Finally, natapos na rin ang klase niya, hanggang 2pm lang ang class schedule niya kaya peteks muna siya ngayon. Naglalakad na siya sa hallway papuntang exit dahil uuwi na siya. Naisip niyang mas mabuti ngang maaga siyang umuwi para matulungan niya ang tiyahin sa gawaing bahay.
"Florecita!"
Napalingon siya ng marinig ang pangalan niya. Ang humahangos na si Sam ang tumawag sa kanya kaya napahinto siya, hinintay niya ito.
"Anong next subject mo? " nakangiti nitong tanong sa kanya ng makalapit.
"Uhm, wala na. Pauwi na rin ako. " Sagot ko rito.
"Talaga? Breaktime ko pa naman may 1hour na break ako. Magpapasama sana ako sayo sa cafeteria," magiliw na sabi anyaya nito sa akin. Nahihiya siyang tanggihan ito pero mas lalong nakakahiya na pumunta sa cafeteria, nagtitipid pa naman siya ngayon. Pero hindi siya makatanggi rito, naging mabait na nga ito sa kanya ngayong araw na ito.
"Samahan na kita. " Napipilitan siyang ngumiti rito, natuwa naman si Sam at nag-abresite pa sa braso niya.
"Tara na." Masaya na siyang hinila nito papuntang Cafeteria.
Pagkapasok nila sa Cafeteria namangha siya sa laki nito at saka sa ganda na rin, ang dami ring mga studyanteng nakatambay kaya maingay. Ang ibang mga babae ay nakataas ang kilay ng makita siya, tinitingnan pa siya mula ulo hanggang paa.
Dumeretso sila sa counter para mag-order ng foods o kaya ay snacks. Napalunok si Florecita ng makita ang mga masasarap na pagkain at mas lalo siyang napalunok ng makita ang presyo ng mga ito. Pinakamura na ang isang sandwich na nagkakahalaga ng 200 pesos, ginto yata palaman ng sandwich. At ang drinks nila ay 150 pesos regular size.
Napaisip siya na mamumulubi yata siya rito. Five hundred pesos na lang ang pera niya. Labag pa nga sa loob nito na gastusin ang natitira niyang pera. Nanlulumo siyang napabuntong hininga.
"Ano ang order mo?" Nakangiting tanong ni Sam sa kanya, pilit siyang ngumiti rito.
"Busog pa kasi ako eh, ikaw na lang." Nahihiyang sabi niya kay Sam.
"Kahit snacks or drinks, ayaw mo ba? Ako naman ang magbabayad eh." Pagpipilitan ni Sam sa kanya. Mas lalo siyang nahiya.
"Ikaw na lang ang bahala Sam," sabi niya rito, matamis itong ngumiti sa cashier.
"Club sandwich with fries, dalawang pineapple juice, large size please. At saka medium size hawaiin pizza." Sabi ni Sam sa counter pagkatapos ay iniabot nito ang isang credit card sa cashier para pambayad.
Mayayaman nga naman, nasabi niya sa isipan.
Nang makaupo na sila sa table ay inilapag ni Sam sa harapan ko ang club sandwich with fries saka isang pineapple juice. Pizza naman ang nasa harapan nito.
Nahihiya man pero natatakam talaga siya sa club sandwich, ngayon lang siya makakakain ng ganito.
"Kumain na tayo, paborito ko talaga ang pizza eh. Club sandwich with fries na in-order ko saiyo,okay lang ba?" tanong pa nito sa kanya.
"Ano ka ba, kahit ano okay lang basta libre." Natatawa kong sagot dito, nakitawa na rin ito. Siya pa ba magrereklamo eh ni libre na nga siya? Nagsimula na silang kumain.
"Scholar ka ba dito? " tanong ni Sam sa kanya.
"Oo, " tipid niyang sagot habang panay ang subo sa sandwich.
"Kaninong scholarship? " Muling tanong nito sabay kagat sa pizza.
"Kay Don Alfonso-"
"Oh my gosh! Kay Sir San Sebastian? Ang nagmamay ari dito sa School?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Sam sa kanya.
Napatulala rin si Florecita, Oo nga ano? SSU nga pala ito. So, pag mamay ari nila ito. Kaya pala ang yabang-yabang ni Yross akala mo kung sino! Inis niyang sabi sa sarili.
"Ang swerte mo naman girl! Bihira daw yun kumuha ng sponsorship, siguro ang talino mo. " Papuri ni Samantha sa kanya.Napatawa lang siya sa sinabi nito.
"Hindi naman, nag-magandang loob lang siya, matagal na kasing naninilbihan ang tiyahin ko sa mansyon nila. " Pag-amin niya kay Sam, ngumiti ito sa kanya.
"Okay lang iyon basta ang swerte mo pa rin." Usal ni Sam.
Nagtaka sila ng biglang nag-tilian ang mga babae na nasa gilid nila, sa likuran at harapan. May papasok na mga kalalakihan. Yes, puro pogi lahat at matatangkad. Eh ano naman ngayon? Sa isip isip niya. Nakasuot ng varsity uniform ang mga ito . At ang huling dumating na mas lalo pang nagtilian ang lahat ay yung pinakaiinisan niyang tao!
"Si Yross Ken! Ang pogi niya ano? " Kinikilig na sabi ni Sam. Napangiwi nalang siya saka nagkibit-balikat.
"Alam mo bang apo siya ni Sir San Sebastian? Grabe ang yaman nila, mayaman na nga kami pero di pa rin kami pumapantay sa kanila. " Namamanghang kuwento nito sa kanya. Tumatango lang ako.
"Ah ganoon ba," nagkibit balikat ako. Muli siyang napatingin kay Yross at sakto namang nagtama ang paningin nila. Tinaasan niya lang ito ng kilay, nakita niya ang pagbusangot ng mukha nito.
"s**t!" Mura ni Yross. Bakit ba kasi kung saan ako mapunta nandoon din ang babaeng ito? Nakipagtitigan siya, aba sadyang iniinis siya at inirapan pa siya ni Florecita. Hindi lang irap tinaasan pa siya ng kilay.
"Napaka-ano talaga ng babaeng ito! Porket ang pabor ni lolo ay nasa kanya!" Bulong ni Yross sa sarili
"Hoy Yross! Anong binubulong mo riyan? !" Tapik sa kanya ni Vince, isa sa mga kaibigan niya. Kakatapos lang mag-practice ng team nila sa basketball.
"Wala, " pabalang niyang sagot.
"Alam niyo ba may bago raw transferee ah," sabi ni Karl ka team nila and one of his friends.
"Oo nga raw, sabi nga nila maganda raw kaya lang mag-mamadre yata. " sagot ni Vince na napatawa pa.
Mas lalong kumunot ang noo ni Yross, mukhang kilala niya ang babaeng tinutukoy ng mga ito. Hindi niya matanggap na maganda ito!
"Matangos daw yung ilong, mahaba at makapal yung eyelashes, magaganda yung mga mata, at saka maganda daw yung ngipin tapos pag ngumiti daw laglag yung panga mo sa ganda ng ngiti niya, at heart shape yung mukha..., " mahabang litanya ni Karl na gusto na niyang sapakin para na rin itong nakalutang sa kawalan at nag-iimagine pa. Nagtataka siya kung saan naman ito nakakuha ng ganoong impormasyon?
As far as i remember walang ikinaganda ang babaeng iyon maliban sa buhok! Well, though mahilig siya sa mahahaba ang buhok mas attractive para sa kanya.
"Puwede ba saan mo nasagap iyang balitang yan? !" Asik niya rito.
"Sa kapatid ko. " he smirked.
"Speaking of your sister... " saad ni Vince. Sabay turo kay Samantha na nakaupo paharap sa kanila.
"Oh my goodness! Iyong transferee yata ang kasama niya," excited na saad ni Karl, "Gusto kong makilala kung totoo ba ang sinasabi ng sister ko. "
"Puwede ba Karl baka ma-disappoint ka lang, nakita ko na iyang babaeng 'yan harap-harapan pa. Walang ikinaganda!" Iritadong saad ni Yross.
"Wow! Bitter much? !" Natatawang sabi ni Vince.
"I'm just saying the truth. At saka umalis na nga tayo rito, naiirita ako. " Saad niya na tumayo na sa upuan.
Nagtataka namang nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan ng iniwan na niya ang mga ito.
Hapunan na kaya magkasalo na naman silang tatlo, katulad ng dati ay nakakunot ang noo at nakabusangot si Yross.
"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain, hija? " puna ni Don Alfonso kay Florecita na hindi masyadong nagalaw ang pagkain, nahihiya kasi siya at saka ayaw niyang kaharap si Yross nawawalan siya ng gana lalo na kapag lantaran ang ipinapakita nitong dis-gusto sa kanya.
"Nawala lang po ang gana ko. " Mahina niyang sagot kay Don Alfonso.
"Bakit? " nag-aalalang tanong ng Don.
"Nakakawalang gana yung kaharap ko nakasimangot kasi lagi. " Hindi niya napigilan na hindi ibulalas ang sa loobin. Napahinto sa pagkain si Yross at inirapan siya.
"Yross! Binubully mo ba si Florecita? !" Galit na tanong ng Don kay Yross.
"What? ! Wala akong ginagawang masama sa babaeng iyan Lolo! At saka kung wala siyang gana mas lalo naman ako. " Inis na inis na sagot ni Yross sa lolo niya.
Ngumiti lang si Florecita na mas lalong ikinainis ni Yross.
"Okay lang po Lolo, ang bait-bait nga po ni Yross sa school eh." Pilit ang ngiting sabi bi Florecita.
"At saka bakit nag- jeep ka pauwi hija? Hindi ba kayo nagsabay ni Yross? " Tanong ni Don Alfonso.
"Lolo, 4th year college ako at iba ang course ko sa kanya natural iba din schedule ko, " he said coldly. Inagapan na niya agad ang tanong ng lolo niya. Napatango nalang ang Don.
Inirapan naman siya ni Florecita. Parang nagsasabing ang rude mo sa lolo mo. He just smirked on her..
Aba! Napaka arogante ng lalaking to! Inirapan ito ni Florecita ng napakatalim. Para silang nag e-staring contest.
"Kumain na nga kayo, baka magpatayan pa kayo ryan!" Sabi ni Don alfonso na napapailing nalang, lihim din itong napangiti dahil natutuwa siya sa dalawa kahit panay ang bangayan.