Chapter-6

1606 Words
"Damn," mariing mura n'ya. Habang kamay n'ya ang lasing na dalaga. Hindi naman ito hinimatay o ano pa man. Sadyang tinamaan lang ito agad sa ininom nito. Kaya hindi na kaya ang sarili. "Sir, anong po ang nangyari sa kanya?" Nagtatakang tanong ng empleyado. "Lasing!" Taas kilay at iritable sagot n'ya. Kung bakit naman kasi uninom pa ang babaing ito. Hindi naman pala kaya ang alak. Inis na bulong sa isip. Saka sinulyapan ang nakapikit na babae. "Ano po ang gagawin natin Sir?" "Ako na ang bahala sa kanya," "Kilala n'yo po s'ya Sir?" "Empleyado s'ya dito sa hotel," sagot n'ya. Muling sinulyapan ang dalaga. Hindi s'ya maaaring magkamali. It ang babaing muntik na n'yang mabunggo sa university. At ito rin ang babaing kasama ni Madame na nag entertain sa mga puti kanina sa lobby ng hotel Ito rin ang babaing nakita n'ya sa looby na naka lingerie lang. Baka kaya narito ang babae sa hotel bar ay para maghanap ng customer. Baka din naman na ganito ang modus nito para makakuha ng customer. Magpapanggap na lasing at hihimatayin sa harap ng lalake. Para makuha nito ang atensyon nito. Tulad ng ginagawa nito ngayon sa kanya. Umigtig ang panga n'ya sa naisip na masamang imahe sa babae. "Madalas ba ang babaing ito rito?" Tanong n'ya sa empleyado. "Hindi po Sir. Ngayon ko lang po s'ya nakita dito sa Bar," sagot nito. Inikot ang mga mata sa paligid May mga nag-iinom pa pero mukha walang nakakapansin sa dalagang nasa bisig n'ya. "Mag-isa lang ba s'yang pumasok?' "Opo, Sir," tumango na lang s'ya rito. "Ako ng bahala sa kanya," sabi n'ya saka binuhat ang babaing mukhang nakatulog na sa kalasingan. Saka binitbit ang maliit nitong bag. Buhat n'ya ang dalaga palabas ng bar. Hindi na pinansin ang mga matang nakapansin sa kanila, habang naglalakad. May mga ilang empleyado ang napapasunod sa kanila ng tingin. Nakasubsob ang mukha ng babae sa dibdib n'ya.Pero nakikita pa rin ang mukha nito. Kaya hindi na s'ya magtataka kung may makakilala sa dalaga. Hindi naman n'ya basta na lang pwedeng iwan ito sa bar. Delikado lalo na't karamihan ng naroon ay mga lalake. Konsensya pa n'ya kung basta na lang iwan ang babae, lalo na't empleyado n'ya ito. Ginamit n'ya ang exlusive elevator ng hotel, para iakyat sa Penthouse n'ya ang babae. Wala naman kasi s'yang ibang mapagdadalhan rito. Hindi n'ya basta na lang pwedeng ipagkatiwala ito, kargo na n'ya ito. "Dadddy," Narinig n'yang ikbi ng babae. Tila ito umiiyak, habang sinasabi ang Daddy. Sinulyapan n'ya ang babaeng nakapikit ang mga mata, nakakunot ang noo nito. Pero ganoon pa man pansin n'ya ang kagandahan nito. Oo maganda ang babaing nasa mga kamay n'ya. Pagpasok sa penthouse agad n'yang inakyat sa taas ang babae kung saan may dalawang silid roon. Pinasok n'ya ang babae sa ikalawang silid. Agad na kumalat ang liwanag sa buong silid ng buksan ang ilaw. Hindi n'ya ginagamit yon, wala pa din naman gumagamit non. Inihiga n'ya ito. Patuloy pa rin ito sa pagtawag ng Daddy. Habang umiikbi. "Umiiyak ba s'ya?" Kunot noong tanong n'ya. Pinakatitgan n'ya ang babae. Matapos mailapag sa kama. Maganda ito at bata pa. Wala itong ano mang make up sa mukha, pero makinis at maganda ang batang mukha