Chapter 20
Putang ina! I am cursing myself while putting on my shirt. Bakit kailangan kong gawin to? Bakit kailangan kong makunsensiya? Bakit hindi ko magawa sa kanya ang mga bagay na ginagawa ko sa ibang babae?
I groaned when I felt the pain in my groin.
Fuck!
I looked for a flashlight at pinilit kong hindi mapatingin sa kanya. I would snap once I have a glimpse of her on my bed, almost naked. Bakit ba kasi ngayon ko pa naisipang maging mabait? Sana bukas na lang!
Nung makita ko ang flashlight, agad akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa comfort room na nasa second floor ng ancestral house.
I jerked off alone on my wedding night.
Way to go Raphael!
Pagkatapos ko sa CR dumiretso na ako sa aquarium ni Lilac kasi wala akong magawa. Hindi ko pa kayang bumalik sa kwarto namin ni Ana. Pagkatapos ko kay Lilac, lumabas ako sa bahay at nagpahangin sa may garden. Kinalma ko na din ang sarili ko hanggang sa bumalik ang ilaw.
Pumasok na ako at nakita ko silang nagkakantahan. Nakisali ako.
“This is dedicated to my wife, Ana.” I winked at her pero inirapan niya ako. I sang Making Love Out Of Nothing At All.
Pulang pula siya dahil sa pinaggagawa ko habang kumakanta. Hiyang hiya din siguro dahil tinutukso kami ng mga pinsan ko.
Somehow I know where her irritation is coming from. Siguro para sa kanya, binitin ko siya at mas pinahalagahan ko pa si Lilac. Pero hindi lang naman siya ang nabitin. Hindi din niya alam ang pagpipipigil ko. Hindi niya alam kung gaano kahirap ang tumigil. Nakakabaliw. She don’t know and she doesn’t have to know.
Pagkatapos kong kumanta at pagkatapos ng pagbabanta niyang sasaksakin ako ng ballpen, binuhat ko na lang siya at iniakyat sa kwarto.
I uncermoniously threw her on the bed.
“Ano ba!” Nahiga ako sa tabi niya and I am so unsure what to do next. Nagtatalo ang isip ko kung ano ba ang tamang gawin. Should I just give in to my lust over Ana or paiiralin ko ang kunsensiya ko?
Bakit nga ba importante sa akin kung ano ang iisipin niya? Bakit nga ba importante sa akin ang magiging reaction niya? Ano ba ang kaibahan niya sa ibang babae? They are all the same, somebody who can quench my s****l needs. Then why do I care what would Ana think?
Napatingin ako sa kanya and I saw her sleeping. Pantay na ang paghinga niya samantalang ako, gulong gulo ang isip.
“Ana.” Tinawag ko siya pero hindi siya nagsalita. Nakatulog na talaga. Pero hindi ako mapakali kaya niyugyog ko siya.
“Ano ba! Kitang natutulog na ako eh!” Inis na sabi niya at tiningnan ako ng masama.
“Ilang taon ka na Ana?” What a stupid question.
“Ginising mo ako dahil lang dyan!?” Iritableng singhal niya sa akin.
“Sagutin na lang kasi!”
“Ano naman ang pakialam mo sa edad ko?’
“Ayaw kong makipagsex sa babaeng ni wala akong alam!” Kelan ko pa naging mantra yun? Para namang hindi ako nakipag one night stand every now and then.
“Sino nagsabi sayong makikipagsex pa ako sayo!?” Galit pa din siya. Lihim akong napangiti. It’s nice to know na hindi lang pala ako ang frustrated sa aming dalawa.
“Kung wala ka nang plano, ako meron, kaya kailangan kitang kilalanin. Naturingan pa naman kitang asawa. Ngayon, sagutin mo na ang tanong ko.”
“23”
“Bakit wala kang naging bf? Wala bang may nanligaw sayo? Kunsabagay…” Wala naman siguro di ba? Considering how innocent she is. But thinking of her having a boyfriend irked me.
“Anong wala? Madami ang nanliligaw sa akin ah. Ako yata ang Reyna Elena last year. “ I tried not to laugh.
“Kaso…”
“Kaso?” What’s wrong with the guys you’ve met Ana?
“Hindi sila mayaman.”
“Pera lang ang habol mo sa mga lalaki?” I should be disappointed but instead I found myself admiring her honesty. Sino pa ba ngayon ang babeng umaamin na pera lang ang habol sa mga lalaki. Si Ana lang ata ang babaeng hindi takot masabihan na mukhang pera.
“May iba pa bang hahabulin sa inyong mga lalaki?” Man hater ba to?
“Meron. Katawan at kagwapuhan namin. Pero Ana, manhater ka?”
“Hindi ah! Hindi ko lang naappreciate ang presence niyo sa Earth.” Kita mo to! Hindi ba niya alam na hindi dadami ang mga babae kung wala kami? Hindi ba niya alam kung gaano kalungkot ang buhay ng babae kung walang mga lalaki? Hindi ba niya alam na kinuha sila sa tadyang namin? Kung makapag salita to!
Gusto ba niyang tusukin ko siya at nang malaman niya kung paano namin kinokumpleto ang buhay ng mga babae.
Nakita ko siyang naghikab.
“Isang tanong na lang.” I said just to annoy her.
“Ano yun?”
“Baliw ka na ba simula nung pinanganak ka?” I laughed at her.
“Gusto mong balatan kita ng buhay? Yun ang ginagawa ng mga baliw. Lalo na yung mga baliw simula nung pinanganak” Naniningkit ang mga mata niya habang nagsasalita.
“Joke lang. Ikaw, hindi ka magtatanong sa akin?” Hindi mo ba isa-suggest na ituloy na natin ang naudlot na mainit na sandali? Hindi mo ba ako aakitin? I wanted to add pero baka batukan na niya ako. After all, she’s still the queen of amazons.
“Hindi na.” She closed her eyes again.
“So okay lang sayo na magsex tayo kahit di mo ako masyadong kilala?” Napadilat siya at napangiti ako.
“Kapal mo huh! Hindi lang talaga ako interesado sa buhay mo. Mas interesante pa ang matulog.” Ouch!
“Nakakasakit ka ng damdamin.” Madamdaming sabi ko at may kasama pang hawak ng dibdib.
Napaisip ako. What am I doing? I am in a bed with a desirable woman at wala akong ginagawa kundi ang makipagkwentuhan sa kanya. Worst, I am enjoying our conversation.
“Ikaw naman nakakasakit ka ng puson.”
“So inaamin mo din na nabitin ka?” I teased her further.
“Ikaw ba hindi? Pero hindi na ako interesado. Kung gusto mong ituloy yun, yayain mo si Lilac.” She turned her back on me at hindi na ako pinansin.
Bago ako natulog, may nabuo akong desisyon. There will be no honeymoon. At least not now. She’s not yet ready.
Maaga akong nagising at kinausap si Grandma para sa pagbabalik ko sa opisina dahil baka hindi ko matupad ang nagging desisyon ko. Pagkatapos namin mag usap ni Grandma, I headed to Ana’s parents para ipagpaalam siya.
Pero bago ako umalis sa bahay nila, kinausap ako ng ama niya.
“Pinaubaya namin si Ana sa’yo dahil nagtitiwala kami sa pamilya niyo Raphael. Pero kung sasaktan mo lang siya, ibalik mo na lang siya sa amin.”
“Hindi ko po siya sasaktan.” Seryosong sabi ko. Pero dapat pala hindi ko yun sinabi. I shouldn’t have promised something something that I can’t do.