KABANATA LIMA

941 Words
Kahit ganun, nanatili akong kalmado. Ngumiti ako at umiwas ng tingin dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Ngumisi siya. Nangunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Anong nakakatawa?" halos magkadikit na ang mga ilong namin. "In love ka ba talaga sa kanya?" Kahit nabigla ako ay hindi ko siya pinansin. Nakakailang yung paraan ng pagtitig niya sa akin... "Kayo ba?" ulit niya. "Ano bang pinagsasabi mo?" Tumanggi ako kahit alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya. "Alam ko ang mga sikreto mo Miss L. M. E." Bago siya umalis ay may sinabi siya sa akin bago pa man ako lumingon sa likuran niya sa gawi ko nakaalis na siya. Bakit hindi ako tutol sa lalaking katulad ni Cedric Monte Alto? Sino siya? Ano ang alam niya? At saan niya nalaman iyon? Hindi ako sikat tulad niya. "Leam!" Tinawag sa akin ng Tita ko pagkauwi ko. Nakauwi pala ako na lutang. Marami lang siguro akong iniisip kaya ganito ako ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Kailangan ko bang maniwala sa sinabi niya? Nagsisinungaling lang ang tanga. Oo, tama iyan. Hindi kayang gawin ng mahal ko ang sinasabi niya. Naisip ko lang. Mahal niya ba ako? Kung gayon, bakit siya naging abala lately? Nawalan na siya ng oras sa akin. Ano ba Lea Mae, intindihin mo siya bilang girlfriend niya kasi isa siya sa mga contestant diba? Kung oo, bakit ko pa tinatanong kung mahal niya ako? Mahal niya ba ako? Nagwawala na ang isip ko. mababaliw na ako. "Ugh! Annoying!" I pulled myself together and looked like a child grunting into my room. I got some household items when there was a sudden knock. Bumungad si tita sa may pintuan at nag-alala sa akin base sa ekspresyon ng mukha niya. "Okay ka lang ba Leam?" Leam ang tawag sa akin ni tita dahil ang haba raw kase ng aking pangalan. "Y-yes Tita Ray, bakit po?" pinilit kong huwag mautal ngunit makasalanan itong peste kong bibig. "Kahapon ka pa kasi namin hinanap. Alam mo bang alalang-alala kami sayo? Umuwi ako galing school, hindi ka ba muna umuwi? Bakit hindi ka pa umuuwi? Anong nangyari sayo? Hindi ka man lang nagtext o tumatawag, saamin. We're worried about you." alalang sambi sa akin ni bakla. Kaya nag ka ganyan yan.' Syempre, hindi pa ako nakakapag-sorry sa kanila, at wala pa akong naikwento sa kanila. Naalala ko nanaman yung nangyari sa library. "At saka, nag-aalala kami sayo. Hindi namin alam kung saan ka nagpunta kasi wala ka masyadong kaibigan sa school natin. Tapos nagulat nalang kami paggising namin, nasa harap ka na nang bahay pero, out of nowhere ka naman," hindi ako sumagot. "Ayos ka lang ba?" alala siyang tumingin sa akin. Hinawakan pa niya ang aking kamay. Dinampi pa ang aking noo at leeg. "Hindi ako nilalagnat," sabi ko nalang. Napaisip ako. Ibig sabihin kanina pa nila ako kinakausap? Tinignan ko sila isa-isa. Naghihintay ng sagot ko "Ibig sabihin ba nito Tita, nakausap mo na ba ako simula pa kanina?" Nagtanong ako. Tumango ang Tita ko. Sobrang nag-aalala siya sa akin. Napatakip ako bigla sa bibig ko habang nakatalikod. Hinawakan ko ang noo ko pagkatapos para maalala lahat ng nangyari. Pero wala naman. Hindi ko na maalala dahil abala ako sa kakaisip sa sinabi sa akin ni Cedric. Napatingin ako kina tita at Josh na may luha sa mga mata ko. Niyakap ko sila bigla at umiyak ako. "Ako ay humihingi ng paumanhin." Iyak ako ng iyak. ganito lang ako. Parang umiiyak na sanggol. Para akong bata. Ang bilis ko lang kaseng masaktan. Kinwento ko sa kanila lahat ng nangyari at kung paano ako nakauwi. Syempre, hindi ko sinabi ang nangyari sa amin ni Cedric. Wala naman talagang nangyari... Gabi na nang tumingin ako sa langit. Wala pa ring text o tawag na natatanggap mula kay Francis. Anong ginagawa niya ngayon? Nagpasya akong magbasa ng libro kapag may naalala ako. Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Naka sando lang ako at Nike jacket. Nag suot ako ng shorts at doll shoes na pambahay. Pumunta ako sa lugar kung saan tatambay si Francis na ngayon ko lang nalaman kay Cedric. Ang Menthol. Natigilan ako pagdating ko sa bar. Bar? Bakit ito bar? Papasok na sana ako ng biglang humarang sa akin ang isang bantay sa pinto. Medyo pandak, mataba, at malaki ang tiyan. A-Ano na naman? "Bago ka lang ba dito ma'am?" Tanong sa akin ni Tito Oliver. Maganda na sana ang pangalan pangmayaman. Kaso, masungit... "Ah?!" Nag-isip muna ako bago sumagot. "No, I'm not. Kakabalik ko lang talaga." "Ahh, ganoon po ba?" di pa kumbinsido. "Ikaw lang po ba?" Ang daming tanong nitong guardiya. "Oo bakit?" pasuray-suray ako. Para matapos na. Gusto kong pumasok. Gusto kong malaman kung ano ang nasa loob. Ilang linggo bago niya ako pinapasok. Psh! Mga peste, guard na yun. Pagpasok ko palang ay tumambad na sa akin ang amoy ng alak at sigarilyo. Maraming customer ang pumupunta dito dahil sa grand bar na ito. Lumabas lahat ng inumin. Halos lahat ng babae ay naka-topless. Ako lang naman ang naka-shorts. Hindi ko alam na pupunta pala ako sa bar. Maraming lalaki at babae ang sumasayaw sa gitna at nagtatawanan sa gilid. Sa magandang musika, maaari kang sumayaw. Hinanap agad ng mga mata ko si Francis. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya doon. VIP pa ang loko. Siya ay nag-iisa. Pupuntahan ko na sana siya para sorpresahin siya nang may biglang lumapit sa kanya. Isang babaeng nakatalikod sa akin. Kitang kita ko kung paano sila naghahalikan habang nakaupo ang babae sa hita ng lalaking pinakamamahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD