Chapter-4

2104 Words
Pag-uwi n'ya ng bahay nagulat s'ya sa liwanag na nagkalat sa bakuran nila at malakas na tugtugin ang umaalingawngaw aa bakuran. Kibit balikat s'yang naglakad papasok ng gate nila. May ilang mga sasakyan ang nakaparada sa loob. Mukhang may pa party ang mag-ina. Inikot n'ya ang mga mata. Lalay ang mga balikat na naglakad sa loob ng bakura. Hindi pinapansin ang ilang mga kaedaran n'yang nag-iinuman. Marahil mga bisita ni Lorraine. "Hey Megan!' Narinig n'yang tawag ni Lorraine sa kanya. Hindi n'ya ito pinansin. Hinayaan lang n'ya ang malditang stepsister. "Megan!" Muli nitong tawag sa kanya. Tumigas ang mukha n'ya. At nagtuloy pa rin. Kamamatay lang ng Daddy n'ya, pero nagpa-party na ang mga ito. Halatang hindi man pinaluluksaan ang pagkamatay ng Daddy n'ya. Ano pa nga ba ang aasahan n'ya sa mag-ina. Pera lang naman ng Daddy n'ya ang habol ng mga ito. Alam n'ya 'yon sa simula palang. At ngayong wala na ang Daddy n'ya. Lahat ng naiwan ng ama ay nais angkinin ng mga ito. "Sandali nga! Tinatawag kita!' Galit na sabi ni Lorraine sa kanya. Humarang pa ito sa dinadaanan n'ya. Kasama ang isang lalake. Pamilyar ang mukha ng lalake. Mukhang estudyante din sa Sullivan University. Inikot n'ya ang mga mata. At masamang tingin ang pinukol n'ya kay Lorraine. "Umayos ka! Huwag mo kong tignan ng ganya!" Sita sa kanya ni Lorraine, sabay tulak pa sa balikat n'ya. Hindi s'ya kumibo. At akmang hahakbang para maiwasan ito ng harangin naman s'ya ng lalaking kasama nito. Nagtaas s'ya ng kilay at masamang tingin ang pinukol sa lalake. "Tumabi ka d'yan!" Taas kilay na sabi n'ya sa lalake. Ngumisi ang lalaking may hawak na sigarilyo sa kanya. Humitit ito sa sigarilyo saka binuga sa kanya ang usok. Muntik pa s'yang maubo. Pero pinigilan n'ya. Pinaypay sa kamaya ang usok para mawala sa hararpan n'ya. "Kinakausap ka ni Lorraine huwag kang bastos," sabi ng lalake. At muli s'yang binugaan ng usok. Mariin n'yang pinikit ang mga mata. Pagod s'ya sa maghapon n'ya sa trabaho at sa eskwela. At kung hindi titigil ang mga ito sa pambubwisit sa kanya, baka mapatulan n'ya ang mga ito. "Saan ka ba galing at ginagabi ka? Kanina pa tapos ang klase mo ah. Bakit hindi ka agad umuwi ng nakapaglinis ka at nakapaghanda sa amin ni Mommy ng pagkain!" Taas kilay na litanya ni Lorraine. Halatang nagyayabang lang sa lalaking katabi. Nagpapasikat ito sa lalake, eh ang pangit naman. "Hindi ko trabahong pagsilbihan kayo," taas kilay na sagot n'ya. "Umayos ka!" Sabay hila ni Lorraine sa buhok n'ya. Napasaktan s'ya, pero hindi kumibo. Mahigpit n'yang hinawakan ang kamay nito, para alisin sa buhok n'ya. "Para sabihin ko sa iyo, hindi na ikaw ang prinsesa sa bahay na ito. Isa ka na lang alipin namin ni Mommy. Kaya ngayon palang matutu kang sumunod!" Sabi nito at lalong hinila ang buhok. Masakit na ang anit n'ya. Pero hindi pa rin s'ya nagpapahalata. Pilit inaalis ang kamay nito sa buhok n'ya. "Lorraine si Megan ba 'yan?" Tinig ng isang lalake na umagaw sa atensyon nila. "S'ya nga," nakangising sagot ng lalake. Nakita n'yang tumatakbo palapit ang isa pang lalake palapit sa kanila. Buong lakas naman n'yang inalis ang kamay ni Lorraine sa buhok n'ya. At malakas na tinulak ito. Napatili pa ito at muntik ng bumagsak sa damuhan kundi lang nasalo ng lalaki sa tabi nito. "b***h!" Tili ni Lorraine at akmang sasaktan s'yang muli ng pigilan ng lalaking bagong dating. "Hayaan muna, leave her to me," nakangising sabi ng lalake. At sinulyapan s'ya. "Hell," bulong n'ya. At mabilis na lumakad palayo sa mga ito. "Isusumbong kita kay Mommy Megan tinulak mo ko!" Hiyaw ni Lorraine. Iniling lang n'ya ang ulo, at nagpatuloy sa paglalakad. "Megan, wait," pigil ng lalake sa braso n'ya. Mabilis n'yang winaksi ang braso para maalis ang kamay nito sa kanya. "I'm Richard," pakilala ng lalake sa kanya. Hindi n'ya ito pinansin nagtuloy s'ya sa paglalakad. "Richard come here! Pabayaan mo ang babaing 'yan. Lagot 'yan kay Mommy mamaya!" Tinig ni Lorraine. At nagpasalamat na ring hindi na s'ya kinulit pa ng lalake. Kaya dali-dali na s'yang pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok sa loob bumungad ang larawan ng mag-ina kasama ang Daddy n'ya. Kung saa nakalagay ang dating larawan nila ng Daddy n'ya, ang Mommy n'ya. "Bakit ngayon ka lang?" Sita sa kanya ni ng madrasta. "Galing po ako sa trabaho," magalang pa ring sagot n'ya. Kahit masama ang ugali nito sa kanya tulad ng anak nito. "Sino bang nagsabi sa iyo na pwede kang magtrabaho?" Taas kilay na tanong nito sa kanya. Humakbang ito palapit sa kanya. Hindi n'ya maiwasan na mapasulyap sa magarang damit nito at naka alahas pa kahit gabi na. Pati mga alahas ng Mommy n'ya pinakialaman na nito. Kung sa bagay kahit pa naman noong buhay ang Daddy n'ya nasusulsulan na n'ya ang Daddy n'yang ipahiram ito rito. "Para sabihin ko sa iyo, hindi mo kailangan magtrabaho sa labas. Dahil dito ka sa bahay magtatrabaho. Alam mo naman siguro na wala na ang ilang mga kasambahay at driver. Si Manang Iska na lang ang natitira. At hindi naman kaya ni Mang Iska ang lahat ng trabaho dito. Kaya tulungan mo s'ya," litanya nito. Hindi s'ya kumikibo. Nanatili s'yang nakamata rito. "Pagkatapos mo sa eskwela deretso ka sa bahay. Ikaw ang gagawa ng ibang gawain sa bahay at-" "Bakit ko naman po gagawin?" Kumunot ang noo ng madrasta n'ya sa tanong n'ya. "Baka nakakalimutan mo. Ako na ang nagpapakain sa iyo at nagpapa-aral. Kaya kailangan mong pagtrabauhan ang lahat," "Pera ng Daddy ko ang ginagamit mo!" Mariing sagot n'ya. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi n'ya. Tumabingi ang ulo n'ya at buong tapang na tinignan ng masama ang madrasta. "Ako ang asawa ng Daddy mo. Legal kaming mag-asawa kaya ang lahat ng naiwan n'ya ay ako ang mag ma-manage. Pati ang perang nakalaan para sa iyo ako din ang mag ma-manage. Kaya ako na ang nagpapakain sa iyo!" Galit na sagot nito. Hindi na lang s'ya kumibo. Pero hindi inalis ang masamang tingin sa madrasta. "Huwag mo kong titignan ng masama na akala mo kaya mo ko Megan!" Nanlilisik na mga matang sabi nito sa kanya. "Iska! Iska!" Tawag ng madrasta kay Manang Iska "Dalhan mo ko ng tsa-a sa silid ko! Sumama ang pakiramdam ko sa salbaheng batang ito!" Sabi ng madrasta. At tinapunan s'ya ng masamang tingin. Saka tumalikod na sa kanya. "Damn it," bulong n'ya. Habang nakasunod ng tingin sa madrastang paakyat ng hagdan. "Ayos ka lang ba Megan?" Nag-aalalang tanong ni Manang Iska sa kanya. Tumango naman s'ya rito kahit papano. "Gagawan ko lang ng tsa-a si Ma'am Loren. Tapos ipaghahanda na kita ng dinner," sabi nito. "Huwag na po. Gusto ko na po kasing magpahinga," "Ipag-aakyat na lang kita sa silid mo," "Huwag na po. Kumain na rin po kasi ako sa trabaho kanina," pagsisinungaling n'ya. Hindi rin naman kasi s'ya makakain dahil sa napakaraming problemang iniisip. "Sigurado ka ba?" May pag-aalalang tanong ni Manang Iska. "Opo," sagot n'ya. Saka nagpaalam ng aakyat na para magpahinga. Pag-akyat sa silid naririnig pa rin n'ya ang malakas na tugtugin sa bakuran. Naupo s'ya sa kama. At hinaplos ang pisnging nasampal kanina ng madrasta. "Hindi mo na ko masasakta Loren!" Mariing sabi n'ya. Hindi s'ya magtitiis na makisama sa malditang mag-ina sa bahay nila. Hindi n'ya hahayaan ang pananakit sa kanya ng mga ito. Mabilis s'yang tumayo sa kama. At nilabas ang malaking bag. Aalis s'ya sa bahay na ito. May pera pa naman s'ya kahit papano. Kaya n'yang buhayin ang sarili. Isa pa may trabaho naman s'ya sa hotel. Kahit pangkain lang sa araw-araw ay makukuha na n'ya. Kesa sa magtitiis s'yang kasama ang malditang mag-ina. Matapos maiayos ang mga gamit. Nagpahinga na muna s'ya. Bukas ng maaga s'ya aalis. At hindi babalik hangga't hindi s'ya nakakaipon ng sapat na lakas para mapalayas ang mag-ina. Hindi rin s'ya naniniwalang iiwan lahat ng ama ang mga ari-arian kay Loren. Aalamin n'ya ang lahat, para s'ya mismo ang magpapalayas sa mag-ina. Naalimpungatan s'ya ng may maramdaman na tila humahawak sa binti n'ya. Madilim ang buong silid. Ilaw na nanggagaling sa poste sa labas lang ang nagbibigay liwanag sa silid. Hindi s'ya nagkakamali may lalaking humahawak sa binti n'ya. Pinilit n'yang binuksa ang mga mata. May nakita s'yang bulto sa may paanan ng kama. Napatili s'ya at napabalikwas ng upo sa kama at nanginginig ang mga kamay na kinapa ang lampshade sa gilid ng kama. Kumalat ang liwanag at nakita n'ya ang lalaking kasama ni Lorraine sa party kanina. Nagpakilala ang lalake na Richard. Pero ano ang ginagawa ng lalaking ito sa silid n'ya. At paano ito nakapasok sa loob. Ni lock naman n'ya ang pintuan kanina bago s'ya matulog. "What the hell are you doing?!" Hiyaw n'ya. "Sssshh. Huwag kang maingay. Makikipaglaro lang ako sa iyo," sagot nito. Halatang nakainom ito.. "Get out!" Sigaw n'ya. Akmang bababa sa kama ng mahila nito ang paa n'ya. Nagtitili s'ya. Pinagpapadyak ang paa para bitiwan s'ya nito. "Get off!" Sigaw n'ya. At lalong nagsisigaw ng malakas. Para may makarinig sa kanya. Baka sakaling marinig s'ya ni Manang Iska at matulungan s'ya. "Kahit sumigaw ka pa walang tutulong sa iyo. Si Lorraine ang nagpapasok sa akin dito," nakangising sagot nito. "That b***h," "Saglit lang naman ito. I'll make sure na masisiyahan ka," "Hell no!" Sigaw n'ya at lalong nanlaban. Lasing ito kaya hindi ito ganoong kalakas. Makakaya n'ya itong labanan. Buong lakas n'yang hinila ang lampshade at pinukpok 'yon sa ulo ni Richard. Kumalat ang dilim s pagkakatanggal sa saksak ng lampshade. "AAAAAH!" sigaw ni Richard. At nabitawan ang paa n'ya. Nakakuha s'ya ng pagkakataong makababa ng kama. At nagtatakbo sa may pintuan. Habang namimilipit sa sakit si Richard. Binuksan n'ya ang ilaw sa silid. Saka kumuha ng pwede pa n'yang maipamalo sa lalake. Nang akmang papaluin n'ya ito muli at nagmakaawa ito sa kanya. "Napag utusan lang ako, Megan," sabi nito habang namimilipit pa rin sa sakit. Nabitin sa ere ang pagpalo sana n'ya rito muli. "Si Lorraine inutusan akong pasukin ka rito, at gawan ng masama," amin nito. Hindi s'ya kumibo. Ano pa nga ba ang aasahan n'ya kay Lorraine. Lahat gagawin ng babaing 'yon, para mapahamak at masira s'ya. Hindi na nga s'ya ligtas sa sariling bahay. Mabilis n'yang hinila ang bag. Buti na lang naiayos na n'ya lahat ng gamit kagabi. Hindi na s'ya ligtas rito. Baka mamaya pagpikit n'ya ibang lalaki naman ang utusan ni Lorraine para gawan s'ya ng masama. Matapos makuha ang mga gamit binato n'ya kay Richard ang pamalo. Tumama 'yon sa ulo nito. Napasigaw na naman ito sa sakit. Saka nagmamadaling lumabas ng silid. Walang tao sa pasilyo. Pero may mga naririnig s'yang nagtatawanan sa may ibaba. Suot malaking bagpack sa likod matapang s'yang bumaba ng hagdan. Nagulat pa ang grupo ni Lorraine ng makita s'ya. Marahil hindi inaasahan ng mga ito na makakaligtas s'ya kay Richard. Well sorry sila isang lame na lalake ang pinadala ng mga ito. "Megan?" Kunot noong tawag sa kanya ni Lorraine saka sinalubong. "Where are you going?" Isang malakas na sampal ang binigay n'ya kay Lorraine. Tumili ito. Naghiyawan naman ang mga kasamaan nitong babae at lalake. "How dare you?" Nanlilisik ang mga matang sabi nito. Akmang sasampalin s'ya ng mahuli n'ya ang kamay nito. Saka muling sinampal ng malakas ito sa pisngi. At buong lakas na tinulak ito. Nag hiyawan ang mga kasamahan nito.Pero ni isa walang lumapit para tulungan ito. Masamang tingin ang pinukol n'ya kay Lorraine. Hindi na nagawa nitong tumayo, marahil natakot na rin sa kanya. Saka inisa-isang tinignan ng masama ang mga barkada nito. At walang salitang nagtuloy s'ya paglabas ng bahay. Sa susunod na babalik s'ya kakaladkarin n'ya ang mag-ina palabas ng bahay nila. Dinala s'ya ng mga paa sa Sullivan Hotel. May pera pa naman s'ya, kahit pambayad lang ngayong gabi sa mamahaling hotel. Papalapit s'ya sa receptionist ng bigla n'yang makita si Zayn Sullivan. Nagkatinginan sila nito. Kumunot ang noo nito. Habang nakatingin sa kanya. Alam n'yang magulo ang buhok n'ya at nakasuot lang s'ya ng manipis pantulog wala din s'yang suot na bra. At nasa likod ang malaking bag. Wala na s'yang oras kanina para magbihis. Matanda naman ang sinakyan n'yang taxi kaya marahil hindi s'ya nailang. Pero ngayon nakaramdam s'ya ng pagkailang. Habang nakatingin sa kanya si Zayn Sullivan. Tila kasi s'ya nito sinusuri. Marahil nagtataka ito kung bakit ganoon ang itsura n'ya. At kung bakit nasa hotel s'ya ng ganitong oras. Maya-maya pa iniling nito ang ulo. At nagtuloy sa paglalakad. Bumuntong hininga s'ya. At napahawak sa dibdib na ewan kung bakit biglang kumabog ang dibdib n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD