CHAPTER 4

2715 Words
Kanina pa ako nakikinig sa report ng head production manager ko. Tuwing unang lunes ng buwan ay nagkakaroon kami ng monthly report upang talakayin ang mga nangyari sa loob ng isang buwan dito sa kumpanya. Dito rin nila puwedeng ibahagi ang kanilang mga proposal. Lahat ng managers ko sa iba't-ibang departamento ay kasama ko sa loob ng boardroom. Gayumpanan, hindi ako makapag-focus dahil iniisip ko si ang asawa ko. Noong nakaraang araw kasi ay hindi ko siya pinayagan na pumirma ng kontrata bilang model dahil sa kundisyon ko na hindi masusunod. Alam kong nalungkot si Veronica sa nangyari ngunit hindi niya ito pinahahalata sa akin. "Sir. Lester, Do you have any questions regarding my monthly report?" wika ng Quality Assurance Manager. Biglang nabaling ang tingin ko sa report niya at mabilis na tiningnan ang report nito. "Please take a look at your report from last month. Our quality and quantity increased. DPPM- Defect Part Per Million decreased compared to this month. Your quality and your quantity have also dropped by five percent this month. What's happened to your staff? " "Sir. Maraming nag-resign sa mga tauhan ko kaya napilitan mag-overtime ang mga tao ko para ma-meet nila ang target ng production. Dahil na rin sa pagod kaya hindi nila nagawa ng maayos ang trabaho nila." "Valid reason ba 'yan? Bakit kailangan mong pagurin ang mga tao mo? bakit hindi ka mag-hired ng bagong empleyado. Huwag mong gawin kabayo at kalabaw ang mga empleyado mo. Anong ginagawa ng recruitment department?" Sabay tingin ko sa Manager ng recruitment department na si Mrs Santos. Tumingin si Mrs. Santos. "Sir. We will work on that. Inuna lang namin ang punuan ng mga empleyado ang bagong business unit. Ngayong araw sasabihin ko sa tauhan ko na mag-hired ng bagong empleyado," tugon ni Mrs. Santos. "I hope your report will be good next month. Kailangan natin ang magandang kalidad na produkto para magkaroon ng tiwala ang mga customer natin." Tumango siya. "Yes, sir." Pagkatapos ng meeting namin ay bumalik ako sa opisina ko upang ipagpatuloy ang trabaho ko. Habang pumipirma ako ng mga kontrata ay narinig ko ang katok mula sa pinto. Pumasok ang sekretarya ko. "Sir. David, nandito po si Dra. Rafael Suarez." Kumunot ang noo ko. Wala naman kaming pinag-usapan dalawa na magkakaroon ng meeting. "Does she have an appointment today?" "Wala, Sir." "Okay, would you please tell her to make an appointment because I’m busy today?" “Okay, Sir," sabay talikod niya. Limang minuto pa lang ang lumipas ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Dra. Rafaela ang rumeshistro sa screen ng cellphone ko. Imbes na sagutin ko iyon ay hinayaan ko lang itong tumunog. Hindi ko kasi matatapos ang trabaho ko kung makikipag-usap ako sa kanya. Nang magsawa ito sa kakatawag sa akin ay nag-text na lang ito sa akin. Rafaela: You looked too busy today, so you didn't answer my call. I want to invite you for a coffee? Me: I am sorry, I have to go home early, my wife is waiting for me." Rafaela: Oh, sorry, your wife is lucky. Hindi ko na muling sinagot ang text niya. Bagkus ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa ako. Kailangang kong tapusin ang mga dapat kong gawin ngayon para magkaroon ako ng time sa pamilya ko. Nang sumapit ang alas-kuwatro ang hapon ay muling pumasok sa opisina ang sekretarya ko. "Sir. Lester, nagpa-appointment si Dra. Suarez next monday ng alas-onse ng tanghali." Tumango ako. "Okay," tugon ko. Kinuha ko ang itim kong amerikana na nakapatong sa ibabaw ng swivel chair ko. Binitbit ko iyon habang naglalakad ako palabas ng kumpanya ko. Napapansin ko umiiwas sa akin ang mga empleyadong nakakasalubong ko. "Ingat po Sir." Sumaludo pa sa akin ang security guard ko na nagbabantay sa exit gate ng kumpanya. Habang nasa daan ako ay nadaanan ko ang isang flower shop. Naisipan kong huminto roon para bilhan ng bulaklak si Veronica. Gusto ko lang makasigurado na hindi siya nagtatampo sa akin. "Five thousand pesos, Sir," wika ng tindera ng bulaklak. Tamang-tama ang pagbili ko dahil may bagong dating silang flowers. Kaya naman fresh na fresh ang bouquet na sunflower na binili ko. "Here, keep the change." Sabay ngiti ko sa kanya. Ang lapad naman ng ngiti ng babae dahil binigyan ko siya ng five hundred pesos na tip. "Hindi lang po kayo guwapo ang bait n'yo pa. Thank you po." Sumakay ako sa kotse at umalis na. Kalahating oras pa ang ginugol ko bago nakarating sa mansyon. Siguradong magugulat si Veronica sa akin dahil maaga akong umuwi ng bahay. Pagbaba ko ng kotse napansin ko ang sportcar na kulay pula. Hindi ako nakatiis na hindi malaman kung kanino iyon. "Kaninong sports car ito?" tanong ko sa katulong namin na nagdidilig ng halaman. "Sa bisita ni Ma'am. Veronica." "One of our friends?" Baka kasi bumili ng bagong sasakyan ang isa sa mga kaibigan namin na lalaki. Hindi naman nakakapagtaka 'yon dahil kaya nilang bumili ng sasakyan agad. Umiling ang katulong. "Ngayon lang po namin siya nakilala yung guwapong lalaki." Hindi na maipinta ang mukha ko nang marinig ko ang sinabi ng katulong namin na guwapo. Dapat ako lang ang guwapo sa bahay na ito. Ako lang dapat ang guwapo sa paningin ni Veronica. Bitbit ko ang bouquet na sunflowers nang pumasok ako sa loob ng mansyon. Agad akong sinalubong ng mga anak ko na naglalaro sa may living room. Isa-isa ko silang pinaghahalikan sa pisngi. "Where's your Mommy?" "Nasa may terrace may kausap na lalaki," tugon ni Levie na hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin. Dumiretso ako sa terrace ng mansyon namin na nasa ground floor. Nakaramdam ako ng inis nang matanaw ko si Veronica na masayang nakikipag-usap sa lalaki. Naka-de kwatro itong nakaupo. Kulay puti ang kanyang polo. At black ang pantalon. Nang punahin ko ang suot ni Veronica ay nakaramdam ako ng inis. Bakit hindi man lang siya nagpalit ng damit? Nakasuot kasi si Veronica ng maikling maong shorts at tube na blouse. Kitang-kita ang cleavege niya at ang korte ng katawan niya. Naiinis ako dahil parang inaakit niya ang lalaking kausap niya. Nakasimangot akong lumapit sa kanila. "Honey!" tawag ko kay Veronica. Lumingon naman siya saka tumayo. Nagulat si Veronica nang hawakan ko ang bewang niya at hinalikan ko siya sa labi sa harap ng bisita niya. Gusto ko lang malaman ng lalaking bisita niya na akin lang ang asawa ko. "Bakit mo ako hinalikan? Hindi ka na nahiya sa bisita," bulong niya. "What's the problem? Asawa naman kita bakit ako mahihiya " "Mukhang kailangan ko ng umalis," wika ng bisita ni Veronica. "Pasensya ka na Bruno, ganyan talaga ka-sweet si Lester sa akin." "Bruno? Sounds familiar." Ngumiti ito. "Kilala mo ako, ako 'yung guwapong kaklase mo noong college." Tumango ako. Kilala ko si Bruno at isa siya sa mga naging boyfriend ni Veronica noong hindi pa kami magkasintahan. Siya ang unang nakakilala kay Veronica. "Nice to see you again." Napilitan akong ngumiti sa kanya. "Kumusta ka, Dude?" Nakipag-shake hands siya sa akin. "I'm happy with my family." "Nagpunta ako rito para kausapin si Veronica sa project na gagawin ko. Gusto ko siyang maging model ng bagong produkto na gagawin ko. Napanood ko kasi ang pagiging commercial model niya kaya hinanap ko siya para bigyan ng offer." Hinawakan ni Veronica ang braso ko at tumingin sa akin. "Honey, kukunin niya akong commercial model ng bagong produkto niya." Nakangiting sabi ni Veronica. "Anong produkto?" "Gagawin ko siyang commercial model ng formula milk for babies. Hindi mo naitatanong, pagmamay-ari ko ang malaking kumpanya at mga produkto namin ay gatas." Kung kanina ay nag-iisip ako kung saan puwedeng maging model si Veronica, ngayong nasa harapan ko na ang kasagutan hindi pa rin ako natutuwa. "Hindi siya puwedeng maging model ng produkto n'yo." "Honey!" ani Veronica. "Sayang naman kung hindi ka papayag bagay sa kanya ang project na 'yon." "Hindi naman ako naka-two-piece bikini." Tiningnan ko siya ng masama. "No way!" Tumalikod ako upang putulin ang pag-uusap namin. Pumunta ako sa sala ng mansyon dahil akala ko ay susunod na si Veronica, ngunit sampung minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya dumating. Inis na inis akong bumalik para tawagin si Veronica. Nakita ko siyang masayang nakikipag-usap kay Bruno. Nagtatawanan pa silang dalawa. "Son of a b***h!" Hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa inis. Maaga akong umuwi para magkaroon kami ng bonding ng pamilya namin. Mauubos lang pala ang oras niya sa pakikipag-usap kay Bruno. "Honey!" Agad namang lumingon si Veronica nang nakangiti. "Why, Honey?" "Hindi pa rin ba kayo tapos mag-usap? Sinabi ko ng hindi ako pumapayag na maging model ka ng produkto nila. Hindi pa ba malinaw sa iyo?" "Hindi namin pinag-uusapan ang tungkol sa project. Pinag-uusapan lang namin noong college kami," sagot ni Veronica. Pinag-uusapan n'yo kung paano kayo naging masaya noong naging kayo? "Kanina ka pa hinahanap ng anak mo," alibi ko. Hindi ko talaga kayang tumawa sa harap nilang dalawa lalo na't nakikita ko silang masaya. "Tawagin mo ang Yaya nila para bantayan ang anak natin. Kuha mo na rin kami ng juice." Kuyom ang kamao ko sa inis kung puwede lang gulpihin si Bruno ay ginawa ko na siya. Kahit naging kaibigan ko siya noong college hindi pa rin ako natutuwang kausap niya ang asawa ko. "Katulong ba ako?" sarkastikong tanong. "Please… ngayon lang akong hihingi ng pabor sa iyo Lester." Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil tinawag niya ako sa pangalan ko. Huminga ako ng malalim para pakawalan ang inis sa kanya pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina. "Manang bigyan mo sila ng isang galon juice. Sabihin mo ubusin na baka mauhaw sila sa kakatawa." "Sir, seryoso po kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ng katulong namin. Sa halip na sagutin ko siya ay tinitigan ko siya ng masama. "Okay po, Sir." Tumalikod ako at pinuntahan ko ang panganay kong anak na babae na si Venice. "Venice, come here!" Agad naman itong lumapit sa akin. "Why, Daddy?" "Puntahan mo ang Mommy sabihin mo masakit ang tiyan ko." Nangunot ang noo ni Venice at tinitigan ako. "Hindi naman po masakit ang tiyan mo Daddy." "Masakit nga ang tiyan ko kaya tawagan mo ang Mommy mo." "Baka kurutin po ako ni Mommy may kausap siya." "Susunod ka ba o ako ang papalo sa iyo?" "Susunod na po." Sabay kamot niya sa ulo habang papunta siya sa Mommy niya. Nang matanaw ko si Venice papunta sa Mommy niya ay umakyat ako ng kuwarto sigurado kasing hindi ako matitiis ni Veronica. Napangiti ako nang marinig ko ang katok sa pinto. "Daddy, open the door!" sigaw ni Venice. Tumayo ako para buksan ang pinto. Todo hawak pa ako sa tiyan para kunwari may sakit. Siguradong kasama na niya ang Mommy niya. "Daddy, ito raw ilagay mo sa tiyan mo sabi ni Mommy." Sabay abot sa akin ng efficascent oil. "Anong sabi ng Mommy mo?" "Wala po siyang sinabi sa akin. Ang sabi lang po niya 'yan daw ang ilagay mo sa tiyan mo tapos umutot daw po kayo para mawala ang sakit ng tiyan n'yo." Sabay talikod ni Venice. Kulang na lang mabasag sa kamay ko ang hawak kong efficascent oil dahil sa labis na asar kay Veronica. "Damn it!" Lumabas ako ng kuwarto at uminom ng alak. Ibubuhos ko na lang ang sama ng loob ko sa alak. Nakatatlong bote na ako ng beer nang biglang may umagaw sa kamay ko ng hawak kong beer. Nakaramdam ako ng inis. "What are you doing here? Doon ka kay Bruno makipaglandian!" "Ano bang sinasabi mo? Akala ko ba masakit ang tiyan mo bakit ka umiinom ng alak?" Tinitigan ko siya ng masama. "Concern ka pala sa akin? Nakita mo lang ex-boyfriend mo nakalimutan mo na ako." Salubong ang kilay ni Veronica. "Nagseselos ka ba sa kanya?" Ngumisi. "What a stupid question! Hindi mo ba alam na nagseselos ako? Manhid ka na ba?" Bumuntong-hininga si Veronica. "Bakit kailangan mong magselos kay Bruno. Ikaw naman ang asawa ko." "Ako ang asawa mo pero mas binigyan mo ng maraming oras si Bruno kaysa sa akin." Dahil sa alak na nainom ko kaya hindi ko napigilan ang umiyak. "Umiiyak ka ba?" Sa halip na sagutin ko siya ay tumayo ako at lumabas. Gusto kong magpawala ng sama ng loob ko. Sumunod naman siya sa akin. "Honey! Where are you going?!" Ngunit hindi ko siya pinakinggan. Umalis ako ng mansyon at pumunta ako sa mansyon nila Mathew. Si Mathew ang takbuhan ko kapag masama ang loob ko. "Hulaan ko may problema ka naman?" tanong ni Mathew. Dire-diretso akong pumunta sa minibar nila at nagbukas ako ng alak saka ko tinungga. Hinayaan lang ako ni Mathew sa ginagawa ko. "Ano naman ang problema mo? Ano naman ang pinag-awayan n'yo ni Veronica?" "Hindi na ako mahal ni Veronica." Tumulo ang luha ko. "Paano mo naman nalaman na hindi ka mahal? Ang tagal n'yo ng magkasama ngayon mo pa sasabihin na hindi ka mahal ni Veronica." "Mas pinili niya si Bruno ang classmate ko noong college. Dumalaw sa bahay kanina. Ang tagal niyang umalis. Si Veronica ayaw magpa-istorbo mas inuna pa niya si Bruno kaysa sa akin." Muli kong tinungga ang alak. "Ang sakit sa pakiramdam. Hindi naman guwapo si Bruno mas guwapo ako sa kanya at mas mayaman. Bakit siya ang pinili niya at hindi ako?" Tumulo ang luha ko sa sama ng loob. "Hindi ka lang pinansin, hindi ka na agad mahal? Siyempre bisita niya 'yon. Hindi niya iyon puwedeng ipagtabuyan." "Pero ex-boyfriend niya iyon at nagseselos ako." "Pag-usapan n'yo 'yan. Hindi kayo magkakaayos kung hindi n'yo pinag-uusapan. Tawagin ko lang siya." Tumingala ako. "She's here?" "Magkasunod lang kayong dalawa na dumating. Tatawagin ko lang siya para magkausap kayo." Pinagpatuloy ko ang iniinom kong beer hanggang sa maamoy ko ang perfume ni Veronica. "Honey…" Hindi ako lumingon sa kanya hindi pa rin ako natutuwa sa pambabaliwala niya sa akin. "Honey, 'wag ka ng magselos kay Bruno." Humarap ako sa kanya. "Mahal mo ba si Bruno?" tanong ko. Nagsalubong ang kilay niya. "Anong pinagsasabi mo? Ikaw ang mahal ko at hindi kita ipagpapalit kahit kaninong lalaki." Tumayo ako at lumapit kay Veronica. Nakipagtitigan ako sa kanya. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Hindi ako nakatiis. Siniil ko siya ng halik. Hindi naman ako nabigo dahil tumugon siya sa akin ng halik. Nang halos maubusan na kami ng hangin sa baga ay huminto na kami. "Hindi ka na galit?" tanong niya. "Bakit ayaw mo siyang pauwiin kanina?" "Gusto niyang humingi ng advice sa akin. Nagagalit sila ng girlfriend niya at gusto niyang magkabalikan sila." "May girlfriend siya?" tanong ko. Tumango siya. "Malapit na sila ikasal kaya hindi ka dapat nagseselos sa kanya." Parang biglang nawala ang kalasingan ko sa sinabi niya. "Hindi mo kasi ako pinapansin. Maaga nga akong umuwi para sa iyo, pagkatapos hindi mo naman ako papansin." Sabay simangot ko. Hinawakan ni Veronica ang mukha ko. "I'm sorry kung nagalit ka sa akin. Hindi ko gustong mangyari iyon." Tumingkayad siya para abutin ang labi ko. Kaya ako na ang nag-adjust para sa kanya. Yumuko ako para magpantay kami pagkatapos ay muli akong tumugon sa halik. "Uhmm!" sabay ungol ko. Naramdaman ko kasi ang kamay ni Veronica sa loob ng brief ko. "Usap lang hindi landian." Para kaming uod na nilagyan ng asin dahil bigla kaming naghiwalay dalawa. Namula ang mukha ko hindi dahil nahuli kaming naghahalikan ni Mahew. Namumula ang mukha ko dahil nabitin ako sa pagroromansa niya sa akin. Maging ang tenga ko ay pulang-pula na rin dahil sa hiya. "Alam mo ikaw sagabal ka talaga. Nagsisimula na kaming maglakbay." sabi ni Veronica sa kay Mathew. Napakamot sa ulo si Mathew. "I didn't see anything." Lumapit sa akin si Veronica. "Iuuwi ko na ang asawa ko para masimulan namin ang naudlot naming ginagawa kanina." Tumango si Mathew."Okay, ingat kayo sa pagdi-drive." Dahil nahihilo ako ay si Veronica ang nag-drive pauwi sa mansyon. Habang binabagtas namin ang daan pauwi ay pinagapang ko ang kamay ko mga hita niya hanggang sa matukoy ng mga daliri ko ang nakatago niyang pempem. "s**t!" Biglang nagpreno si Veronica. Kumunot ang noo ko. "Why?" Tumayo si Veronica at kumandong sa akin pagkatapos ay siniil niya ako ng halik. Pinisil ko ang puwet niya habang patuloy kaming naglalaplapan. Ilang taon na rin namin itong hindi ginagawa. Ang mag-s*x sa loob ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD