Chapter 7

1645 Words
Napabalikwas ng bangon si Florecita ng may malakas na kumatok sa pintuan ng kuwarto niya. Napahawak pa siya sa dibdib dahil sa gulat. Mabilis siyang tumayo dahil baka emergency ito. Alas dyes na ng gabi kaya iniisip niya na baka emergency nga. Natataranta pa siyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang mukha ni Yross. Napakurap-kurap ang mga talukap ng mata ni Florecita baka kasi na nanaginip siya at ang guwapong mukha ni Yross ang nakikita niya. Napaawang ang bibig niya ng masilayan si Yross, wala itong suot na T-shirt at naka sweatpants lang. She cleared her throat baka mahalata siya nito na sinusuri niya ang mala-adonis na katawan nito kahit pa sabihin na hindi pa ito fully developed pero maganda talaga ang katawan nito. "Ahem! Tulog na 'yong tao nang iistorbo ka! " asik niya kay Yross para hindi nito mahalata ang pamumula ng mukha niya. Naka-poker face pa rin si Yross na nakatitig sa kanya. "Magaling ka sa accounting diba? Sagutan mo 'yong assignment ko." Utos nito sa kanya, mas lalong napaawang ang bibig niya at muli na namang nabuhay sa dibdib ang inis niya rito. "Wow huh! Ang kapal talaga ng mukha mo! Mag aral ka kaya?" Inis na sagot niya kay Yross. "Ayaw mo? " Nakataas ang isang kilay na tanong nito. "Ayaw ko!" Agad na tanggi niya rito. He smirked. "Sabihin ko nalang kay lolo ayaw mo akong tulungan sa assignment ko, ni-recommend ka pa namam ni lolo sa akin kanina na saiyo nalang ako magpaturo," nanghihinayang na sabi ni Yross pero sa totoo lang ay pinipigilan niyang hindi matawa dahil sa naging reaksyon ng mukha ni Florecita ng mabanggit niya si Lolo. Paalis na siya ng habulin siya ni Florecita. "Wait lang! Ito naman binibiro lang eh, sabi mo kasi sagutan ko hindi mo sinabi na magpapaturo ka." Nakasimangot na sabi ni Florecita. "Yun na rin yun, pareho lang, " sagot ni Yross. "Hindi kaya, magkaiba iyon." mataray na sabi ni Florecita. "Takot ka lang kay lolo eh," pigil ang ngiting sabi ni Yross. "Hindi ah, ayaw ko lang ma-stress si lolo at saka sabi mo diba may sakit siya sa puso? " malungkot na sagot ni Florecita rito. Hindi niya napansin ang pagpipigil ni Yross na hindi matawa. "Yeah, kaya sagutan muna ang assignment ko, hintayin mo ako sa sala." Sabi ni Yross, inirapan pa siya ni Florecita bago siya muling pumasok sa kuwarto. Walang nagawa si Florecita kundi hinintay si Yross sa sala, humihikab na siya dahil sa tagal nito. "Hija, you're still awake?" biglang sabi ni Don alfonso ng makita niya si Florecita na nakaupo sa sala at inaantok na. Napatayo naman si Florecita ng marinig ang boses ng Don. "Lolo, gising pa po kayo? " Nagtatakang tanong niya, akala niya kasi tulog na ito. "Kumuha lang ako ng tubig," ngumiti naman ang matanda sa kanya. "Umupo nalang po kayo lolo, ako na ang kukuha ng tubig sa kusina, naku dapat may tubig kayo sa silid ninyo." Agap ni Florecita,hindi na niya hinintay ang sasabihin ng Don dahil agad na siyang nagtungo sa kusina at kumuha ng isang pitsel na tubig at baso. Dinala niya ito sa sala, nakaupo na ang Don sa upuan. "Ito na po ang tubig," sabi niya, inilapag niya ang pitsel sa center table pagkatapos salinan ng tubig ang baso. "Salamat, hija." Nakangiting tinanggap ni Don Alfonso ang basong iniabot ni Florecita sa kanya saka uminom pagkatapos ay nagsalita ito, "Ano nga't gising ka pa? 11:30 na ah." " Hinihintay ko po kasi si Yross,Lolo. Tutulungan ko po kasi siya sa assignment niya sa accounting." Sagot niya sa matanda.Nakita niya na umaliwalas ang mukha nito. "Thank you hija, i appreciate your helf for him. Napakapasaway talaga ni Yross, natatakot ako na baka hindi na naman maka-graduate ng College." Nag-aalalang sabi ng Don sa kanya, nakaramdam ng awa si Florecita sa matanda. Nakikita niya kasi na concern ito kay Yross. "Huwag po kayong mag-alala lolo, tutulungan ko po siyang mag aral. " "Thank you hija, then i have to go, matutulog na ako." Paalam nito saka tumayo na. "Sige po, isususnod ko na rin itong isang pitsel ng tubig sa silid ninyo." Sabi niya. Tumango at ngumiti ang Don saka tuluyan ng umakyat sa itaas. Napapapikit na si Florecita ng dumating si Yross, pagtingin niya sa oras ay mag-uumaga na. " Walang hiya ka talaga Yross! 