Nagtititili s'ya. Habang nanlalaki ang mga mata nakatingin sa lalaking nakatapis lang ng tuwalya sa harapan n'ya.
Tuluyan na yatang nawala ang tama ng alak na naimom. Hindi maalis-alis ang mga mata sa lalaking kaharap. Hinihintay pa yata n'yang malaglag ang nakatakip na tuwalya sa lalake.
"Will you stop screaming! As if naman this is your first time na makakita ng lalaking nakatapis ng tuwalya," iritang sabi ng lalake sa kanya.
Huminto s'ya pagtitili. At naalala ang posisyon n'ya. Nakadapa nga pala s'ya sa sahig. Nahulog s'ya mula aa ikatlong palapag ng hagdan. Bigla kasi s'yang nadulas kanina sa hagdan, dahil na rin tipsy pa s'ya, sa lakas ng tama ng naimom n'yang alak.
Hindi nga n'ya alam kung paano s'ya nakarating sa sa silid na 'yon. At hindi n'ya alam kung nasaan s'ya ngayon. At kung bakit nasa harapan n'ya si Mr. Zayn Sullivan ang boss n'ya. Naalala pa n'ya na napasandal s'ya kay Mr. Sullivan kanina sa bar, bigla kasi s'yang nahilo. At hindi na n'ya alam ang mga sumunod na nangyari. Pag gising n'ya nasa loob na s'ya ng malaking silid. At eto na nga nasa harapan s'ya ni Mr. Sullivan.
"Get up!" Mariing utos nito.
Ginawa naman n'ya, kahit nahihirapan s'ya, dahil kahit tatlong palapag lang 'yon, nasaktan pa rin s'ya. Lalo na ang binti n'ya.
"Ah, aray," bulong n'ya. Masakit kasi ang binti n'ya.
"Stop your terrible acting!" Sita nito sa kanya..
Mukha ba s'yang umaarte lang? Eh nasaktan naman talaga s'ya. Ikaw ba naman mahulog sa hagdan hindi ka masasaktan. Maktol ng isip n'ya.
"Tumayo ka na d'yan," muling utos nito sa kanya. At lumakad palayo sa kinauupuan n'ya. Ni hindi man s'ya nito tinulungan makatayo. Anyway ano pa nga ba ang aasahan n'ya, eh boss n'ya ito at empleyado lang s'ya.
Pinilit n'yang tumayo, kahit masakit pa rin ang binti. Pati ang ulo, although aware na s'ya sa mga nangyayari.
Nang makatayo nilibot n'ya ang mga mata sa magandang kapaligiran, hindi nga lang n'ya alam kung nasaan s'ya.
"Sir-" alanganing tawag n'ya kay Mr. Sullivan. Nakatayo ito sa likod ng sofa at nakatingin sa kanya. Nakatapis pa rin ito ng tuwalya, at nakamata sa kanya.
Nadi-distract s'ya dahil wala itong damit pang itaas. Nasa harapan n'ya ang magandang katawan nito. Hindi naman n'ya first time makakita ng lalaking shirtless, pero ito ang kauna-unahang lalaking hubad na nagpakabog ng dibdib n'ya. At nakaramdam s'ya ng pagkailang. Pilit iniiwas ang mga mata sa malapad nitong dibdib.
"Nasaan po ako?" Nahihiyang tanong n'ya. Habang hindi alam kug saan ibabaling ang mga mata. Para maiwasan sulyapan ang magandang katawan nito.
"Nasa penthouse ko," sagot nito. Habang nakatingin sa kanya. Naiilang s'ya, pakiramdam n'ya sinusuri s'ya nito.
Napalunok s'ya, at muling ginala ang mga mata napakagandang penthouse. Ito ang unang beses n'yang makapasok sa isang penthouse. At masasabi n'yang maganda nga.
"Paano po ako-"
"Binuhat kita hanggang sa silid sa itaas," putol nito sa itatanong n'ya.
Napakagat labi s'ya. At bahagyang nagyuko ng ulo. Nahihiya kasi s'ya. Boss n'ya ito. Ang lalaking nag buhat sa kanya ay C.E.O ng hotel na pipasukan n'ya. At baka dahil sa nangyari ay patalsikin s'ya nito. Lalo na't nakita s'ya nitong uminom at nalasing.
Anong gagawi n'ya kung patalsikin s'ya nito. Kailangan pa naman n'ya ng trabaho ngayon.
Nag angat s'ya ng mukha at tumingin sa amo. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Mukha talagang sinusuri s'ya nito ng mabuti. Bagay na pinagtatakhan n'ya.
