Chapter 21
Napataas ang kilay ko pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko. I saw Ana on top of my bed jumping up and down like a lunatic.
“Yes! Umalis na si Paeng! Yes! Sana wag na siyang bumalik! Yes! I’m free!” She shouted while still jumping. Parang bata. Hindi man lang naisip na baka mahulog siya.
“Sana mahulog siya sa kanal at kainin ang giant poop para di na siya makabalik dito!” What the hell!She’s that desperate to get rid of me?
I looked at her while she’s jumping, tumataas ang palda niya kaya nakikita ko ang legs niya kaya hinayaan ko na lang siya. But she stopped upon seeing me, I was disappointed. Her eyes grew wide and I raised my brows at her. She looked guilty. Dapat lang na maguilty siya dahil narinig ko ang kagustuhan niyang mamatay ako.
“A-akala ko pumunta ka ng Maynila?” She stammered.
“Nang di ka kasama? Asa! Pumunta lang ako kina Mama at Papa para ipagpaalam ka na doon na tayo titira.” Sumimangot siya and she didn’t even exert an effort to hide it. It’s obvious that she’s against the idea of us coming to Maynila.
“Eehhhh…Paeng, pwede naman na doon ka na tumira at dito ako titira di ba? Mas masaya nga yun eh. Free ka at free ako.” Good idea, but no! Grandma will surely get mad and besides, I wanted her beside me.
Now, where did that idea came from?
“And leave our marriage unconsumated? No way!”
“Paeng naman eh!” Bumaba na siya ng kama at lumapit sa akin. Pumasok na din ako sa kwarto and I closed the door.
“Ayusin mo na ang mga gamit mo.”
“Paeng!” Nagulat ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang braso ko at naglambitin. What the heck!
“Ana! Let go!”
“Ayaw ko! Sabihin mo muna na hindi mo ako isasama sa Maynila. Sabihin mong iiwan mo ako dito!”
“No! you’re my wife. Dapat kasama kita.”
“Ayaw kitang kasama! Ang manyak mo kaya! I’m sure mamanyakin mo ako araw at gabi!” How did she know what I’m thinking?
“Oh sige.”
“Hindi mo na ako isasama?” Her eyes twinkle with the idea. She’s bad for ego. Really, really bad.
“Yes. Sa isang condition. Let’s have s*x now. Let’s consummate our marriage.” Seryosong sabi ko.
Bigla siyang bumitiw sa paglambitin sa akin at sumimangot.
“Nasaan na ang maleta? Tulungan mo ako sa pag iimpake. Baka abutin tayo ng gabi sa daan.” Napangiti ako. Kailangan lang palang sindakin ang babaeng ito.
But hell, having s*x with her right now, suddenly sounds so appealing. Ugh!
Tumalikod na ako at lumabas ng kwarto before I lose my control at mahawakan ko pa ang pwet ng babaeng yun.
After an hour, natapos din siya sa pag eempake at binitbit ko na ang mga gamit niya papunta sa sasakyan. Pinadala ko pa sa driver ang Escalade para maging sasakyan namin ni Ana. Ang totoo, pwede ko naman gamitin ang isa sa mga van pero in a way, nagpapa-impress ako kay Ana.
Gusto niya ng mayaman eh di pakitaan ng kayamanan. Who wouldn’t be impressed with an Escalade? But I was wrong, so wrong. I should have known that Ana have a weird view of life.
“Wow Paeng! Kanino mo naman ito hiniram?” She blurted out pagkapasok niya sa loob. I can see that she’s impressed with my car. Pero ano daw? Anong hiniram?
“Ganda nito ah! Siguro mga 1 Million to ano?” Tumaas lang ang kilay ko sa kanya. Bakit nga ba ako nagpapaimpress ako sa babaeng ito? Crap! It’s useless.
“10 Million.” I said curtly. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang napaka absurd ng sinabi ko. Para bang wala akong kakayahang bumili ng Cadillac Escalade.
“Sus! Maniwala ako sayo. Sino ang sira ulong gagastos ng sampung milyon para sa ganitong truck?” Sira ulo? Truck?
“Truck ang tawag mo dito?” She’s unbelievable.
“Alangan naman nakotse eh ang laki nito.” Gusto kong matawa. Kahit na nakakairita itong si Ana, her innocence is really refreshing.
“SUV ang tawag dito.” I explained but she just smirk.
“Anong pakialam ko? Basta para sa akin truck ito.” Umupo na siya at sumandal sa upuan. I look at her and I can’t help my smile. Siguro mukha na akong baliw. Pero nakakaaliw kasi talaga si Ana.
“Alam mo ang kulit mo. Gusto mong mabinyagan dito sa kotse? Kunsabagay hindi pa rin naman nabibinyagan ang kotseng to. Sabay na lang kayo.” She looked at me na nakakunot ang noo. Pero ibang imahe na ang pumapasok sa isip ko. Very erotic idea that would surely scandalize Ana once she found out.
“Excuse me! Pero bata pa lang ako, nabinyagan na ako. Catholic ako. At bakit ang kotse bibinyagan? Kailangan din nila ng religion? Baka blessing ang sinasabi mo, hindi binyag! Tanga!” That did it. The erotic ideas fade like a bubble. What a way to spoil my mood. Nonetheless, hindi ko napigilan ang tawa ko. I laugh so hard that I need to hold on to my abs.
“Taeng yan! Blessing daw. Pwede din!” Tumawa ulit ako at mukhang hindi na niya nagugustuhan ang pagtawa ko. But I can’t help it. Bakit ba napakainosente niya? Nakakakunsensiya tuloy molestiyahin.
“Hoy!” Galit na sabi niya pero nung tumingin ako sa kanya hindi ko ulit napigilan ang tawa ko. f**k this!
“Hoy! Ano ba! Bakit ka tumatawa. Para kang sira! Tumigil ka!” Pinalo na niya ako pero hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko.
“Hindi ka titigil? Sisipain ko tong computer na to.” I looked at her while she aiming her feet on the car monitor. Pinilit kong pigilan ang tawa ko.
“Oi wag yan! Wag yan. Ito na, titigil na.” But it was so hard and I can’t stop myself from smiling. Ang nangyari tuloy, habang nagdadrive ako pabalik ng Maynila, hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ko.
It was the most entertaining drive I’ve ever had and it got me thinking. It wasn’t bad marrying Ana after all. It was not really bad. In fact, I am looking forward na makasama siya sa bahay. Makasama ng matagal. And that thought alone alerted me.
What the hell! Why am I associating Ana with my future? Suddenly, the idea about annulment after six months is no longer appealing.
Gusto ko ganito kami palagi. Gusto ko ng ganitong pakiramdam. Parang ang gaan ng pakiramdam. Parang ang komportable ko. The feeling is heedy and fulfilling. I realized, I wanted this feeling to really, really last.