nito. Pinaglandas n'ya ang mga mata mula sa makapal na mga kilay nitong nakakunot. Pababa sa mga mata nitong nakapikit. Mayroon itong mahahabang pilikmata, matangos na ilong, magandang mga labi na bahagya pang nakabuka. Napalunok s'ya, habang nakatitig sa mga labi nito. Hindi n'ya gusto ang pumasok sa isip n'ya na halikan ang mga labi ng walang malay na babae. Iniling ang ulo, saka nagpatuloy sa pagsulyap sa kabuuan nito. May malalaki itong hinaharap na naka bakat sa suot nitong hoody. Napahugot s'ya ng malalim na paghinga ng bumaba ang mga mata sa mahahaba, maputi at makinis nitong hita. Nakasuot lang ito ng short, kaya malaya n'yang natitigan ang magagandang hita nito. Iniling n'ya ang ulo. Saka mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Hindi n'ya kayang tignan ang walang malay na dalagang nakahiga sa kama n'ya na tila isang pagkain na pwede n'yang kainin. Nailamukos n'ya ang mga palad sa mukha. At muling sinulyapan ang magandang babae. Oo nakainom s'ya kanina sa bar, pero konti lang. Pero kakaiba na ang init na nararamdaman n'ya sa katawan. Tila kailagan n'ya ng malamig na tubig, para mawala ang init sa katawan. "What the f,*ck?!" Inis na tanong n'ya sa sarili. Habang hindi maiwasang pagmasdan ang mga labi ng babae. Humugot s'ya ng malalim na paghinga. Hindi s'ya madaling ma atrak sa mga babae. Mahilig s'ya sa mga babae, pero namimili din s'ya. Madalas mga models, celebrities at may mga beauty queens pa s'yang nakakasama. Hindi tulad ng dalagang nakahiga sa kama ngayon na naka hoody at shorts lang. Malayong-malayo sa mga babaing nakakasamuha n'ya. Nag desisyon na s'yang iwan ang babae, tutal mukhang nakatulog na ito. Hindi na ito umiikbi at hindi na rin nagtatawag ng Daddy. Hindi lang n'ya alam kung Daddy as in Tatay o Daddy na sugar Daddy. Hindi naman n'ya kilala ang babae. Hindi n'ya alam kung ano ang pangalan nito. Basta ang alam n'ya estudyante ito sa Sullivan University na pagmamay-ari ng pamilya nila. At staff din ito sa Hotel na s'ya ang nagpapatakbo. At higit sa lahat, mukhang talent din ito ni Madame. Dahil sa nakita n'ya sa dalawa kanina sa lobby. Ganoon pa man wala s'yang pakialam kung sino ito. Bukas pag gising nito paalisin na n'ya ito sa penthouse. Mag-isa lang s'yang nakatira sa malaking penthouse. May mga staff lang na nag-aasikaso sa paglilinis sa buong penthouse, at personal chef na naghahanda ng pagkain para sa kanya. Ito ang unang beses na nagdala s'ya ng babae sa penthouse. Wala s'yang dinadalang babae rito. Dito na kasi s'ya nakitira mismo ay dito na rin minsan ginagawa ang mga tranbaho sa opisina. Ang mga babaing nakakasama n'ya ay sa isang private room ng hotel n'ya dinadala. Exclusive ang silid na 'yon para sa kanya at sa mga babaing gusto n'yang makasama magdamag para makalaro. Bumaba s'ya sa unang palapag ng penthouse kung saan kumpleto sa mga kagamitan. May mini bar s'ya na lahat ng alak na madalas n'yang inumin ay naroon. Kumuha ng alak at nagsalin sa kopita. Saka naglakad patungo sa labas, kung saan naroon ang swimming pool. Sa sobrang init ng katawan n'ya nais n'yang maligo, para maalis ang ano mang init na naglalakbay sa kanya. Pagdating sa pool agad na s'yang naghubad. Iniwan lang bried na suot. Saka inubos ang alak sa kopita bago lumusong sa tubig. Nais n'yang mag relax din muna at huwag munang isipin ang mga problema. Ilang linggo na rin s'yang hindi pumupunta sa bahay ng mga magulang. Ang huling punta n'ya roon ay nag-away sila ng kanyang Papa. Dahil pinililit na s'ya ng ama na mag asawa na at magka anak. Bente singko palang s'ya at nagsisimula palang sa pagpapakasawa sa mga babae, tapos nais na ng Papa n'ya na patali na. At higit sa lahat nais na ng ama na magka anak na s'ya. Wala pa sa isip n'ya ang pagbuo ng pamilya. Malayong-malayo pa s'ya roon. Kaya naman iniipit s'ya ng ama na hindi ililipat sa pangalan n'ya ang Sullivan Hotel at Sullivan University kung wala s'yang maihaharap ritong anak. May edad na ang mga magulang n'ya. Dahil nga late ng nagsama ang mga ito, may edad na ang Mama n'ya ng isilang s'ya, dahilan na rin kung bakit hindi s'ya nagkaroon ng kapatid. Biglang nag-iisang anak at tangging tagapagmana ng mga Sullivan ay nasa balikat n'ya ang lahat ng responsibilidad. Isama pa ang mataas na expectation sa kanya ng mga magulang. Kung sa pagtatakbo lang ng negosyo ay masasabi n'yang nagagampanan n'ya ng maayos ang trabaho. Kaya walang maipipintas sa kanya ang ama. Pero padating sa personal na n'yang buhay, lalo na ang pagbuo ng pamilya ay nais n'yang huwag s'yang pakialaman ng mga magulang. S'ya ang magdedesisyon kung kailan s'ya handa. Dahil sa ngayon sa edad n'yang ito, malabo ang makahanap s'ya ng babaing pwedeng pakasalan at magbibigay sa kanya ng anak. Isama pang sa dami ng nga naikama na n'yang magaganda at talaga naman kilalang personalidad ay wala ni isang virgin. Isa sa mga requirements n'ya sa babaing pakakasalan n'ya ay virgin. Walang ibang lalaking naka angkin. Walang ibang lalaking pagtatawanan s'ya pag nakasalubong n'ya sa daan, dahil ang asawa n'ya ay una nitong natikman kesa sa kanya. Kaya paano s'ya makakapag-asawa, kung napaka imposible ng gusto n'ya isang babae. Saan s'ya hahanap ng matinong babae sa ganitong panahon na lahat na yata ay mapupusok, lalo na ang mga kabataan. Mukhang hindi talaga s'ya makakabuo ng pamilya kung ganoon ang standard n'ya. Nakakailang beses na s'yang nagpabalik-balik sa paglalangoy, para lang mawala ang init sa katawan. Umahon s'ya mula sa tubig at naglakad may upuan kung saan may puting towel na laging nakahanda roon para sa kanya. Nagpupunas s'ya ng basang katawan ng biglang may mga kalabog s'ya narinig mula sa loob. Dali-dali n'yang tinakip ang towel sa ibabang bahagi ng katawan. Saka naglakad papasok, para tignan kung ano ang ingay na 'yon sa loob. Pagpasok n'ya nakita n'yang nakadapa ang babae sahig tabi ng hagdan. Nanlaki ang mga mata n'ya. Mukhang nalaglag ito sa hagdan. "Damn," mura n'ya. At tiningala ang hagdan. May kataasan din ang hagdan. Huwag naman sanang nagmula ito sa itaas. Nag-aalala s'yang umapit sa babaeng nakadapa sa sahig. "Miss, are you ok?" May pag-aalalang tanong n'ya. Nag angat ng mukha ang babae. Nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa ibaba ng towel. At isang malakas na tili ang bumulabog sa buong penthouse. "Aaaaaaaaaaaah!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD