Chapter-1

1044 Words
"Mula ngayon Megan ikaw na ang matutulog sa silid ni Lorraine, magpapalit na kayo ng silid. Ipapahakot ko kay Manang ang mga personal mong gamit ngayon," litanya ng madrasta ni Megan sa kanya habang nakaupo sa malaking hagdan ng bahay nila. Naririnig n'ya ang madrasta pero hindi n'ya nauunawahan ang mga sinasabi nito sa kanya. Kalilibing pa lang ng Daddy n'ya kanina at nagluluksa pa s'ya. Hindi n'ya matanggap na sa isang iglap lang wala na ang Daddy n'ya at mag-isa na lang s'ya. "Megan! Narinig mo ba ang mga sinabi ko?!" Sigaw na tanong ng madrasta n'ya. Napakislot pa s'ya sa malakas na sigaw nito at tiningala ito na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Katabi nito si Lorraine ang maldita nitong anak na nakataas ang mga kilay habang nakatingin sa kanya. "Ano po iyon Tita Loren?" Malumanay na tanong n'ya. Umismid ito sa kanya at taas kilay na inulit ang mga sinabi nito kanina tungkol sa pagpapalit nila ng silid ni Lorraine. Nasa gitna kasi ang silid n'ya sa ikalawang palapag at mas hamak na malaki kumpara sa silid ni Lorraine na s'ya guest room noong wala pa ang mga ito sa bahaya nila. Hindi man n'ya nababakasan ng ano mang kalungkutan ang mag-ina sa pagkawala ng Daddy n'ya, tila hindi man apektado ang mga ito ngayong wala na ang kanyang ama, lalo na si Lorraine na halos ni hindi man n'ya nakitang umiyak. Kung sa bagay hindi naman nito ama ang Daddy n'ya, pero ganoon pa man anak ang turing ng ama kay Lorraine. Tatlong taon na rin mula ng pakasalan ng kanyang Daddy ang Tita Loren n'ya, at mula ng ikasal ang mga ito ay nagbago na ang buhay n'ya. Nagkaroon s'ya ng kahati sa ama. Noong una maganda ang pakikitungo ng mag-ina sa kanya, tinuring pa nga n'yang tunay na kapatid si Lorraine na ka edad n'ya. Ngunit makalipas lang ang ilang buwan nagpakita na ng totoong ugali ang mag-ina sa kanya. Madalas sinusungitan s'ya at pag may gusto s'ya a sinasaway s'ya ng Tita Loren n'ya. Pero kapag ang mga ito ang nagpapabili ng mga kung anu-ano sa Daddy n'ya ay agad nakukuha ng mga ito. Isama pang sa tuwing nasa trabaho ang Daddy n'ya halos feeling reyna ang mag-ina at madalas utusan pa s'ya ng mga ito. Minsan n'yang sinubukang isumbong sa ama ang ginagawa ng mag-ina sa kanya ngunit hindi n'ya naituloy dahil nalaman ng madrasta ang binabalak n'ya at pinagbantaan pa s'ya, isama pang nakatikim s'ya ng malakas na sampal noon sa madrasta. Kaya hindi na n'ya inulit ang pagbalak na isumbong ang mag-ina sa ama, hanggang sa lumipas na lang ang mga taon ay tiniis n'ya lahat. Ngayong wala na ang ama panigurado mas matitindi ang gagawin ng mag-ina sa kanya. Sinisimulan na nga ng mga ito ngayon, dahil pinalilipat na ang mga gamit n'ya sa silid ni Lorraine at magiging silid na daw ni Lorraine ang silid n'ya. Masamang tingin ang pinukol n'ya sa Tita Loren n'ya at nalipat kay Lorraine na nakataas ang mga kilay habang nakasalikop ang mga braso sa dibdib nito. Anong laban n'ya ngayon sa mag-ina. May karapatan si Loren sa naiwang bahay ng ama dahil kasal ito sa Daddy n'ya. Wala naman silang ibang ari-arian maliban sa bahay ay sa maliit na negosyo ng ama n'ya na hardware sa bayan. Tungkol naman sa cash hindi n'ya alam kung may naipon ang ama dahil maluho ang bagong asawa't anak ng napangasawa ng ama. Pero ang alam n'ya may naitabing pera ang ama para sa pag-aaral n'ya, sa kanya nakapangalan 'yon kaya kahit wala na ang ama ay makakapag patuloy pa rin s'ya sa pag-aaral. "Huwag mo nga kaming tignan ng ganyan!" Inis na sabi ng madrastas at tinapik ng bahagya ang pisngi n'ya. "Kung ako sa iyo simulan mo na ang palilipat ng mga gamit mo sa silid mo, dahil magiging silid ko na 'yon" maarteng sabi Lorraine. Ka eskwela n'ya si Lorraine pareho silang nag-aaral sa Sullivan University pero magkaiba sila ng kurso, ang kurso ni Lorraine ay Fine Arts. Pero wala naman itong talent. Naisip tuloy n'ya na baka bumagsak ito sa entrance exam kaya napunta sa Fine Arts. "Kamamatay lang ni Daddy-" "Bakit mabubuhay ba s'ya kung magdamag kang iiyak d'yan?" putol ni Lorraine sa kanya. Kumunot ang noo n'ya dahil sa sinabi nito. Parang hindi naman naging ama ang Daddy n'ya kay Lorraine, mas pinapaboran pa nga ito ng ama kesa sa kanya mula ng tumira ang mga ito sa bahay nila. "Lorraine, tama na 'yan," saway ng Mommy nito. "Ikaw naman Megan tumayo ka at tumigil ka na sa kadramahan mo" sabi ng madrasta sa kanya at tinalikuran s'ya. "Bwisit!" ismid ni Lorraine sa kanya. Mariin na lang n'yang pinikit ang mga mata para maiwasan ang pagsiklab ng galit sa mag-ina na halata namang hindi man nagdamdam sa pagkawala ng Daddy n'ya. Paano na s'ya ngayong wala na ang ama? Paano n'ya pakikisamahan ang dalawang bruhang mag-ina? Tanong n'ya sa sarili at napaiyak muli. Kinagabihan sa silid ni Lorraine na s'ya tumuloy para magpahinga. Magulo pa ang mga gamit n'ya na basta na lang inilagay sa silid. Kahit ayaw n'ya wala naman s'yang laban sa mag-ina. Isa pa wala s'ya sa mood makipag bangayan sa dalawa dahil alam n'yang kahit anong sabihin n'ya s'ya at s'ya pa rin ang mali sa paningin ng mag-ina. Naupo s'ya sa katamtamang laki ng kama at tinaas ang mga binti, niyakap ang mga yon at muling napaiyak sa bagong buhay na tatahakin n'ya mag-isa. Mag-isa na lang s'ya ngayon kaya kailangan n'yang magpakatatag at magsumikap na makapagtapos ng pag-aaral at itutuloy ang madalas n'yang sinasabi sa ama na magtatayo s'ya ng sarili n'yang clothing company at s'ya mismo ang gagawa sa mga design n'ya. Kung matuloy man n'ya 'yon alam n'yang matutuwa ang ama kahit wala na ito rito. "Daddy," bulong n'ya at napaiyak sa pangungulila sa ama. Bata pa s'ya ng pumanaw ang kanyang ina dahil sa sakit, kaya naman mas malapit s'ya sa ama, dahil halos silang dalawa lang ang nagkasama, kaya sobrang sakit ang nararamdaman n'ya ngayong mag-isa na lang s'ya. Iniwanan pa s'ya ng ama ng mas magpapahirap sa sitwasyon n'ya. Dahil paniguradong mas pahihirapan s'ya ng mag-ina ngayong wala ang kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD