"Bruha! Lumabas ka na diyan sa kuwarto mo. Wala ng magbabago diyan sa mukha mo kahit anong gawin mong paglalagay ng make up. Manas ka pa rin!" sigaw ko. Kulang na lang gibain ko ang kuwarto nila Dina. Lumapit sa akin ang katulong nila Dina. "Ma'am, wala po diyan si Senyorito nasa labas po at hinihintay na kayo." Napakamot ako ng ulo. "Sigurado ka ba diyan?" "Opo, pinapatawag nga po kayo nila." "Ang bruha na 'yon kanina pa ako tumatawag sa kanya." Lumabas ako ng mansyon nila Dina at nakita ko silang dalawang mag-asawa na nag-uusap. "Anong ginagawa mo sa loob?" tanong ni Dina sa akin nang nasa loob ako ng kotse. "Hinihintay kita akala ko nandoon ka pa sa kuwarto." "Lumabas na ako, sabi kasi ni Hubby hintayin ka na lang namin dito." Napangiwi ako saka umirap. "Hanggang ngayon naba