaki na sinasabi mo?"
Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyo at nakita ko ang kaibigan ko na isang plastic surgeon din.
"Gio, what brings you here?" Nakangat pa ang kilay ko sa kanya.
Umupo siya sa malambot na sofa at isindal niya ang mga paa niya sa katabing lamesa.
"Gusto lang kitang kumustahin ang tagal na natin hindi nagkikita."
Simula kasi ng magtayo ako ng clinic ko hindi na kami nagkikita.
"Paano ka nakapasok dito sa loob ng clinic ko?"
"Simple lang tinawagan ko ang nakababata mong kapatid para papasukin ako rito." Pinagmasdan niya ang kabuuan ng opisina ko. "Nice place. Maganda ang pagkakagawa ng clinic mo."
"Thank you, how about you? Anong nangyari sa buhay mo?
"Ayun, marami na akong kliyente."
Experto si Gio sa propesyon niya. Marami siyang naging kliyente na kilalang tao.
Saglit akong natigilan saka tumigin kay Gio. "Ano kaya kung magpaplastic surgery din ako sa iyo?"
Tumaw si Gio. "Seryoso ka ba diyan?"
Tumango ako. "Oo, may gusto akong ipabago sa itsura ko ngayon."
"Ano naman ang gusto mo ipabago sa sarili mo?"
"Lahat, gusto ko ibang tao na ako, gusto kong maging kamukha ang Idol ko," alibi ko. Hindi ko kasi puwedeng sabihin agad sa kanya kung sino ang gagayahin kong mukha.
Tumawa siya. "Hindi ka pa ba kontento sa mukha mo ngayon? Ang ganda mo na?"
"Actually, kontento naman ako, gusto ko lang talagang gayahin ang mukha ng Idol ko."
"Well, make it sure na walang magiging problema. Ayokong masira ang propesyon ko dahil diyan."
Tumango ako. "Of course, makakaasa ka na hindi ka mapapahamak sa gusto ko."
"That's good, baka naman gusto mo akong bigyan ng meryenda? Kanina pa ako rito wala ka man lang pameryenda sa akin," biro ni Gio.
Tumawa ako. "I'm sorry, nakalimutan ko." Tinawagan ko ang sekretarya ko para bumili ng pagkain.
Nang gabi na iyon ay pinag-aralan ko ang bawat kilos ni Veronica. Pinanood ko ang mga naka-post na video ni Veronica sa social media account ni Lester. Simula ngayon ay pag-aaralan ko na ang mga kilos kilos niya at kapag nagawa ko na iyon kukunin ko na ang lahat sa kanya.
Humanda ka Veronica, aagawin ko si Lester sa iyo sa kahit anong paraan.