Nakatingin ako sa salamin at pinagmamasdan ko ang mukha kong nasunog. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi nila ako nakilala, samantalang kalahati lang naman ng mukha ko ang nasunog at hindi buo kong mukha. Lumapit sa akin si Dina at nameywang sa akin. "Ano? Gandang-ganda ka pa rin sa sarili kahit ganyan ang mukha mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Dina. Tumingin ako sa kanya. "Nalaman ko kasing mas maganda pa rin pala ako sa iyo kahit ganito ang itsura ko." Pang-aasar ko sa kanya. "Tsk! Nakuha mo pang mang-asar talaga sa akin. Alalahanin mo, ako lang ang kakampi mo ngayon kaya dapat maging mabait ka sa akin." Bumuntong-hininga ako. Tama ang sinabi ni Dina. Sa dami ng tao na nakapaligid sa akin ay si Dina lang ang taong masasabi kong puwedeng makatulong sa akin para makalapi