Dalawang linggo na mula ng mamatay ang Daddy n'ya, nahihirapan pa rin n'yang tanggapin ang sitwasyon n'ya ngayon. Lalo na ang pakikisama n'ya sa mag-ina.
"Manang Iska asaan po ang kotse ko?" Tanong n'ya ng makitang wala sa garahe ang sasakyan n'ya. Isang puting Honda Civic ang iniregalo ng Daddy n'ya ng mag 18th birthday s'ya. 'Yon na ang huling regalo pala ng ama sa kanya. Nagtataka na s'ya kanina pa ng wala ang susi ng kotse sa may tokador sa sala, kaya sinilip n'ya sa may garahe at wala roon ang kotse pero naroon ang lumang kotse ng Daddy n'ya na s'yang ginagamit ni Lorraine kapag hindi ginagamit ng ama ang lumang kotse.
"Eh, hija ginamit ni Lorraine" sagot ni Manang Iska sa kanya. Nagbuga s'ya ng hangin. Una ang silid n'ya at ngayon naman ang kotse n'ya. Hindi naman yata makatarungan ito.
"Megan, may gusto din sana akong sabihin sa iyo," bulong ni Manang Iska sa kanya.
"Ano po 'yon?" Kunot noong tanong n'ya.
"'Yon," sagot nito at tinuro ang malaking larawan sa may sala katapat ng malaking piano. Nanlaki ang mga mata n'ya ng makitang iba na ang larawang nakasabit sa sala ng bahay nila. Ang dating larawan nila ng kanyang Mommy't Daddy ay napalitan ng larawan ng mag-ina.
"Those b***h!" Inis na usal n'ya at padabog na lumabas ng bahay nila.
Nag taxi s'ya para makarating sa eskwela at inis na bumaba ng taxi ng makita ang kotse n'ya sa may parking lot kung saan nakatayo si Lorraine kasama ang mga barkada nito.
"Lorraine," tawag n'ya sa maldita n'yang step sister. Agad naman itong lumingon sa kanya at ngumisi ng makita s'ya. Inikot--ikot pa nito ang susi ng kotse n'ya sa daliri nito. Naglakad s'ya palapit rito, walang pakialam sa mga barkada nitong nakatayo sa tabi ng kotse n'ya.
"Bakit mo ginamit ang kotse ko ng walang paalam?" Galit na tanong n'ya at akmang aablutin ang susi sa daliri nito ng iiwas nito 'yon kaya hindi n'ya nakuha.
"Ang sabi ng Mommy ko pwede kong gamitin ang kotse mo, at lahat ng ano mang sa iyo ay pwede kong gamitin at angkinin kung gugustuhin ko!" Taas kilay na sagot nito sa kanya. Inaasahan na n'yang mangyayari ang bagay na ito sa pagitan nila ni Lorraine pero sana hinayaan muna s'yang matapos magluksa ng mga ito, kamamatay pa lang ng kanyang ama, at ginagawa na ng mga ito ang gusto ng mga ito sa bahay nila at sa mga kagamitan nila.
"Not my car Lorraine! 'Yan ang huling regalo sa akin ni Daddy," sagot n'ya at muling aablutin sana ang susi sa kamay ni Lorraine ng bigla s'ya nitong itulak ng malakas at saktong may sasakyan na mabilis na parating. Nanlaki ang mga mata n'yang napatitig sa itim na kotseng paparating at kasabay ng galitgit ng gulong ang pagbagsak n'ya sa semento at mariing pinikit ang mga mata.
Pakiramdam n'ya namatay s'ya ng ilang secundo sa takot, at sunud-sunod na nagbuga ng hangin ng makapang humihinga pa s'ya at hindi s'ya tinamaan ng kotseng paparating. Sinulyapan n'ya ang itim na kotse na kahibla lang ang layo sa kanya at kung hindi lang agad nakapag preno ang nagmamaneho ay tiyak na mababangga s'ya ng kotse.
"Are you ok?" Tanong ng tinig lalake sa kanya habang titig na titig s'ya sa kotseng may mamahaling pangalan.
"Miss are you ok?" Muling tanong ng tinig. Nilingon n'ya ang lalaking nagsasalita sa tabi n'ya.
Nagulat s'ya ng makita ang isang napakagwapong lalake na hindi pamilyar ang mukha. Ngayon pa lang n'ya ito nakita sa eskwelaan. Maliit ang mukha nito may manipis na mga labi, matangos na ilong na bumagay sa maliit nitong mukha, mga matang maitim at makapal na kilay. May manipis na bigote at balbas ang lalake na bumagay lalo sa gwapong mukha nito na lalaking-lalaki ang dating.
"Hindi naman kita tinamaan hindi ba?" Tanong nito habang titig na titig s'ya sa gwapong lalake.
"Oh my god Megan, are you ok?" Maarteng tanong ni Lorraine sa kanya at nilapitan pa s'ya nito na tila nag-aalala ito sa kanya. Nilingon n'ya si Lorraine na sa lalaki nakatingin at hindi sa kanya. Iniling lang n'ya ang ulo at akmang tatayo na mula sa pagkakaupo sa semento, dahil umaagaw na s'ya ng atensyon sa mga estudyanteng naroon dahil halos nakatingi sa kanila ang mga ito. Hindi nga lang s'ya sigurado kung s'ya ba ang umagaw sa atensyon ng mga ito o ang mamahaling kotse o baka naman ang gwapong lalaking nagmamaneho sa mamahaling kotse.
"Let me help you," presinta ng lalake sa kanya.
"Ako na," mabilis namang sabi ni Lorraine at hinawakan s'ya sa kamay. Mabilis n'yang tinabig ang kamay nito para hindi s'yang mahawakan ng mapag panggap n'yang step sister. Panigurado n'ya nais nitong magpa cute sa gwapong lalake.
"Kaya ko!" Matalim na sabi n'ya kay Lorraine at pupulutin sana ang ilang gamit na nahulog ng ang mismong lalake na ang dumampot sa mga gamit na nahulog at tumayo ito para iabot sa kanya.
Ngayon n'ya lang napansin na matangkad ito at may magandang pangangatawan nakasuot ito ng itim na slack at itim na T-shirt na bumagay sa build ng katawan nito. Ngayon sigurado na s'yang ang lalake ang umagaw sa atensyon ng mga naroon.
"Here," sabi nito at iniabot sa kanya ang mga gamit.
"Salamat," pasalamat n'ya at mabilis na kinuha ang mga gamit sa lalake at mabilis na rin naglakad palayo roon. Mamaya na lang n'ya muling kakausapin si Lorraine tungkol sa kotse n'ya.
Nakakailang hakbang na s'ya ng lingunin n'ya ang kinaroroonan ng gwapong lalake. Paglingon n'ya saktong nakatingin din ito sa kanya habang nakatayo naman si Lorraine sa harapan nito na kung ano ang sinasabi ay hindi n'ya alam. Nagkatinginan sila ng lalake na tila ba nag-uusap ang kanilang mga mata at nagkakaintidihan na ang mga ito. S'ya na ang nag-iwas ng tingin sa lalake at nagtuloy sa paglalakad.
"Megan,"
Tawag sa kanya sa di kalayuan at nakita ang kaisa-isang kaibigan n'ya si Clariz isang Architect student.
"Hi," bati n'ya sa kaibigan.
"Ang bilis mo talaga," sabi ni Clariz at sinagi pa s'ya ng kaibigan sa bewang.
"Aray bakit?"
"Na meet mo agad si Zayn Sullivan," sagot nito, sabay nguso pa sa itim na kotseng paparaan sa kinatatayuan nila. Ang kotseng muntik ng makabunggo sa kanya kanina. Tinted ang salamin kaya hindi n'ya nakikita ang lalaking nagmamaneho.
"S'ya si Zayn Sullivan ang nag-iisang anak ng may-ari ng eskwelaan na to at ng Sullivan Hotel," sabi ni Clariz sa kanya.