Nayaya na naman si Sam na pumunta sila sa Cafeteria after ng class nila. Ewan niya ba kung bakit dikit ng dikit si Sam sa kanya at lagi nalang sa Cafeteria tumatambay,food is life yata 'tong babaeng ito. Sa isip-isip niya.
Habang nasa Cafeteria sila ni Sam nag-iisip naman siya kung ano ang magandang pambawi kay Yross, hindi talaga mawala ang inis niya rito dahil sa ginawa nito sa kanya kaninang umaga. Nagpupuyos siya sa inis.
"Flor, okay ka lang ba?Kanina ka pa ang lalim ng iniisip mo. Nakakunot pa ang noo mo," pansin sa kanya ni Sam. Pilit siyang ngumiti rito.
"May kinaiinisan lang akong tao, ewan ko ba kung bakit may mga taong ang sasama ng ugali!" Nilakasan niya pa ang boses niya ng marinig nila Yross na nakaupo lang sa kabilang mesa.Napatingin si Yross at inirapan niya naman ito, bigla naman itong ngumiti ng nakakaloko sa kanya.
"May araw ka rin. " Pigil ang galit na usal niya, hindi tuloy mawari ni Sam kung sino ang sinasabihan ni Florecita, siya ba o ang sarili nito.
"Okay! Tama na iyang kung anuman ang kinaiinisan mo Flor kasi papalapit sina kuya rito, " nagpipigil na ungot ni Sam na para bang kinikilig, parang tuwang tuwa pa ito o kilig na kilig talaga.
"Hi girls. " malambing na sabi ni Karl sa kanila na kumindat pa kay Floricita.
"Kuya!" Saway ni Sam sa kapatid.
Nakasimangot naman si Floricita habang nakatingin kay Yross na kaharap na niya ngayon. Yabang talaga ng pagmumukha nito! Sa isip isip niya. Napansin niya na hawak nito ang susi ng sasakyan, pinaglalaruan sa mga daliri.
Bigla siyang napangiti dahil may naisip siya.
"Yross, right? " matamis niyang tanong kay Yross na ikinakunot ng noo nito.
"Ako pala si Karl," sapaw naman ni Karl, inilahad nito ang palad, tinanggap naman ito ni Florecita pero agad din niyang binawi saka nginitian niya na lang ito.
"Vince" Simpleng sabi ni Vince. Ngumiti lang din siya. Naglahad din ng palad si Vince,tinanggap niya rin.
"Florecita. " Pagpapakilala niya, matamis pa rin ang mga ngiti niya sa mga ito.
Habang si Yross naman ay napapaisip bakit ganyan ang ngiti ni Floricita. Bigla siyang nainis. Dahil ba kasama niya ang mga kaibigan kaya naglalandi ito?Damn! Bat nabubwesit siya? Ano naman ngayon? Para siyang tanga kinakausap ang sarili.
"Ang ganda naman ng pangalan mo parang bulaklak." Nakangiting sabi ni Karl saka ang mga mata ay hindi inihihiwalay sa magandang mukha ni Florecita. Naiilang na ngumiti si Florecita rito.
"Puwede ba Karl, huwag ka ng mambola baka lumaki ang ulo niyan," sita ni Yross kay Karl.
"Hindi naman ako bolero Yross, hindi ako katulad mo." Sagot ni Karl kay Yross.
Napansin ni Vince na parang may tensyon na sa dalawa kaya pumagitna na siya.
"Hey mga dude, easy lang." Awat ni Vince sa mga ito,dinadaan niya sa biro.
"Ano ba kayo,ang tahimik namin ni Flor dito tapos bigla nalang kayong sumusulpot." Inis na sabi ni Sam.
"Bakit ba, ayaw mo bang makita ang guwapo kong mukha?" Sabi ni Vince kay Sam, sinadya pang papungayin ang mga mata. Inirapan lang siya ni Sam.
"Tigil-tigilan mo ako Vince!" Asik ni Sam kay Vince.
"Wala ka ngang pag-asa kay Yross pero sa akin malaki ang pag-asa mo." Pang-aasar ni Vince kay Sam, pinamulahan ng mukha si Sam ng mabanggit si Yross lalo na at kaharap niya ito.
Napatingin naman si Florecita kay Sam, nakita niya ang pamumula ng pisngi nito, na-realized niya na may crush si Sam kay Yross.
"Hoy Vince! Tigilan mo ang kapatid ko!" Si Karl na ang umawat sa panunukso ni Vince sa kapatid. Si Yross naman ay tahimik lang, hindi nagkokomento.
"Excuse me, mauna na ako sa inyo. Uuwi na ako." Sabi ni Florecita saka tumayo. Pinigilan naman siya ni Sam.
"Sabay na tayo Flor, magsisimula na rin ang next class ko." Sabi nito.
Nagmamadali na silang dalawnag umalis sa Cafeteria. Habang naglalakad sila sa hallway ay tinatapik-tapik ni Sam ang pisngi.
"Crush mo si Yross?" Wala sa loob na tanong ni Florecita kay Sam, napasinghap naman ito.
"H-hindi ah!" Tanggi nito, napangiti nalang si Florecita dahil ang cute ng reaksyon nito.
"Sige na, uwi na ako. Bye Sam!" Paalam ni Florecita rito saka nagmamadali na siyang lumabas sa Campus.
Samantala si Karl naman ay hindi maka-get over kay Florecita.
"Hindi niyo ba napansin? Yung mga mata niya, yung labi niya." Nag-iimagine na saad ni Karl.
"Will you please Shut up? !" Inis na reaksyon ni Yross sa sinabi ni Karl. Wala na itong bukambibig kundi si Florecita.
"Grabe na 'yan Karl, tinamaan ka na sa kanya ah! " tawa ni Vince na mas lalong ikinainis ni Yross. Hindi niya alam pero naiinis siya kapag pinapansin ng mga ito si Florecita.
"Kaso magmamadre iyon, kita mo sa suot diba? Balot na balot," dagdag pa ni Vince, loko talaga ito sa isip-isip ni Yross.
"Parang siya na ang babaeng para sa akin, what do you think guys?" Sabi ni Karl na isinawalang bahala ang sinabi ni Vince.
"She's not your type,right?" Inis na turan ni Yross, nabubugnot talaga siya.
"Iyon nga eh, hindi ko siya type pero bumibilis ang pintig ng puso ko sa kanya." Sagot ni Karl kay Yross, nakangiti pa ito na parang tanga.
"Grabe pare natamaan ka na nga sa kanya!" Sabi ni Vince saka malakas na napatawa. Hindi naman ito pinansin ni Karl.
"Bahala kayo basta crush ko siya, one of this days ay liligawan ko siya." Nakangising sabi ni Karl. Napapailing nalang sina Yross at Vince.
Gabi na ng makauwi si Yross sa bahay, nakatiim bagang ito at halata sa hitsura na galit ito. Napadaan ito sa sala at napansin niyang natawa si Florecita ng makita siya, halatang nag-aaral ito dahil nakakalat ang mga notes sa center table.
Matamis na ngumiti sa kanya si Florecita,kung hindi lang siya inis sa babaeng ito malamang naakit na siya sa mga ngiti nito.
Shit!
"Yross, kumusta? Bakit ginabi ka na ng uwi? " Inosenting tanong ni Florecita rito.
"None of your business! At saka ano naman saiyo kung gabihin ako umuwi?" Iritang sagot ni Yross kay Florecita pero nakangiti pa rin ito sa kanya na tila ba balewala kung magsungit siya rito.
"Sinapian ka ba?" Inis na sita ni Yross kay Florecita, kakaiba kasi ang ngiti nito ngayon.
"Ako? Huh! Wala akong sapi, masama bang ngitian ka? " patay malisya nitong sagot.
"Puwede ba! Badtrip na nga ako dinagdagan mo pa! " asik ni Yross dito. Nagkibit-balikat lang si Florecita.
"Ganoon ba? Okay fine, badtrip din naman ako kaninang umaga ah pero hindi naman kita sinungitan," pagtataray ni Florecita rito. Pagak na napatawa si Yross at namaywang pa ito sa harapan niya.
"Huh! Hindi raw? Eh 'yong nguso mo nga halos umabot na sa sahig sa kakasimangot at iyang mata mo halos lumuwa na sa kakairap sa akin!" Natawang saad ni Yross na ikinawala ng ngiti ni Florecita.
"Ang yabang mo talaga! Umakis ka na nga sa harapan ko baka mawalan pa ako ng ganang mag-aral," inirapan niya ito.Sabay balik sa binabasang libro. Paalis na sana si Yross ng biglang nagsalita si Florecita.
"By the way, yung susi pala ng kotse mo nakita ko." Sabay taas nito sa susi ng kotse niya, nakangisi pa si Florecita habang nanlaki naman ang mga mata ni Yross.
"s**t," mura ni Yross dahil naubos ang oras niya sa kakahanap sa susi niya. Iyon pala ay na kay Florecita! Pero teka nga lang... Bakit na kay Florecita? Naningkit ang mga mata ni Yross na tinitigan ito.
Nakangisi naman si Florecita sa kanya,ngiting tagumpay. Lumapit ito sa kanya at iniabot ang susi.
"Next time, huwag mong ikalat-kalat itong susi mo ha, baka maglakad ka na pauwi," mataray na saad ni Florecita kay Yross.
"How dare you!" Inis na sabi niya kay Florecita. Nakangiti lang si Florecita, nag-eenjoy siya sa hitsura ni Yross na tila ba sasabog na dahil sa galit.
"Yeah, how dare me..., " saad niya na mas lalo pang-inasar si Yross.
"You will pay for this Florecita!" Galit na banta ni Yross sa kanya, tinaasan niya lang ito ng kilay at bumalik na sa kinauupuan niya para mag-aral ulit.
Tila naaaliw pang binubuklat-buklat ni Florecita ang kanyang mga notes habang si Yross naman ay nakatiim bagang na nakatitig rito.
"Wench!" Mariin na usal ni Yross na ang tinutukoy ay si Florecita saka mabilis na siyang umakyat sa taas.