Chapter 5

1364 Words
"Oh,bakit nandito ka sa kusina?" Nagtatakang turan ni Manang Tess kay Florecita ng makita niya itong nakaupo sa kitchen island. Nang matapos maghapunan ay dumeretso si Florecita sa kusina at doon muna tumambay. "Hindi pa po ako inaantok Manang Tess." Sabi niya rito. "Oh bakit parang malungkot ka?" Napuna ng tiyahin niya ang lungkot sa boses niya. "Namimiss ko lang po kasi ang lugar natin." Sabi niya na ang tinutukoy niya ay ang probinsya nila sa Albay. "Naku huwag mo ng isipin iyon,magpahinga ka na may pasok ka pa bukas. Siya nga pala Flor, ipinabibigay ito ni Don Alfonso saiyo." May iniabot na puting sobre ang tiyahin niya. Tinanggap niya ito saka tiningnan kung ano ang nilalaman, napasinghap siya ng makitang pera ang laman. "Ano po ito Manang Tess?" Nagtatakang tanong niya. "Monthly allowance mo raw iyan." "Naku, ang dami nito..." Hindi makapaniwalang binilang ni Florecita ang pera at mas lalo siyang napasinghap pagkatapos niya itong bilangin. Sobra-sobra ang perang ibinigay sa kanya ng Don para sa isang buwan. "Manang Tess, totoo po ba ito? Hindi po ba parang abusado na ako nito?" Nag-aalalang tanong niya sa tiyahin, ngumiti lang ito. "Hija, ganyan talaga ang Don lalo na kinagigiliwan ka niya. Siguro naaalala niya sa iyo ang anak niyang babae." Napakunot ang noo niya sa sinabi ng tiyahin. "May anak po siyang babae?" "Oo,nag-iisang anak niyang babae." "Nasaan na po ang anak niyang babae?" Curious na tanong niya. "Patay na." Malungkot na sagot ni Manang Tess sa kanya, napasinghap nalang siya saka hindi na nagtanong pa. Umakyat na siya sa taas para magpahinga. Kinabukasan... "Ikaw na naman?" inis na sita ni Yross kay Florecita ng makita siya nitong naghihintay sa sala. "Ang aga-aga nakasimangot ka na riyan. Hindi naman ako amoy kili-kili!" Saad ni Florecita sabay irap sa kanya. Derederetso sa labas si Yross at nakabuntot naman si Florecita sa kanya. "Magpahatid ka nalang sa driver, ayaw kong kasabay ka, " masungit na sabi nito kay Florecita sabay sakay sa kotse. "Ito naman ang arte! Hindi ka talaga gentleman,sasabay na ako saiyo sayang ang gas kapag nag-pahatid pa ako sa iba," pang-aasar niya kay Yross, ngumiti pa siya rito ng ubod tamis at pinapungay ang mga mata. Pero tila hindi ito affected sa ginawa niya bagkos ay mas lalo pang nainis. "What a lame excuse!" Inis na isinara ni Yross ang pinto ng kotse at sinisiguro niyang hindi ito mabubuksan ni Florecita. Gustong matawa ni Yross sa reaksyon ni Florecita pero pinigilan niya ang sarili na hindi matawa, para na kasi itong maiinis dahil sa inis. Pinag-hahampas ni Florecita ang bintana ng kotse. Nagpupuyos ang damdamin nkya sa sobrang inis dito. "Yross,buksan mo ang pinto! Mali-late na ako sa first subject ko!" Inis na pagmamakaawa niya rito pero natutuwang umiling si Yross. "Isusumbong kita kay Lolo!" Panakot ni Florecita rito, inis na binuksan ni Yross ang ointo ng kotse at ang nakakalokong ngiti kanina ay nawala. "Takot ka naman pala eh! " tatawa-tawang sabi ni Florecita,saka mabilis na sumakay sa kotse dahil baka magbago pa ang isip nito. "Napaka-childish mo!" Asik ni Yross. "Look who's saying! " mataray na saad niya kay Yross. Inis na pinaandar ni Yross ang kotse. Ayaw niya lang matalakan ni lolo kaya binuksan niya ang pinto kung hindi'y pinaharurot na niya ito ng takbo dahil na buwesit siya kay Florecita. "Bakit ba galit ka sa akin? Wala naman akong ginagawang masama saiyo!" Sabi ni Florecita. Hindi umimik si Yross, maski siya ay napaisip din. Sa halip na sagutin niya ito ay iniba niya ang conversation. "Alam mo bang may sakit sa puso si lolo kaya bawal siyang ma stress!" Asik niya kay Florecita. Nakita niya ang reaksyon nito. Parang nakakita ng multo. Muntikan na rin siyang matawa sa reaksyon ni Florecita. "Hala Yross, hindi ko alam, " worried na usal ni Florecita kay Yross. Napapangiti naman si Yross iyong ngiting tagumpay at saka inihinto ang sasakyan sa kalagitnaan ng daan. "Oh baba ka na. " Sabi ni Yross. "Ano? " Nakakunot ang noong usal ni Florecita. "Sabi ko bumaba ka na, ayaw kong may makakita sa ating magkasama. " "Ang layo pa kaya sa School, 20 minutes pa ang layo, " pagmamaktol ni Florecita. "Eh ano ngayon? Basta bumaba ka na, " inis na pagtataboy ni Yross slkay Florecita. "Yabang!" Galit na bumaba si Florecita sa sasakyan at pabagsak na isinara ang pinto. "Goodluck sa paglalakad!" Yross winked at her bago pinaharurot ang sasakyan. "Grabe siya! Nakakainis, buwesit na Yross! " talak niya. "May araw ka rin sa akin! Akala mo hindi ako sanay sa lakaran huh! P'wes nagkakamali ka! " inis na sabi niya sa sarili saka nagsimula ng maglakad. Samantalang si Yross naman ay panay ang tawa, feeling niya nagwagi siya ngayon. Tingnan ko lang kung makasumbong pa ito kay lolo nasabi niya sa isip niya na tuwang-tuwa. Kung paborito na siya ni lolo ngayon, Well i make her like a living hell. Tatawa-tawa siya. Ang sarap ng feeling niya pagdating sa School. As usual lahat ng mga babae nakatingin sa kanya. Sinalubong siya ni Karl katabi nito ang kapatid na si Samantha. She's cute and charming pero hindi niya type iba kasi iyong mga type niya. "Ang aga natin ngayon ah... " malokong sita ni Karl sa kanya. Habang si Samantha naman panay ayos ng buhok naiilang sa kanya. "Huwag mong sirain ang mood ko. " sabi niya sa kaibigan sabay kindat kay Sam na pinamulahan na ng mukha. Nag-aasaran pa sina Yross, Karl at Vince sa entrance lobby ng School nang dumating si Florecita. "Oh my goodness Flor!Pawis na pawis ka!" Worried na bulalas ni Sam na agad ng nakalapit kay Florecita. Natahimik nama sina Yross, Karl at Vince. Lihim na inirapan ni Florecita si Yross, isang nang-aasar na ngiti lang ang isinukli nito sa kanya. "Oo, nag-exercise kasi ako at naisipan kong dumeretso na dito sa School, nagsi-save ako ng time." Mariin niyang sagot na ang mga mata ay nakairap pa rin kay Yross na hindi mawalanang ngisi sa labi. Natawa naman sina Karl at Vince, pinandilatan sila ng mga mata ni Sam. "Tayo na, first subject na natin. " Yaya ni Sam sa kanya. "Mabuti pa nga baka may masakal pa ako rito!" Mariing sabi ni Florecita na matalim ang mga matang nakatitig kay Yross bago nila nilagpasan ang mga ito. "Wow! Fiesty!" Natawang saad ni Vince nang makaalis na sila Florecita. Samantalang si Yross naman ay na a-amuse sa nakikitang reaksyon kay Florecita. Parang ang ganda nito kapag naiinis. Nasabi niya sa isip sabay ngiti–and then he froze. What?Natigilan siya, imposibleng natutuwa siya sa babaeng iyon at nagagandahan. Basta ang alam niya naiinis siya rito kase pasipsip kay Lolo. Tama, naiinis siya kasi inaagaw niya yung atensyon ng lolo niya sa kanya. Pagdadahilan ni Yross sa sarili. "Napansin niyo yun?Damn! Ang ganda niya, " nakatulala namang saad ni Karl. "Sorry to say magmamadre siya. " tawang sabi ni Vince. "No way! Didiskartehan ko siya. " Biglang napakunot ang noo ni Yross sa sinabi ni Karl. Parang may naramdaman siyang kakaiba na mas lalo niyang ikinainis. "Puwede ba, tigilan mo siya. She's not your type!" pabalang niyang sabi kay Karl sabay alis. Nagkatinginan naman si Vince at Karl. Napapansin nila na napaka-moody na ng kaibigan nila ngayon. Samantala nagpupuyos naman sa inis si Florecita. "Ano ba ang nangyari?" Nagtatakang tanong ni Sam kay Florecita. "Wala 'to, sinisira yung araw ko eh! " Naiinis niyang usal. "Sino? " Curious na tanong ni Sam. Gusto niya sanang sabihin kay Sam kung sino ngunit naalala niya ayaw pala ni Yross na malaman ng lahat na magkakilala sila at doon siya nanunuluyan sa kanila. Mas lalo naman siya ayaw niyang malaman na kilala niya yung walang modong Yross na yun! Bulyaw niya sa utak niya. "Huh! Gusto niya pala nang war huh! You want war... i give you war!" Inis na saad ni Florecita na ikinatulala naman ni Sam. Tahimik lang na pinagmasdam ni Sam si Florecita, halata sa mukha nito na inis na inis. Gusto niya pang magtanong dito pero nanahimik nalang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD