Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit muli ko itong pinikit dahil nakaramdam ako ng kirot sa mukha ko. Anong nangyari sa akin? "Doktor, gising na po ang pasyente." Narinig kong sabi ng isang babae ngunit hindi ko ito magawang lingunin dahil sa sobrang sakit ng mukha parang nabalatan ang mukha ko. Bigla kong naalala si Lester. "Lester…" mahina ngunit malinaw ko naman itong nabigkas. "Thanks, God, you're awake." "Who are you, where am I?" Naramdaman kong may lumapit sa akin ngunit hindi ko naman maigalaw ang mukha ko dahil natatakot akong biglang sumakit. “You’re in the hospital. Do you remember what happened to you?” “I had an accident. Some people wanted to kill me.” “You’re lucky because you survived from the people who wanted to kill you. " "Who are you, nasaan l