Matapos makapag check in sa hotel, nagbihis muna s'ya. Shorts and crop top na pinatungan n'ya ng hoodie, medyo malamig kasi sa buong hotel.
Bumaba s'ya sa may bar. Nais n'yang kumalma ang sarili sa sobrang galit na nararamdaman kay Lorraine pagpapasok sa lalaking 'yon silid n'ya. Buti na lang at lasig 'yon ang lalake at lalampa-lampa kaya nagawa n'yang labanan.
Pero ganoon pa man hindi n'ya ito mapapalampas. Bukas na bukas kokomprontahin n'ya ito. At tutal wala na s'ya sa bahay nila ay pwede na n'yang labanan si Lorraine, kahit pa ang konsintedor nitong ina.
Malalim ang gabi, pero meron pa rin mga tao sa bar na nag-iinom. Lahat desente at mukhang may mga kaya sa buhay. Kung sabagat isang luxury hotel na ang Sullivan Hotel sa bayan ng San Rafael. Buti na rin at may pera pa s'ya, kaya afford pa n'ya ang mag hotel at mag bar.
Ilang araw lang naman siguro at makakahanap na s'ya ng malilipatan. Kung dito s'ya sa hotel titira isang linggo lang siguro ubos na ang ipon n'ya.
Naupo s'ya sa bar. Agad s'yang hiningan ng ID ng Bar tender. Dala naman n'ya ang wallet kaya may naipakitang ID.
Tumango ang bar tender saka tinanong kung ano ang gusto n'yang inumin. Hindi s'ya agad nakasagot. Wala naman kasi s'yang malay sa alak. Ito rin ang unang beses n'yang makapasok sa isang bar.
"Ah. Eh," nakailang ulit s'ya sa ganoong salita. Habang tumitingin sa mga alak na naroon. Gusto sana n'ya 'yung may tama para makatulog s'ya agad at tumigil muna ang utak sa pag-iisip.
"Are you allowed to drink?"
Sabay pa sila ng bar tender na napasulyap sa nagsalita. Agad na binati ng bar tender ang lalake. Agad n'ya itong nakilala si Zayn Sullivan.
S'ya naman ay napatitig rito. Bakit ba lagi n'yang nakikita ang lalaking ito? Sinusundan kaya s'ya nito? Imposible 'yon. Ito nag may-ari ng hotel. Kaya kahit anong oras pwede n'ya itong makita sa hotel. At ang nangyari sa eskwela na muntik na s'yang mabangga nito ay normal din 'yon. Ang mga Sullivan din ang nagmamay-ari ng Sullivan University.
Kaya hindi n'ya dapat isipin na sinusundan s'ya nito. Lalo na kung wala namang dahilan para sundan s'ya.
"Na check ko na po ang ID n'ya Sir," sabi ng bar tender.
Hindi pa rin kasi s'ya nagsasalita. Nanatili s'yang nakatingin sa gwapong kaharap.
Matagal na n'yang naririnig ang mga bulung-bulungan na sobrang gwapo nga daw ng nag-iisang tagapagmana ng mga Sullivan. At naririnig din n'yang single daw ito, pero maraming babaing kinakama. Normal na lang siguro sa mga tulad nito ang maraming babae. Panigurado naman na hindi basta-basta babae lang ang kinukuha nito.
"How old are you?" The handsome man asked her.
"I'm twenty," confident na sagot n'ya.
Tumango lang ito, at muli s'yang sinuri ng tingin. Saka naupo sa bakanteng upuan sa tabi n'ya. Narinig s'yang humingi ng alak sa bar tender. Mukhang iinom ito sa tabi n'ya.
Humugot s'ya ng malalim na paghinga at umayos ng upo. Kailangan na talaga n'ya ng alak. Sumenyas s'ya a lalake, matapos mailapag sa harapan ni Zayn ang alak nito.
"Ma'am,"
.
"Ah," saka na lang s'ya nagturo ng bote ng alak sa lalake. Agad naman tumango ito para ikuha s'ya ng baso.
Pasimple n'yang sinusulyapan si Zayn Sullivan na nasa tabi n'ya. Wakang ekspresyon ang gwapong mukha nito. Nakatuon ang mga mata sa may bar.
Wala s'yang masasabi sa isnag tulad ni Zayn Sullivan na mukhang nakuha na ang lahat ng swerte sa mundo. Gwapo, ma appeal. Siguradong maraming nagkakagulong babae rito. At napakabata pa nito. Mukhang hindi naman nalalayo ang edad nito sa kanya. Pero isa na itong matagumpay na negosyante. Pinanganak na mayaman. Ginamit ang talino para mas lalo pang yumaman. Ang swerte ng babaing mapapakasalan nito. Sa itsura naman nito mukhang hindi basta-basta magpapatali.
"Hindi masarap ang alak, natunawan na ng yelo," tinig ni Zayn na kinapitlag n'ya. Nakatuon pa rin kasi ang tingin nito sa bar. Hindi man s'ya nililingon, pero mukha alam nito na tinititigan n'ya ito.
Mabilis s'yang nagderetso ng tingin. Hinila ang baso sa harapan. Agad na dinala ang baso sa bibig.
Napaubo s'ya ng makalasaan ang pait ng alak at gumuhit ang init sa sikmura n'ya.
"Hindi ka ba sanay uminom?" Narinig n'yang tanong nito. Habang panay pa rin ang ubo n'ya.
Sinulyapan n'ya ito. Nakatingin ito sa kanya. Habang hawak-hawak ang basa nito.
Kakaunti pa lang ang nainom n'ya, pakiramdam na n'ya nasusunog na ang sikmura n'ya at nasa lalamunan pa n'ya ang pait.
"Kung sanay kang uminom. Hindi mo lalasaan ang alak. Idederetso mo sa sikmura," sabi pa nito.
Pinilit n'yang huwag magpahalata sa katabi. Pasimple din n'yang sinulyapan ang lalake sa loob ng bar. Pormal naman ito. Mukha professional na. 'Yung tipong kunwari'y walang naririnig at hindi interesado.
"I',m ok," sabi n'ya kay Zayn. Pakiramdam n'ya pinapanood nito ang bawat kilos n'ya. Naiilang tulong s'ya. Kung bakit naman kasi pinapansin pa s'ya nito. Hindi tuloy n'ya maiwasang makaramdam ng kakaiba. Feeling tuloy n'ya maganda s'ya at napukaw n'ya ang atensyon ng isang gwapong tulad ni Zayn Sullivan.
Kahit alam n'yang hindi n'ya kaya ang alak na iniinom ay pinilit pa rin n'yang ubusi. Lalo na't nakamata sa kanya si Zayn.
Pinilit n'yang lunukin ang pait at tiisin ang init sa sikmura ng hindi n'ya malaman kung anong klasing alak. Basta iisa ang sigurado n'ya, malakas ang tama ng alak sa kanya.
Matapos maubos ang alak. Nag-iba ang pakiramdam n'ya. Una n'yang naramdaman ang pag init ng kanyang mga mata, at pisngi.
Nagbayad na s'ya at hinila ang clutch bag para umalis na roon. Nang pagtayo n'ya ay biglang umikot ang paningin n'ya. Napakapit s'ya sa bar. Nahihilo s'ya at hindi magawang iakbang ang mga paa. Humigpit ang kapit n'ya sa bara at sa upuan, kung hindi tutumba s'ya.
"Ma'am ok lang po kayo?" Narinig n'yang tanong bar tender.
Hindi n'ya ito nasagot. Nanlalabo ang paningin na napasulyap kay Zayn. Hindi n'ya alam kung nakatingin ito sa kanya o ano. Pero naaaninag n'ya ang gwapong mukha nito.
Napangiti s'ya kasabay ng kanyang pag sinok. Habang pilit tinitigna ag gwapong si Zayn Sullivan.
"You are already drunk,"
Narinig n'ya ang magandang boses nito, na tila musika sa pandinig n'ya.
"You,' anas n'ya. At sinubukang lapitan ang lalake.
Dahil na rin sa tama ng alak ay hindi s'ya makalakad ng maayos. Buti na lang ang tumayo ito at nasalo s'ya.
"Be careful young lady," Zayn said.
"Hi," lasing na bati n'ya.
Sumunod na nangyari ay bumagsak s'ya sa bisig ni Zayn. Narinig pa n'yang napamura ito, bago s'ya tuluyang napapikit ng mga mata, dahil sa kalasingan.