Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Lester sa bewang ko upang hindi siya magising. Limang oras pa lang kasing nakatulog si Lester dahil nagtalik pa kami kagabi. Hindi naman iyon mawawala sa amin kahit marami na kaming anak. Ang sabi nga ni Lester iyon na ang best vitamins niya. Naramdaman siguro ni Lester na inaalis ko ang kamay niya sa bewang ko kaya naman mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Isiniksik pa niya ako sa dibdib niya. "Huwag kang umalis gusto kong kasama ka habang natutulog ako," bulong niya. Marahil nagising siya nang alisin ko ang kamay niya sa bewang ko. "Alas-sais nang umaga at kailangan ko ng magluto ng almusal ng mga anak natin." "We have a cook. Hayaan mo na sila ang magluto ng breakfast. " "Okay, kung 'yan ang gusto mo." Hindi ko naman kasi kayang