"Sorry po Sir, hindi na po mauulit," nahihiyang sabi n'ya.
"Hindi ka naman naka duty, kaya labas ako sa ginawa mong pag inom, at pagkawala ng malay kunwari,' sagot nito. Nanlaki ang mga mata n'ya sa huling sinabi nito.
"Hindi po ako-"
"Nagtatrabaho ka kay Madame hindi ba?"
"Madame?" Kunot noong tanong n'ya.
"Yah, kay Madame," sagot nito.
Iniling n'ya ang ulo. Hindi naman kasi n'ya kilala kung sino ang Madame na sinasabi nito. Napaisip pa s'ya at naalala ang isag guest na sinamahan n'ya kanina. Isang medyo may edad ng babae, na todo pustura pa. Sinamahan n'ya ang babae na salubungin ang mga guest nito kanina, at binigyan s'ya ng tip.
"Hindi po ako nagtatrabaho kay Madame," sagot n'ya. Ngumisi naman ito.
"Kilala ko na ang tulad mo. Ang pagkahimatay mo kanina sinadya mo 'yon, para makuha ang atensyon ko at dalhin kita sa silid," may pag-aakusa sa tono nito.
Sunud-sunod na iling ng ulo ang ginawa n'ya. Hindi n'ya sinadya ang lahat. Nanghina s'ya at nakatulog kanina, dahil sa lakas ng tama ng alak na ininom n'ya. Wala s'yang planong bumagsak sa kay Mr. Sullivan na amo n'ya.
"Inutusan ka ba ni Madame na akitin ako?" Taas kilay na tanong nito.
"Hindi po Sir. Hindi ko rin po personal na kakilala si Madame," sagot n'ya.
"You think paniniwalaan kita. Hindi ba planado mo ang lahat kaya ka narito sa penthouse ko," tila siguradong sabi nito.
"Hindi po ganoon 'yon Sir. Mali po ang iniisip n'yo. Wala po kaming ugnayan ni Madame. At nalasing po ako kanina, dahil 'yon ang unang beses kong uminom ng alak," paliwanag n'ya.
Nakatingin lang ito sa kanya. Mukha hindi naman interesado sa paliwanag n'ya. Maya-maya pa hindi nakaligtas sa kanya ang pagtingin nito sa kabuuan n'ya. Kung kinakabahan s'ya at dinaramdam ang sakit ng binti. Ngayon nadagdagan pa ng panginginig sa katawan, sa ginagawang pag suri nito sa kanya.
"Of course 'yan ang isasagot mo," bored na sabi nito. Nang ibalik sa mukha n'ya ang tingin nito.
"Student ka sa Sullivan University hindi ba?"
"Opo,"
"Isa kang staff dito sa hotel,"
"Opo,"
"Ilang taon ka na?"
Kumunot ang noo n'ya sa tanong nito. Ganoon pa man sumagot pa rin s'ya.
"Twenty po,"
"Hindi ko na itatanong kung may boyfriend ka. Dahil kung alaga ka ni Madame. Sigurado wala kang karelasyon. Dahil binubugaw ka ni Madame sa mga lalake,"
"Ano po?!" Gulat na tanong n'ya sa hindi makatarungang salitang ginamit nito.
"Hindi ako sanay na inuulit ang mga sinasabi ko," taas kilay na sagot nito.
Bumuntong hininga na lang s'ya. At nagkibit balikat. Napagkamalan s'ya ng boss n'ya na call girl, dahil lang sinamahan n'yang mag assist si Madame kanina sa mga guest nito. Pwede naman s'yang huwag na lang ipaliwanag rito ang sarili n'ya. Tutal mukhang hindi naman ito maniniwala.
"Sir, salamat po sa pag tulong sa akin at sa pagpapatuloy n'yo sa Penthouse n'yo. Aalis na po ako," pormal na sabi n'ya rito. Para hindi na humaba pa ang usapan nila. Para rin tumigil na ang pagkaba n'ya at panginginig ng katawan n'ya sa takot o sa ano mang nararamdaman sa amo.
"Salamat po ulit. Mr. Sullivan," muling pasalamat n'ya. At tumalikod na.
"Sandali," pigil nito sa kanya. Nahinto s'ya sa pag hakbang at sinulyapan ito.
Humakbang ito palapit sa kanya. Napalunok s'ya. Hindi na naman alam kung saan idadako ang mga matang na ma-magnet na yata sa magandang katawan ng amo n'ya.
"May gusto akong malaman,"
"Ano po 'yon Sir?"
"Kaya mo ba kong bigyan ng anak?"