1am na oh!" Asik niya rito pero nagkibit-balikat lang si Yross. "Nakatulog kasi ako, " casual lang na sabi nito saka umupo sa sofa, siya naman ay tumayo. "My exams ako tomorrow kaya tulungan mo nalang akong mag-aral but before that–sagutan mo muna itong assignments ko sa accounting. " Sabi nito na ang tono ng pananalita ay nang-uutos. Padabog na muling naupo si Florecita "1am na Yross at mamaya na ang exams mo! Buti nalang wala akong pasok bukas, nakakapuyat kaya. " litanya niya kay Yross sabay buklat sa mga libro at notes nito. Napapakunot ang noo ni Florecita dahil ang ibang notes nito ay magulo at ang hirap intindihin pero hindi na siya nag-complain. Habang si Yross naman ay napapatitig kay Florecita, sinusuri niya kung anong nakita ni Karl dito at ganoon nalang ito kabaliw kay Florecita, naisip niya na– she's annoying pero nakakatuwa ito at the same time. Kung magsalita walang preno ang bibig at ang taray pa. Hate na hate niya ito pero gustong gusto niyang inisin ito, natutuwa siya. Ngayon niya lang natitigan ng matagal ito. Kaharap niya kasi at busy ito sa pagbubuklat sa mga notes niya at libro. Tingin niya wala namang special sa babaeng ito. Sino ba ang babaeng natutulog na balot na balot? Naka-longsleeve na damit at nakapajama ng makapal. Napapailing siya. Napadako siya sa maamong mukha nito. Ang mahaba nitong buhok na naka ponytail, ang heart shape nitong mukha, ang matangos nitong ilong, ang mapipilantik nitong eyelashes ay nakaka-attract. Magandang ang mga mata nito at ang morena at makinis nitong kutis ay bumagay rito. Shit! Gusto ng sampalin ni Yross ang sarili dahil sa ginagawa niya kay Florecita, he is admiring her beauty. Bakit sinusuri niya ang babaeng ito? Bakit ngayon niya lang ito napapansin? At ang mapupulang labi nito ay ang sarap halikan. Damn it! Antok na ba ako? Sabi niya sa isip. "Got it!" Masayang sabi ni Florecita na ikinagulat niya, napukaw nito ang atensyon niya. "Lumapit ka rito Yross, tumabi ka sa akin para maituro ko saiyo ng maayos," inosenteng sabi ni Florecita kay Yross. Napalunok si Yross, nagdadalawang isip kung lalapit ba siya o hindi.Hindi niya alam pero bakit bigla siyang kinabahan. Ano ka ba Yross! Si Florecita lang iyan, ang dami mong natatabihang babae pero bakit ngayon ka lang kinabahan ng ganito? Sinasabi ng utak niya. "No, okay na ako rito," tipid na tanggi ni Yross. "Grabe! Ang tamad tumayo eh!" Asik ni Florecita sabay tayo at siya na mismo ang tumabi kay Yross. Biglang natigilan si Yross at biglang tumibok ng mabilis ang puso niya. Shit! Ano ba ang nangyayari sa akin. Lalo na ng maamoy niya ang mabangong shampoo ni Florecita, parang gusto niya tuloy itanong dito kung ano ang shampoo niyang gamit. Parang gusto na niyang amuyin ang buhok nito. "Hoy, makinig ka! " galit na tinapik siya ni Florecita sa braso. "Ang ayaw ko sa lahat kapag ang tinuturuan ko ay hindi nakikinig! Kaya makinig ka!" Nakasimangot na sita nito sa kanya. He cleared his throat and calm himself. "You're so annoying, " sabi niya nalang kay Florecita. "Whatever!" Pagtataray nito. Derederetso itong nagturo sa kanya pero wala yatang rumerehistro sa utak niya, ang totoo gusto niya lang naman gumanti rito, tapos na siyang mag aral at saka wala naman siyang assignment sa accounting gawa-gawa niya lang. Gusto niya lang makaganti sa ginawa nito sa kanya. "Kung hindi lang dahil kay lolo, naku! Ewan ko lang! Di na kita tinulungan!" Pagrereklamo nito na ikinangiti niya. "Nakikinig ka ba Yross? ! 1:30 am na oh!" Inis na sita ni Forecita. Next time i will remind myself na hindi na ako magpapaturo rito, masyadong perfectionist at saka hindi siya nakakapag-concentrate. Sabi niya sa sarili. "Sige ka baka bumagsak ka Yross sa exam! Malalagot ako kay lolo. At baka atakihin sa puso! " nag-aalalang turan ni Florecita. Bigla siyang natawa. "Bakit ka tumatawa riyan?" Naiinis na sita ni Florecita sa kanya. "Nakakatawa ka kase. Paano kapag naka-pasa ako sa exam? " Panunubok niya rito. Nagkibit-balikat lang si Florecita. "Eh di mabuti." "Eh di ibagsak ko nalang, ayaw kong magwagi ka, " pang-iinis nito sa kanya. "Ito naman! Gago ka talaga! " asik nito na muli niyang ikinatawa. First time niyang tumawa ng ganito dahil lang sa reaksyon ng isang babae. "Oh sige na nga para kay lolo ipasa mo lang iyong exam, gagawin ko lahat ng gusto mo sa loob ng isang araw. Okay deal? " sabi ni Florecita na nakangiti pa sa kanya. Bigla siyang napatulala sa ngiti nito. Her smile si so enchanting. s**t! Nakakaakit. "Hoy Yross! Ano ba! " sumimangot na naman ito. "Uhm,anything? " he smile mischievously. "Yes anything maliban lang sa..., baka e request mo kase na halikan kita, ayaw kong maging first kiss ka! " irap nito sa kanya na mas lalo pa niyang ikinatuwa. "Don't worry you're not my type para halikan ka, " sinabi niya nalang ito pero nakatatak sa isip niya na never been touch and never been kiss pa pala ito. "Ouch huh! Hindi rin kita type no!" Asik nito. "Oh really? Anong type mo? " he teased her. "None of your business! So, ano ba ipapasa mo ba yung exam o hindi? !" "Oo na, so deal? " "Deal... " Lihim na napangiti si Yross. ~~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD