KABANATA DALAWA

1047 Words
"Malapit nang umuwi ang bakla." Natawa na lang ako bigla dahil sa ikinikilos niya. Umiinit man ang ulo ko palagi naman siyang andito para pangitiin ako. "Ayaw mo bang sumama sa daddy Ced mo?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ugali ni Josh na balewalain ang crush niya, lalo na pagdating kay Cedric Monte Alto. Isang ngisi lang ang isinagot niya, nakasimangot man sinabayan naman niya akong umuwi sa bahay. "Dismayado ba?" tawa kong sabi. Ilang taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Tatay dahil sa aksidente sa sasakyan. Matapos ang isang linggong wala ang Nanay ko, namatay siya noong araw na ipinanganak niya ako. Kaya naman kasama ko si tita at ang anak niya. Sila, laging nandiyan para sa akin kapag kailangan ko sila, at sinusuportahan nila ang aking mga pangangailangan. "Hi, Tita!" tawag ko, may ginagawa siya sa kawali na yun. Sa tingin ko gumagawa siya ng pancake. Walang ibang pamilya ang tatay ko kundi si Tita Racy lang. So, I stay with them. "Oo, baby Leam. Gusto mo?" naghiwa siya ng kaunti at sinubuan ako ng masarap na pancake. Wala akong nagawa kundi kainin ang pancake na binigay niya sa akin. "So sweet, sana lahat," nagseselos na naman siya. "Tss. Pero, anak ka pa rin niya. Kaya huwag mo siyang sisihin. Nagpakita lang siya ng pagmamahal at pag-aalaga sa akin." "I know, so don't cry my little sis. I'm here," maarte siyang yumakap sa akin ng mahigpit tapos binigyan niya ako ng regalo. "Ano ito? Hindi ko naman birthday," tanong ko. Hindi siya umimik kaya napagdesisyunan kong buksan itong regalo. Sa tingin ko ito ay maganda. Pero nang mabuksan ko na dali-dali siyang tumakbo paakyat sa kwarto niya. Binigyan niya lang ako ng biskwit. Okay lng naman eh, kaso baon niya ito kanina at binigay sa akin amg sobra-putol pa. What a great man... "Josh!" sigaw ko sa abot ng aking makakaya. Nakakainis yung brat na yun! Ang sweet niya diba? Oo tama? I rolled my eyes, pero tumawa ng malakas ang mga tita ko at pinagpatuloy ang ginawa niya. 'Oh mahusay.' N E X T D A Y . . . Dali-dali akong tumakbo paakyat sa classroom ko. Nakalimutan ko na kailangan kong pumunta dito ng maaga dahil may report sa kabilang section na huhusgahan namin at ayusin lahat ng projector. Yung Tinker Bell na ilang beses ko nang napanood hindi pa rin ako nagsasawa. "Ms. Echavez?!" Minsan ay may itinuro si Mr. Cornejo na katulad ng kanyang corny na apelyido. "P-po?" Utal na sagot ko. Napabuntong hininga pa ako at pilit na ngumiti. "Pakipadala kay Cedric Monte Alto," Inabot sa akin ang isang dokumento na hindi ko alam kung para saan iyon. Pagdating kay Cedric, lumaki ang tenga ng kanyang mga tagahanga. Bigla silang nagmadaling pumunta sa amin at nag volunteer, ihahatid daw nila. "Mr. Cornejo, ako na lang, ayaw ni Lea sa mga utos na yan." Wow! Nainsulto ako. "Ako na lang sir. Mukhang pagod pa si Lea." "Wala po sir, ako lang po." "Ako na lang sir para mabilis." At nagsimula na ang ingay sa palengke. "Will you please shut up? Manahimik nga kayo!" Sumakit bigla ang eardrums ko. Biglang sumigaw yung teacher ko sa gilid ko. Hindi niya ba alam na malapit lang ang tenga ko sa malaking bibig niya? "Kayo ba si Lea?" Napayuko silang lahat, dahil sa kahihiyan. "Ngayon hindi kayo makasagot? Dahil hindi kayo ang inutusan ko." Lahat sila ay walang magawa. Ako ang pinadala. Bumalik siya sa ginagawa nila. Ako? Pupunta sa arogante at mayabang. May nakapagsabi sa akin na nasa gym siya at nagsasanay ng basketball. Kung alam ko lang na pupunta ako dun sana inayos ko na ang sarili ko. Nakakahiya kay Francis. As I approached them, I knew what they were looking at their attention was already on me. I don't know why, their practice suddenly stopped when I arrived. Hinanap ko agad kung nasaan ang demonyong iyon. Hindi ako natagalan sa paghahanap dahil matangkad siyang tao katulad sa isa sa mga elemento. Kapre for short. Nakatingin siya sa akin at alam niyang siya ang pakay ko kaya kumunot ang noo niya. "Hey, fan girl of mine. Anong nagdala sayo dito?" maangas at tigasin niyang baling sa akin. Kalokohan! Nasabi ko na lang sa isip. Inabot ko na lang sa kanya ang isang brown envelope na hindi ko alam kung ano iyon. "Ano ba yan? Canvas ba yan? Iguguhit mo ba ako? Wow ang sweet mo naman," ngiti niyang sabi. Nakitaa ko naman ang tuwa sa kanyang mga mata. Natigilan ako sa sinasabi ng makulit na lalaki sa harapan ko. Napatingin ako sa nasa likod niya nandoon si Francis at hindi tumitingin sa amin pero alam naman niya na nandito ako at alam kong nakikinig siya pero... Wala ba siyang balak na pumunta dito? "Ano ba ang sinasabi mo diyan?" Inis na usal ko sa kanya. "Napag-utusan lang akong iabot ko 'to ssyo kaya wag kang umasa," paliwanag ko. "Sus, reason. Ang sabihin mo, gusto mo na ako kaya nandito ka para magpa-autograph diba? Nag ditch ka ba sa klase mo?" tumingin naman siya sa akin na nakakaluko at nakataas, baba naman yung dalawa niyang kilay. Baliw... Saan niya pinulot lahat ng sinasabi niya? "Ano ang sinasabi mo?!" Tumawa siyaa ng nakakaloko pati na rin ang mga kasamahan niya. Yung iba tinutukso pa kami. Napatingin ako kay Francis, baka sakaling tutulungan niya ako pero wala. Busy siya sa cellphone niya. Busy siya sa pagtetext sa iba, hindi niya alam na nandito ako. The Heck?! Wala akong nagawa kundi umalis na may hinanakit. Balang araw maghihiganti din ako sayo Ced hindi pa tayo tapos. "Hoy, ang tagal mo naman? Kanina pa tayo nagsimula." Janice. Classmate ko siya pero tsismosa. "Now What? Kamusta?" Nagtaka ako sa tanong niya. Hindi naman ako umalis ng bansa at nakauwi nang ilang taon, maka kumusta akala mo naman close kami. "Bakit mo natanong?" Kumunot ang noo ko sa kanya. Dahil minsan hindi ko siya maintindihan. "What are you ashamed of?" Lalo akong sumimangot. "Ano ba ang alam mo?" Inis kong sabi. Hindi man lang sabihin ng diritso ang gusto nitong sasabihin. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kaagad kung may sasabihin ka? Gaano ba kahalaga iyon sa iyo?" diritso kong sabi sa mismong pagmumukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD