Nakatulala ako habang nilalaro ko ang hawak kong ballpen. Kanina pa ako nandito sa loob ng opisina ngunit hanggang ngayon wala pa rin akong nagagawang trabaho. Paulit-ulit kasing bumabalik sa akin ang maalab na halik namin ni Kikey kagabi. "Oh, f**k! She's so damn hot." Pakiramdam ko ay biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil naalala ko naman siya. Muntik ng may mangyari sa amin dalawa kung hindi namin narinig nag busina ng kotse ni Veronica marahil ay may nangyari sa amin dalawa ni Kikey. Hindi ko maintindihan pero sa tuwing hinahalikan ko si Kikey ang dating si Veronica ang nasa isip ko. Maging ang malusog niyang dibdib at pagpisil ko ng puwet niya ay parang katulad ng katawan ni Veronica. "Bakit ko ba siya naiisip?" Ngayon lang sa akin ito nangyari. Bukod sa asawa ko may ibang babae